Fragile Heart [ BTS KIM TAEHY...

By Jun_Prelhe

9.6K 545 378

[Tagalog] Solar has to meet her fiance to respect the decision of his grandfather. When the time came to meet... More

~ Prologue ~
i | The Limousine
ii | Hunter Medina
iv | First night
v | It's not what you think
vi | not enough
vii | sleep talk
viii | the elephant
ix | the unexpected
x | the initiative
xi | my treat

iii | Catching up with the past

220 26 22
By Jun_Prelhe

Sinundan ni Solar si Chase sa loob ng mansion. Nangangamba siyang naghihintay si Hunter sa loob, ngunit wala ito. Umakyat sila sa malaking hagdan sa gitna at pimasok sa isang kwarto na nakapwesto sa dulo ng hall. Kumatok  si Chase pinaalam kung sino sila. Naghintay siya ng ilang segundo bago binuksan ng marahan ang pinto.

Sa gitna ng silid ay may isang malaking kama na napapaligiran ng gintong kurtina ay may nakahigang matandang lalake. Siya ba si Lucas?

"Master Lucas, ito na po si miss Solar Swan." magalang na sabi ni Chase. Itinaas lang nito ang kanyang kamay para hudyatan si Chase na palapitin ako sakanya. Marahan akong lumapit at nasilayan ang kanyang mukha.

Makikita mo sa kanyang mukha at pagkaputi ng buhok ang pagtanda. Tumango siya kay Chase at agad itong lumabas ng pinto at naiwan kaming dalawa sa loob.

"Solar,kamusta ang iyong byahe?" sa wakas ay angsalita siya. "Pasensya na at hindi kita nasalubong sa baba, mahina na kasi ang katawan ko." dagdag niya.

"Naku, okay lang po."

"Pwede mo ba ang tulungang umupo?" aniya. Hinawakan ko siya sa balikat at sinuportahan ang kanyang likod, saka ko siya hinila pataas at pinasandal sa ulo ng kama. "Kamusta na si Alfonso?"

"Si Lolo Al? Okay naman po, may pagka ulyanin na pero mas malakas pa siya sa kalabaw." natawa siya sa sinabi ko.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?"

Nag-flash back lahat ng nanyari kanina kay Hunter. Nagsimulang kumulo ang dugo ko pero sinubukan kong kumalma at magsalita ng marahan.

"Uhm, akala ko biro biro lang ni Lolo Al, pero engaged  po ako kay Hunter?" sabi ko.

"Kilala mo ang apo ko?" aniya na parang gulat. Panong hindi ko makikilala ang kutong demonyong yon?

"Ah, nagkasalubong kami kanina." tipid kong sagot, pinipigilan ko ang bunganga ko at baka kung ano pa ang masabi ko.

"Ano sa tingin mo sa apo kong iyon?" curious niyang tanong.

Napakabastos, walang modo, demonyo at matapobre! Pero syrempre, kinagat ko ang dila ko at huminga ng malalim. Baka kung ano ang mangyari kapag nagdakdak ako dito.

"Uh, hindi ko po alam, sinabi lang kasi sakin ni Chase nung nakasalubong ko siya. He he--" pagsisinungaling ko. Teka, bakit ba hindi ko nalang isumbong ang ginawa niya?

"Hindi ka man niyang niya binati?"

Binati? tinarayan lang naman niya ako at hinalikan! "Hindi siguro niya ako napansin, nagbabasa kasi siya ng libro." pagsisinungaling ko. Napabuntong hininga siya.

"Pasensya na, maraming iniisip at responsibilidad ang batang yun. Pero sinisigurado ko sayo, pagnakilala mo siya, mabait at maalalahanin." aniya. Pumilantik ang magkabila kong kilay. Sigurado ba silang iisang bubuong lang sila nakatira? Asan dun ang mabait? "Ano sa tingin mo, gwapo ba ang apo ko?" dagdag niyang tanong.

"po?" anong klaseng conversation ba ito, ang awkward! Oo, gwapo siya, mas gwapo pa siya dun sa kinababaliwan nilang kpop idol na si Taehyung, pero aanhin mo ang kagwapuhan niyo kung ganun naman ang ugali! Hindi ko naman na kailangan magsinungaling pa dito, medyo nahiya pa akong tumango.

"Hahaha! nakuha niya ang kagwapuhan ko." pagbibiro niya. May biglang kumatok at nagsabing "Grandpa, I'm here." isang pamilyar na nakakabwisit na boses ang narinig ko. Bumukas ang pinto pero hindi ako nag-abala pang lumingon kung sino yon. Naramdaman ko ang pagtayo niya sa gilid ko kaya humakbang ako patagilid para maglagay ng distansya sa pagitan namin.

"Hunter, this is Solar.. your fiance. Nagkasalubong daw kayo kanina pero abala ka sa pagbabasa kaya malamang hindi mo siya nakita." pagpapakilala ni Lucas saakin. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko naman akalaing magkikita kami dito mismo. Tinitigan ko si Hunter, pilit na ngumiti at sinesenyasan siyang sumakay nalang. Nag-smirk siya sabay ngumiti ng maamo, yung akala mo ngiting anghel.

"I see, I'm sorry." Ibinaling niya ulit ang atensyon niya sakin. "My bad, I haven't greeted you properly back then." aniya na naka-plaster ang isang maamong ngiti sa labi niya. Kung wala lang ibang tao dito, na-flying kick ko na bunganga nito. Hinawakan niya ang aking kanang kamay at hinalikan ito. "Nice to meet you. Solar."  Ka-gwapo ng nilalang na ito. Nakaka-inis.

Ba-thump Ba-thump.

Anong tinitibok tibok mong puso ka. Agad kong binawi ang kamay ko at palihim na ipinunas ito sa damit ko.

