The Parents

3.3K 51 13
                                    

Vice: Halata parin, badtrip. ( sabi nito habang nasa harapan ng salamin. Wala namang syang magawa kundi ang lagyan ito ng bandage. Nang makabihis, bumaba naman na ito para mag-breakfast.

Vice: Good morning, Ma. (Bati ko kay mama, lumapit naman ako para halikan sya sa pisngi.)

Rosario: Good morning, anak. (Nakangiting bati nito.)

Vice: Si papa? (Himala wala ang erpat ko. Buti nalang.)

Rosario: Nasa taas pa, pero pababa narin yun. (Akala ko pa naman nakaligtas na ako.) Oh hayan na pala. (Sabay tingin sa hagdan habang pababa sya.)

Roberto: Good morning.

Vice: Good morning, dad.

Roberto: Anong nangyari dyan sa mukha mo? (Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Ano na naman ba ang sasabihin ko? Bahala na. Sanay naman na akong mapagalitan eh)

Rosario: Anak, ano na naman nangyari sayo? Bakit lagi ka nalang may pasa sa mukha?

Vice: Wala lang to, Ma. Nasagi lang kahapon sa basketball.

Roberto: Hindi ba tinitignan ng coach nyo ang laro nyo? Bakit nagkakasakitan kayo? Baka naman mamaya sa laro nyo tanggal kayo lahat dahil sa dami ng fouls?

Vice: Don't worry, hindi mangyayari yun.

Rosario: Kausapin mo nga Roberto yung coach nila. (Naku isa pa tong si mama, ang OA nya talaga)

Vice: Wag na po. Hindi na to mauulit. Mag-iingat na kaming lahat.

Roberto: Kamusta ang practice?

Vice: Okay lang naman po.

Roberto: Kailan nga pala ang first game nyo? (Sya ang may-ari ng school pero hindi alam ng sked ng game. Wala talaga syang pakialam.)

Vice: Sa wednesday na po. (Bakit paba nya kasi tinatanong eh hindi naman sya manonood)

Roberto: Well, good luck! Alam ko naman na kaya nyo silang talunin eh. (Napatingin ako sa kanya bigla. Tama ba naririnig ko? Sya? naggo-good luck sa amin? Wow! May dumapo po bang anghel sa kanya Lord?)

Rosario: Syempre kaya nila yan. At magaling naman yang anak mo eh. Kita mo nga't nakuha nya last year ang MVP.

Vice: Thanks,Ma. Amp! Una na po ako. (Sabay tayo ko. Nag-nod lang ang papa ko tsaka na ako umalis)

Rosario: Roberto, sana ganito ka lagi sa kanya. Yung bang makipag-usap sa kanya ng maayos.

Roberto: Anong ibig mong sabihin?

Rosario: Alam naman natin na galit ka parin sa kanya.

Roberto: Dinidisiplina ko lang sya. Gusto ko syang ihanda.

Rosario: Hindi mo naman sya kailangang biglain, Roberto. Matalino ang anak mo, alam mo yan. Kaya lang naman sya ganyan ay dahil hindi mo sya napapansin.

Roberto: Paanong hindi napapansin. Sya ang lagi kong pinoproblema.

Rosario: Dahil ang kamalian nya ang nakikita mo. Bakit hindi mo subukang magpaka-ama sa kanya?

Roberto: Ama ako sa kanya. Ano bang pinagsasabi mo.

Rosario: Roberto, ayokong pakialaman ka noon dahil ayokong magalit ka sa akin, pero tama ang anak mo. Pakiramdam ko hindi tayo naging mabuting magulang sa kanya at lalo na kay Jay.

Roberto: Hindi totoo yan. Alam mo kung gaano ko kagusto para lang mapabuti ang buhay nila.

Rosario: Pero sa kagustuhan nating mapabuti ito, mas lalong lumalayo ang loob sa atin ng anak natin. Roberto, nawalan na tayo ng anak. Ayokong pati si JM mawala pa sa atin. Hindi ko na kakayanin pa, roberto. (Sabi nito habang umiiyak)

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon