Paper Stars (Self-Published)

Od iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... Viac

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 40

1.6K 69 24
Od iamsayaallego

KABANATA 40




I have never ran in my entire life as I have ran to my horse a while ago. Hindi ko na nga napansin ang pagtawag noong tagabantay sa akin basta makaalis lang agad ako. Ayokong malaman kung nakasunod ba ang taong iyon o hindi.

Saka lang ako lumingon nang marating ko na ang kabalyerisa. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang walang nakasunod. Humugot ako nang malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

"Good job, Thunder," bulong ko sa matandang kabayo sabay himas sa kulay abong buhok nito.

"Lady Aya!"

Pababa na ako nang makita ang kumakaway na bulto ni Kuya Milo. Mabilis itong patungo sa aking kinatatayuan at may bitbit na supot.

"Tapos na po kayong mamasyal, Lady Aya?" Tanong nito nang nakalapit.

"Opo," sagot ko habang hinihila ang kabayo papunta sa loob ng kabalyerisa pero kaagad niya namang kinuha ang lubid mula sa akin.

"Ako na po, Lady Aya. Doon na lang po kayo maghintay sa sasakyan," nakangiting tugon nito.

"Pero—" Tututol sana ako pero natigil nang iabot niya ang hawak na supot.

"Pakidala na rin po nito, Lady Aya."

Sinilip ko ang nilalaman ng supot at may nakitang anim na pirasong mais.

"Masarap daw po iyan habang mainit pa kasi bagong luto. Siguradong matutuwa iyong kambal kapag natikman iyan. Tiyak na babalik kaagad ang loob nila sa inyo."

I gasped when I realized what he meant. Nag-angat ako ng tingin at nakita itong nakangiti sa akin.

"Hintayin niyo po ako sa sasakyan. Dadaanan natin iyong manggahan para makabili rin tayo ng mango shake. Hindi ba paborito rin nila iyon?"

Isang marahang haplos ang naramdaman ko sa aking puso. I bit the inside of my lip to stop it from shaking before giving him a big smile.

Hawak ko ang dalawang supot na naglalaman ng mga pasalubong ko para sa mga kambal. I was so excited to see their happy faces once they see what we got for them. Papasok na sana ako sa pintuan nang may narinig akong nag-uusap mula sa loob. Doon ko lang napansin ang kulay silver na Honda Civic ni Gene na nakapark sa kabilang parte ng daan.

He's home! I thought and my excitement doubled.

Mabilis akong pumasok para hanapin ang mga isusurpresa. Hindi naman ako nabigo nang matagpuan ko itong nakatalikod at nakapamaywang.

Wait till he hears about what I have discovered in the grape farm! Saglit na dumaan sa isipan ko iyong namimilog na mga berdeng titig. Well, except for that.

I was about to jump on him but stopped on my tracks when I heard the bits of their conversation.

"Hanggang kailan tayo magiging ganito?"

"Alam mo kung anong sagot ko tungkol sa isyu na iyan, Mi! Konting tiis lang naman ang hinihiling ko--"

"Konti?! Konti pa ba ito, Gene?! Nakikita mo ba ang sitwasyon ng mga anak mo?!"

"Oo! Nakikita ko! Hindi naman ako bulag, Mi! Hindi ako manhid para hindi masaktan para sa kanila! Ginagawa ko naman ang lahat para makabawi--"

"Well, then, what you're doing is not enough!"

Natahimik si Gene sa sinigaw ng asawa at hindi agad nakasagot. Mimi took advantage of that because she continued speaking.

"Sinabi ko sa iyo noon na hindi isyu sa akin kahit mawalan ka ng mana. I love you for the person that you are and not with what your name entails. Pero kapag ang mga anak ko na ang naaapektuhan at nasasaktan, ibang usapan na iyon."

"Mimi—"

"To be shunned just because their father lost his name. They can't even get close to the other kids without getting ridiculed!"

"Kaninong mga anak ang nangahas na gumawa niyan sa mga anak ko?!"

"That's not the point!"

"Bakit mo hinahayaang api-apihin nila ang mga bata?"

"Don't you dare insinuate na pinababayaan ko lang ang mga anak ko?! Hindi sana nila dadanasin ito kung hindi dahil sa ampon mo!"

"Mimi!"

