Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

300K 13.8K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )

6.7K 316 32
By junjouheart

Gusto ni Vashit na sya ang unang lumaban kaya pinagbigyan ko sya. Ang makakalaban nya ay ang lalaking mas hamak na mas matanda, mas malaki at mukhang mas maraming karanasan ito kung titingnan sya. Si Cephas ang mukhang bagay na kumalaban sa kanya.

" Magharap muna kayo " utos ng tagapamagitan.

Naglapit ang dalawa at hindi nga ako nagkakamali dahil ang taas lang nya ay hindi pa umabot sa balikat ng lalaki. Pero sa itsura ni Vashit ay parang kapantay lang nya ito.

May sinabi lang sa kanila pagkatapos ay naglayo rin. " Simulan na ang laban "

Inihanda na ni Vashit ang kanyang sandata at nasa kanyang harap ito. Ang kalaban naman nya ay nakatayo lamang at nakapamulsa lang. Literal na minamaliit nya si Vashit pagtingin nya dito.

" Sa tingin mo kaya akong matalo na surot na 'yan? " tingin sa akin ng lalaki.

" Anong sabi mo?! Sinong surot?! " bulyaw ni Vashit sa kanya. Mainitin ang ulo ni Vashit lalo 'pag inaasar sya ng ibang tao ngunit isa iyon sa kalakasan nya pagdating sa pakikipaglaban dahil mas lalo syang nasusubok.

" Sino pa ba? " ngisi ng lalaki sa kanya.

Sinamaan sya ng tingin ni Vashit. Pinaikot-ikot ni Vashit ang talim ng kanyang sandata saka inihagis iyon sa kalaban kaya nga lang nasalo iyon ng lalaki pero kita ko sa mata ni Vashit ang kakaibang saya. Hinila iyon ng lalaki ngunit bago pa sya mahila papalapit ay nag-iba ang anyo ng kanyang sandata.

Ang kaninang kadenang hawak ng lalaki ay naging matalim dahilan para mabitawan nya iyon. Kita ang pagdurugo ng kanyang palad at pagsama ng tingin kay Vashit.

" Sino nga uli ang surot? " mapang-asar na tanong ni Vashit at tumalon paatras palayo sa lalaki.

Ngumisi ang lalaki sa kanya. Hinubad naman ng lalaki ang kanyang kapang bumabalot sa kanyang katawan kaya nakita namin ang mga iba't-ibang tatu sa kanyang katawan. Mula sa kanyang braso at sa leeg ay may nakita kaming mga pinta na paniguradong sa katawan nya ay meron.

" Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga pinta sa aking katawan? " tanong ng lalaki.

" Hindi bakit ko naman malalaman? Saka wala akong pake kung ano man 'yang nakasulat sa katawan mo. Ang gusto ko ay matalo ka kaya huwag ka ng magsalita nang magsalita dyan at labanan na ako " sagot ni Vashit.

Ngumiti ang lalaki sa kanya. " Maganda ang magiging laban natin " sabi nya at mabilis na sumugod ngunit naging handa si Vashit.

Ang bilis ng kilos nilang dalawa. Si Vashit ay ginagamit ang kanyang sandata ngunit naiilagan ito ng lalaki. Nagpapakawala ng mga suntok at sipa ang lalaki ngunit nasasangga ito ni Vashit. Parehong ayaw nilang magpatalong dalawa.

" Eto ang para sa'yo! " sumugod si Vashit upang patamaan sya gamit ang kanyang sandata ngunit nailagan muli ito ng kanyang kalaban at mabilis na lumapit kay Vashit saka sya sinipa sa sikmura.

Napaatras si Vashit at napahawak sa sahig ngunit hindi naman ito tumumba. Halatang nasaktan sya sa ginawa ng kanyang kalaban.

" Pang-surot ang ginagawa mong pakikipaglaban " saad ng lalaki at doon ko lang nakita na nagkulay dilaw ang kanyang mata.

Inihagis ni Vashit ang kanyang sandata sa sahig. Seryoso na sya kumpara kaninang pag-akyat nya na mukhang nilalaro pa nya ang pakikipaglaban.

" Ayan na ang tunay na Vashit " napatingin ako kay Odette.

" Anong ibig mong sabihin? " takhang tanong ko.

