Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

300K 13.9K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

Ika-27 Kabanata ( Unang parte )

6.4K 315 19
By junjouheart

Ngayong araw ay namili kami ng iba't-ibang bagay at pagkain na ipapasalubong namin sa mga kalahing naghihintay sa amin. Alam kong hindi magandang balita na ang makakalaban namin ay ang mga cuncilum pero titiyakin ko naman na mananalo kami sa laban upang kahit papaano ay mapawi ang masamang balita.

" Maraming salamat po " nakangiti naming sabi matapos makabili sa isang tindahan ng mga libro.

" Sigurong matutuwa si Kuya Ulric kapag nalaman nyang naibili ko sya ng libro na may kinalaman sa bituin " kita ko sa mukha ni Zilla ang saya at sabik na makita na ang kanyang kapatid.

Sunod naman naming pinuntahan ay bilihan ng mga tela para naman sa ina ni Odette na hilig manahi ng mga damit. Bumili rin na kami ng iba't-ibang pangdisenyo sa mga damit.

Habang naglalakad kami sa pamilihan ay hindi rin magkamayaw ang mga nakikita naming bumibili sa mga bangketa. Magaganda rin ang kanilang tinda at mura pa kaya nakakaenganyong bumili.

" Maaari ko po bang tingnan ang panaling ito sa buhok? " tanong ni Cephas sa matandang nagbebenta ng mga gamit ng mga babae tulad ng alahas at mga panali sa buhok.

" Oo naman iho " ngiti ng matanda kaya kinuha ni Cephas ang isang klip sa buhok na may disensyong bulaklak na ang talulot ay may makulay na dyamante.

" Sa tingin mo ba ay magugustuhan ito ni Hadria? " tanong nya sa akin.

" Oo naman. Simple lang naman ang kapatid mo kaya bagay sa kanya ang ganyang disenyo " sagot ko.

Binili ni Cephas ang kanyang napili at pumili pa sya ng iba para naman sa kanyang ina. Nagtingin-tingin pa kami sa iba na baka may magustuhan pa sya na ireregalo sa pamilya nya.

" Pwede po bang dagdagan nyo pa ng isa pa. Apat po kasi ang kapatid kong maliliit kaya baka mag-away away sila kung tatlo lang ang ibibigay ko. Sapat na lang po kasi ang pera ko " sabi ni Vashit sa tinderong nagtitinda ng bola.

Napakamot naman sa ulo ang tindero pero pinagbigyan nya si Vashit. Masayang nagtungo pa si Vashit sa ibang tindahan at napadako kami sa bilihan ng iba't-ibang uri ng kendi at matatamis na pagkain.

Bumili sya ng mga ito para sa kanyang mga kapatid. Binili naman nya ang kanyang magulang ng tsaa na hilig daw nilang inumin tuwing umaga. Ako naman bumili ng tsokolate para sa kapatid ni Sage at para na rin sa ibang bata. Nakabili na rin kasi ako kanina ng mga gamit panggawa ng maskara na hilig nyang gawin.

" Wala na ba kayong nakalimutang bilhin? " tanong ko.

" Wala na " sagot naman nila kaya nagtungo na kami sa lugar kung saan makikita namin silang muli.

----

Napakapayapa at ang sarap sa pakiramdam ng hanging dumadampi sa aming balat dito sa gubat. Hindi maiwasan ang magdaldalan at magharutan habang naglalakad kami patungo sa mga kabahayan. Medyo malapit na kami ng may mapansin ako.

" Napakatahimik naman ata? " saad ko.

Kadalasan kasi ay naririnig ko na ang mga batang nagsisigawan at mga naghaharutan kahit hindi pa ako nakararating mismo sa kabahayan.

" Baka na pagalitan sila ng mga nakatatanda " sagot ni Cephas.

Pinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Nangunguna sa paglalakad si Vashit at Odette na magkalapit at walang asarang nagaganap. Si Cephas at Zilla ay may pinag-uusapan tungkol kay Hadria dahil si Zilla at Hadria ay matalik na magkaibigan. Ako naman ay pinagmamasdan silang apat dahil natutuwa akong makita silang masaya.

