His Wedding Planner (Complete)

By Eilramisu

3.6M 49.5K 2.5K

Bryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON** More

His Wedding Planner
1st Plan
2nd Plan
3rd Plan
4th Plan
5th Plan
6th Plan
7th Plan
8th Plan
9th Plan
10th Plan
11th Plan
12th Plan
13th Plan
14th Plan
15th Plan
16th Plan
17th Plan
19th Plan
20th Plan
21st Plan
22nd Plan
23rd Plan
24th Plan
25th Plan
26th Plan
27th Plan
28th Plan
29th Plan
30th Plan
31st Plan
32nd Plan
33rd Plan
34th Plan
35th Plan
36th Plan
37th Plan
38th Plan
39th Plan
40th Plan
41st Plan
42nd Plan
43rd Plan
44th Plan
45th Plan
46th Plan
47th Plan
48th Plan
49th Plan
50th Plan
51st Plan
52nd Private Plan
53rd Plan
54th Plan
55th Plan
56th Plan
57th Plan
58th Plan
59th Plan
60th Plan
61st Plan
62nd Plan
63rd Plan
64th Plan
65th Plan
66th Plan
67th Plan
68th Plan
69th Plan
70th Plan
The Final Plan

18th Plan

45.1K 719 33
By Eilramisu

Napabitiw ako sa pagkakahawak niya sakin dahil sa sinabi niya. 

Tinulak ko siya ng marahan. "Anung kada lagi akong nahuhulog sa'yo? Asa ka no! Ang malas ko lang pag kasama kita."

Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang paglilinis ng tae ng mga piglets. Ang sunod naman naming nilinis ay yung mag isang baboy sa may gilid. Buntis pala yung baboy. Yung nanay naman nitong piglet sa kabila eh nabenta na. 

"Pahinga muna tayo ng konti. Mamaya mangunguha tayo ng mga prutas." Sabi ni Bryle.

Nagpunta kami dun sa may duyan at naupo ako dun, siya naman nakaupos sa putol na puno sa gilid ko.

"Sa inyo batong lupa?"

"Hindi... kaibigan ni Mama yung may ari ng lupa na to pati bahay, pinamahala lang samin dahil nagpunta ng Italy." 

"Ang swerte niyo pala. Eh saan kayo nakatira dati? Dito din ba?"

"Sa pagkakaalam ko... hindi. Hindi talaga kami dito nakatira. Sa Maynila talaga."

"Eh bakit kayo lumipat dito? Saan sa Manila?"

"Nakalimutan ko na kung saan eh. Ewan ko kay Mama kung anu ang dahilan niya kung bakit kami lumipat."

"Ganon ba? Nasan nga pala ang papa mo?" Malungkot akong tinignan ni Bryle pero hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung anu ang ibig sabihin ng pananahimik niya. Pero ang alam ko, hindi ko na dapat itanong yung tungkol sa papa niya. 

Nagduyan duyan na lang ako para medyo maalis yung awkward moment. "Ang hangin dito. Ang sarap!" 

Tinignan ko si Bryle pero sa malayo siya nakatingin. Ewan ko kung anung iniisip niya. Sana pala di ko na tinanong yung tungkol sa papa niya.

"Hindi ko naman nakilala ang ama ko eh. Pero dumating yung point na umuwi si Mama noon na umiiyak. Tapus isang araw may nagpunta dung isang mayamang babae. Kapatid daw siya ni Papa at pilit niya kong kinukuha sa Mama ko. Kaya din siguro kami lumipat dito."

"Wala bang kinukwento ang Mama mo sa'yo?"

"Wala... pagdating kay Papa hindi siya nagsasalita. Buti nga nakakabawi na kami. Buti may kaibigan si Mama na nagpatuloy samin dito. Noong nasa Maynila kami, napakahirap ng buhay namin. Naaalala ko si Mama dalawa ang trabaho niya. Sa umaga nangangatulong siya. Sa gabi naman mananahi. Nung bago pa lang kami dito, hindi rin naman agad naging magaan ang buhay namin. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na iaahon ko sa ganitong buhay si Mama."

Nung mga oras na yun parang ibang Bryle ang kaharap ko. Hindi siya yung Bryle na suplado at masungit. Napahanga niya ko. Kasi kahit mahirap ang buhay nila nagsisipag siyang mag aral.

"Nagsubok ng kung anu anong business si Mama dito, at marami din siyang nautangan. At hanggang ngayon hindi pa niya tapus bayaran yung mga utang niya."

"Paano nababayaran ng Mama mo yung utang niya?"

"Sa pagbebenta ng gulay sa palengke. Pagbebenta ng mga prutas, manok, at baboy. Pero parang hindi pa sapat yun, eh dalawa lang kami." 

"Mukha namang malaki ang kinikita ng Mama mo ah!"

"Bukod sa pagbabayad ng utang niya, binabayaran niya din tong bahay pati lupa. Nung una kasi libre pa to. Kaso nahiya na si Mama, kaya nirerentaha na namin tong bahay at lupa."