" Si Vashit ay may lahing Ember at Azula kaya makikita mo ang tinatago nyang ganda " sabay tawa nito sa akin. " May mapang-aasar muli ako sa kanya "

Tumingin muli ako sa entablado. Nakatayo lang si Vashit ngunit unti-unting nagbabago ang kanyang buhok. Humahaba ito at nagkukulay pilak ang dating itim nyang buhok. Ang mga kuko nya sa kamay ay humahaba na parang kuko ng isang hayop. Ang makinis nyang balat ay unti-unting nababalutan ng mga tatu na hindi ko maipaliwanag ang kung ano ang sinisimbolo niyon.

" Vashit! Ang ganda mo! " sigaw ni Odette.

Lumingon sa amin si Vashit at hindi ko itatanggi ang sinabi ni Odette. Kung hindi lang sya namin kilala, napagkamalang babae ko na sya. Ang kulay ng kanyang mata ay magkaiba. Isang kulay abo at berde na siguro'y dahil magkaiba ang lahing nanalantay sa kanya.

" Lalaslasin ko 'yang leeg mo kapag nagsalita ka pa " saad ni Vashit kay Odette pero tinawanan lang sya.

Tinuon nya na ang pansin sa kanyang kaharap na nakatitig sa kanya kaya walang pagdadalawang isip na sumugod si Vashit at sinipa ito. Napaatras ang kanyang kalaban hanggang dulo at muntikan na itong mahulog ngunit nabaon nya ang kanyang kuko sa sahig

Sayang! Panalo na sana si Vashit ng hindi napapagod. Ang isa sa patakaran ng larong ito ay kung sino man ang makaapak sa labas ng entablado ay maituturing na talo na. Kapag hindi nangyari iyon, mahihirang lang na panalo kung sumuko na, nawalan na ng malay o hindi na kaya pang lumaban. Naipaliwanag naman sa amin ang lahat na patas sa maglalaban.

" Magnus! Ano pa ang hinihintay mo?! Bata lang ang kalaban mo kaya tapusin mo na! " sigaw ng isa sa miyembro ng putere.

" Hindi ako bata! Kapag natalo ko 'tong unyanggo na 'to ikaw namang isusunod kong tuko ka! " sigaw ni Vashit doon sa sumigaw.

Tawang-tawa naman si Odette sa sinabi ni Vashit. Napahawak naman ako sa noo ko dahil sa pagiging pikon at mainitin nyang ulo. Ayaw nyang tawaging bata pero sa ipinapakita nya ay tila mas malala pa sya sa bata.

" Vashit, itigil mo na ang paglalaro sa kanya. Kailangan mo ng magseryoso " salita ni Cephas.

Medyo nagulat ako dahil akala ko ay kanina pa seryoso si Vashit. Hindi ko sya masyadong kilala kumpara kila Cephas, Zilla at Odette na matagal nya ng nakasama.

" Oo na. Oo na. Tatapusin ko na " pagsasawalang bahalang sagot ni Vashit.

Tumayo na ito ng diretso at hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Sumugod na si Magnus ngunit nailagan iyon ni Vashit kasabay ang pagsiko nya sa likudan ito kaya muntikan itong napasubsob sa sahig kung hindi lang naagapan.

Nagtapat muli silang dalawa. Parang dalawang lobo ang naghaharap sa ibabaw ng entablado. Ayaw magpatalo o magpalamang man lang ang isa sa kanila. Kita na ang pagod sa kanilang mga habol na hininga at bumabagal na kilos pero ni isa ay ayaw sumuko.

Talunin mo na sya, Vashit. Panalangin ko.

" Sige Vashit huwag mo na syang pakawalan! " sigaw ni Odette!

Hawak-hawak ni Vashit sa leeg si Magnus na pilit kumakawala hanggang sa mabuhat sya nito at ibinagsak sa sahig sabay suntok sa sikmura nya. Kitang-kita ko ngayon ang pamamalipit ni Vashit sa sakit.

" Ipatigil na natin ang laban " sabi ko pero pinigilan ako ni Zilla.

" Hindi nya magugustuhan ang gagawin mo. Hindi agad susuko si Vashit " sabi nya.

Sinasakal ni Magnus si Vashit na nahihirapang kumawala. Ilang sandali ay napansin ko ang kanyang sandata na gumagalaw at mabilis na na pumalupot sa katawan ni Magnus kaya nakakawala si Vashit na naghahabol ng hininga.

" Akala mo matata-- " nahinto sa pagsasalita si Vashit ng makita nyang nasira ang kanyang sandata na nakapalupot kay Magnus. " Bakit mo sinira?! Alam mo ba kung gaano ko nahirapan para makuha ang sandatang 'yan?! " sigaw nya.