Nakita na namin ang malaking dahon kung saan kapag hinawi ay makikita na ang mga kabahayan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa may maapakan ako. Tiningnan ko ang lupang inaapakan ko at nakita ko ang isang paruparo na wala ng buhay. Umupo ako upang pulutin ito ng mapansin ko ang disenyo at kulay nito.

Hindi maaari!

" Inay! Itay! "

" Hadria! "

" Kuya Ulric! "

Sigaw nila ang narinig ko kaya mabilis akong nagtungo doon. Paghawi ko sa malaking dahon ay napabitaw ako sa hawak ko at napatakip sa bibig ko.

Sino ang gumawa nito?

" Mga kapatid ko nandito na si Kuya Vashit. Gumising kayo! May binili ako para sa inyo "

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa mga nakikita ko. Naramdaman ko na lang na may pumapatak na mainit sa aking mga mata. Tila dinudurog ako sa mga nakikita ko.

" Hadria.... Gumising ka... Huwag mo akong iwan.. 'di ba nangako ka pa kay Kuya na magsasanay tayo sa tabi ng ilog pagbalik ko "

Hindi ko kayang tingnan ang mga nasa paligid ko kaya napayuko na lang ako pero pati ang inaapakan ko ay may bahid ng dugo.

" K-kuya Ulric..t-tingnan mo nabili kong mga librong.. g-gusto mong basahin. Kuya! Kuya! A-yaw kong mag-isa! I-ikaw lang ang m-meron ako. K-kuya! "

Gusto kong takpan ang tenga ko sa naririnig kong pag-iyak nila. Wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano sila patatahanin dahil ako mismo ay naramdaman kong nawalan ng mahal sa buhay.

" I-ikaw ang may kasalanan nito! " napatingin ako kay Vashit na nakatingin sa akin habang nasa kanyang mga bisig ang kapatid nyang wala ng buhay.

Ako ba?

" K-kung sana hindi ka ipinanganak!... h-hindi kami madadamay sa galit ng mga c-cuncilum! "

Kita ko ang galit, lungkot at paghati sa mga mata nya.

" Patawad " iyon na lang ang tangi kong nasambit.

Kung hindi sana ako ipinanganak o tumakas ng gabing iyon ay hindi mangyayari ito. Siguro tama sya na....ako ang lahat ng puno't dulo ng gulong ito.

" P-patawad "

Kung sana hindi na ako nag-aya pang mamili kami ay mapapaaga kami ng punta dito at napigilan namin silang patayin ang lahat ng mga kalahi namin.

" P-patawarin nyo ako "

Ang raming buhay ang nawala ng dahil sa akin. Ako ang pumatay sa kanila. Ako ang may kasalanan kung bakit sila nawalan ng mahal sa buhay.

Pakkk!

Napatingin ako sa narinig kong malakas na sampal. Nakita ko si Odette sa harap ni Vashit na tumutulo rin ang mga luha.

" Hindi ka dapat magsalita ng ganyan sa pinuno natin " pagtatanggol nya kasabay ang pagngiti nya sa akin.

Bakit ba kailangan kong makita ang ganitong senaryo habang nabubuhay ako?

Ang sakit sakit na...

" K-uya.... A-allaode " napatingin ako sa bahay nila Sage at nakita ko ang bunso nyang kapatid na may hawak na maskara na nababahidan ng mga dugo.

Mabilis akong tumungo sa kanya. Nasalo ko sya bago sya tumumba sa lupa. Ipinatakong ko sya sa mga hita ko.

" K-kuya.. " ngiti nya sa akin na mas lalong ikinadurog ng puso ko.

" P-papagalingin ka namin " sambit ko .

" N-nakita..k-ko si...K-kuya Sage " saad nya kaya niyakap ko sya.

Huwag naman pati sya. Ipinangako ko noon kay Sage na poprotektahan ko ang pamilya nya. Huwag sya...

" S-sabi nya....a-aalis kami pa..puntang malayo " iniharap ko sya sa akin.

" Huwag kang sumama sa Kuya mo. D-dito ka na lang sa akin. Bumili ako ng mga gamit mo panggawa ng maskara kaya dito ka na lang " kumbinsi ko sa kanya.

