Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

300K 13.9K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )

6.3K 338 46
By junjouheart

Gumawa ako ng isang malakas na harang upang walang mangingielam sa larong gagawin namin na buhay na ang nakasasalay sa larong ito.

" Inuutusan namin na sundin nyo ang tagapamagitan " utos ni Har Kasius.

Ngunit hindi namin pinansin ang kanyang sinabi. Nagsalita pa si Wicche Luna pero hindi pa rin namin sinunod.

" Nasaan na ang iregalo mo sa amin? Baka naman pagkatalo mo ang ireregalo mo sa amin. Bukas palad kong tanggapin iyon " sabi ng nakalaban ni Vashit.

Ngumiti ako sa kanila. Ilang sandali lang ay narinig ko ang tawa ng mga bata. Nilingon ko ito kung saan kami lumabas kanina at kita ko may mga hawak sila na iba't-ibang gamit. Lima silang bata na may mga pakpak na tulad sa aking mga alaga. Hindi ko alam na may ganito akong kakayahan dahil kailan lang sila lumabas. Pero nakakausap ko sila sa pamamagitan ng aking panaginip.

Nakapasok sila sa ginawa kong harang at tumungo sila sa akin. Lumilipad sila sa aking paligid habang pinaglalaruan ang mga hawak nila.

" A-ang manika na 'yan. Sa anak ko 'yang manika na 'yan! " sigaw ng nakalaban ni Vashit.

Huminto ang isa sa mga alaga kong may asul na buhok na si Nireus na may hawak-hawak na manika. Tumatawa ito habang pinaglalaruan ang manika sa kanyang kamay.

" A-anong ginawa mo sa anak ko! " sigaw muli nya at sumugod sa akin ngunit si Nireus ang nakaharap nya at mabilis syang sinipa.

Tumalsik sya ngunit tumama lang sya sa pader na aking ginawa na hindi nakikita ng mga mata.

" Pinatay ko sya tulad ng pagpatay mo sa kapatid ni Vashit " ngiti ni Nireus. " Naalala mo pa ang pagmamakaawa ng ina nya noong pinapatay mo ang kapatid ni Vashit, ganoon rin ang ginawa ng iyong asawa pero hindi ako naawa kasi hindi ka rin naawa sa pamilya nya " dagdag pang sabi nya na parang nagkekwento lang ng isang kwentong pambata

" Ay nabasag " isang basag na salamin ang nakita ko sa aking lapag na nagmula sa kamay ni Papelion na isang batang lalaki.

" Sa kapatid ko 'yan " ang nagsalita naman ay ang nakalaban ni Zilla.

" Gusto mo bang ikwento ko sa'yo kung paano ko sya tinapos? " sabay tawa nya. " Ginaya ko lang naman ang pagpaslang mo sa nag-iisang kasama ni Zilla sa kanyang buhay. Hindi ka naawa sa kanya " kausap nya na parang kalaro lang ang pinagkekwentuhan nya.

" Kanino nga pala ito? " taas ni Thoas sa isang perlas na kwintas. " Ang natatandaan ko lang ay pinatay ko sila sa... Ay nakalimutan ko na! " napakamot sya sa kanyang ulo.

" Sa i-ina ko ang kwintas na 'yan " sabi ng kumalaban kay Odette.

" Natatandaan ko na! Ikaw 'yung pumaslang sa magulang ni Odette kaya ginaya kita " ngiti nya sa kausap nya.

" I-ibig sabihin ay-- " hindi matuloy-tuloy ang sasabihin ng kalaban ni Cephas.

" Ako! " galak na tinaas ni Limnas ang kanyang kamay. " Naawa nga ako sa kanila pero syempre ginaya kita habang pinapaslang ang pamilya ni Cephas. "

Kita ko sa mga mata nila ang mga luha. Bakit ngayon ay umiiyak sila? Bakit hindi nila naisip na habang pumapaslang sila ng tulad ng lahi ko ay may pamilya ring naghihintay sa mga ito?

" Allaode! Huwag mong gawin ito! " napatingin ako sa labas ng entablado. Nakita ko si Jjani Thyia na lumuluha habang pinipilit na pumapasok sa harang. " Anak... " muli nyang tawag sa akin.

" Jjani Thyia " tawag ko sa pangalan nya.

Gusto kong puntahan at yakapin sya at paulit- ulit kong tawagin ang pangalan nya ngunit kung gagawin ko iyon ay mas lalo syang masasaktan..

" Nakikiusap ako sa'yo ibalik mo ang mga batang 'yan sa katawan mo. Hindi mo makakayanan. Wala ni isa sa lahi natin ang kayang palabasin sila ng sabay-sabay " sabi nya sa akin.

