Seducing Miss Tin (GxG Comple...

By its4UtofindOut

646K 18.2K 2.9K

Christina Yoo-jung Half Korean Half Filipina. -Wala ng mahihiling pa si Tina sa fiancé nyang si Zeus, mayaman... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty

Chapter Ten

21.3K 558 63
By its4UtofindOut

******

Naalimpungatan ako sa bahagyang
init na tumatama sa mukha ko.
dahan dahan kong minulat ang
mata ko para mag adjust sa liwanag.

Matindi na pa la ang sikat ng araw
sa labas, doon ako napatingin sa
wall clock malinaw na malinaw na nakasulat don ang oras.

12:30...

Hindi ko alam kung bakit hindi ko namalayan na tanghaling tapat na
pala, at wala man lang gumising
sakin.

Hindi naman ako nag worry dahil hapon pa ang schedule ko sa resto
na magiging reception namin.

Mas nag alala pa nga ako nung
nakita kong hindi ko na katabi si
Lexa.

Pero naisip ko din na tanghali na
nga pala at baka kanina pa sya bumangon.

Ako naman ay tinatamad pang bumangon, ni ayaw ko munang
tignan yung phone ko.

Baka may mabasa kasi kong mas nakakapag pa konsensya sakin.

Naalala ko na naman yung mga
naging eksena namin ni Zeus at
Lexa kagabi.

Hindi ko alam kung dapat ko pa
bang ungkatin kay Zeus yung
about sa sinabi nya at kung bakit
nya nasabi ang mga yon.

At kung dapat ko rin bang tanungin
si Lexa kung may natatandaan sya
sa mga nangyari sa amin kagabi?

God bigla yatang sumakit ang ulo
ko...

Dinampot ko yung phone at agad
na denial ang number ni Erica,
assistant ko sa boutique.

May napansin akong missed call's
and txt messages pero hindi ko tinignan 'yon.

Nag tanong ako kay Erica about
sa shop kung ok ba at kung may problema.

Almost one month ko na kasing
hindi nabibisita  ang shop, sa mga
txt at calls lang ako nakikibalita
kay Erica.

Huwag daw akong mag alala
maganda naman daw ang sales
ngayong month at kakadating lang
din daw ng mga bagong stocks.

Ang intindihan ko daw ngayon ay
ang nalalapit kong kasal, malapit
na din daw matapos ang wedding
gown ko.

Ako lang ang nag design non at sa tulong ulit ni Erica pati na din ang
iba nyang ideas, malapit na syang matapos.

Kung tutuusin naman hindi ko
na kailangang magpaka pagod pa, pwede naman kaming kumuha ng wedding planners, at mag dedesign
sa gown ko.

Pero mas pinili kong ako mismo
ang maging punong abala sa lahat
ng 'yon, kasal ko ito at dapat kong
ma experience ang lahat ng ito.

Isang beses lang pwedeng ikasal
ang isang babae, kung makakadalawa man sya, sa tingin ko hindi na ganon
ka especial yon.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil talagang maaasahan si Erica pagdating 'don, kaibigan din namin
sya ni Step nung college.

Silang dalawa lang ang lagi kong nakakasama eversince. Nung college kasi ako may pagka loner ako, tapos yung dalawa opposite ko naman.

Sa kanilang dalawa lang ako
nagiging kampante pagdating sa
mga nararamdaman ko regarding
sa family ko.

Alam nila yung mga hinaing ko sa buhay kahit na hindi pa ako nagsa
salita alam na alam na nila kung
may problema ako.

Kesa kung ano-anong isipin ko
ngayon, Nagpasya na lang akong bumangon, i decided na din na
mag shower na para ma preskuhan
na din.

"Ate good afternoon." Bati agad
sa akin ni Levy.

As usual nasa tapat na naman
ito ng TV at nag lalaro ng games,
dumeretcho agad ako sa kusina
para makakain, kumakalam na
kasi ang sikmura ko.

Of course tanghali na kaya...

Habang nag sasandok ako naalala
kong itanong si Lexa, hindi nya kasi kalaro tapos tahimik na tahimik pa
sa buong bahay.

"Levy nasan si ate Lexa mo?"

"Uuwi daw muna sya te sa kanila."

Napatigil ako bigla sa pag nguya
ko, bigla ako nag alala kung bakit biglaan naman yata ang ginawa
nitong pag uwi sa kanila.

Ni hindi man lang ako ginising
para magpaalam.

Halos hindi yata ako nabusog sa kinakain ko, lumilipad ang isip ko
kung bakit bigla na lang syang
umuwi.

After ko mailagay sa lalabo yung pinagkainan ko'y tumabi agad ako
kay Levy.

Gusto ko syang tanungin kung
may napansin ba syang kakaiba
kay Lexa bago ito umalis, kaso
baka kung anong isipin nitong si
Levy.

Matalas pa naman sa kutsilyo
ang pakiramdam nitong kapatid ko.

"Ate nag aaway ba kayo ni bayaw kagabi?"

"Ha- ah eh! Hindi bakit naman
kami mag aaway ng kuya mo?"