Umiling sya. " H-hindi pwede. Kasa....ma nya si Ma..ma saka 'yung ma...liit kong kapatid "

Hindi na ako nakapagsalita at tanging masagot ko ay ang pag-iyak ko.

" T-tumahan ka na " hawak nya sa pisngi ko habang pinupunasan ang luhang pumapatak. " G-gusto kong ngi..ngiti ka " saad nya kaya pinilit kong ngumiti sa kanya pero hindi ko magawa.

" K-kuya p-para sa'yo " abot nya sa akin ng maskarang yakap nya kanina.

Kinuha ko naman ito pero bago ko pa man mahawakan ay bumagsak ito sa lupa. " P-patawad.. P-patawad " yakap ko sa kanya.

Akala ko wala ng sasakit ng mawalan ako ng magulang. Akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganitong sakit.

" Ilibing na natin sila " salita ni Cephas na alam ko na masakit ang gagawin nya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at maayos na inihiga ang kapatid ni Sage. Inabot sa akin ni Vashit ang plastik kong dala.

" Ibigay mo sa kanya 'yan dahil m-mahilig sya s-sa maskara " kausap nito sa akin.

Tumango ako sa kanya at kinuha sa kanya ang plastik. Sa huling pagkakataon pinagmasdan ko ang lugar. Ang lugar kung saan sila nagsasaya at lugar kung saan naramdaman ko na maraming pamilyang nagmamahal sa akin. Ngunit ngayon ay lugar kung saan lahat sila ay nawalan ng buhay.

Hindi ko sila mapapatawad.

***

Inilapag ko ang tungkod na binili ko sa tabi ng puntod ni Elor Tacito. Nakita namin sya sa loob ng bahay kung saan ginaganap ang dati naming pagpupulong. Halatang pinangtanggol nya ang mga nasa loob na hanggang sa huling pagkakataon ay lumaban sya para sa lahi namin.

" Kailangan na nating bumalik bago lumubog ang araw para makapaghanda tayo sa laban para bukas " saad ni Cephas.

Humarap naman ako sa kanila. " Patawarin nyo ako... Patawad " yuko ko sa kanila.

Wala akong ibang masabi. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako hihingi ng tawad sa kanila. Walang kapatawaran ang nagawa ko.

" Huwag mong sisihin ang sarili mo " napatingin ako kay Zilla. " Wala kang kasalanan sa nangyari " dagdag pa nya.

" Ang kailangan lang natin ay manalo laban sa bukas upang maghatid ng magandang balita para sa kanila dahil iyon ang hinihintay nila " sabi ni Odette habang nilalagyan ng bato ang puntod ng kanyang mga magulang.

Lumapit naman sa akin si Vashit at niyakap ako. " Ako ang humihingi ng tawad sa nasabi ko kanina. Hindi ko intensyon na sabihin iyon dahil sa una pa lang ay ang mga cuncilum ang dapat sisihin " puno ng galit ang nga salitang binibitawa nya.

Umiyak na lang ako sa balikat nya. Mas gusto kong sisihin nila ako. Mas gusto kong ipamukha nila sa akin na ako ang may kasalanan ng lahat. Dahil mas lalong masakit na hanggang sa huli ay ako ang kinakampihan nila na puno't dulo ng gulong ito.

" Tumahan ka na " hiwalay ni Vashit at nakangiting tumingin sa akin.

Ang mga mata nya ay 'tila wala ng buhay. Ang dating masayahin nyang mata ay napalitan ng sakit at pighati.

" Baka may makakita sa ating iba, sabihin pinaiyak kita " biro nito sabay tawa pero hindi ko nais na marinig ang tawang may kinukubling sakit.

Apat na maliliit nyang kapatid at magulang nya ang nawala sa kanya. Tanging sya na lang ang mag-isa ang natira sa pamilya nila.

" Ang panget mong tumawa Vashit. Para kang tanga! " pang-aasar ni Odette habang umiiyak.

Nawalan naman sya ng mga magulang. Noon pa man ay nakikita ko na sobrang lapit nya sa mga magulang nya. Nalaman ko pa noon na tumatabi pa sya sa kanilang pagtulog kaya natutukso sya ang dahilan kung bakit hindi na sya nasundan pa.