Ngiti lang ang tangi kong sinagot ko sa kanya dahil alam ko. Parte sila ng kabuuan ko. Isa lang ang mamatay sila ay ikakamatay ko rin at higit sa lahat, kung anumang lakas ang gagamitin nila ay eepekto sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko sa bagay na maaaring mangyari.

" Magsabay-sabay man kayo ay kaya ko kayang patumbahin " ngisi ko sa kanila.

Sumugod ang tatlong kasamahan ni Elor Odin ngunit ang humarap sa kanila ang mga pumaslang sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi sila umubra dahil tulad ng isa nilang kasamahan ay natalo kaagad sila. Tanging si Elor Odin na lang ang natitirang nakatayo.

" Anong gagawin namin sa kanya? " tanong ng mga alaga ko.

" Ako mismo ang papaslang sa kanya " sagot ko.

" Masyado kang bilib sa sarili mo. Labanan mo ako " panghahamon nya kaya mabilis akong sumugod sa kanya.

Sinipa ko sya pero sinanggi lang nya ng kanyang braso. Sinubukan ko rin syang suntukon ngunit nahawakan nya ang palad ko at diniinan ang paghawak. Napasigaw ako dahil ramdam kong may nabaling buto.

" Mahina ka rin " sagot nya na bilib na bilib sa sarili.

" Kung mahina ako bakit ka natatakot sa akin?! " sigaw ko sa kanya. " Ako lang naman 'diba ang kailangan nyo pero bakit pati sila ay dinamay nyo? Ang mga batang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Pati na rin ang sanggol na hindi nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ang mundo. Bakit?! " hindi ko napigilan ang emosyon ko.

" Wala na akong ginawa mula ng bata ako na taguan kayo. Natatakot ako sa tuwing may mga ibang nakatingin sa akin dahil baka isa kayo sa kanila. Itininanggi ko sa sarili ko na may isa pa akong lahi at namuhay ako na niloloko ang bawat nilalang na nakakasalamuha ko kahit ayaw ko. Naging mailap ako upang hindi nyo ako mahuli. Hanggang sa natuto akong maging malakas at matapang dahil sa kanila na laging pinapalakas ang loob ko. Pero anong ginawa nyo? Pinaslang nyo sila. " sambit ko sa mga salitang gusto ko sa kanilang sabihin noon pa.

" Ikaw ang nasa prope-- "

" Propesiya! Isang malaking kalokohan ang rason nyo na 'yan. Bakit hindi nyo na lang aminin sa lahat ng nandito na natatakot kayo...ikaw! " turo ko sa kanya. " ...natatakot ka na matanggal ang kapangyarihang meron kayo at hindi na kayo tingalain ng marami " ako na ang nagrason sa totoo nilang dahilan.

" Hindi totoo ang sinasabi mo " sagot ni Elor Odin na kita sa kanya ang pagkabigla sa aking sinabi na nagpapatotoo na totoo ang dahilan ko.

" Hindi ba kaibigan mo si Elor Tacito? " pagbubunyag ko. " Malaki ang inggit mo sa kanya at binalak mo syang paslangin dahil tinutulan mo ang gusto nyang kilalanin ang aming lahi na sya dapat ang mamumuno na noon pa dapat nangyari. Natakot kang hindi kilalanin ang iyong pamumuno sa oras mangyari iyon. At ang nais mo lang ay tingalain ka at kilalanin na ikaw ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihan sa lahat. Na sa tuwing papaslang kayo ay kinukuha nyo ang bawat lakas ng mga pinapatay nyo. Diba?! Tama ako?! "

Ito ang kinuwento sa akin ni Elor Tacito noon pero nanatili akong tahimik. Kung sasabihin ko ba sa mga pinuno ay papakinggan nila ako? Hindi. Dahil tulad ng iba, ang tingin nila sa mga cuncilum ay tagapaligtas.

" Bakit hindi ka makasagot? Dahil alam mong tama ako. Isa kang gahaman, walang puso, walang konsensya at makasariling nilalang! " sigaw ko sa kanya.

" Walang katotohanan ang sinabi mo " sagot nya at mabilis akong pinatamaan ng liwanag na nagmula sa kanyang palad kaya napasandal ako sa aking harang.

Pilit akong kumawala sa ginagawa nya dahil ang init sa balat at kapag nagtagal ako sa ganitong pwesto ay babaon sa katawan ko ang liwanag na nagmumula sa kanya.

" Itigil mo ang ginagawa mo " napatingin muli ako sa labas ng entablado.

Nakita ko si Xeriol na nakatingin ng masama kay Elor Odin. Kita ko sa mga mata nya ang nagliliyab na apoy. Hindi pwedeng sumali sya sa labang ito.