Sa gulat, nabitawan ko ang hawak na mga supot at agad na sumaboy ang mga nilalaman nito sa sahig.

Pareho silang mabilis na napatingin sa aking gawi. Agad na namutla ang mukha ni Gene nang makita ako. Si Mimi naman ay bahagyang nagulantang pero kaagad na inayos ang sarili bago humalukipkip. There was something in the way she looked that was both foreign and familiar to me.

"Stay away from me!"

My heart began beating so fast. I felt the thickening of my throat and an invisible block was beginning to constrict my airways again. My eyes got blurry and I could hear my pulse thrumming in my ears as I recognized the hatred in Mimi's face.

No, not again! This can't be happening again!

"I wish you were dead! I wish you were never been born at all!"

"You only know how to destroy those who are near you. You're nothing but a curse to those who gets near you!"

"Aya, anak, kanina ka pa ba--"

No!

I ran towards the staircase and into my room without saying a word. Agad kong ini-lock ang pintuan bago hinagilap ang leather jacket ni Rekka. Niyakap ko iyon nang buong higpit at mariing ipinikit ang mga mata.

"I am your King. I will always protect you."

Yes. I will be alright. Everything's going to be alright. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking isip habang pinapakalma ang sarili, trying to erase the negative thoughts that were slowly invading my head these past six months.

"Huwag mong kakalimutang hindi ka nag-iisa..." I gasped at the unexpected memory. Those knowing green eyes, both firm and gentle at the same time; his soothing voice, that oftentimes spouted the harshest, sometimes, most selfish remarks, but gave the most comfort to any aching soul...

Ian. His voice resonated within me and I've never felt more empty.

I've lost him. I've lost the very first friend I've made.

Reign... Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa jacket sa naalala.

Isang mahinang katok ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Aya? Anak?"

Si Gene. Kinalma ko muna ang sarili bago sumagot.

"Ayos lang ako, Gene."

"Can we talk? Mag-eexplain lang si Daddy--"

"Okay lang, Gene. Please don't worry. I'm really okay."

Akala ko ay umalis na ito nang wala na akong narinig na sagot mula sa kabila ng pintuan. Minsa ko pang pinagmasdan ang hawak na jacket.

Naaapektuhan na ang mga anak ni Gene ng dahil sa akin. Anong gagawin ko, Rekka? Ayoko ng dagdagan pa ang mga pasakit ng pamilya niya.

I remembered the tired, dead stare in Mimi's eyes and felt my heart constricted at the thought. I shook my head to stop myself from lingering on that idea and gathered what's left of my strength.

There's no use moping here and doing nothing! There must be a way I could help Gene.

"I can help you with Yuujin's dilemma."

Ilang saglit kong pinag-isipan ang ipinangako ng singkit na iyon. Pagkatapos ay humugot ako ng hininga.

Hindi pa kailangan. Ayokong iasa sa iba ang pagtulong ko kay Gene. There must be something even I could do to help. I thought as I mentally enumerate the law firms that invited me to be one of their partners. I've also thought about the number of private companies who were asking my accounting services. Maybe one would be willing to invest in Gene's firm.

Inilapag ko ang jacket at lalapit na sana sa aking mesa para simulan ang pangangalap nang muling magsalita ang nasa labas ng pintuan.

"I'm sorry, Aya."

I froze midstep when I realized that the owner of that voice was crying.

No! Mabilis akong lumapit sa may pintuan pero natigil din nang muli itong magsalita.

"It seems like Daddy's not doing enough for our family. I really thought I could pull this through, you know. I want to protect all of you. I want to protect our family. Pero binigo ko kayo. Akala ko kaya ko. Akala ko ganoon na ako kalakas, katapang, pero wala pala talaga akong binatbat. Kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat para masigurong magiging okay tayo."

Maagap kong hinawakan ang knob ng pintuan para sana buksan pero agad akong nanghina nang marinig ang mga pagsinghap ng taong nasa likod nito.

Gene... I'm sorry. I'll help you. I promise, I'll help. Please...

"Pagpasensiyahan mo muna ang mama mo, anak, ha? Napagod lang siguro sa dami ng dapat isipin. Kasalanan ko rin naman kasi hinayaan kong mangyari ito sa kanya."

