Bad Boy meets Good Girl || Vi...

By dawnzpost

130K 2.1K 277

May mga taong darating nalang sa buhay mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang taong magpaparamdam sayo ng... More

Introduction
Badtrip >_<
Blame ME
The Reason
Vice the Bad Boy
Spider
Slam Book
The Mortal Enemy
Do I like Him? Part 1
Do I like Him? Part 2
Mutual Feelings
Pustahan
Boys & Girls
The Enemy
The First Revenge
The Parents
Welcome to My Family
My Dream
The Stalker
Searching...
Tortured
The decision
The Marriage
The Truth
Ang Pagbabalik
The beginning
Find Them
Face off
It's my turn
The Party
JunJun
ViceRylle
The Plan
The Finale
Bad Boy meets Good Girl (Book 2)
Officially Engaged (Special Chapter)

The Revenge

2.7K 53 7
By dawnzpost


Saktong kakalabas lang ni vice sa orphanage ng may tunawag sa kanya.

Student: Vice, nandito na kami.

V: Kasama nyo na ba sila?

Student: Oo. Punta ka nalang dito, sa dating lugar.

V: Good. Sige, hintayin nyo ako dyan, bantayan nyong mabuti ang mga yan. Kapag yan nakatakas, patay kayo sakin lahat.

Student: Oo naman Vice.

V: Dala nyo rin ba lahat ng pinadala ko sa inyo?

Student: Oo at alam na namin ang gagawin.

V: Kailangan nyong mapaamin ang mga yan.

Student: As you wish, Vice Pogi.

V: Sige na, papunta na ako dyan. I'll be there in 10 minutes. (Sabay end ng call. Pero di pa nakakailang segundo na nakababa ang phone nya ay may incoming call na ulit sya galing kay Vhong.)

V: Hello!

Vhong: Brad, asan ka?

V: Bakit?

Vhong: Pwede ba tayong magkita ngayon ng barkada?

V: May lakad ako eh. Next time nalang.

Vhong: Sama nalang kami sayo.

V: Hindi pwede, tol. Importante to.

Vhong: Ano na naman ba yan?

V: Basta! May sisingilin lang ako.

Vhong: Brad, ano yang binabalak mo?

V: Wala! Ipapatikim ko lang naman sa kanila yung pinaranas nila sakin. At sisiaguraduhin kong doble o triple pa yun.

Vhong: Brad, mag-isip ka muna bago mo gawin ang isang bagay.

V: Bakit? Nag-isip rin ba sila bago nila ginawa yun sakin? Brad, kilala mo ako. Hindi ako basta-basta nagpapatalo. Inumpisahan nila, pwes ako ang tatapos para sa kanila.

Vhong: Brad naman eh!

V: Umpisa palang to ng paghihiganti ko, tol. Wala pa to sa kalahati kaya humanda silang lahat. Magtago na ang dapat magtago.

Vhong: Brad, kung gaganti ka, sama kami!

V: Wag na! Laban ko to kaya ako ang tatapos nito. Kaya ko to, tol.

Vhong: Brad! Nasan ka ba ngayon? pupuntahan ka namin.

V: Sige na, malapit narin ako eh! Bye!

Vhong: Brad! (Pero di na natuloy ang sasabihin ng nag-end call na si Vice.)

Vhong: Fvck! (Sabay tapik ng noo nito. Nag-dial ulit sya at sinubukang tawagan si Vice pero out of coverage na to.) Sh*t! saan kaba talaga pupunta, Vice?

Billy: Brad! (Sabay lingon sa kanan nito. Nakita naman nyang papalapit sa kanya sila Billy kasama pa ang iba)

Vhong: Brad!

Billy: Ano na? Nasaan na si Vice?

Vhong: Brad, may problema tayo. Nakausap ko si Vice, at ang sabi may lakad daw sya ngayon, may sisingilin daw syang utang.

Billy: Ano? Sino sila?

Vhong: Hindi ko alam, siguro yung mga bumugbog sa kanya noon.

Echo: Wala tayong magagawa pagdating dyan.

Vhong: Asan yung mga girls? Kailangan na natin silang kausapin.

Habang nag-uusap naman sila Vhong at Echo tinawagan naman ni billy si si
Coleen para sabihin magkita silang lahat.

-----

Student: Vice... (Sabay tayo nilang lahat ng makarating siya.)

V: Kamusta mga yan?

Student: Buhay pa naman.