" Sana pag-uwi natin ay hindi na kayo ganyan kaingay " pagitan sa kanila ni Zilla.

Ang tanging pamilya nya ay ang kapatid nyang si Ulric. Dati ay naririnig ko pa ang mga lugar na pupuntahan nila kapag naging malaya kami. Lalo na ang tungkol sa kanilang hinaharap na kahit magkaroon pa daw ng asawa si Ulric ay hindi nya iiwan si Zilla.

" Maghanda na kayo sa pag-alis natin. May kukuhanin lamang ako sa tahanan namin " utos ni Cephas.

Sinundan ko sya ng tingin papasok sa loob ng kanilang tahanan. Sobrang bait nyang anak at kapatid sa ina at kay Hadria. Lahat ng gusto ni Hadria ay sinusunod nya at hindi makatanggi. Alam ko na tinatatagan nya lang ang loob sa aming harap.

Sinundan ko sya sa loob ng kanilang tahanan. Nakita ko sya na nakaupo sa kanilang papag habang yakap yakap ang isang litrato. Lumapit ako sa kanya at napatingala sya sa akin. Ang kanina pang luha na pinipigilan nya ay kumawala na.

Niyakap nya ako sa aking bewang. Rinig ko ang bawat pagtangis nya. Ang sakit sa bawat pag-iyak nya at ang galit sa kanyang mga mata. Ang tanging magagawa ko lang ay hagudin ang kanyang likudan na hindi ko alam kung nakakatulong.

-----

Nakabalik na kami sa aming silid sa paligsahan. Mabilis na humiga ang bawat isa sa kanilang kama at nagtalukbong ng kumot. Pinatay ko na ang ilaw at humiga na rin.

Pigilan man nila ang tunog ng kanilang pag-iyak ay naririnig ko pa rin. Ang bawat pighati at pagtangis nila ay ramdam na ramdam ko kahit ayaw nilang sabihin at ipakita sa akin.

Bukas ay ipapakita ko sa kanila na napakalaking pagkakamali ang ginawa nila. Hindi lang sapat ang matalo ko sila dahil gusto kong maramdaman nila ang sakit ng mawalan na kulang pa para sa mga tulad kong pinaslang nila. Baka hindi na sila makaramdam ng sakit dahil manhid na sila.

' Anong gusto mong gawin namin? '

Ipinikit ko ang mga mata ko ng may marinig akong mga boses. Kinausap ko sila kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Naiintindihan nila ako. Wala man sila sa harap ko, ramdam ko niyayakap nila ako.

" Maraming salamat " saad ko sa kanila.

" Allaode, sino ang kausap mo? " tanong ni Cephas kaya lumingon ako sa kanya.

" Ang mga paruparo ko. Matulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas " isang pilit na ngiti ang ginagawad ko sa kanya.

---

Narito na kami sa harap ng entablado at hinihintay ang paglabas ng mga cuncilum na aming kalaban. Maraming sumisigaw sa pangalan ng aming grupo at sumusuporta sa amin. Narito rin ang mga grupong nakasama namin sa paligsahan upang tunghayaan ang huling parte ng laban.

" Kaya nyo 'yan Coer! " rinig namin ang pagsigaw ni Tetsuna na may kalapitan lang sa pwesto namin.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Hindi ko lang alam kung pangmukhang tanga ang iginawad kong ngiti dahil napawi ang ngiti nya. Hindi ko na alam kung ano ang totoo at hindi sa mga ngiti ko dahil hindi ko na alam kung paano ba maging masaya.

" Nandito na ang kupunan na mula sa cuncilum " anunsyo at lumabas na sila.

Mas lalong lumakas ang hiyawan sa paligid. Lahat ay binabati sila na sobrang bait sa kanilang paningin.

" Bagbabayaran nila ang ginawa nila sa pamilya " narinig kong salita ni Vashit kaya hinawakan ko ang kamay nya.

Lumingon ito sa akin kaya kita ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang mga hinlalaki ko.

" Tandaan nyo na kailangan pa nating bumalik sa kanila upang maghatid ng magandang balita kaya hindi pwedeng kulang tayo pagbumalik " paalala ko sa kanila at pinilit na huwag umiyak kahit pinipiga na ang puso ko na may kasama pang pagtusok ng libo-libong karayom.