" Wala akong pake-- " hindi rin natapos ang sasabihin nya ng sumugod kaagad si Vashit na gamit ang matatalim nyang kukong naghiwa sa katawan ni Magnus sabay sikmura kaya napaluhod sya.

Kita ang ginawang hiwa ni Vashit sa damit ni Magnus lalo na sa balat nyang inaagusan ng dugo. Ngunit hindi lang pala iyon ang gagawin nya dahil pumwesto pa ito sa likod at kita namin ang paglabas ng kanyang pangil na agad ibinaon sa balat ni Magnus sa balikat.

Kumawala kaagad si Magnus sa pamamagitan ng paghawak sa ulo ni Vashit at paghagis nya sa sahig. Lumayo sya kaagad ngunit halos maligo na ang katawan nya sa sariling dugo.

" Kahit papaano masarap rin ang lasa " saad ni Vashit ng makatayo at dinilaan pa ang dugong nasa gilid ng labi nya.

Naghanda na si Vashit upang sumugod muli. Mabilis syang tumakbo patungo kay Magnus na nakahanda na ang matatalim nyang kuko hanggang sa hindi namin inaasahan ang mangyayari.

" Panalo ang putere! "

Lahat kami ay nakanganga sa anunsyo ng tagapamagitan at sa nangyari kay Vashit na kasalukuyang nasa labas ng entablado sa kabilang kupunan.

" Anong sya ang panalo?! Hindi mo ba nakita na napatid lang ako! " sigaw ni Vashit at tumungtong muli sa entablado.

" Nakalagay iyon sa patakaran " mahinahong sagot ng tagapamagitan.

" Pero kita naman kung sino ang lamang sa amin at kitang-kita na napatid lang ako ng nakakalat na pira-piraso kong sandata! " sagot muli ni Vashit.

" Kung hindi ka magtitigil ay maaari kong ipatanggal ang inyong grupo " pagbabanta ng tagapamagitan sa kanya.

Tumahimik na si Vashit ngunit humarap muli sa kanyang kalaban na nakangiting mapang-asar sa kanya.

" Kapag nagkita tayo tutuluyan kitang patayin " saad nya at naglakad na patungo sa amin na unti-unti ng bumabalik sa dati nyang itsura.

" Pagpatid lang pala ang makakatalo sa'yo " pang-aasar ni Odette.

" Tumahik ka dya-- "

Pagkababa nya ay agad syang napatumba na mabuti ay nasalo ni Odette. Inihiga namin sya at kitang-kita ko na may masakit syang dinadaing sa itsura ng kanyang mukha.

" Tatlong tadyang mo ang nabali. Nabalian ka rin sa iyong balikat at hindi ko alam kung nasa matino pangkalagayan ang mga buto mo sa balakang " saad ni Cephas ng suriin sya.

Ang akala ko ay hindi sya nasasaktan sa ginagawang pagtadyak at pagsuntok sa kanya ni Magnus. Hindi ko aakalain na malakas ang ginagawa nya.

" Hindi ko maaaring gamitin sa'yo ang kapangyarihan ko ngayon ngunit kaya ko namang bawasan ng kakaunti ang sakit na nararamdaman mo " sabi ni Cephas.

Ngumiti naman si Vashit. " P-pasensya na sana ay p-panalo na ako " pinilit nyang magsalita ng maayos.

" Ayos lang Vashit. Ginawa mo naman ang lahat ng makakaya mo ngunit talagang hindi lang umayon sa'yo ang tadhana. Magpahinga ka na lang muna at kami na ang bahala " pagpapagaan ko sa nararamdaman nya.

Tumango ito at pinikit ang mata. Tumayo na kami at muling bumalik ang tingin sa entablado.

" Ako naman ang lalaban " si Zilla na ang nagboluntaryo kaya pinayagan ko na sya.

Hindi ko masyado pang nakikita ang buong kakayahan nya bilang Vesta at Rim. Makakausap mo lang sya ng matagal kung may itatanong ka sa kanya na may mahabang paliwanagan. Nakita ko na ang kakayahan nya na pagkontrol ng lupa ngunit ang pagiging Rim nya ay hindi pa.

Kasabay ng pagtutungtong nya sa entablado ay isang lalaki muli na hamak na mas matanda muli sa kanya. Nang makalapit sa isa't-isa ay agad syang yumuko bilang paggalang na ikinagulat ng kalaban nya. Magalang rin kasi syang bata sa lahat ng nakakatanda sa kanya.