"Hunter, behave yourself." ani Lucas. Tumino ng tayo si Hunter at tumango sa lolo niya. "You should take things slowly." dagdag pa nito.

"It's just a greeting grandpa." sumbat niya.

"Oh siya, gusto ko pa sanang makausap kayong dalawa pero pagod na ako. Gusto ko lang makita ang apo ni Alfonso. Let's continue tomorrow." aniya. Halos mag hahating gabi narin kasi. Si lolo Al nga, tulog na ng 9pm eh. "Hunter, please show her to her room."

"Yes grandpa." agad sa sagot ni Hunter. Naunang naglakas si Hunter pero nang susunod na sana ako ay naramdaman ko ang paghila ni Lucas sa kamay ko kaya napapalik ako ng tingin.

"I'm glad you came. Treat this as your own house, Solar." aniya sa napaka-among tono. Makikita mo ang sinseridad sa kanyang ngiti at sa kanyang mga mata. Namiss ko tuloy lalo ni Lolo Al. Uwing uwi na ako, pero nakaka-sama ng loob na bigla akong umalis pagkatapos ko siyang makita. Dito na ba talaga ako titira?

"Thank you po." tugon ko at tuluyang lumabas ng silid. Nakita ko si Hunter at Chase na naghihintay sa harap ng pinto.

"This way Miss Solar." ani Chase na itinuro ang hallway sa kaliwa.

"I'll take her, you can leave Chase." sabat ni Hunter. Ayoko nga! mas gusto ko pang si Chase ang maghatid sakin noh! Tumingin ako kay Chase pero nag-bow siya kay Hunter at walang alinlangang umalis.

"Follow me." malamig na sabi ni Hunter at saka naglakad. No choice, kaya sumunod nalang ako. Hindi siya nagsasalita, basta naglakad lang kami. Ang laki ng bahay na ito. Pwede yatang tumira ang isang barangay dito eh.

"We're here." Huminto kami sa dulo ng hall at itinuro niya ang pinto sa kanan. Ipinagbukas niya ako ng pinto. Aba, anong lason ang nalanghap nito at bumait. Dahan dahan akong naglakad at pumasok sa loob, agad lumibot ang mata ko sa luwang ng kwarto. Parang nasa Europe ang peg. Narinig ko ang pagsara ng pinto sa likod ko. At ang sumunod kong naramdaman ay pagdikit ng likod ko sa pinto. Sa harap ko ay si Hunter at nakalapat ang kanyang kamay sa pinto at ikinulong ako sa bisig niya.

My ghad. Ang tangkad niya, ganda din ang pagkatangos at porma ng ilong. Haba ng eyelashes at ang pungay ng mata.

"So, you've fallen for me?" aniya.

"Hah? Excuse me?" pshh, nevermind. Sana hindi nalang siya nagsalita. You can never judge a book by its cover. Calm down Solar. Calm down. Huwag kang papatalo sa kumag na ito. "Mukha ngang ikaw tong in-love sakin eh." palaban kong sabi.

"Listen here-" inilapit niya ang kanyang gwapong mukha. "-Hindi ko alam kung anong binabalak mo, pero kung nandito ka lang para sa pera.. sisiguraduhin kong wala kang makukuha." aniya. Nakaramdam ako ng tinik sa puso ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal siya. 

"How dare you! Ginusto ko bang nandito ako? Ginusto ko bang maing fiance mo? for your information, masaya ako sa buhay ko at kahit na pobre ang tingin mo sakin, hindi kita hinangad at lalong wala akong paki-alam sa yaman ng pamilya mo!" Nanggagalaiti at naiiyak kong sabi. Itinulak ko siya para makawala sakanya. "Huwag kang mag-alala, kakausapin ko ang lolo mo na i-cancel niya ang engagement. Bukas na bukas din. At sana hindi na tayo magkitta ulit!" hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at labas ng kwarto.

Dineretso ko nilakad ang hallway at bumaba sa hagdan. Grabe, wala pang isang araw pero dalawang beses ko nang gustong lumayas sa bahay na ito. Bago ko marating ang pinto at nakasalubong ko si Chase.

"Miss Solar." aniya at may nakasabit na puting twalya sa braso niya.

"Aalis na ako, this time huwag mo na akong pipigilan." bungad ko sakanya. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso naunahan niya ako sa doorknob.

"Miss Solar, anong nangyari?"

"Aalis na ako at sabihin mo jan sa amo mong napaka-laki ng ulo, isaksak niya sa ilong niya lahat ng pera niya!" gigil kong sabi. Hindi parin niya binibitawan ang doorknob.

"Don't open that door!" si Hunter na pababa ng hagdan. Nataranta ako at sinubukang tanggalin ang kamay ni Chase sa pinto. "You're not going anywhere." narinig ko ang boses niya malapit sakin kaya lumingon ako. Mabilis siyang naglakad papalapit saakin, seryoso at halos lamunin ako ng kanyang tingin.

"A-ano!? Aalis na ako!" napaatras ako sa pinto. Walang pasabi ay kinuha niya ang kamay ko, binuhat ako at inilagay sa balikat niya na parang sako ng bigas. "Ano ba! Ibaba mo ako!" Nagpumiglas ako at sinuntok suntok ang kayang likod. Ni hindi man lang umaaray. Muli kaming umakyat at pumunta sa dereksyon ng kwarto.

"Sinabi nang ibaba mo ako eh!" Pumasok kami sa silid at marahan niya akong ibinaba sa kama. Jusko, mare-rape pa yata ako nito. Lord, please lang.. gusto ko pang mabuhay!


Continue Reading

You'll Also Like

42.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
109K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
171K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
221K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...