THE BAD GIRLS OF BAD BOYS (TB...

By Ipretty_Collin

19.8K 337 37

Good girls fall for Bad boys Bad girls fall for Good boys But what if the Bad Girls and the Bad Boys meet? Wo... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 4
CHAPTER 5

CHAPTER 6

1.5K 27 12
By Ipretty_Collin

Chapter 6: Step-Bro

Hope's POV

Naglalakad na kami sa hallway papunta sa classroom namin. Ngunit, hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin iyong kutsilyong nakita ko sa rooftop.

Imposibleng mapunta nalang bigla iyon doon dahil noong lumapit ako doon ay wala pa akong nakitang kutsilyo.

Isa pa, may nakaukit sa kutsilyong iyon na hindi talaga maalis sa isip ko. Imecca Am.

Hindi kaya...

Hindi kaya nandoon talaga si Hannah?

At sino si Imecca Am? Si Hannah ba?


"Okay ka lang?" Tanong ni Liyana sa akin at agad naman akong tumango ngunit hindi na nagsalita.

"Kung iniisip mo iyong tungkol kay Hannah, huwag kang mag-alala. Gagawan natin iyon ng paraan." Sabi niya at tinapik ang balikat ko.

Hindi ulit ako umimik at sumunod nalang sa kanila papunta sa classroom.

*^*

Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko namalayan na uwian na pala. Hindi ako nakinig sa klase kaya siguro nagulat nalang ako ng mag-ring ang bell.

Nagsilabasan na ang mga estudyante at naiwan kaming apat sa loob ng classroom.

Inilagay ko na ang mga libro sa bag ko ngunit may nahulog na papel na nakaipit ata doon.

-_____-

Yung detention slip ko.

"Mauna na kayo, may detention pa ko." Sabi ko kay Isabel at tumango siya. Maya-maya ay umalis na rin sila.

Nagsimula na nga akong maglakad mag-isa papunta sa detention room. Siguro kung ibang araw lang ito, paniguradong itatapon ko lang ang detention slip ko sa basurahan, pero dahil ayaw ko pa rin namang umuwi, pupunta nalang ako sa detention room.

Nahagip ng paningin ko si Ej na  naglalakad patungo sa kinatatayuan ko. Nakatingin din siya sa akin ngunit walang ekspresyon ang kanyang mukha.

Kumunot ang noo ko pero nagsimula na ulit akong maglakad sa hallway patungong detention room.

Noong nasa gitna na ako ng hallway ay napansin kong nakasunod sa akin si Ej.

Lumiko ako, lumiko din siya.

Kung saan ako dadaan, doon din siya.

Anong problema nitong lalaking to?

Nang nasa tapat na kami ng detention room, hinawakan ko na ang doorknob pero hindi ko pa ito pinihit para bumukas ang pintuan.

Humarap ako kay Ej na nasa likod ko at wala pa rin ekspresyon.

"Bakit mo ko sinusundan?" Tanong ko sa kanya at nagtaas ng kilay.

Kumunot naman ang noo niya at maya-maya ay biglang tumawa ng malakas.

At ano namang tinatawa-tawa nito?

"Assuming ka rin eh." Sabi niya sabay iling. Hinawakan niya din ang doorknob sa likod ko. Inilapit niya pa sakin ang mukha niya at ngumisi.

Sobrang lapit niya sakin.

Itinaas niya ang kamay niya at ipinakita sa akin ang detention slip niya.

Mayroon din siya?

Habang nakangisi siya ay mas inilapit niya pa sa akin ang mukha niya. Kaya naman noong sobrang lapit na niya ay bigla kong tinuhod ang pagkalalaki niya.

Dahil doon ay bigla siyang napahiga sa sahig habang namimilipit sa sakit.

Ayan ang nababagay sayo.

"Aray. Ang sakit." Reklamo niya.

Hindi ako sumagot ngunit ipinakita ko sa kanya ang evil smile ko pagkatapos ay pumasok na rin sa loob.

Magkahiwalay ang boys and girls dito sa detention room. Bale dalawang room talaga ito, hindi naman sobrang laki pero kasya na siguro ang sampung tao. At kahit pa dalawang kwarto ito ay magkakarinigan pa rin kayo kahit na nasa detention room for boys ka at yung kausap mo ay nasa girls.