Tumango sila bilang pagsagot sa sinabi ko. Alam kong masakit sa kanila na lalaban sila ngayon kaysa magdalamhati sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay ngunit wala kaming magagawa. Kailangan naming lumaban para sa kanila, para sa amim at para sa mga iba pang nagtatago.

" Pareho pa rin ang mga patakaran sa labanang magaganap ngunit may isa lamang na pagbabago. Ito ay kahit isa lang ang matalo sa cuncilum, idedeklara na kayong panalo. " paalala ng mga tagapamagitan.

Sumagot kami na naiintindihan namin ang karapatan. Hawak ko ang kamay ni Vashit na ramdam ko ang panginginig na alam ko ay hindi dulot ng takot. Sya ang unang lalaban sa isang miyembro ng cuncilum. Isang lalaki ang makakatapat nya na mas matanda sa kanya.

Binitawan ko na sya kaya naglakad na sya patungo sa entablado. Pataas pa lang sya sa hagdan ay nag-iiba na ang kanyang anyo. Humahaba na ang kanyang buhok at tumatalim na ang kanyang mga kuko.

" Simulan na ang laban! " anunsyo ng tagapamagitan na mabilis na sumugod si Vashit ngunit hindi ito iniwasan ng kalaban nya. Isang malakas na sipa ang iginawad nya kay Vashit na agad napaatras.

Ngunit hindi man lang natinag si Vashit sa ginawa ng kanyang kalaban at muli itong sumugod. Kita ko sa mga mata nya ang nais nyang gawin sa harap ng kalaban nya ngunit ayaw ko mang aminin ay mas hamak na mas malakas ang kalaban nya. Kahit anong gawing sipa, tadyak at pagsugod ay hindi man lang naaalis ang kalaban nya sa kanyang pwesto.

" Mahina ka rin tulad nila " saad ng lalaki at mabilis na sinakal ng lalaki si Vashit at ibinagsak ng malakas sa sahig.

Kita ang pagbiyak ng sahig sa ginawa ng lalaki. Hindi na gumagalaw si Vashit at nanatili lang itong nakahiga. Magsasalita na sana ang tagapamagitan ng gumalaw si Vashit at tumayo. Kita sa katawan nya na matindi na ang kanyang natamo pero pilit pa rin syang tumayo.

" H-hindi ako magpapatalo...s-sayo " saad nya at muling sumugod sa lalaki kahit pasuray-suray na sya papalapit sa lalaki. Nakalapit sya sa lalaki tulad ng nais nya.

" Papatayin kita! " sigaw nya at sinuntok ito sa mukha.

Napaatras ang lalaki sa ginawa ni Vashit na agad namang gumanti. Suntok rin ang ginawad ng kalaban nya ngunit sya ay napalabas ng entablado at sa pader tumama sa sobrang lakas ng ginawa sa kanya.

Gusto ko syang lapitan kahit ilang hakbang lang ang layo nya mula sa amin pero hindi ko magawa. Ayaw kong makita ang sakit na nararamdaman nya. Kaya si Cephas at Odette na ang lumapit sa kanya.

" Hindi pa tapos ang laban! Bitawan nyo ako! " sigaw ni Vashit at pilit kumakawala sa paghawak nila Cephas at Odette.

" Bitawan nyo ako! Papatayin ko sila tulad ng ginawa nila sa mga kapatid ko! Papatayin ko sila! " patuloy pa rin sya sa pagsigaw kasabay ang mga luhang pumapatak sa mata nya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko na lamang. Hinawakan ako sa balikat ni Zilla.

" Ako na ang lalaban " saad nya at tumaas na sa entablado.

Tumungtong na si Zilla sa entablado at hinintay ang makakalaban nya. Si Vashit naman ay akay pa rin nila at patuloy sa pag-iyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap na lang sya.

" Igaganti ko kayo " hagod sa kanyang likod.

Tumigil na sya sa kanyang pag-iyak ngunit nawalan na sya ng malay kaya inihagi ko ito. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa kanyang pag-iyak.

