Famous Meets Bad Girl (Publis...

By SweetAdmirer

29.8M 609K 121K

Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Compl... More

Chapter 1 - The Encounter
Chapter 2 - Scholarship
Chapter 3 - Princess
Chapter 4 - Detention
Chapter 5 [1] - Naked
Chapter 5 [2] - Bad
Chapter 6 - Dreams
Chapter 7 - Classmates
Chapter 8 - World War 4
Chapter 9 - Announcement
Chapter 10 - Boys Talk
Chapter 11 - Past
Chapter 12 - Gas Station
Chapter 13 - Catwalk
Chapter 14 - Text
Chapter 15 - First Class
Chapter 16 - Call
Chapter 17 - Trunks
Chapter 18 - Threat
Chapter 19 - Like a Boss
Chapter 20 - Kid
Chapter 21 - Ceasefire
Chapter 22 - Mad
Chapter 23 - Deal
Chapter 24 - SPG
Chapter 25 - Clarification
Chapter 26 - Big Day
Chapter 27 - Duet
Chapter 28 - Anger
Chapter 29 - Mess
Chapter 30 - Savior
Chapter 31 - Good Side
Chapter 32 - Uyy!
Chapter 33 - Wtf
Chapter 34 - Bar
Chapter 35 - Huli Ka!
Chapter 36 - Island
Chapter 37 - Grabe
Chapter 38 - His Warning
Chapter 39 - LAME TO!
Chapter 40 - Sexy
Chapter 41 - Quest
Chapter 42 - Serious
Chapter 43 - Overthinking
Chapter 44 - Confusions
Chapter 45 - TV
Chapter 46 - Chase
Chapter 47 - Hanky
Chapter 49 - Risk
Chapter 49 - Stranger
Chapter 50 - Secret
Chapter 51 - Heartbreak
Chapter 52 - Agony
Announcements
Chapter 52.5 - Dumbfounded
Chapter 52.5 - Revelation
First Part of the Last Chapter
Epilogue
Admirers
Announcement
Author's note
ABOUT THE BOOK TWO
PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA

Last Chapter

381K 5.1K 1.5K
By SweetAdmirer

T E R R E N C E

I am fully recovered. Wala ng masakit sa katawan ko pero wala ng mas sasakit sa pag-iisip ko sa kanya. Nakakatawa.. pinag-meet kami ng tadhana dahil sa isang sampal. Kung hindi n'ya siguro ginawa 'yun. Hindi ako magkakaroon ng interes sa kanya. Hinding hindi ko malilimutan 'yung araw na 'yun dahil kung hindi nangyari ang bagay na 'yon. Wala kami dito. Walang story na magaganap..

Natigil ako sa pag-iisip noong nagring ng nag-ring ang phone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Blonde calling..

Kaagad ko 'tong sinagot. Sa lahat ng nangyari, mas naging close kami ng ng blonde n'yang best friend. Alam ko na s'ya lang ang pag-asa ko para magkausap kami.. para magkaayos kaming dalawa. Umaasa pa din ako na mapapatawad n'ya ako. Hindi man ngayon pero sana mangyari 'yung hinihiling ko..

Laking pagsisisi ko kung bakit ko pa pinatulan 'yung 'suicide' na plano nila Carl. Mas lumala pa ang sitwasyon. Namisinterpret n'ya yung pag-uusap ng mga ungas kong kaibigan. Kaya mas hiniling ko na lang sa kanya. Na sa akin na lang s'ya magalit kaysa naman magalit s'ya sa mga kaibigan ko. Lahat kaya kong tanggapin.. kaya kong saluhin at akuin ang lahat para wala ng madamay.

Mas gugustuhin ko pang ibunton n'ya sa akin lahat ng galit n'ya.. tutal ginawa lang naman nila 'yun para tin sa akin..

"Hoy! Hindi mo ba s'ya susundan?!" rinig na rinig ko 'yung megaphone n'yang bibig. Wala na bang ihihina ang boses n'ya because everytime she talks, she is screaming. Ang sakit talaga sa tenga ng bibig n'ya.

"What are you talking about?" I asked. Wala talaga akong ideya sa pinagsasabi n'ya.

"Ay grabe! Si Trish aalis! Pupuntang Europe! Galaw galaw din pag may time!" I suddenly felt that my world stopped for seconds, "Go Terrence! TLovers forevaaa!" she cheered. Kaagad kong pinatay 'yung phone ko at nagmadali na akong pumunta sa airport. Hintayin mo ko, aayusin natin ang gusto na ito. Pabulong na sabi ko.

