His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[22] Magkakaroon
[23] Dahil
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[24] Oo

3.2K 156 0
By Yaoistorywriter


K E N

Hindi ako makapaniwala na nandito na kaagad ang matalik kong kaibigan na si Renz sa harapan ko. Ang buong akala ko, magtatagal siya ng sobrang tagal sa ibang bansa. Bakit ang bilis naman niya ata? Ilang buwan pa lang simula noong umalis siya.

"B-bakit parang ang bilis mo?" Tanong ko sa kanya.

Pinapasok ko na rin siya at pinaupo sa aming sala. Sitting pretty naman siya dahil sanay na siya dito sa bahay namin.

"Bakit, ayaw mo ba? Sabihin mo lang, babalik ako doon." Pabiro niyang sabi.

"Wala naman akong sinabi. Ang totoo, masaya ako na bumalik ka na. I'm just confused and curious at the same time sa kung anong nangyari sa'yo doon sa ibang bansa." Sabi ko sa kanya.

Ipinagtimpla ko siya ng kape. Sukat bumisita ba naman ng hatinggabi.

"Merry christmas, Ken. Na-miss kita, sobra." Seryoso niyang sabi habang nakatalikod ako sa kanya dahil nagtitimpla nga ako ng kape.

Medyo natigilan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I want to tell him na na-miss ko rin siya pero ayokong bigyan niya iyon ng ibang dahilan.

Pagkatapos kong magtimpla ay humarap na ako sa kanya at ibinigay ang tinimpla kong kape. Umupo ako sa harap niya.

"Ako, hindi mo na-miss?" Tanong niya sa akin habang nakangiting nakakaloko.

"Hindi. Ilang buwan ka lang nawala." Sabi ko naman sa kanya.

He pouted, "Sus, duga mo. Ikaw nga isang araw ko pa lang hindi makita miss na kita. Unfair naman," sabi niya, at parang down na down ang itsura niya.

I chuckled. "Oo na, na-miss rin kita." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Good."

"Bakit naman kasi ngayon ka pa pumunta? Pwede namang bukas na. Ngayong alas dose pa talaga ng hatinggabi. Napagkamalan ka pa naming multo." Sabi ko sa kanya.

Medyo napatawa naman siya. "Syempre. Surprise. Haha,"

"Bakit nga ba ang bilis mo? Pwede mo bang i-kuwento sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin ng seryoso.

"Commotion. Palaging may commotion sa pagitan namin ni dad. Ewan ko ba doon at naiisipan akong i-match make sa anak ng pare niyang DOM doon. Hindi ko naman gusto 'yung babae dahil humihithit." Sabi niya.

"Humihithit?"

"Oo. Drug user ang DOM na tatay niya. Alam kong alam iyon ni dad. Kaya hindi ko malaman kung bakit balak niya akong imatch make sa anak ng adik niyang kumpare. At dahil nga ayoko sa gusto niyang mangyari, palaging nauuwi sa pagtatalo ang araw-araw namin doon hanggang sa napilitan na rin siyang pabalikin ako dito sa Pinas. Sino ba namang matutuwa na ama mo mismo ang mambubugaw sa'yo? Sa adik pa?" Sabi pa niya at napangisi siya.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magkuwento. Noong umalis siya dito, palagi kong naiisip na, siguro masaya na si Renz doon sa ibang bansa? Siguro unti-unti niyang matutupad ang mga pangarap niya doon. Na siguro, ang sarap na ng pamumuhay niya doon sa ibang bansa. Hindi ko lubos akalain na babalik siya agad dito dahil hindi maganda ang nangyayari doon sa pagitan niya at ng ama niya.

Pagkatapos niyang magkuwento ay natahimik kami parehas. Katahimikang naging dahilan upang ma-proseso ang lahat ng kinuwento niya utak ko.

"Dahil ang puso, hindi nauutusan." I said out of nowhere.