V: Mabuti naman, kasi pag natuluyan ang mga yan, isusunod ko kayo sa hukay.

Student3: Vice naman, seryoso ka?

V: Sige! Umpisahan na natin. Alisin nyo mga blind fold nila. (Sinunod naman ng mga ito ang utos ni vice.)

Nang maalis naman ang blind fold nila, laking gulat naman ng mga ito ng makita si Vice.

Boy1: Ikaw..? (Takot na sabi nito.)

V: Long time no see. (Nakangiting sabi nito.) Kamusta? Nakikilala nyo pa ba ako?

Boy2: Vice anong ibig sabihin nito?

V: Wala naman. May gagawin lang tayong laro. Boys, gusto nyo bang magalaro kasama nila? (Tanong nito sa mga estudyante.)

All: Oo.

Boy4: Anong laro? (Kinakabahang tanong nito.)

V: Wag kayong mag-alala madali lang ito. Question and Answer.

Student6: Gusto namin yan. Anong mga tanong naman, Vice?

V: Simply lang din. Kailangan lang nilang apat na sagutin ang mga tanong na ibibigay ko sa inyo para basahin sa kanila. Sa bawat tanong dapat may sagot. Walang pass, every pass sa mga question mali na agad yun. At ang maganda dito, bawat mali plus 5
Seconds sa time nila.

Student3: Time nila saan?

Vice: Time nila para mag-swimming. Hindi ba maganda yun? Sakto, summer ngayon.

Student: Tama!

V: Oh! bago ko pala makalimutan, meron lang silang 10 seconds to answer each question.

Student4: Sandali vice, ilang seconds yung first swimming nila?

V: Oo nga pala! Buti natanong mo. 15 seconds lang naman. Hindi na masama yun. Ngayon kung magkakamali sila sa next question plus 5 seconds kaya naman magiging 20 seconds na! So, ano simulan na natin?

All: OKAAAAY! (sabay-sabay na sabi nila. Nanginginig naman na sa takot yung apat sa mga sinabi ni Vice.)

Student: Ito na! First question! Kilala nyo ba si Vice?

AllBoys: Oo. (Mahinang sagot nila.)

Student: Follow up question. May ginawa bang masama sa inyo si Vice?

AllBoys: Wala!

V: Aba! Magaling kayong sumagot ah! Ipagpatuloy nyo yan. Next question.

Student: Next question. Kung walang atraso sa inyo si Vice, bakit nyo sya binugbog? (Nagkatinginan naman silang apat at walang gustong sumagot.)

Students: 1 2 3 4 5....(pagbibilang nila)

Boy2: Wala!

Student: Wala?

Student3: Wala? Hahahaha adik pala sila, Vice eh. (Sabi nito habang tuloy parin sa pagtawa, tinignan naman ng masama ni vice kaya napahinto ito.)

V: Wala?! Wrong answer. Sige, ilublob nyo sila sa tubig.

Students: Masusunod! (Sabay hawak sa kanila na naka-duct tape ang kamay sa likod. Nilapit naman nila sa tig-isang drum na puno ng tubig at tsaka isa-isang nilublob ito ng 15 seconds. Pumapapalag naman silang lahat pero wala silang magawa. Nang matapos naman ang 15 seconds ay parehas silang hinahabol ang hininga.)

V: 15 seconds palang yan, pero hinahabol nyo na hininga nyo. Ano pa kaya sa mga susunod na tanong? Tapos pag mali ang sagot ng bawat isa sa inyo, plus 5 seconds. Kaya kung ako sa inyo, ayusin nyo mga sagot nyo. Next question.

Student: Okay! Next. Sino yung boss na sinabi nyo nung time na binugbog nyo si Vice? (Sabay tingin sa apat.) Oooops! Wait lang, dapat tama ang maging sagot nyo dito or else plus 5 seconds.

Boy4: Paano kung nagsasabi kami ng totoo?

V: Ako lang ang pwedeng magsabi kung tama o mali ang sagot nyo. At kayong apat, wala kayo sa posisyon para questionin ako, understand? Kaya sumagot na kayo.

Boy3: Wala kaming alam sa sinasabi mo Vice.

V: Wala? (Sabay lapit nito sa lalaki at hinawakan ng mahigpit ang mukha nito.) Wala nga ba talaga ha? (Sabay suntok nito sa tyan nya.)

Boy3: Aaah! (Sigaw nito.)

V: Ikaw? Anong sagot mo? (Tanong nito sa pang-apat na lalaki.)