Ipinikit ko ang mata ko at mas lalong pinagtibay ang harang namin. Kumawala rin ako sa pagkakagapos sa pamamagitan ng pagbato sa kanya ng kasamahan nya.  Natutok sa ibang direksyon ang kamay nya kaya nakawala ako. Bumagsak ako sa sahig ng nakaluhod.

Nararamdaman ko ng bumibigay ang aking katawan. Ngunit hindi pa ako susuko. Kaya ko pa...

Tumayo ako at hinawakan ko ang tyan kong dumudugo na. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin na nasa aking paligid.

" Sigurado ka bang gagawin mo iyan? " tanong ng isa kong alaga kaya tumango ako.

' Pagbigyan ang aking hiling. Huling lakas ay aking ibibigay matalo lamang ang nasa aking harapan '

Muli kung pakiusap. Ito na ang huling paraan para mapaslang ko sya. Sa oras na magawa ko iyon, siguradong lalaya na kami. Magiging payapa na rin ang mga pinaslang nya.

" Itigil mo 'yan Allaode! Hindi mo pwedeng gawin 'yan! Nakikiusap ako sa'yo...huwag....ikamamatay mo ang paraang iyan " narinig ko ang boses ng aking ina.

***
" Mama Aliza, meron ka rin bang pakpak ng tulad sa kanila " tanong ko sa aking mama habang nagpapalabas ito ng mga paruparo sa kanyang palad

" Meron anak kaso kapag pinakita ko ito ay mawawala si Mama mo. Gusto mo ba 'yon? " sagot nya pero umiling ako bilang sagot sa tanong nya.

Kinarga ako ni Mama Aliza. " Kasi anak inilalabas lamang ang pakpak ng isang Lapidoptera kung handa ka ng ialay ang buhay mo sa hindi tamang panahon " paliwanag nya sa akin kahit hindi ko pa rin maintindihan.
***

Pero ngayon ay naiintindihan ko na ang ibig nyang sabihin. Ngunit alam ko ay ito na ang tamang panahon para gamitin ko ito.

" Allaode...nangako ka sa akin " narinig ko ang boses ni Xeriol.

Pakiusap huwag kang iiyak ng dahil sa akin. Isa akong sinungaling na tao dahil hindi ko man lang tinupad ang pangako ko kaya hindi ako karapat dapat sa luha mo.

Naramdaman ko na may hinihiwa sa aking likudan at sobrang init sa pakiramdam. Napaluhod ako at naghahabol ng hininga dahil pati ang lalamunan ko ay parang may nakabara.

" Lalabas na. Kaunting tiis na lang " saad ng mga paruparo ko.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Tiniis ko ang sakit ng nararamdaman ko hanggang sa unti-unti ng humupa. May hangin na nagmumula sa aking likudan at ang gaan ng katawan ko. Marahan kong dinilat ang mata ko at ang nakita kong pasugod si Elor Odin kaya napaharang ako ng aking braso sa mukha ko pero wala akong naramdaman.

Pagdilat ko muli ng aking mata ay kulay asul na isang malaking pakpak ang nakaharang sa aking harap. Tulad ito ng disenyo ng aking mga paruparo. Ito na ba ang pakpak ko? Napakaganda ngunit ito na ang una't huli kong makikita ang pakpak na ito.

Binuksan ko ang aking pakpak at tumalsik si Elor Tacito ngunit agad na tumayo. Pinagaspas ko na ang aking pakpak upang makalipad patungo sa kanya ngunit hindi ako makagalaw na tila may minamanipula ako.

Hindi si Elor Odin ang dahilan kaya hinanap ko kung saan nanggagaling iyon. Nakita ko ang nakalaban ni Vashit na nakatingin sa akin. Nilabanan ko ang ginagawa nya dahil pareho kami ng kapangyarihan. Hindi ako nagpatalo kahit naramdaman kong may mainit na likidong lumabas sa aking ilong.

Ilang sandali ay natalo ko sya. Pinunasan ko ang dugong tumulo sa aking ilong at humarap kay Elor Odin na bumubuka ang bibig.

" Ngayon na! " mabilis nyang inilapag ang kanyang palad sa sahig at mula doon ay may liwanag na lumabas.

Hindi ko alam kung ano iyon pero ng tumama sa akin ay nagdulot ng hiwa sa aking balat. Mabilis kong binalot ibinalot sa aking harapan ang mga pakpak ko upang maprotektahan ko ang sarili ko ngunit ramdam ko naman na tumatama ito sa aking likudan at paanan.

Hanggang sa wala na akong maramdaman. Pagtanggal ko ng aking pakpak ay nakita ko si Elor Odin na hinihingal kaya ang ibig sabihin ay marami na rin ang nawalang kapangyarihan sa kanya.

Tumungo ako sa kanya at humarap. Sinubukan nyang lumaban pero hindi na sapat ang kanyang lakas. Halata na sa kanya ang pagiging matanda.

