The Marriage

2.8K 44 6
                                    


K: Good morning.(bati ko sa kanya ng magising ito.) How's your sleep?

V: Good. Kaya lang medyo masakit na ang likod ko dahil matagal akong nakahiga.

K: Wait lang, umupo ka muna para ma-stretch naman yang likod mo. (Sabay lapit sa kanya at tinulungan para makaupo ito sa bed nya at makasandal sa may head board.)

V: Thanks, babe. (Sabay ngiti nya sakin, ngumiti naman ako sa kanya at tsaka bumalik sa ginagawa ko.)

K: Wait lang ha? Kukuha lang ako ng water for you. (Sabay kuha ng baso at sinalinan ng water tsaka ko binigay sa kanya.)

V: Thanks, babe.

K: Welcome. Kamusta pala pakiramdam mo? Masakit ba yang operation mo?

V: Operation?

K: Hindi mo pala alam na inoperahan ka.

V: Saan?

K: Sa ribs, nabali kasi yung isang ribs mo sa left side, kinailangan nilang pagdugtungin ito habang di pa totally nabali.

V: Kaya pala parang makirot yung left side ko. Akala ko pa naman gawa nung bugbog.

K: Kaya ikaw, di ka pa pwede muna masyadong maggagagalaw ha?

V: Yes kumander kurba.

K: Ikaw talaga. (Sabay lapit sa kanya at hinawakan ang mukha nito.)

V: Mawawala rin yang mga pasa na yan. Ang mahalaga, vice pogi parin ako.

K: Hayan! (Sabay pinch sa nose nya.) Mr. Yabang ka talaga.

V: Totoo naman na pogi ako ah?

K: May sinabi ba akong hindi?

V: I love you. (Sabi nya, niyakap ko naman sya ng mahigpit at tsaka bumitaw)

K: Prepare ko lang yung breakfast mo ha?

V: Okay, my future doctor.

K: Matagal pa mangyayari yun. Pero sa ngayon, magiging doctor muna ako sayo pansamantala.

V: Pwede bang forever na? (Napahinto ako sa ginagawa ko sa sinabi nya.) Parang ang sarap sa feeling na may doctor na nag-aalaga sayo pag nasa bahay ka, may mag-aasikaso.

K: Kumain ka na nga, mukhang nagugutom ka na eh.

V: Gusto mo bang magpakasal na tayo? (Seryoso nyang sabi sakin. Nagulat naman ako pero hindi ako nagpahalata sakanya.)

K: Say Aaah! (Sabi ko sa kanya na parang bata para isubo yung pagkain sa kanya. Binuka naman nya ang kanyang bibig at kinain yung sinubo ko.)

V: Ano, babe? (Tanong nya sakin ng manguya nya yung kinakain nya.)

K: Napag-usapan na natin yan diba?

V: Pero parang gusto ko na eh. Gusto ko kasi lagi kang nasa tabi ko. Yung ganito, inaasikaso ako.

K: Wait lang ha, kuha lang ako ng tubig mo. (Sabay tayo para iwasang sagutin ang mga tanong nya.)

Vice, bakit ba pinapahirapan mo ako? Mas lalo akong nahihirapan sa desisyon ko dahil sa sinasabi mo ngayon. Gusto kong magpakasal sayo, yun ang pangarap ko, pero hindi na mangyayari yun. Hindi na.

Bigla nalang tumulo ang luha ko dahil sa pag-iisip pero mabilis kong pinunasan dahil ayokong makita nya ako sa ganitong itsura, baka magtanong pa sya.

V: Babe, matagal ka pa ba dyan? (Medyo napatagal pala ang pag-i-stay ko sa mini kitchen para kumuha ng tubig nya.)

K: Ha?? Papunta na dyan. (Sabay lakad papunta sa kanya.) Oh! Inom ka muna.

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleWhere stories live. Discover now