Boy4: Wala! (Sabay suntok din ni vice sa kanya. At ganun din ang ginawa pa sa dalawa dahil wala itong makuhang sagot.)

V: Sige! Sa tubig sila. Wag nyong bibitawan hanggat di ko sinasabi.

Student: Wala na yung plus 5 seconds?

V: Pinapainit nila ulo ko eh, kaya wala na yun. Ang utos ko ang sundin nyo. Paaminin nyo yang mga yan. Hanggat di nila sinasagot ang tanong ko, wag kayong titigil.

Students: YES BOSS!!!

After ng utos ni Vice ginawa na nila ang pinapagawa nito, hindi nila binitawan hanggat di niya sinasabi.

Ilang seconds narin ang nakakalipas at halos hindi na talaga makahinga ang mga ito kaya naman pinatigil sandali ni vice.

Student: Umamin na kasi kayo. Alam nyo bang hindi lang ito ang matitikman nyo pag di pa kayo umamin?

Boy: Wala talaga kaming alam sa sinasabi mo vice. (Hinihingal na sabi nito.)

Student3: Kanino ba kasi kayo takot? Sa boss nyo o kay Vice? Pinoprotektahan nyo ang isang taong hindi kayo matulungan ngayon?

Student2: Kaya nga! Kaya umamin na kayo.

Boy: Wala kaming aaminin sa inyo dahil wala kaming alam! (Sigaw nito.)

V: Sige! Tuloy. (Tsaka nila ginawa ulit ang utos niya. )

Nang makapiglas ang isang kasamahan nila ay sinabi nyang sasabihin na nya. Kaya hininto ng mga ito ang ginagawa.)

Student6: Aamin rin naman pala kayo, pinahirapan nyo pa ang mga sarili nyo.

Boy: Pare... Malalagot tayo kay boss pag nalaman nyang sinabi natin.

Student: Gagu pala to eh! (Sabay suntok niya) Uunahin mo pa yang boss mo na yan bago ang buhay mo?

Boy3: Pasensya na, pare pero tama naman sila eh. Wala sya dito para protektahan tayo? Vice, inutusan lang kami, ang totoo ang balak lang naman talaga namin turuan ka ng leksyon dahil yun ang sabi nya.

Boy: Tumahimik ka, pare.

Student: Ikaw ang tumahimik, ulol! (Sabay suntok ulit nito.) Tuloy mo! Anong leksyon?

Boy3: Hindi nya kasi matanggap na inagaw mo sa kanya yung babae na gusto nya.

V: Si K?

Boy3: Hindi ko alam kung K ang pangalan nya. Pero sinabi niya samin minsan ang pangalan nya, ang sabi nga nya, ikaw lang daw ang turuan namin ng leksyon at wag na wag naming gagalawin yung babae.

V: Ano?! Sino yang gagung boss nyo na nag-utos? Si Jhong ba?

Boy3: Oo sya nga.

Boy4: Pero akala namin madadala ka na sa ginawa namin sayo nung una, pero hindi pala. Kaya naman inutusan ulit nya kami para bugbugin ka ulit.

V: Bugbugin ulit?

Boy3: Kami yung nambugbog sayo nung last. Kami yung mga lalaking nakamask nung gabing yun.

V: Ano?!

Boy4: After nun hindi na nya kami kinailangan, kasi sabi nya nakuha na daw nya yung bagay na nasayo.

V: Si K (sabi nito habang nakalook down!) So, sya pala ang mastermind sa lahat ng ito. At kayo? (Sabay look up nito na galit) Wala kayong karapatan para saktan ako! (Sabay lapit nito at pinagsusuntok ang mga ito. Hindi naman nya tinigilan hanggang sa hindi sya mapagod.)

Boy: Nasabi na namin ang lahat! Pwede bang pakawalan nyo na kami?

V: Pakawalan? (Galit na sabi niya) Alam nyo ba kung anong hirap ang dinanas ko sa mga kamay nyo? Alam nyo ba na dahil sa ginawa nyo hindi ako makakapaglaro ng basketball ngayon? Dahil sa inyo nawala ang lahat sakin! (Galit na sabi nya at tsaka sinuntok ulit sila.)

Duguan naman na ang mga labi nila dahil sa lakas ng mga suntok ni Vice.

V: Kayo na ang bahala sa mga yan. Gawin nyo kung anong gusto nyong gawin! Pero wag nyong papatayin. Siguraduhin nyong sila ang may leksyon na mapupulot pagkatapos nito.