Mabilis na lumipas ang oras. At maya-maya rin ay sinabi sa akin na pwede na akong umuwi.

Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng detention room. Paglabas ko ay madilim na.

Sumakay na ako ng kotse at nagdrive pauwi. Dahil hindi rin gaano kalayo ang bahay namin mula sa school ay nakarating din ako agad.

Pagkalabas ko ng sasakyan ay naabutan ko si Marky na nasa labas ng bahay at nakabusangot ang mukha.

"Marky, bakit ka nandito sa labas? Go inside." Utos ko sa kanya.

"I don't wanna go inside, Ate. Mama and her step-son is already here." He rolled his eyes.

Kusa rin akong napairap at napailing sa narinig. Pupunta na nga lang siya, kasama niya pa yung step-son niya.

"Can you drive me to my best friend's house, Ate? Or can you at least bring me anywhere but here?" Pakiusap niya.

Napabuntong-hininga ako at tumango na lamang. "Sige, magpapalit lang ako ng damit tapos dadalhin kita sa bahay ng kaklase mo."

Pagkatapos ay ngumiti na siya.

Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko siya dahil ganoon din ang nararamdaman ko, ngunit mukhang mas malalim ata ang galit ni Marky kay Mama.

Pagpasok ko ng bahay ay agad na napalingon sa akin si Papa na kausap si Mama.

"Hope! Buti naman at nandito ka na! Kanina ka pa namin hinihintay." Sabi ni Papa ngunit tinignan ko lang siya

"Anak..." Nilingon ko naman si Mama at hindi rin nagpakita na kahit anong emosyon sa aking mukha.

"Tito, salamat po sa mga pagkain! Grabe nabusog ako-" Lumipat naman ang tingin ko sa lalaking naglalakad galing sa kusina.

Si Mike.

Siya ang step-son ni Mama?

"Uh, parang nakita na kita ah?" Kumunot ang noo niya habang pinipilit na alalahanin kung saan niya ba ako nakita.

"Nice to see you here, Mr. Supreme Student Grovernment President." Bati ko sa kanya habang nakangisi. May bahid ng diin at kaplastikan ang tono ko.

"Teka..." Mas lalong kumunot ang noo niya. At parang mas lalong naguluhan.

Ang slow. Tsk.

"By the way, Marky asked me to drop him in his friend's house. Baka rin mag-stay muna ako sa bahay nila Rachelle." Sabi ko naman kay Papa at naglakad na pataas sa kwarto ko.

"Wait, Hope!" Hinabol ako ni Papa. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

"What?"

"Hindi mo man lang ba kakausapin ang nanay mo?"

"Bakit? Bakit pa kailangan?"

"Nanay mo pa rin siya, Light."

"Exactly! Nanay ko nga siya, pero nagpakananay ba siya sa akin? Sa amin ni Marky?"

Medyo tumaas na ang boses ko dahil sa galit. Sa lahat ng pinagdaanan ko, wala siya. Noong mga panahong kailangan ko siya, wala siya. Noong mga panahong kailangan ko ng mag-aalaga sa akin, wala siya.

Ngayong natutunan ko ng mabuhay ng wala siya, bakit pa siya bumalik?

Tumalikod na ako kay Papa at pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako at ibinaba ko ang school bag ko sa kama.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto, nadatnan ko pa si Mama at Mike na nasa sala pa rin at kinakausap si Papa.

Dumiretso nalang ako hanggang sa makarating ako sa kotse. Pinapasok ko na sa passenger seat si Marky at pumasok na rin ako.

"Hope." Lumingon ako at nakita ko si Mike na nakatayo lang sa tabi ng kotse ko at tinitignan ako.

"Ano?"

"Sana huwag kang magsisi sa desisyon mo sa huli."

Kumunot ang noo ko at naguluhan.

"Ingat kayo." Nginitian niya ako at tumango. Pagkatapos ay bumalik na siya sa loob ng bahay.

Kahit pa naguluhan ako ay nagdrive na ako papunta sa bahay ng kaklase ni Marky at pagkatapos ko siyang ihatid doon, imbes na pumunta kay Rachelle, mas pinili kong mapag-isa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.3K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
42.6K 3.2K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