Napatingin sa akin si Renz.

I smiled at him. "That girl might've given you bad impression of her pero alam mo ba na bukod pa doon, hindi mo rin mauutusan ang puso mo na gustuhin siya. Isa lang ang ibig sabihin noon. Ngayong nandito ka na uli sa Pinas, marahil dito mo talaga dapat makamit ang mga pangarap mo. Dahil dito ka nakatadhana." Sabi ko sa kanya.

Maya-maya ay unti-unti siyang ngumiti. Ngiting ngayon ko lang ulit nakita.

"Free ka ba bukas?" Tanong niya.

I nodded.

"Good. Magde-date tayo."

~*~


R E N Z

"Siguraduhin mo lang na masasabi mo na ang lahat ng dapat mong sabihin sa kanya. Hindi 'yung pupunta-punta ka sa kanila ng hatinggabi, hindi mo pa rin pala nasabi lahat sa kanya." Sabi nitong feeling koryano kong kapatid.

"Oo na, oo na! Nakakarindi ka!"

"Eh ikaw kasi eh! Para kang siraulo. Bugbugin kita diyang gago ka eh."

"Edi bugbugin mo. Puro ka dada." Sabi ko sa kanya at inayos ko na ang sarili ko. Kinuha ko na ang susi ng kotse at lumabas na ako ng bahay.

Balak kong i-date si Ken ngayon. Sasabihin ko sa kanya na nagsinungaling ako. Dahil pinangunahan ako ng takot o pangamba kagabi ay gumawa na lang ako ng kwento. Hindi ko naman alam na madadala pala siya sa kasinungalingan ko. Sasabihin ko sa kanyang kaya ako bumalik agad dito ay dahil hindi ko kayang hindi ko siya makikita sa loob ng maraming taon.

Sinundo ko na si Ken sa kanilang bahay at pumunta na kami sa pinakamalapit na mall dito. Pagkarating namin sa mall ay tinanong ako ni Ken.

"Anong nahithit mo at naisipan mo akong i-date ngayon?" Tanong niya sa akin.

I just smiled at him. He just frowned.

"Punta muna tayo sa blue magic. May bibilhin lang ako." Sabi niya at sinamahan ko naman siya sa sinasabi niyang blue magic.

Puro stuffed toy ang nakita ko sa loob. Ang alam ko, nako-kornihan sa mga ganito si Ken. Pero ngayon siya pa talaga ang nagbalak bumili. Haha.

Bumili lang siya ng isang stuffed toy na goblin. I even saw him admiring the huge mint blue teddy bear. Pakunyari lang talaga siyang nakokornihan sa mga stuffed toy eh. Gusto rin naman.

Lumapit ako at kinuha ko 'yung malaking teddy bear na kanina pa niya tinititigan.

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ni Ken.

"Bibilhin malamang. Alangan namang iuwi ko 'to ng hindi binabayaran?" Sabi ko sa kanya. Tiningnan lang miya ako ng masama.

Napatawa naman ako. Pagkatapos naming mamili sa blue magic ay nagdate kuno na nga kami.

Dinala ko siya sa quantum. Naglaro kami. Nanood kami ng sine, nagpicture-picture, at kumain.

Kaya lang, habang kasama ko siya, I noticed something.

Parang iba siya. Parang hindi siya ang Ken na nakilala ko. Nahahalata ko dahil kabisado ko siya. Madalas kapag magkasama kami, tahimik lang siya. Pabulong siyang magkuwento, pabulong siyang namimintas ng ibang tao kaya madalas tawanan kami ng tawanan kapag magkasama kami.

Ngayon, iba. Parang pilit na pilit bawat tawa at mga ngiti na ipinapakita niya sa akin. Halatang may itinatago siya.

Ken, anong nangyari?