"Pero hindi pa rin mapupunta sa inyo?" Umiling lang siya sa tanong ko. "Bakit ganon? Ang unfair ata. Nagbabayad kayo pero di mapupunta sa inyo?"

"Ganon talaga! Tama na nga tong usapan na to. Masyado ka ng maraming nalalaman tungkol sakin. Tara na! Manguha na tayo ng prutas."

Tumayo na siya kaya napilitan na din akong tumayo. 

Nakita kong nagsisimula ng umakyat sa puno si Bryle. 

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba obvious?"

"Eh bakit ka aakyat? Baka mahulog ka!!" 

"Malabo! Diyan ka lang. Magpulot ka ng mga mangga tapus pulutin mo lahat ng babagsak ilagay mo diyan sa isang tabi."

Tiningala ko siya dahil medyo mataas na din ang naaakyat niya. 

"Ha? Ah! Okay! Sige, mag iingat ka Bryle ha? Baka mahulog ka, masasaktan ka! Dahan dahan lang!"

Niyuko ako ni Bryle at nag smirk siya sakin. At nang ma-realize ko kung anung sinabi ko, napayuko din ako at napaatras. 

"Feeling worried girlfriend lang! Nakakahiya ka Zeria!" Bulong ko sa sarili ko.

"Umatras ka! Baka mabagsakan ka sa ulo!" Sigaw sakin ni Bryle mula itaas ng puno. Agad ko namang sinunod dahil pa rin sa kahihiyan. At nung di siya nakatingin. Kinuhanan ko siya ng picture.

Nagsimula ng magbagsakan yung mga mangga at pinupulot ko yun ng nakatakip ang ulo ko. Nilalagay ko yun sa tabi ng putol na puno. 

Walang humpay naman ang pagbagsak ng mga mangga. Kaya takbo lang ako ng takbo para makuha yun. At ang lagkit na ng kamay ko dahil sa dakta. 

Marami rami na din akong napupulot na mangga at hinihingal na ko. Humihinto naman si Bryle pag marami ng nagbabagsakan. Siguro para makuha yung mga mangga. Nang naigilid ko na lahat nagsimula ulit siyang manungkit.

Pagod na nga ako kakapulot at hinga na hingal na ko. Pero madami pa kong di napupulot.

"Teka!! Time first! Time first!! Papatayin mo ba ko?!!" Muntik na kasi akong mabagsakan ng mangga. Nagpupulot pa ko at biglang nabagsak nanaman siya ng mga mangga.

Huminto siya sa panunungkit ng mga mangga. "Sorry!! Hindi kita nakita!"

Inirapan ko lang siya. At nagsimula nanaman akong magpulot. Maya maya nagsimula nanaman ding magbagsakan ang mangga.

Nagpunta ako sa duyan at nahiga. "Pagod na koooo!!!!" Sinigawan ko siya para naman tumigil siya. 

"Pagod ka na agad nun?"

"Aba!! Hoyyyyy!! Mahigit isang oras na ko pa-roon at pa-rito sa pagpulot ng mangga!!" 

"Eh ako mahigit isang oras na kong nakatingala dito at nanunugkit ng mangga. Bakit di mo i-try?!"

Napaisip ako sa sinabi niya at tiningala ko siya. Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa duyan at lumapit ako dun sa hagdanan na nakasandal sa puno ng mangga. 

Dahan dahan akong umakyat dun.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sakin.

"Hindi ba obvious?" Ginaya ko ang sinabi niya kanina sakin. Hinawakan niya ko sa braso nung nasa itaas na ko. Buti malaki tong puno ng mangga. At kasya kaming dalawa.

"Anu bang naisipan mo at umakyat ka?" Iritado ang boses niya.

"Sabi mo i-try ko! Kaya eto ako!"

"Anu ka ba Zeria! Pagsinabi ko bang tumalon ka sa tulay, tatalon ka?"

"Hindi no! Hindi naman ako suicidal!"

"Hindi pa ba sa lagay na yan?"

"Hindi naman ako tatalon dito ah? Ita-try ko lang. New experience!" 

"Tsk! Kakaiba ka talagang babae ka!"

Dinilaan ko lang siya sa sinabi niya. 

"Kumapit ka ng mabuti ha!"

Nagsimula na ulit si Bryle na manungkit. Ako naman tinuturo ko sa kanya yung mga bunga na nakikita ko.

"Ayun pa!!" Tinuro ko yung bandang nasa likuran niya.

"Ouch!!" 

Napagewang ako dahil sa kagat ng langgam sa paa ko. Nabitawan naman ni Bryle yung panungkit na hawak niya para hawakan ako dahil nga na-out of balance ako ng dali dali kong itaas yung paa ko. 

Naitulak niya ko pasandal sa branch ng puno, habang yung kanang kamay niya nakapulupot sa waist ko. Yung kaliwang kamay naman niya nakahawak sa isang sanga. 

Nakapulupot naman yung mga kamay ko sa leeg niya at nagkatitigan ka. Masyadong malapit yung mukha namin sa isa't isa. Eto ang pinakamalapit sa lahat ng pagkakataon. Nakatitig ako sa mukha niya, siya naman nakatingin sa labi ko kaya napatingin na din ako sa labi niya.