No! Stop blaming yourself! This is not your fault! If there's someone to blame here, it's me! Ako ang sisihin mo! Ako ang may kasalanan! Ako ang may gawa nito! Kung sana hindi ko ginawa ang mga nagawa ko. Kung sana ay wala ako rito. Kung sana ay hindi na lang ako ipinanganak!

Another wave of painful memories hit me and everything went dark for a second. Saglit kong ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim. Ilang beses na akong inatake ng panic nitong mga nakaraang buwan kaya kahit papaano ay nagagawa ko na itong pahupain nang kaunti.

Shaking, I grabbed the knob and slowly turned to open the door. And there, on the floor, I saw Gene sitting with his head hung low and his tears silently falling.

I squatted beside him and gently tapped his shoulder. Nag-angat ito ng tingin at muling kumuyom ang aking puso nang makita ang malungkot nitong anyo. Kahit mahirap, pinilit ko ang sariling ngumiti.

"Wala sa akin iyon. Ganoon naman talaga minsan. You say things you don't mean at the height of your emotions. So don't worry. I won't take Mimi's words against her. Alam ko namang mahal niya rin ako na parang tunay na anak."

Muling namuo ang mga luha nito sa kanyang mga mata. Bago pa man ako makapagsalita ay yumakap na ito nang mahigpit sa akin.

"Ang bait talaga ng anak ko! Waaah! Daddy's so proud of you, my beautiful princess!"

"Gene, you're choking me," agap ko rito at agad naman niya akong pinakawalan pero nanatili ang kanyang mga palad sa aking pisngi.

His eyes, although puffed and teary from so much crying, were reflecting both joy and sadness.

"Daddy promises you that everything will be alright, okay? Your mama will come around, too. Kaya natin ito, hindi ba?"

I knew he was saying these more to himself than to me. He needed the encouragement and I wasn't one to deny him that. Ngumiti pa ako nang mas malaki at saka tumango.

It was the night before Christmas that I decided to go to church with Kuya Milo. I didn't get the chance last year because I caught a flu earlier that day.

"Mag-iingat kayo sa mga paputok, Milo! Kapag natalsikan ng kahit watusi iyang anak ko..."

Naisipan ko kasing kaysa gamitin namin ang sasakyan ay lalakarin na lang namin ang simbahan. Mas maigi iyon para diretso na si Kuya Milo sa kanila kaysa ihatid niya pa ako pauwi. Sinabi ko rin sa kanyang may bibilhin pa ako sa katabing palengke bago umuwi. Siyempre umangal din sila pero nakombinse ko rin naman sa huli, matapos kong sabihing ibibili ko siya ng pasalubong.

"Hindi nga, Gene. Masyado pang maaga ngayon para sa mga paputok. Siguradong nasa bahay na ako bago pa man magsimula ang putukan," I assured him but that didn't calm him down.

Muli nitong binalingan ang aming driver at dinala sa isang tabi. Napabuntong ako ng hininga sa nakita bago sinilip ang oras sa aming orasan. Kalahating oras pa at magsisimula na ang misa. Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang nag-uusap nilang bulto, Gene was flailing his arms while Kuya Milo was scratching the back of his head.

Lalapitan ko na sana sila nang maramdaman ko ang mahinang paghila ng aking suot na polo shirt. Nang tingnan ko kung sino iyon, nakita ko si Rei na nakatingala sa akin at tila takot na takot. Natagpuan ko sa hindi kalayuan ang nagtatagong Gun.

Lumuhod ako sa harap nito at saka tinangkang hawakan pero agad itong napatalon at inilayo ang sarili. Isinantabi ko ang naramdamang sakit at saka nginitian ang kinakapatid.

"Do you need anything from Nee-chan? Gusto niyo rin ba ng pasalubong? Cotton candies? Bubblegum-flavored popcorns? Gusto niyo ba iyon?" I asked and was relieved when their expressions changed from fear to joy. I smiled at their positive response. This was the first time they've approached me since they returned. I won't disappoint them. "Yosh! Nee-chan will absolutely buy each one for the two of you so you should wait for nee-chan to return, okay?"

The two nodded profusely before Gun came nearer and spoke.

"F-f-fireworks too, n-nee-chan," he nervously said. When he realized what he finally called me, he became embarrassed. He ran to Rei and hid behind him.