Ang date na dapat ay maaamin ko na sa kanya ang kasinungalingang nasabi ko, nauwi rin sa wala. Tamang date lang talaga kami. Iyon ay dahil ayokong sirain ang araw namin. Ang tanging hangad ko lang ngayon ay mapasaya siya at maipalimot sa kanya ang kung ano mang bumabagabag sa kalooban niya ngayon.

~*~

K E N

"Ken, pwede mo ba akong samahan sa botique ni Gerald? He's my ninang's son na may-ari noong botique. May kukunin lang ako. Kung gusto mo lang namang sumama." Aya ni Renz sa akin.

Ngunit dahil pagod na ako at parang lanta na ang katawan ko kakakilos, tumanggi muna ako.

"Hintayin na lang kita dito sa food court. Nakakangalay sa binti maglakad eh. Haha" sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at umalis na.

Sa totoo lang, na-appreciate ko itong pa-date kuno ni Renz. Alam ko naman na hindi talaga ito date. Gusto lang niya na magkaroon uli kami ng time dahil ilang buwan rin kaming hindi nagkita.

Oo, na-miss ko talaga si Renz. Pero kahit bumalik na siya at nandito na uli't kasama ko, hindi ko maitatanggi na may kulang pa rin talaga.

Napapikit ako. Ayoko mang isipin ay pilit pa rin talagang nanghihimasok sa utak ko ang mukha ni Vincent pati ang kanyang ngiti. Naramdaman kong muli ang matinding pag-aalala at pagka-miss sa kanya.

Kumusta na kaya siya? Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Masaya na kaya siya?

Gusto kong malaman. Gusto ko na ulit siyang makita. Pero alam ko na kapag ginawa ko iyon, bibigay na ako ng tuluyan. At ayokong mangyari iyon. Hangga't maaari, gugulin muna namin ang mga oras na ito para sa mga sarili namin upang mas makapag-isip isip kami.

Habang naghihintay ako dito sa may food court, sa may hindi kalayuan ay naaninag ko ang isang pamilyar na babae. At nang papalapit na ito ay saka ko lamang nakilala ang kanyang itsura.

Malayo ang itsura niya noong huli ko siyang makita. Maputla siya noon at parang may malubhang sakit. Ngunit ngayon ay masigla siyang nakakapaglakad sa kalagitnaan ng mall. Sa ngayon, mukhang totoo ang sinabi noon ni Vincent na plano lamang ito ng kanyang ama. Dahil gusto nitong makaganti sa kasalanang hindi naman talaga niya sinadya.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at walang pagdadalawang isip kong nilapitan 'yong babae. Ngunit papalapit pa lamang ako ay bigla naman siyang tumalikod nang makita niya ako. At dahil ineexpect ko na na ganun ang magiging reaksyon nya hinabol ko siya.

Mabuti na lang at mas mabilis akong tumakbo kesa sa kanya kaya naman nahabol ko kaagad siya.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya matapos na matapos ang habulan namin.

Napaiwas siya ng tingin. "Ayoko. Hindi kita kilala. May aasikasuhin pa ako. Excuse me," sabi niya at akmang paalis na uli siya nang pigilan ko siya.

"Kung hindi mo ako kilala, hindi mo dapat ako iniwasan. Please, mag-usap tayo." Sabi ko uli sa kanya.

Ngayon ay tumingin na siya sa mga mata ko. Magkahalong pagsisisi at takot ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Bakit? Anong pag-uusapan natin? Sisisihin mo ako? Isusumpa nyo ako dahil nabisto mo ako? Sige, sabihin mo na lahat. Ito naman--"

"Oo sinisisi kita. Oo gusto kitang isumpa dahil nabisto kita sa kalokohang ginagawa mo. Pero hindi ito ang oras para magdrama. Sa ngayon, gusto lang kitang makausap. Dahil marami akong gustong malaman."

---

Continue Reading

You'll Also Like

685K 17K 59
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
420K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...
66.5K 2.3K 17
Paano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan...
307K 7.9K 39
OLSG II: I'LL NEVER GO