" Hindi mo magagamit ang mga mahika mong kasing hina mo " saad ng kalaban ni Zilla na babae. Kung pagkakatanda ko ay ito ang babaeng nakalaban ko sa jartsena.

Pilit na lumalaban si Zilla ngunit tulad ni Vashit ay natalo ito dahil nawalan ito ng malay. Itinabi sya ni Cephas sa tabi ni Vashit at ang sunod na lumaban kay Odette.

Hindi rin nagtagal ang laban ni Odette at nahulog rin ito sa entablado na may malalang natamo. Isinandal namin sya sa pader upang makapagpahinga sya.

Ang sunod namang lumaban ay si Cephas. Hindi ko alam kung tatagal ba sya sa laban o matutulad sya kila Vashit na sandali lamang ang naging laban at nagkaroon pa ng malalang natamo.

" Hindi uubra ang deorck sa akin " ngisi ng lalaking kalaban nya at idinikit ang kanyang palad sa sahig.

Tila may binabanggit rin syang orasyon na sinasabayan si Cephas. May biglang nagliwanag sa sahig na hugis triangulo ngunit nawala rin ito at napalitan ng hugis bilog. Tumalsik si Cephas sa labas ng entablado kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Nakita kong muli ang mga marka sa kanyang palad tulad ng ginawa nya ang istilong ginamit nya.

" P-pasenya na hindi ko nagawa " salita nya kasabay ang pag-ubo nya ng dugo.

Hindi lang ang kamay nya ang nababalutan ng mga marka nya dahil unti-unting bumabalot sa leeg nya pataas sa mukha nya.

" H-huwag kang mag-alala. K-kinuha lang ang lakas na ginamit ko " paliwanag nya sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa at inakay na sya sa tabi ni Odette. Ako na ang lalaban sa kanila at hindi ako pwedeng matalo at wala akong balak magpatalo sa kanila. Kahit ilaan ko pa ang sarili kong buhay para makapaghiganti lang.

Naglakad na ako sa hagdan patungo sa entablado. Sabay naming nakita ang isa't-isa ng makatapak na kami mismo sa entablado. Nakangiti sa akin si Elor Odin na sa pinapakita nyang ngiti ay tila nagustuhan nya ang ginawa nyang pagpaslang sa mga kalahi ko.

" Simulan na ang laban! " anunsyo ng tagapamagitan at bumaba na sa entablado kaya kaming dalawa na lang natira.

" Bakit hindi mo isama ang iba iyong kasamahan. May ireregalo ako sa inyong lahat " banggit ko.

Tumawa naman sya na halata sa tono ang pang-iinsulto. " Hindi nga nagtagal ng tatlong minuto ang mga kalahi mo. Ikaw pa kaya? " sagot nya sa akin.

" Natatakot ka ba sa kakayahan kong kaya ko kayong talunin? " balik-tanong ko sa kanya.

" Natatakot? Sa isang katulad-- " hindi ko pinatapos ang sasabihin nya.

" Dahil ayon sa inyong propesiya ay ako ang magdudulot ng isang malaking digmaan kaya ang ibig sabihin ay may tinataglay akong malakas na kapangyarihan. Hindi pa ba sapat ang rason na iyon? " sabi ko sa kanya.

" Tumahimik ka! " sigaw nya sa akin saka tumingin sa mga kasamahan nya. " Kayo muna ang lumaban sa kanya " utos ni Elor Odin sa kanila.

Tumaas silang lahat at pumwesto sa tabi ni Elor Odin. Kita sa mukha nila ang pananabik dahil sa sinabi ng kanilang pinuno.

" Hindi maaaring gawin iyan. Nasa patakaran ng laro na bawal maglaro muli ang nakapaglaro na " sabi ng tagapamagitan at akmang tataas muli sa entablado ngunit hindi sya makatapak.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 6.3K 50
R-16 Status: COMPLETED (book-I) WELCOME TO HARRIAM UNIVERSITY ANG SIKAT NA ALL BOYS SCHOOL!! Started- 08/14/20 Finished- 09/28/20
46.2K 2.6K 62
It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, w...
11.6K 870 32
Make up. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick. Ramdam ni Fluke Spellman ang panginginig ng kaniyang tuhod pagpasok sa gym ng Lauren High Insti...
1.6M 64.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...