Inilapit niya pa ng konting yung labi niya sakin. At ilang hibla na lang magkakadikit na ang mga labi namin kaya naman napapikit ako.

Mga five seconds din akong nakapikit. Tapus bigla siyang nagsalita. "M-mabuti pa... bumaba na tayo."

And that awkward moment when you shut your eyes close thinking that someone's going to kiss you!! 

Kasalanan ng langgam yun o kung sino man ang kumagat sakin.

"Kumapit ka ng mabuti. Ako na muna ang bababa para maalalayan kita." Dahan dahan na ngang bumaba si Bryle. At ako naiwang pahiyang pahiya sa ere. 

Nang makababa na si Bryle, maingat din akong bumaba kahit na medyo nanginginig ang tuhod ko sa pagkapahiya ko. Kasi may papikit pikit pa kong nalalaman.

Pinagtulungan na naming ilagay sa sako yung mga mangga at nanguha pa kami sa ibang puno. Naka dalawa at kalahating sako din kami ng mangga. Pagkatapos nun nagbalat siya ng mga mangga at kumain kami. Ang dami nga naming nakain ang tamis kasi eh. Sabi niya manibalang na daw yung mangga. 

Marami din kaming ginawa ni Bryle, nanguha din kami ng santol at suha, tapus pinatago na niya sakin. Dalhin ko daw pauwi. 

Naglalakad na kami ni Bryle papuntang school. Sobrang nag enjoy ako ngayong araw. Eto na ata ang pinakamagandang Saturday ko simula ng lumipat kami dito. Nagpunta din kami ni Bryle sa Mutya para maligo. At heto nga inabot kami ng alas kwatro ng hapon.

"Salamat pala Zeria..."

"Para saan?"

"Dahil sumama ka sakin... kahit hindi tayo okay."

"Okay naman tayo eh! Minsan nga lang hindi. Salamat din kasi nag enjoy ako... super!" Nagkatinginan kaming dalawa at nagkangitian. "Sana masundan pa to. I mean sana may next time pa."

"Bakit naman wala di ba? Masaya 'kong nag enjoy ka."

Nang nasa tapat na kami ng school, nandun na din si Mang Edgar.

"Sige Bryle! Thanks! Sa Monday na lang."  Kinawayan ko siya at tumalikod na ko. Nang binuksan ko na yung pinto ng kotse bigla niya kong tinawag kaya humarap agad ako sa kanya.

"Ano yun Bryle?"

"Pwede ko bang... ahm... pwede ko bang malaman yung cellphone number mo?"

"H-ha? Ahm... oo naman!" Ni-dictate ko yung number ko tapus ni-type niya sa cellphone niya. 

"Got it. Thanks Zeria!"

"Bye!" Pagkatalikod ko sa kanya hindi ko na napigilan yung mga ngiti ko. Kinikilig ako. My gosh! Kinikilig ako kay Bryle!

Sa sobrang hindi ako maka-move on sa mga nangyari nung Saturday, ang aga aga kong pumasok sa school. At pagpasok ko ng classroom... nandun na si Bryle. Actually, siya lang yung nandun. Pero marami na ding mga bags sa mga upuan. Lumabas lang siguro sila. 

Hindi ko napigilang ngumiti ng nagkatinginan kami ni Bryle.

"Good morning Zeria!" Nginitian niya ko at para kong nag i-slow motion sa paglakad papalapit sa kanya.

"Good morning din Bryle!" 

Pagkaupo ko, hindi na kami nagsalita. Ang awkward kasi. Ewan ko kung bakit.

Nakatingin lang ako ng diretso sa blackboard. Pero nakikita ko siya sa peripheral vision ko. 

"Zeria..." Nilingon ko si Bryle nang tawagin niya ko, pumihit naman siya paharap sakin. "Alam mo bang... hindi mo pinatigil ang utak ko sa kakaisip sa'yo."

(c) Eilramisu

MWAHAHAHAHAHA!!! UPDATE AGAIN! ANYWAY, THANK YOU FOR APPRECIATING HWP. AS A MATTER OF FACT, 100K+ READS NA NGA ANG HWP. SANA MAG COMMENT DIN KAYO. KASI ANG SAYA SAYA KO KADA MABABASA KO YUNG MGA COMMENT NIYO. AND ADD NIYO KO SA FB ACCOUNT KO. (SEARCH NIYO LANG "ARLIE FAYE") PAKILALA LANG KAYO SAKIN, MESSAGE NIYO KO. 

THANK YOU ULIT!!!!! I LOVE YOU ALL :*

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
517K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.4M 9.9K 70
5 years ago, si Althea Alvarez-Gonzales ay ikinasal kay Carlo Gonzales. She was 18 then and Carlo was 19. . but unfortunately, they were only married...
156K 715 7
COMPLETED Saffron Elisse Guevarra or Saffron lost her family months before her birthday on a plane crush. Sa gitna ng pagluluksa darating ang isang l...