Hindi ko napigilan ang matawa. For the first time, in six months, ngayon lang uli ako natawa nang ganito.

Dagsaan na ang mga tao nang marating namin ang simbahan. Halos ukupado na ang lahat ng mga upuan. Namangha ako sa dami ng mga nagniningningang kulay sa labas pa lang nito. Hindi ko inasahan na mas maganda pa pala ang nasa loob nito. Para kang pumasok sa isang palasyong punong-puno ng palamuti at masisiglang kulay. Ramdam mo talaga ang pagdiriwang ng mga tao sa araw ng pagsilang ni Kristo.

"Lady Aya, dito po tayo!"

Saka lang ako tumingin para makita ang tinutukoy ni Kuya Milo. Agad naman akong sumunod sa kanya. Nasa bandang gitna ang bakanteng pwesto nito kaya kinailangan kong magpasintabi para marating ito.

"Excuse me po," sabi ko sa katabing bakla na tinaasan ako ng kilay at tinitigan mula ulo hanggang paa. Umirap ito sa huli at saka muling kinausap ang katabi.

"Okay lang ba kayo?" Narinig kong bulong ni Kuya Milo nang makaupo na ako.

"Okay lang po," agap kong sagot.

Ilang sandali lang narinig naming tumunog ang mga kalimbang ng mga sakristan, hudyat na magsisimula na ang misa. Agad kaming nagsitayuan para salubungin ang mga pari.

Buong misa, wala akong dinasal sa Diyos kung hindi tulungan niyang makaahon sa problema ang pamilya ni Gene, pagkalooban ito ng sapat na kalusugan para magampanan nang mabuti ang mga kailangan niyang gawin, at ibigay sa kanila ang karampatang ligaya at biyaya.

Nang kakantahin na ang dasal ng Panginoon, bahagya akong nagulat nang biglang hawakan ng aking katabi ang aking kamay. Hindi naman kasi kailangang gawin iyon pero siguro dahil misa ito para sa Pasko, nararapat lang na maghawak-kamay ang mga tao para mas lalong maramdaman ang tunay na kahuluhan ng selebrasyon.

Nagpatuloy ang misa at patuloy pa rin ako sa aking mga panalangin. All of them were for my family: Gene, Mimi and the twins, Hans, Kira, Kyo, Cute and even Dice and Master Daiki. I paused for a bit as the thought of the Grand Master passed by in my head before closing my eyes and saying my prayer.

Dear God, I pray that You continue to bless Master Daichi with good health so he may continue serving You.

When the high priest asked each one of us to offer peace to one another, I bowed my head to Kuya Milo and offered him peace. Ganoon din ang ginawa ko sa katabi nang hindi ito tinitignan.

"Peace be with you din."

Saglit na huminto ang mundo ko nang makilala ang boses na iyon. Sigurado ako kung sino man itong katabi ko ngayon, hindi na ito iyong baklang inirapan ako kanina.

Papaanong siya na ang katabi ko? Nasaan na iyong kanina?

Gusto ko sana siyang lingunin natatakot akong makumpirmang siya nga talaga ang katabi. Kagat-labi kong sinilip ang pwesto ni Kuya Milo para sana makipagpalitan ng upuan. Pero nakatingin lang ito sa harapan at taimtim na nagdarasal, walang kaalam-alam sa aking sitwasyon.

Wala akong nagawa kung hindi ang manatili sa aking pwesto at magpatuloy sa pakikinig. Ngayon naman dinarasal ko na sana ay hindi na muling magsalita ang katabi hanggang sa matapos ang misa.

Mahal talaga ako ng Panginoon dahil tinupad nito ang huli kong panalangin. Natapos ang selebrasyon nang hindi ako kinakausap ng katabi. Kahit noong kinakanta na namin ang awit ng pasko sa huli ay hindi na ako nito nilingon. It was what I prayed for yet I couldn't get myself completely happy that it turned out the way I wanted.

Muli kong tiningnan ang loob ng simbahan at sinubukang hanapin ang bulto ng katabi. Pero hindi ko na ito nakita pa.

Hindi man lang ako binati. I mentally slapped myself for that stupid thought. Tanga! Iniiwasan mo nga, hindi ba?!

