CHAPTER 25
[It'll Always Be Her]
Errrr. May group chuchu nanaman kami sa Filipino. Hindi naman yung project yung inaangal ko eh. Diba nga kagrupo ko dito si Randel pati si Janelle? Parang ang awkward i-process lahat sa utak ko.
Hindi ko paring makalimutang mas pinili pa niya si Janelle sa akin..
Eh, pinili naman niya siguro si Janelle kasi mas payat siya... Not necessarily na kahit sa anumang aspeto, si Janelle ang pipili niya. Tama ba?
Ge Dianne, gumawa-gawa ka lang ng dahilan.
Ah basta! Yan na yan. Grabe, nakakaya ko pang maging positib thinker sa lagay na 'to. Overdosed yata sa Alaxan 'to, TINK PASITIB WALANG AAYAW!
Yun nga... Last subject namin ngayon ang Filipino. Group project daw naming gumawa ng compilation ng mga paraan para mapakita ang nasyonalismo at pagmamahal sa sariling wika. Madali nga naman... pero hindi namin alam kung tungkol samin yun o in general mismo. GC kaya kami, este ako.
"Tanungin natin si Sir!" -Dianne
"Hindi na kailangan 'yun" -Janelle
"Bahala kayo." -Claire
Ay oo.. kagrupo nga pala rin namin 'yang bruhang yan. Ahahaha, wag niyo nga palang sabihing tinawag ko siyang bruha. Hindi naman ako sinungaling eh. ^_______^
Aynowrayt?! Team Janelle yata nitong grupo ko sa Filipino. OP lang ako. Hindi nga lang nila ako kayang echapwerahin kasi ako yung leader nila. Buti nga ginusto pa nila gawin namin nang sabay yang project na yan.
"Basta ako, tatanungin ko. Dyan lang kayo, may pag-uusapan pa tayo." -Dianne
"Sasama na ako." -Randel
Ihhhhhhhhhh. Bumabawi si Randel sakin ha. :"""">
"Ano nakain mo?" -Dianne
Kunwari pa ayaw eh. Ano yun, sasabihin ko kay Randel na napimilipit na ako sa kilig dahil sumama siya sakin? Syempre hindi! Hihihihi.
"Bakit? Assistant leader mo ako diba?"
"Isang beses lang naman 'yun ha?"
"Ayaw mo nun? Kinacareer ko na."
Ano bang meron? Hindi yata ako nainform. :""">
Edi naglakad kami sa corridor, as in kaming dalawa lang magkasama. Medyo malayo-layo pa kasi yung faculty ng Filipino Department dun sa classroom namin sa Fili. Kilig naman ako. Go meeeeeeeee!
Papunta dun, nakasalubong namin si Vince na pabalik doon sa Filipino room.
"Nice Dianne! San kayo pupunta?" -Vince
Halata parin namang nang-aasar siya eh. Akala niya hindi ko alam ha!
"Sa Filipino faculty, bakit?"
Nginitian nya lang ako, hindi na siya nakasagot. Dumiretso na kasi kami sa bawat pupuntahan namin. Kaso napansin kong tumakbo bigla si Vince papunta sa Filipino room. Andun pa yata mga kagrupo niya loob, malay ko. Grupo ko nasa corridor eh.
Lakad pa kami ni Randel... ang awkward nga eh. Parang pinagtitinginan kami ng mga makakasalubong namin na palabas ng mga classroom nila. Ano ba meron? Ngayon lang nila nakita kaming magkasama nang ganon? Oo naman talaga eh. Ano yun, iniisip nilang ako yung bago ni Randel? Hindi kaya! Pero sana nga ako nalang... </3
Sus, wala namang malisya dun. Eh ano naman ngayon kung magkasama kami, tatumbling kayo?
Pero pinagdarasal ko talagang hindi namin makasalubong si Charizze. Tatlo lang naman ang pwedeng mangyari kapag nangyari yun.
1) Pagseselosan ako ni Charizze, thus having her whole section hating on me. Echos namaaaan. Ako, pagseselosan nun? Siya nga ang pinagseselosan ko eh!