" Ako naman ngayon " ngiti ko sa kanya dahil alam kong panalo na ako.

Pinagaspas ko ng mabilis aking mga pakpak kaya malakas na hangin ang nangyari.

" Handa na ako " sagot ko.

Patuloy pa rin ang pagpagaspas ng aking pakpak hanggang sa may namumuong talim sa mga ito hanggang sa huling pagpagaspas ko ay tumama ang talim kay Elor Odin. Naglaho ito ng mabilis sa kanyang katawan pero kita naman ang dulot na agad na itinumba nya sa sahig.

Kita ko ang agos ng dugong dumadaloy sa kanya na kumakalat sa sahig. Napangiti ako dahil alam kong tapos na.

" Para sa'yo--- " humarap ako sa aking likudan at nakita ko ang nakalaban ni Zilla. " ..ito! Para sa pagpatay mo sa aking kapatid! "

Napahawak ako sa matalim na bagay na itinurok nya sa aking dibdib at mas lalong dinidiin nya.

" H-hindi ko sya pinatay " ngiti ko sa kanya kaya napabitaw sya sa hawak nyang matulis na bagay.

Napaluhod ako sa aking kinatatayuan at ramdam ko ang unti-unting paglaho ng aking mga pakpak. Wala na rin ang harang na ginawa ko kaya may nakikita akong yapak na patungo  sa akin.

" A-anak.. " tinig ni Mama Aliza iyon. " Huwag kang mag-alala. Mabubuhay ka pa " iyak.

Hinawakan ko ang pisngi nya. " P-pareho kayo ng aking ....i-ina na may malambot na....k-kutis " ngiti ko sa kanya.

" Anak... " tawag nyang muli sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ko na rin kayang lumuhod kaya hinihintay ko na lang na bumagsak ako ngunit may naramdaman akong humawak sa aking balikat. Pamilyar ang mga kamay na 'yon.

" Xe-xeriol " ngumiti ako sa kanya.

Marahan nya akong inilapag sa kanyang hita at biglang binalutan kami ng apoy. Kaming dalawa lang sa loob ng ginawa nyang harang. Kinokontra ng init ng kanyang apoy ang lamig na nararamdaman ko.

" Nangako ka sa akin. Hindi ka aalis " nakita ko ang luha nyang pumapatak kaya pinunasan ko ito pero hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito.

" P-patawad " hindi ko na kaya pang magsalita.

" Madaya ka " saad nya sa akin. " Pero tutuparin ko pa rin ang pangako ko sa'yo na hindi kita papakawalan sa oras na matapos ang laban mo at mga iba ko pang pangako sa'yo. "

Ngumiti ako sa sinabi nya. " Pwede bang halikan kita sa huling pagkakataon? " tanong ko sa kanya.

Tumango sya at inilapit ang labi sa aking mga labi. Naramdaman kong muli ang mga labing bigla na lang dadampi sa akin. Humiwalay rin sya kaagad.

Ganito ang pakiramdam ng una nya akong hinalikan na parang may nawala sa akin na sobrang sakit..hindi ang sinasabi nyang magkasama kami sa isang hardin at masaya.

" P-pwede bang isa pa? " natatawa kong sabi.

Tumango sya habang natatawa rin. Muli ay nakita ko ang ngiti nya sa huling segundo ng buhay ko. Ipinikit ko ang aking mata at hinintay ang paglapat ng kanyang labi pero hindi ko na kaya pa....

" Allaode! Gumising ka! "

" Allaode....hindi ko pa nasasabi kung g-gaano kita kamahal "

" G-gumising ka. H-huwag mo naman akong i-iwan... "

" A-allaode...mahal na mahal kita...A-allaode "





-------------------------------------------------------------

Wala po akong alam sa nangyari. Charot! Hahahahaha.

Last chapter na next TT^TT

Maraming-maraming salamat sa patuloy na pagbabasa. Hindi ko na alam kung anong story ang gagawin ko. Gusto ko sana ng werewolf kaso nagdadalawang isip pa ako. Ano say nyo? Hahahah.

O, sya vote and comment kayo :)

-junjouheart-

Continue Reading

You'll Also Like

153K 9K 59
Shawn, the fifth gate keeper of Kosmos. Genre: Fantasy/Action/Romance
1.6M 64.8K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
135K 6.3K 50
R-16 Status: COMPLETED (book-I) WELCOME TO HARRIAM UNIVERSITY ANG SIKAT NA ALL BOYS SCHOOL!! Started- 08/14/20 Finished- 09/28/20
637K 18.2K 40
Paano nga ba mamumuhay ang isang promdi beki sa magulong city? Basahin at alamin ang kwento ni Pete. Cover by @xxbamchuxx