Matapos kong mabili ang mga pasalubong ko, nagpaalam na ako kay Kuya Milo na uuwi habang siya naman ay nakikipag-usap sa mga dati nitong kaklase.

"Mag-iingat po kayo sa pag-uwi."

"Kayo rin po. Pakibati na lang po ako sa pamilya niyo ng maligayang kapaskuhan."

"Merry Christmas din po! Salamat po uli sa mga regalo!" Masigla nitong tugon habang pinapakita ang hawak na paper bag na pinaglagyan ko ng mga regalo para sa kanilang mag-anak.

Umiling ako saka ngumisi rito.

"Merry Christmas po uli, Kuya Milo," sabi ko uli rito bago umalis.

Bitbit ang mga pinangakong pasalubong, masaya kong tinulak ang gate ng bahay. Ganoon na lamang ang gulat ko nang marinig na may nabasag. Mabilis akong pumasok para malaman kung anong nangyayari nang makita ang dalawang bata na umiiyak sa isang tabi at yakap-yakap ang isa't isa.

Agad kong nilapag ang bitbit na supot at pinuntahan ang dalawa.

"Shhh... Tahan na. Tama na ang iyak," alo ko sa mga ito at agad na niyakap.

Muntik akong napatalon nang ilang pang kubyertos ang mga nabasag.

"Ayoko na! Sawa na ako sa ganito!"

"Mimi, calm down."

"Calm down? You've just told me you've lost your investors again and you still tell me to calm down?! How the hell can I calm down? Pera ng pamilya ko ang itinaya natin doon at nawala lang sila na parang bula! I won't calm the fuck down!"

"Mimi!"

"The money were for my sons! They were for our sons! How could you lose them just like that?! How could expect me, their mother, to be just fine after knowing you threw their future away!"

"Hindi ko iyon sinasadya! Hindi ko naman alam na magpupull-out silang lahat!"

"Bullshit!"

"Mimi!"

Napakislot ako sa palitan ng sigawan ng dalawa. Nang marinig ang paghikbi ng dalawang bata, lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanila. Hinaplos ko ang bawat nilang likod para patahanin.

"Sinabi ko naman sa iyong huwag mong gawin iyon, pero nakinig ka ba?! Isinugal mo pa rin! Ngayon, saan pupulutin ang mga anak mo?! Ano pang kinabukasan ang naghihintay para sa kanila?!"

"Mababawi rin natin ang pera, Mi, pagkatiwalaan mo naman ako!"

"Ilang beses mo ng sinabi iyan! Sawa na ako!"

"Let's sing a song, Rei, Gun?" Bulong ko sa nag-iiyakang mga bata. Malungkot akong tinitigan ng dalawa bago mahinang tumango.

"You better watch out, you better not cry. You better not pout 'cause I'm telling you why. Santa Claus is coming to town."

Kahit umiiyak ay sinusubukan ng dalawang sabayan ako sa pagkanta. At kahit nahihirapang ilabas ang boses, tinuloy ko ito.

"He's making a list. And checking it twice. He's gonna found out who's naughty, who's nice. Santa Claus is coming to town."

Ganoon na lamang ang gulat nang bigla akong kinalas sa kanila at itinulak palayo. Napaupo ako sa sahig nang dahil dito.

"Get away from my sons, you witch!"

Hindi ito ang unang pagkakataong narinig ko ang salitang iyon. But hearing the word from the mouth of someone I truly cherish and considered as a family, domuble ang sakit na naramdaman ko rito.

Dumaan ang mga alaala namin ni Mimi noong mga panahong okay pa ang lahat. Palagi kaming tumatawa. Palaging masaya mapakwentuhan man iyon, kulitan o simpleng paggawa ng mga gawaing bahay. Lahat ng iyon ay unti-unting nababasag sa harap ko habang tinitignan ang poot sa mga mata nito.

"Ikaw ang salot sa pamilyang ito! Kung hindi dahil sa iyo, hindi mangyayari ito sa amin, sa mga anak ko! Siguro ay totoo nga ang sabi nila. Isa kang sum—"

Isang sampal ang dumagundong sa buong bahay.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ginawa ni Gene sa asawa. Nakakuyom ang bagang nito at mabilis ang paghinga. Tahimik na tumulo ang mga luha nang hindi makapaniwalang Mimi. Ito ang kauna-unahang pagkakataong pinagbuhatan siya ng kamay ng kabiyak.