Student: Yes, Vice kami na bahala.

Umalis naman si Vice sa lugar na galit na galit. Pina-andar nito ang kotse ng mabilis at hindi alam kung saan pupunta.

----
Vhong: Girls... (Sabi niya ng dumating sila K sa kanilang tagpuan .)

Anne: Hi! Boys. Anong problema? Akala ko ba mag-sasarili muna tayo.? Kayo kay Vice at kami kay K?

Billy: Ito nga may problema eh. Si Vice kasi mukhang inumpisahan nang gumanti sa mga taong nagawan sya ng mali.

K: What? Pero nangako sya na hindi na sya makikipag-away.

Eruption: Dati yun, K nung kayo pa.

Vhong: K, kailan ka ba makikipagbalikan kay Vice? Kasi pag naging kayo ulit babalik na sya sa dati.

K: Ayaw nga nya akong kausapin eh! Paano ko sasabihin sa kanya na ginawa ko lang to kasi gusto ko syang maligtas?

Boys: MALIGTAS????

Vhong: Saan? (Tumingin lang naman si K sa kanila at di nagsalita.)

Billy: K, anong sinasabi mong maligtas? Bakit nasa panganib ba si Vice at kailangan mo syang ilagtas? At kanino?

Vhong: Oo nga K, kanino?

Anne: Couz, sabihin mo na kasi sa amin. Wag mo nang hintayin na si vice ang maunang makaalam nito. Kung hindi ikaw ang magsasabi pwedeng kami. Baka sakaling pakinggan nya kami.

Vhong: K, sabihin mo na! Ano ba talaga ang dahilan? May dahilan nga ba kung bakit ka nakipagbreak sa kanya?

Echo: Mahal mo ba yung jhong na yun, K?

K: Hindi!

Billy: Hindi? Eh bakit mo sya sinagot?

K: Hindi ko sya sinagot guys. Ginawa ko lang ang gusto nya. Ayokong gawin pero pag hindi ko ginawa buhay ni Vice ang kapalit.

Vhong: Buhay ni Vice ang kapalit? Walang atraso yung Jhong na yun kay Vice bakit kailangan nyang gawin to?

Anne: Dahil hindi nya matanggap na si Vice ang mahal ni K at hindi si jhong. (Sabat nito)

Billy: Sandali nga, sino ba yung jhong na yun?

Angel: Si jhong ang dahilan kung bakit kami napilitang lumipat sa Viceral University. Hindi na kasi matagalan ni K ang mangungulit nya dito at lalo na ang panliligaw nya.

K: Ayoko sya, hindi ko sya mahal. Mabait naman sya nung nakilala ko, pero last few months, nung naging kami ni Vice, lumabas ang totoong ugali nya. Sya ang dahilan kung bakit paulit-ulit na binubugbog si Vice.

Vhong: Ano?!

K: Nung last na nabugbog siya, nagsend sakin si Jhong ng video kung paano nila pahirapan si Vice. Tinawagan ko si vice pero walang sumasagot, hanggang sa tumawag sakin si Billy at sinabing nasa hospital siya. (Nagtuloy naman si K sa pagkokwento habang umiiyak ito.) Nung makita ko kayong lahat sa labas ng emergency room alam kung malubha ang kalagayan nya, pero wala akong magawa kundi ang umiyak. Masakit para sakin na makita sya sa ganung kalagayan kaya naman bago mahuli ang lahat, tinapos ko na ang paghihirap niya at sinunod ang gusto ni Jhong.

Vhong: Yun ba yung time na umalis ka sa hospital at sinabi mong may aasikasuhin ka?

K: Oo. Hindi ko na matagalan ang ginagawa nya kay Vice kaya pumayag ako sa gusto nya.

Anne: Ang makipag-hiwalay kay vice at maging boyfriend sya?

K: Oo.

Anne: Bakit mo ginawa yun, K?

K: Dahil pinagbantaan nya ako. Sa oras na hindi ko sundin ang sinabi nya. Papatayin nya si Vice. Sisiguraduhin daw nyang bangkay ng mailalabas sa hospital si vice.

Vhong: Ano?! (galit na sabi niya habang nakakuyom ang kamao nito sa sobrang galit.)

Billy: K, dapat sinabi mo na to sa amin nung una palang.

K: Natakot ako! Natakot ako na baka pag sinabi ko sa inyo, kayo naman ang isunod nya.