2) Kakausapin ni Randel si Charizze, tapos eto naman akong si selosa. Magmumuka lang akong third wheel niyan eh. Itsura 'teh, ka-umay!
3) Mag-iisnaban lang silang dalawa na parang di magkakilala.
Syempre, to be safe, wag nalang namin siya makakasalubong. Tsk, of all the people, wag lang siya!
Ayun, nakaabot na rin kami sa Filipino faculty. As usual, ako ang taga-katok, tapos taga-"Good afternoon blah blah blah". Sumusunod lang si Randel sakin. Geh, moral support ka lang kuya.
"Oh kayong dalawa, ano kailangan niyo?"
"Sir, tatanong lang po namin kung in general yung compilation o tungkol samin?" -Dianne
"Nasa sainyo yun. Pero sakin, mas maganda kung tungkol sainyo mismo."
"Kunware parang scrapbook?" -Randel
"Oo, depende yun sainyo...."
Habang nag-eexplain pa si Sir, napatingin ako sa pintuan ng faculty, parang may gumagalaw kasi.
Tapos nakita ko yung ulo ni Vince tska ni Minette na sumisilip samin ni Randel sa loob! Nung nakita ako ni Vince, sabay tago agad sila ni Minette. Kaso nakita ko na rin sila eh. GRAAAABE, mga echosero talaga 'tong dalawang 'to! Sinama pa ni Vince si Minette. Celebrity kami, celebrity? Hahahaha.
"Yun lang ba?" -Sir
"Ahm, kumbaga Sir, mas maganda kung kami mismo yung nasa picture?"
"Oo naman! Kunware, may picture kayong dalawang nagdedate habang nakasakay sa kalesa. Mas traditional yun kesa sa mga nagdedate sa Timezone diba?"
Napangiti lang si Randel sa sinabi ni Sir, habang ako naman napatawa lang. Grabe, napakilig ako dun ah! YIEEEEEEEEEEEEE. Shems, ayokong mamula sa harap ng mga teachers. Ahaha. Nagdedate daw kami habang nakasakay sa kalesa. TARA! Henyo ka talaga, sir! :"""">
"Pero hindi ko naman sinasabing sumakay pa kayo mismo sa kalesa para lang sa project niyo."
Ang sinasabi mo sir, magdate kami ni Randel kahit di sakay sa kalesa. :"""">
"Ah sige sir, thank you" -Dianne
Moral support lang naman talaga 'tong si Randel ehh. Well, ako naman kasi ang babae dito. Atleast naman sumama siya. Pero bakit nga ba?
Napansin ko ulit yung ulo ni Vince na nakasilip tapos kumaripas sila ni Minette ng takbo nang malapit na kami ni Randel sa pintuan.
Akala nila haaaaaaaa!
Hindi ko nalang sila pinansin, baka kasi mas mapansin pa ni Randel. Ahahahaha, humanda sila sakin!
"Kailan ba gagawin 'yung project?" -Randel
"Bukas... bakit?"
"Hindi ako sure kung makakapunta ako."
KAYA NAMAN PALA EH! Kaya naman pala nagpresenta si Randel na samahan ako, kasi hindi siya makakasama sa paggawa ng project! >//<
"Bakit?"
"May lakad kami."
"Pag-usapan nalang natin yan sa grupo mamaya."
Uunahin pa niya yung lakad niya kesa sa project?? Grabe naman siya. Ano kaya yang lakad na yan para mas makalamang sa project? Hindi ba pwedeng i-cancel nalang niya..? Ayoko namang hindi siya magkaroon ng grade sa project.
"Ano sabi ni Sir?" -JM
Isa pa namin 'yang kagrupo, si John Martin Lagdameo, Top 6 ng Calvin yan. Isa rin sa mga certified gwapings at DOTA boys ng Calvin. Ahaha. Oo, gwapo din 'to. Best friend niya si Lucas eh, somehow neutral naman silang dalawa. Pero habang tumatagal, nafefeel kong napapasama na rin sila sa barkada nila Randel.