" Simulan na ang laban! "

Umatras ng bahagya si Zilla, gan'on rin ang kalaban nyang lalaki.

" Igaganti ko ang aking kaibigan " iba ang tono ng pananalita ni Zilla sa tuwing kasama namin sya. Nakaramdam ako ng pangingilabot sa paraan ng pagsasalita nya.

" Subukan mo " sabi ng lalaki ay walang sinayang na panahon na sumugod kay Zilla na nanatiling nakatayo.

Wala ba syang balak umiwas? Sa oras na matamaan sya ng latigo ng kalaban ay paniguradong masusugatan sya kaagad. Mukhang hindi ordinaryo ang kanyang latigo.

" Huwag kang kabahan " hawak ni Cephas sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya. " Mabilis na matatapos ang laban na ito " komportable nyang sabi.

Tumingin muli ako sa entablado at nakita kong nakatayo lang ang lalaki sa harap ni Zilla na tulala ito.

" Maraming alam na salamangka at mahika si Zilla kaya malalaman nya rin ang kahinaan ng lalaking iyan " sabi ni Odette.

Biglang sumigaw ang lalaki at napahiga habang yakap-yakap ang kanyang katawan na 'tila nilalamig kahit tirik ang araw sa pinaglalabanan namin. Pinagmamasdan ko si Zilla na may sinasabi ngunit walang boses na lumalabas.

Tumigil sa kakasigaw ang lalaki at tumayo ito ngunit may iniiwasan ito na hindi namin alam kung ano. Kita sa mukha nya ang takot lalo ng makita si Zilla.

" Sumusuko na ako! Ayaw ko na! " sigaw ng lalaki kaya inihinto na ang laban.

Bumalik sa amin si Zilla habang nakangiti. " May isa na rin tayong panalo " sabi nya.

" Paano mong natalo sya ng gan'ong kadali? " hindi pa rin ako makapaniwala.

" Mahina ang konsentrasyon ng kanyang isip kaya mabilis na nilamon sya ng aking orasyon. Hindi ko rin aakalain na ganito kabilis magtatapos ang aking laban " paliwanag nya.

Nag-apir naman silang dalawa ni Odette bago sya tumungtong sa entablado dahil sya na ang susunod na laban. Isang babae rin ang makakaharap nya na kabaligtaran ni Odette.

Ang ibig kong sabihin ay sa paraan ng pagkilos at sa tingin ko ay sa pananalita rin. Si Odette ay may pagkasiga kung kumilos at magsalita. Mahilig rin syang makipagtalo kahit kanino at higit sa lahat ay mapang-asar. Kumpara sa kalaban nya na marahan kung maglakad at 'tila ay nagpapapansin sya kung kanino man iyon.

" Simulan na ang laban! "

Unang sumugod si Odette na sinapak kaagad ang babae ngunit laking gulat nya na hindi man lang napaatras sa ginawa nyang pagsuntok kaya mabilis syang umurong. Nakita ko sa kamay ni Odette na mabilis itong nagdugo.

" Gawa ka ba sa metal? Sakit n'on a. " komento ni Odette.

Mahinhin namang tumawa ang babae. " Sabihin na lang natin na naalagaan ko ng mabuti ang pangangatawan ko " sagot nya.

Mas masarap kasama si Odette kaysa sa mga babaeng katulad nya. Pakiramdam ko ay masyado syang tiwala sa sarili.

" Ang arte mo namang magsalita. Saka anong maganda dyan sa katawan mo? Mukha ngang wala ng makain sa inyo " mapanglait na sagot ni Odette.

At isa pa sa katangian nya ay hindi nya muna pinag-iisipan ang mga lalabas sa kanyang bibig kaya naturing sya na mapanglait at prangka. Pasensyahan na lang sa babae dahil si Odette ang nakalaban nya.

" A-ano ang sinabi mo? " hindi nagustuhan ng babae ang kanyang narinig. " Babawiin mo 'yang sinabi mo " kita namin ang pag-iiba ng kulay ng kanyang mata at paglabas ng matatalim nyang kuko at ngipin.

Ngumisi naman si Odette at sabay silang sumugod. Makikita ang lakas ng mga binibitawan nilang suntok at tadyak sa isa't-isa. Hindi ko masabi sa oras na ito kung sino ang lamang sa kanilang dalawa.

" Ayan lang ba ang kaya mo? " tanong ni Odette habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi.

" Hindi pa ako nagsisimula kaya manahimik kang babae ka! " inis na sagot ng babae.