Kahit sana sa huling pagkakataon ay makita ko s'ya. Pinaharurot ko ang kotse ko at bahala na.. basta ang nasa isip ko ay dapat na makita o makausap man lang s'ya.

"Damn it! Traffic pa!" sumabay pa talaga 'yung rush hour. Mag-aalas sinco na rin kasi ng hapon at mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko noong naipit ako sa pesteng traffic na 'to. Wala na bang mas lalala pa dito?

Kung mamalasin ka nga naman oh! Wala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Hindi ba talaga aayon sa akin ang tadhana kahit ngayon lang? I thought.

Naghanap ako ng ibang ruta. Basta ang nasa isip ko lang ngayon kung paano ako makakapunta sa Airport ng mas mabilis. Kailan ko talaga s'yang maabutan.

Halos mapamura ako noong may mabangga naman ako.. bigla kasi s'yang tumawid sa daraanan ko, "Shit naman!" bumaba ako sa kotse ko para i-check kung okay lang yung babaeng nabangga ko. Lahat na lang ba? Nakakainis naman.

Kung kailan ka nagmamadali doon ka naman napapabagal. "Are you okay?" tanong ko sa kanya. Tila nanigas naman s'ya noong nakita n'ya ako. "Te-Terrence Sy?!" nag-spark yung mga mata n'ya noong nakita n'ya ako. Hindi na ako nag-isip ng matagal at tinulungan ko s'yang makatayo.

"Look miss, I am in hurry. May masakit ba sa'yo?" tanong ko sa kanya. Umiling iling naman s'ya. "Papicture na lang!" sabi n'ya. Gusto kong mapa-facepalm sa inis. Damn.

Ngumiti na lang ako ng pilit kahit naiinis ako. Ayaw ko naman maging rude dahil may kasalanan pa rin ako kahit papaano. Akala ko magtatagal pa ako at dadalhin pa s'ya sa hospital. Buti na lang at walang gaanong damage. Binigyan ko din s'ya ng pera para pangpacheck-up n'ya.

Kung minamalas ka nga naman oh. Lahat na lang ng kamalasan sinapit ko na. Tinapakan ko 'yung gas at nagmadali na naman ako mag-drive. "Makiaayon ka naman sa akin. Please lang," bulong ko.

Hinihiling ko na hindi ako mahuhuli, na makikita ko pa s'ya, na masasabi ko pa na mahal na mahal ko s'ya. Hindi ako magsasawa na habulin s'ya. Hindi ako magsasawa na humingi ng kapatawaran sa kanya. Hinding hindi ako magsasawa na mahalin s'ya.

Alam kong hindi madaling magpatawad pero alam ko na dadating ka sa point na maliliwanagan s'ya. Na kapag dumating 'yung point na 'yun.. parehokaming sasaya. Sana lang talaga.

Isa isang bumalik sa alaala ko 'yung mga nangyari sa amin. Shit ang korny! Hindi naman ako ganito dati. Tinatanong ko 'yung sarili ko kung bakit sa lahat ng babae, s'ya 'yung nagustuhan ko. Pero kung hahanap ako ng reasons kung bakit ko s'ya nagustuhan parang tanga diba?

Mahal mo s'ya dahil mahal mo. Kasi kung mahal mo 'yung isang tao--walang reason. Paano na lang kung mawala 'yung mga reasons kung bakit mo s'ya minahal ay nawala? Kung mahal mo s'ya, mahal mo.

Bumaba ako kaagad sa kotse ko at mabilis na hinanap 'yung monitor kung saan makikita mo 'yung mga eroplanong nakaalis at kadadating pa lang.

Nahuli na ata ako ng dating. Wala na.. nakaalis na s'ya.

Napaupo na lang ako sa bench. Bakit hindi mo ko hinintay? Mag-eexplain pa ako sa'yo diba? Sasabihin ko pa sa'yo na ako si Black Knight.. pero mukhang imposible na. Napahilamos na lang 'yung palad ko sa mukha ko.

Nagsimula na ring magsipatakan ang mga luhang kanina pang gustong makakawala sa aking mga mata. Nag-umpisa na silang dumaloy pababa sa aking mukha at mukhang hindi na titigil pa. Hinihiling ko na parang pelikula lang ang mangyayari ngayon. Na hindi pa s'ya nakakaalis. Na pupuntahan n'ya ako. Na may kakalabit sa likod ko at makikita ko na nakangiti s'ya.. na hindi s'ya umalis. Na nandito s'ya sa tabi ko. Na sasabihin n'yang mahal n'ya ako at hindi n'ya ako iiwanan.