"Susundin ko yung plano ko. Scrapbook gagawin natin." -Dianne
"Hindi ba mahal yun?" -Janelle
"Edi sketchpad nalang, tas babalutan natin para maganda yung cover." -Dianne
"Hindi, bumili na kayo ng scrapbook. Ako magbabayad." -Randel
"Hindi siya makakaattend bukas, kaya sasagutin niya yung gamit." -Dianne
"Yun lang yun?" -Claire
"Atleast maganda yung gamit nyo diba?" -Randel
"Dre, hindi ka ba talaga makakapunta?" -JM
"Feeling ko hindi eh." -Randel
Uunahin niya pa talaga ang gala niya kaysa sa project namin?? Alam ko namang hindi enough yung pagbibili niya ng gamit eh, kailangang andun siya mismo.
"Ano bang meron bukas?" -Janelle
"Gagala sila Charizze, birthday ni Hannah. Sinama nila ako."
O_____________o
Gagala sila Charizze.
Charizze.
BOOM.
<///3
"Ay oo nga pala, birthday ni Hannah bukas!" -Janelle
Si Hannah, bestfriend din yan ni Charizze. Kaklase nila Randel at Janelle nung 1st year pa sila.
"Edi kasama niyo rin si Zarah bukas?" -Claire
"Oo, sila naman magkakatropa eh. Sabit lang ako." -Randel
KAYA NAMAN PALA EH. Si Charizze ang dahilan kung bakit hindi siya makakapunta sa groupings namin. Duh, mas importante para sa kanya si Charizze kesa sa iba pang bagay. Bihira niya lang nakakasama si Charizze, tapos yung birthday ni Hannah yung saktong pagkakataon para makapagsama sila sa isang lugar ulit.
"Oh, mag-sisix na pala... Ipopost ko nalang sa FB yung mga pupuntahan natin bukas, pati yung mga dadalhin niyo. Mag-OL kayo ha." -Dianne
"Eh pano yung bayad ni Randel?"
"Ambagan muna tayo. Babayaran niya rin yan."
"Sige, umuwi na tayo."
HALAAAAA. Ano bang mangyayari bukas? Baka magkabalikan na ulit sila Charizze at Randel... Hindi ko kakayanin 'to! </3
***************************************
Nung pagkauwi ko, tinupad ko agad yung sinabi kong magpopost ako para sa project namin bukas. Sure na ako sa gagawin namin eh, si Sir na mismo nagsabi samin na mas magugustuhan niya yung binabalak ko. Ako naman ang lider nila, hindi na sila dapat umangal. Hindi naman ako magaling sa pagdedesign kaya sila na yung iaassign ko dun.
Gusto ko sanang kausapin si Randel, pero hindi naman siya online.
Nag-offline na rin tuloy ako.
I-text ko nalang kaya siya?
"To: Randel Segovia
Randel, di ka talaga makakapunta bukas?"
Hindi... panget, panget!
"To: Randel Segovia
Punta ka na bukas Randel kahit saglit lang."
Hindi... masyadong despe ang dating. Demanding pa! Panget din, bura bura bura.
Tawagan ko na nga lang... Bahala na.
*Calling... Randel Segovia*
RING...
RING...
RING...
Sasagutin niya kaya tawag ko?? Dapat di nalang ako tumawag eh, nakakahiya lang!
BEEP.
"Bakit?"
Owsheeeeeeeeeeet. Ano bang sasabihin ko sa kanya?
"Hindi ka ba talaga makakasama bukas?"
Hindi nga sabi eh, ang kulit-kulit mo talaga Dianne!
"Hindi eh... bakit?"
"Wala. Kulang yata yung pagbili mo lang eh."
"Oh? Sino nagsabi?"
"Sila..."
"Hindi kasi talaga ako makaka-hindi kila Hannah eh. Nauna silang magyaya."
PROJECT KASI 'TO. No exceptions. Gusto ko talagang ipamukha sa kanya yun, pero hindi ko kaya. Baka maisip niya lang na ayoko siyang pasamahin kasi nagseselos ako. Wala naman akong karapatang magselos. Wala nga akong kinatatayuan sa puso niya ngayon eh. Hindi ko naman kayang baguhin ang isip niya.