Echo: Ginawa mo yun, K kahit na alam mong masasaktan mo ng lubos si Vice.

K: Dahil mahal ko sya. Umaasa ako na balang araw mapapatawad nya rin ako at maiintindihan nya ang ginawa ko.

Coleen: You have an accepatable reason para maintindihan ka nya at tanggapin muli.

Echo: Hindi ganun kadali yun, leen. Kilala namin si Vice. Hangga't may paraan gumawa ka, kung hindi uubra ang unang paraan na naisip mo mag-isip ka ulit. Gumawa ka ulit. Dahil sakanya, hindi pwede ang madaling sumuko.

K: Sumuko ako. Hindi ko natupad ang promise namin sa isa't isa. Na kahit anong mangyari, walang bibitaw.

Vhong: Dapat sinabi mo to kay Vice nung una palang. K, alam mo naman na kaya nyang labanan si Jhong diba? Hindi nya nilabanan ang mga gumawa ng masama sa kanya dahil sayo.

Eruption: Dahil yun ang gusto mo.

K: I know! And I was wrong. Mali ako sa desisyon ko, kaya ngayon huli na! Huli na para magsisi. Nasaktan ko na sya at hindi na babalik ang dating Vice. Ang vice na mahal ko hanggang ngayon.

Angel: Tama na, K. Wala na tayong magagawa, tapos na! Ang mabuting gawin nalang natin eh sabihin kay Vice, baka sakaling maintindihan nya ito.

Anne: Tama si Gel. At kung sakali mang hindi nya maintindihan ang ginawa mo, wag parin tayong tumigil hanggang marealize nya ang lahat.

Niyakap naman ng mga girls si K para icomfort ito.

-----

V: Isa pa! (Sabi nito habang nakaupo sa harapan ng counter.)

Bartender: Sir, kaya nyo pa po ba?mukhang napaparami na po ang inom nyo eh.

V: Sinabi ko bang pakialaman mo ako? (Sabay kwelyo niya sa lalaki.)

Bartender: Hindi po, sir.

V: Pag sinabi kong isa pa! Isa pa! (Sigaw nya) Kilala mo ba kung sino ang kausap mo? Baka gusto mong mawalan ng trabaho.

Bartender: Hindi po sir. Ito na po! (sabay abot ng isa pang basong beer.)

Medyo naparami na nga ang inom ni Vice pero alam pa nito ang ginagawa.

V: Isa pa! (Sabi ulit nito ng matapos na naman nya ang isa. Wala naman nagawa ang lalaki kundi ang bigyan ito.)

Naglasing si Vice at pilit na kinakalimutan ang nangyari sa kanya ngayon araw. Pero kahit anong pilit na isiksik sa kanyang isipan na hindi yun ang dahilan ay may maliit na bagay sa puso nya na posible nga.

Umorder pa ng umorder si Vice ng alak hanggang sa hindi na nito makaya.

Kahit lasing na lasing na siya, nagawa parin nyang sagutin ang yung tawag mula sa phone nya.

V: Heeeellooooo??? (Lasing na sabi nya)

Vhong: Brad, lasing ka ba?

V: Sino to?

Vhong: Lasing ka nga. Nasan ka ba?

V: Ano?

Vhong: Sabi ko nasaan ka?

V: Hindi kita kilala.(sabay bagsak ng ulo nya sa table ng counter. Nataranta naman yung bartender at ginising ito. Pero tulog na siya kaya naman tinawag nya yung bouncer at pinaalalayan sa isang sofa para makahiga ito.)

Habang naririnig naman ni vhong ang mga ingay mula sa phone nya dahil hindi na end ni vice eh nagkaroon na ito ng idea kung nasaan siya kaya naman agad-agad na pinuntahan nila ito.

Pagkarating sa bar ay si vice agad ang hinanap. At dahil madalas sila dito at kilala ang grupo nila ay agad na nilapitan ng bartender sila vhong at sinabi kung anong nangyari. Dinala naman sila ng bartender kung nasaan si Vice at doon nga ay natagpuan nilang tulog na tulog ito sa sofa. Kinuha sya ni echo at eruption at nilabas ito. Samantalang sila vhong at billy naman ay pumunta sa counter para bayaraan ang mga ininom niya.

Nang masakay naman na nila si Vice sa kotse nya ay tsaka sila umalis at umuwi na sa kanya-kanyang bahay.

***to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!