Pero hindi e.. wala kami sa pelikula na madalas kong ginagawa. Umalis na s'ya at iniwanan ako na hindi ko man lang naeexplain sa kanya ang lahat. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Wala ako sa posisyon para sumbatan s'ya sa pag-iwan n'ya sa akin. Deserve ko ang lahat ng 'to, ako rin dapat ang sisihin sa kalungkutan ko.

Bumalik ako sa kotse ko ng walang buhay. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko.. marahil ilag din sila sa akin ngayon. Baka nararamdaman din nila ang sakit na nararamdaman ko.

Pambihira lang talaga 'yung tadhana na 'yan, simula ngayon, hindi na ako naniniwala sa destiny na 'yan.. walang happy ending. Kung meron man, nasaan? Bakit hindi ko makita at maramdaman?

Tumungo ako at nag-drive patungo sa taong makakaintindi sa akin. 'Yung taong makakaintindi na nararamdaman ko. 'Yung taong nariyan sa akin na tahimik lang na nakikinig at hindi ako sinusumbatan.

Umupo ako sa tabi n'ya dala dala ang sakit sa puso na nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko na nag-iisa na ako ngayon. Wala na e, iniwan n'ya na ko. May reason pa ba para sumaya? Lahat na lang ng emosyon na tinatago ko kanina ay pwede kong sabihin sa kanya.

"Dapat po kasi hindi n'yo na lang ako iniligtas. Ang sakit lang Tita, gusto kong sumaya pero hindi ko magawa." tears were endlessy falling from my eyes, "Sa lahat naman ng magsasakripisyo.. bakit pa po kayo? Sana po hinayaan n'yo na lang ako na masagasaan. Sana po matawad n'yo ko.. sana mapatawad ako ng anak n'yo," I whispered.

"Tita, hindi ko naman po sasaktan 'yung anak n'yo, pinapangako ko po sa inyo 'yun. Kaso po mukhang malabo ng mangyari 'yun.. galit na galit po s'ya akin."

"Takte namang luha 'to. Bakit ngayon ka pa bumagsak? Dito pa sa harap ng mother-in-law ko? Pinapahiya n'yo naman ako.." I wiped those tears using the back of my hand. Parang ang baliw ko kasi, nakuha ko pang magbiro sa lagay na 'to.

"Wala na po ba akong karapatan para sumaya? Nagsisi na po ako sa ginawa ko.. sana po tulungan n'yo ko. Sige po, aalis na po ko Tita. Aasahan ko po 'yung araw na mapapatawad n'ya ako.. na mapapatawad ako ng pamilya n'yo. Mahal na mahal ko po ang anak n'yo, at hinding hindi na po magbabago 'yun."

Napatingin ako sa kalangitan, papalubog na pala ang araw at saksi ang mga sinag nito sa kalungkutan ko. Nakaupo lang ako sa harap ng puntod ng mama n'ya, tahimik na nananalangin na sana mapatawad nya ako.

Ilang minuto pa ay binalot na ng kadiliman ang buong paligid, gabi na pala. Napailing na lang ako, "If two people are meant to be together, eventually they will find their way back." Tumayo ako sa pagkakaupo ko habang papalakad patungo sa kotse ko.

Ito na lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Kung kami talaga ang magkakatuluyan, kami talaga. Hindi man mangyari ngayon.. malay mo sa darating na araw kami pa rin.

"I have loved you yesterday, and I love you still, I always have and I always will. I love you Princess Trish Lua. I love you my freak.. my bad girl." I murmured to the universe. Until we cross our paths again, my freak. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal 'yan.

Mahal na mahal kita,Trish, higit pa sa salitang sobra. 


Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 634 22
Si Maerian Garduce ay isa lamang sa mga babaeng naniniwala sa forever, noon. Naniwala siya at hinanap ang ka-forever gamit ang susi na simbolo ng isa...
96.1M 1.1M 98
(Completed) | No Soft Copy | My name is Nami Shanaia San Jose. And this... is my-- our story.
1.8M 53.6K 48
Sabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinity and beyond? Maging kasing sweet pa rin...
21.8K 1.2K 19
This is a collection of short stories that randomly floating in my mind. It's either I heard a story and wrote it, read the plot somewhere else and g...