"Mahal kita Mimi, alam mo iyon. At nasasaktan akong nakikita kang nagkakaganito. Pero huwag mo namang sisihin si Aya. Huwag mo siyang saktan dahil lang naiipit ka na sa sitwasyon. Wala siyang kinalaman dito," nilapitan nito ang asawa at saka masuyong hinaplos ang pisngi kung saan niya ito sinampal. Agad naman iyong pinaalis ni Mimi at niyakap ang dalawang anak.

Hindi ko man nakikita, alam ko kung anong nakaguhit ngayon sa mukha ni Gene habang pinagmamasdan ang umiiyak niyang mag-iina.

"It was my decision to defy my father and the Grand Master. Kaya kung may gusto kang sisihin, ako na lang. Ako ang dahilan ng paghihirap mo at ng mga bata. Ako ang dahilan kung bakit natin dinadanas ang lahat ng ito kasi pinabayaan ko kayo. Hindi ako mabuting asawa sa iyo. Hindi rin mabuting ama sa mga anak natin."

I could literally feel my heart tearing to pieces as I heard his voice breaking into a sob.

"Kaya maiintindihan ko kung sawa ka na sa buhay na ibinibigay ko sa inyo. Maiintindihan ko kung a-ayaw mo na at g-gusto mo ng makawala. Hindi ko iyon gustong mangyari pero kung nasasakal ka na..." His voice broke towards the end I just couldn't take it any longer. It's like watching my dreams being shredded in front of me. Pakiramdam ko napupunit din ang dibdib ko.

With shaking knees, I heaved myself up and braved towards them.

"Don't..." Halos pabulong ko ng tugon.

Sabay silang bumaling sa aking pwesto. Parehong luhaan at bakas ang sakit sa mga mukha.

I took a deep breath to lessen the thickening of my throat.

"Please don't go away. Don't leave us. You were right. This was all my fault. This wouldn't have happened if I weren't here, if Gene didn't take me in as his daughter. I'm sorry," I said, half-whispering the last part because my throat was constricting again.

Agad akong inalo ni Gene pero tinanggihan ko iyon at muling hinarap ang kanyang asawa. I need her to know.

"I was so happy you accepted me as your own. Growing up, I never had any role model as a girl except for Louise. So it was reassuring to know that I had someone like you in my life. For years, even in the US, I have always been looking forward to the long talks we've shared, to the adventures you went through as a teenager, to the experiences you had as a girl..."

"Ayana—"

"I'm sorry if I caused you trouble again. I'm sorry if my existence caused you so much pain. Hindi ko po iyon sinasadya."

"Anak, tama na—"

"Mag-aaral po ako nang mabuti, promise po. Magpapakabait po ako. I'll learn how to cook. Tutulong po ako sa gawaing-bahay at saka tuturuan ko po sina Rei at Gun. Gagawin ko po ang lahat para makatulong at hindi na maging pabigat sa inyo. Huwag lang po kayong umalis. Huwag niyo lang pong iwan si Gene. Pakiusap, Mama, huwag niyo po kaming iwan."

Lord God, alam ko pong marami akong kasalanan sa Inyo pero please po... Gagawain ko po ang lahat ng ipag-uutos Niyo... Kahit bawiin Niyo po ang mga talento ko, okay lang po, pakinggan Niyo lang po ang aking mga dasal. Huwag Niyo po sanang hahayaang masira ang pamilya namin.

Marahil nakita ng Diyos na hindi ako naging mabuting bata dahil bago sumilang ang araw kinabukasan, araw ng Kanyang pagsilang, wala na ang lahat ng gamit nina Mimi at ng mga bata.

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

25.5K 1K 58
[COMPLETED] July 3, 2020- August 13, 2020 they say... "only chaos awaits when fantasy meets reality" Is that really true? I'm a fan of fairytales bu...
463K 17.4K 43
Kingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niy...
170K 8.9K 34
[#Wattys2022 winner in the Fantasy category with a special award of "Pinakanakaeengganyong Mundo"] GALAXIAS SERIES # 3: CAMP NEPHOS - "Hogar de los E...
650K 27K 48
Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gustong-gusto ni Ana ang trabahong pinasok...