"Pero pwedeng sumama ka muna samin sa Luneta saglit?"
"Anong oras ba kayo pupunta dun?"
"8:30, malapit ka lang naman sa school ah. Anong oras yung gala niyo?"
Alabang, tapos malapit sa school? Hindi.. nasa apartment kasi si Randel ngayon. Mayaman siya eh, may shared unit siya sa isang apartment kasama yung best friend niya nung Elementary.
"9:00, ano bang gagawin sa Luneta?"
"Magpapapicture dun. Dalawa o tatlong kuha lang naman."
"Sige. Makakapunta ako, basta sandali lang ha."
"Sabihin mo yun sa kanila, wag sakin."
"Geh, mag-oOL ako. Bye."
"Bye."
*Randel Segovia disconnected*
Pasalamat siya sakin concerned ako sa kanya. Kung iba siguro leader ng grupo niya, hindi siya papayagang magka-grade kung di siya makakaattend. Ano bang magagawa ko? Mabait ako, malakas pa siya sakin...
Mga 11 PM, nag-OL ulit ako. Buti nalang hindi siya online, free na akong mag-stalk o kung ano-ano pa. Tinignan ko yung message ko sa grupo namin, nagreply na pala siya. Mga 2 hours ago.
Randel Segovia
| bkas ko ibbgay ung pera. mkksma p aq sa Luneta.
| agahan nyo ah!
Claire Sanchez
| luneta uunahin nten???
John Martin Lagdameo
| oo. mlpet lng nman yun sa skul e
Randel Segovia
| bsta agahan nyo
Ayaw talagang malate ni Randel sa lakad nila ni Charizze enu. Buti pa si Charizze, malakas kay Randel. Sana ganon man lang din ako. </3
Atleast makakasama siya sa Luneta kahit saglit lang... Yun nalang inisip ko.
Pumunta naman ako sa profile ni Randel. Haaaaay, ang cute-cute mo talaga. Sana akin ka nalang...
*scrolls*
Zarah Mariz Abesamis
| Oi randel. Sure kang sama ka talaga bukas? :D
*clicks view comments*
O_______________O
Randel Segovia
| oo. syempre naman.
Zarah Mariz Abesamis
| Buti naman! Gising ka maaga ha, Kaltok matatanggap mo kung di ka pupunta. xD
Randel Segovia
| oo naman! may lakad din ako bago nun kaya mggcing tlga ako maaga.
Zarah Mariz Abesamis
| Anong lakad? o.O
Randel Segovia
| grupwork sa fili
Zarah Mariz Abesamis
| Ahh. Wag ka palate ha! Susumbong kita sa knya!
Randel Segovia
| opo opo. ^^
Susumbong kita sa knya.
Susumbong kita sa knya.
Susumbong ktia sa knya.
Sino pa ba? Si Charizze lang naman yan! </3
Bakit pa kailangan niyang isumbong si Randel kay Charizze? May commitment ba? Awww. Kinakalimutan ko talaga yung big deal, kailangan ni Randel ng pogi points para balikan siya ulit ni Charizze. Habang sakin, hindi niya na kailangan pa ng pogi points. Poging-pogi na siya para sakin!
Pumunta naman ako sa profile ni Charizze. Haaaay, ang ganda niya talaga. Kaya naman pala patay na patay si Randel pagdating sa kanya. Hindi ko man lang ma-reach yung kagandahan niya. Nung sumabog yung kagandahan sa buong mundo, halos nasalo niya na lahat. Feeling ko nga kapag pinagtabi kami, mangingibaw ang kagandahang diyosa niya, habang ako magmumukang lupa lang. >///<
Maganda ba ako? Nakakainsecure tignan yung picture ni Charizze. Ah basta, pangit ako, para kay Randel atleast.
Buti pa si Charizze... kahit ba pagtabuyan niya si Randel, babalik at babalik parin siya sa kanya.
Ano bang meron siya na wala ako?
Hmm... kagandahan lang naman.
At ang pinakaimportante...
Ang puso ni Randel Christopher Segovia.
Ayun...
Alam ko naman pala eh. </3