Nagulat na lamang kami ng may biglang syang inihagis ng kung anong bagay kay Odette. Pagtingin ko ay may nakatusok sa balikat ni Odette na kutsilyo.

" Hindi ka na makakatagal pa dahil may lason ang kutsilyo na 'yan " sabi ng babae habang pinaglalaruan ang isa pang kutsilyo sa kanyang braso.

" Kung gano'on ay tatapusin kita bago pa man ako mamatay " sagot ni Odette.

Biglang mmihip ang malakas na hangin sa paligid. Kapansin-pansin na nagbabago ng anyonsi Odette. Nagkakaroon ng matatalim na kuko at ang kulay ng kanyang mata ay tila kulay na tulad sa isang agila.

" Handa na ako " matatalim ang mga tingin ni Odette at sumugod na.

Hindi ko mabasa ang mga kilos nila sa sobrang bilis. Basta ang alam ko lang ay nasusugatan ni Odette ang babae pero nakakabawi rin.

Nang maghiwalay sila, kita na ang pagod sa kanila. Si Odette ay hindi na makatayo ng maayos.

" Tumatalab na ang lason " ngisi ng babae.

" Akala mo ba matatalo ako ng ganitong kadali? " tanong ni Odette habang may hinihila na kung ano hanggang may bumalot sa babae.

" Anong ginagawa mo? " tanong nya.

May kinokontrol si Odette na hindi naman makita kung ano 'yon pero tulad sa pagkakatanda ko ay nangyari na sa akin ng katulad sa ginagawa nya . Naalala ko sa may storage room ng may dalawang lalaking nagtangkang sunugin iyon kaso nahuli ako bago pa man ako makatakas.

Unti-unting dinadala ni Odette ang babae sa may dulo ng entablado upang ihulog. Anumang pilit na ginagawa ay hindi sya makawala. Kita ko rin ang pagdugo ng mga daliri ni Odette. Kaya mo 'yan!

Tuluyang nahulog ang babae ngunit sa kasamaang palad ay kasabay ang pagtumba ni Odette. Mabilis kaming lumapit sa kanya at kita namin na ang nagkukulay lila ang kanyang mga ugat sa leeg. Anong lason ito?

Binuhat sya ni Cephas papalabas ng entablado at inihiga sa tabi ni Vashit na kasalukuyang natutulog.

" Hindi delikado ang lasong nasa katawan nya ngayon. Pagpaparalisa lamang ang dulot nito kaya makakahinga tayo ng maluwag " sabi ni Zilla kaya nawala ang kaba ko.

" Tabla ang laban! " hatol sa naging laban.

" Gagawin ko ang lahat para maipanalo ang laban at ikaw na ang bahala sa huli " sabi ni Cephas at nagtungo na sa entablado.

Isang babae ang makakalaban nya na sa tingin ko ay ka-edad nya. Bago maglaban ay nagharap sila at bumalik sa kanilang pwesto.

May hawak na sandata ang babae na parang arnis ngunit sa dulo ay may talim. Si Cephas ay nakatayo lamang sa kanyang harap at hinihintay ang pagsugod sa babae.

" Ako ang makakatalo sa'yo! " sigaw ng babae saka tumakbong patungo kay Cephas hawak ang kanyang sandata.

Nahawakan ni Cephas ang braso ng babae at nakailag ito sabay tinuhuran nya sa sikmura. Napaatras ang babae pero muli itong sumugod ngunit nakailag na naman si Cephas.

" Risa huwag kang tatanga-tanga! Ayusin mo ang laban! " sigaw muli ng lalaking tinawag ni Vashit na unyanggo.

Dapat ay binibigyan nya ng lakas ang mga kakampi nya. Napakawalang hiya nya talaga!

" Aray! " napatingin ako sa labanan at nakita kong nakahiga si Cephas sa sahig. Tumalon ng mabilis ang babae upang tusukin si Cephas na mabuti na lang ay nakaikot.

Tumayo si Cephas at tumalon paatras palayo sa babae. Halata sa kinikilos nya na hindi nya masyadong sinusugod ang babae. Saka ang mga ginagawa nyang pagtama sa babae ay hindi gano'n kalakas at puro pag-iwas ang ginagawa. Hindi ko sya masisisi dahil babae ang kalaban nya.

" Gumagawa na sya ng patibong " napatingin ako kay Zilla.

" Anong patibong? " tanong ko at muling tumingin sa naglalaban.

" Ang bawat galaw ni Cephas ay tinatawag na deorck kung saan ay gumuguhit sya ng dalawang triangulo na magkabalikdad. Hindi mo ba napapansin na sa tuwing umiilag sya ay tumatagal sya sa kanyang pwesto? " umiling naman ako. " Dahil nagsasabi sya ng kanyang dasal. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ito napapansin ng babaeng kalaban nya na mahahalata naman sa kanyang kilos "

Ako nga hindi ko nahalata, 'yung babae pa kaya. Wala talaga akong alam sa kayang gawin ng isang Rim.

" Wala ka bang gagawin kung hindi ilagan ako?! " inis na tugon ng babae.

" Pasensya pero lumalaban pa rin naman ako " tayo ni Cephas at may inahagis sa tapat ng babae na maliit na supot na tela.

" Anong gagawin ko sa buhangin na 'yan?! " tanong ng babae.

" Hindi lang basta 'yan buhangin! Isinailalim kanya sa isang salamangka na tinatawag na deorck! " sigaw ng dating grupong kalahok na mula sa lahi ng Rim.

" D-deorck? " mukhang hindi nya alam ang binanggit ng manonod.

Hindi ko alam kung anong mensahe o simbolo ng paggalaw ng daliri ni Cephas kasabay ang pagbulong nya.

" Delikado ang ginagawa nya dahil kapag nagkamali sya ay buhay nya ang magiging kapalit " rinig kong sabi ng malapit sa amin.

Kinabahan ako sa narinig ko. " Cephas anong ginagawa mo? Itigil mo 'yan! " sigaw ko pero hindi nya ako pinapakinggan at patuloy pa rin sa ginagawa.

Tumaas ako sa entablado pero parang may harang. Pilit akong pumapasok pero hindi ko magawa.

" Huwag kang mag-alala pinuno, alam nya ang kanyang ginagawa " mahinahon na sabi sa akin ni Vashit ngunit kita sa kanyang mukha ang pagkaseryoso.

Wala na akong magawa kung hindi bumaba muli. Nilalamig ang aking mga palad at naghihintay kung ano ang mangyayari kay Cephas. Ito na ba ang sinasabi nyang makakasigurado sya pagkapanalo nya?

" Walang akong panahon sa binubulong mo. Laban--- " hindi natapos ang sasabihin nya ng magsalita na si Cephas.

" Ngayon na! " sigaw nya kasabay ang pagliwanag ng sahig ng entablado.

Napapikit ako dahil sa liwanag at tanging sigaw ng babae ang aking naririnig. Unti-unti ng naglalaho ang liwanag at pagtingin ko sa babae ay wala ng malay at nakahiga na ito at si Cephas ay nakaluhod ang kanyang isang tuhod at hingal na hingal.

Gumawi ang tingin nito sa akin at nginitian ako.

" Ang coer ang panalo! " hatol nila sa naging laban.

Lumapit sya sa babae at ipinatong ang kapa nyang suot bago binuhat ang babae patungo sa kabilang kapunan. May sinabi sya sa kalaban pero hindi ko maintindihan. Yumuko na sya at bumalik na sa amin.

" Hindi ko alam na gagamitin mo iyon " saad ni Zilla.

" Iyon lang ang tanging paraan para makasiguradong matatalo ko sya. Kita ko kasi na mas malakas sya kumpara sa ibang kasamahan nya kaya gusto kong makatiyak " sagot nya pero napatumba naman ito na mabuti nasalo ko.

Pinaupo namin sya at pinasandal sa pader. Ngunit napansin ko na may mga nakasulat sa kanyang palad na hindi ko maintindihan.

" Ano ito Cephas? " tanong ko.

" Ako na ang bahala sa kanya pinuno. Kailangan mo ng tumungo sa entablado " saad ni Zilla.

Wala na akong nagawa kaya tumayo na ako at tumungtong na sa entablado. May dalawa na kaming panalo kaya kailangan kong manalo dito dahil kung hindi, magiging tabla ang laban namin.

Itutuloy......

-junjouheart-

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 360 79
Title: MY STAR Characters: Tee, Shin, Than, Neo, Juanse, Ae Genre: Friendship, youth, school and bromance Episode: 19 episodes (each episode has 4 s...
37.9K 3.3K 76
It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the...
Hades University By Adamant

Mystery / Thriller

76.6K 3.3K 35
Hades University [BXB|Mystery|Thriller|Fantasy|Horror] Isang prestihiyosong unibersidad ang bigla na lamang naitatag sa bansa sa kasalukuyang taon, a...
1.6M 64.7K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...