Tumigil ito sa paglalaro nya at seryosong tumingin sa akin.

"Eh si ate Alex nag away kayo?"

"Ha? Bakit mo naman naitanong
yan Levy, ma-may nasabi ba sayo
ang ate Lexa mo?

Buti na lang hindi nya ako tinapunan ng tingin, tanging iling lang yung sinagot nya sakin. Kundi baka napansin nya yung pag aalala sa
mukha ko.

May gusto pa sana akong itanong
sa kanya, kaso biglang pumasok
ang dalawa naming pamangkin at
deretcho agad sa akin para yakapin ako.

"Tita aalis na ba tayo? Anong oras
po babalik si tita ganda?" Tanong
agad ni Mae.

Great nakapangako nga pala ako
na mamasyal kami mamaya.

"Nagpaalam ba si tita ganda nyo
sa inyo?" Pasimple kong tanong.

"Opo tita, sabi po nya wait daw po natin sya kasi daw po may kukunin lang daw sya sa house daw po nila." Sabi naman ni Micha.

Napabuntong hininga naman ako
after nya sabihin yon, hindi ko namalayan na kanina pa pala nakatingin si Levy sakin.

"Hindi ba nagpaalam oh nag txt
man lang si ate Alex sayo ate?"

"Hindi eh! kaya nga tinatanong ko?"

Inutusan ko si Micha na pumunta
sa kwarto ko para kunin ang phone
ko.

Bakit ba kasi hindi ko tinignan yung txt messages ko, hindi sana ko mukhang tanga na nagtatanong
sa mga batang 'to.

Nakasaad sa txt ni Lexa na kukunin lang daw nya ang laptop nya, at
huwag ko daw syang ma miss agad.

"Mukhang masaya kana ate ah?
Nag explain ba sayo si ate Alex
kung bakit sya biglaang umuwi?

Hindi ko alam kung may laman ba yung sinasabi nya, basta hindi ko sya pinansin, kunwari nakatingin ako sa nilalaro nyang games.

Pero hindi naman don naka focus
ang atensyon ko kundi kay Lexa,
iniisip ko kung anong unang
sasabihin ko sa kanya pag
dumating sya mamaya.

Mag prepretend ba ako na parang wala akong ginawa kagabi?

Oh! Aarte ako na parang wala lang? yung katulad parin nung dati.

"Ate may nag txt sa phone mo, hindi mo ba babasahin?"

Ano ba yan nawawala yata ako sa sarili ko...

Malapit na ko... txt ni Lexa,

Para akong turumpo na natataranta, hindi ko alam kung anong uunahin
ko.

"Sige na ate mag bihis kana sa
kwarto mo tapos ako ng bahala
sa dalawang 'to." Turo nya sa dalawang bata.

Patakbo akong umakyat ng kwarto.
at masayang nag bihis, nag lagay
na din ako ng light na make up sa mukha ko.

I don't know pero pakiramdam ko
ang saya saya ko ngayon.

After 30 mins dumating na nga si
Lexa bitbit nito ang loptop nya, at
may pasalubong pang cake.

Ramdam ko na gustong-gusto sya
ng mga pamangkin ko, hindi pa
kasi ito nakakapasok sa loob ay patakbo na nila itong sinalubong
ng yakap at halik.

"Hey na miss nyo agad si tita
ganda nyo?"

Halos sabay naman na sumagot
yung dalawa, pinagmamasdan ko
lang sila, nanatili lang akong nakatingin kay Lexa.

She's so god damn hot sa suot nya, para syang rakista na ewan.


"Done checking me out miss Tin?"

Makahulugan nyang sabi sakin,
hindi ko na lang sya pinansin, pakiramdam ko kasi kapag nag
salita ako mag bubuhol-buhol ang
dila ko.

"Ba-bakit hindi ka nag paalam na aalis? Alam mong may la-lakad
tayo ngayon."

Halos hindi yata ako humihinga after ko sabihin yon, pero pakiramdam ko nauutal ako.

Nag smirked lang sya sakin, imbes
na sagutin yung mga tanong ko.

"I'm here na Miss Tin kaya wag
kana mag maktol dyan na para
kang bata, sabay ngiti at puppy
eyes pa."

"Please huwag mo na ulit gagawin yan." Sabi ko.

"Ha ang alin Miss Tin?"

Parang naguguluhan naman nyang sagot at ginawa pa ulit yung pag
papa cute nya.

"Ya-yang pag papacute mo."  Sabi ko.

"Anong pagpapacute yang sinasabi mo dyan Miss Tin?"

"Yung ganito oh!" Ginaya ko yung ginagawa nyang pagpa-puppy eyes.

"Next time don't do that again,
Miss Tin, cause your so damn cute kapag ginagawa mo yon."

Pakiramdam ko umakyat lahat ng
dugo ko sa mukha, bigla ako nag
blush dahil sa simpleng sinabi
nyang yon.

Ako nga dapat ang magsasabi non
sa kanya eh! Kasi sobra nyang adorable kanina habang ginagawa nya 'yon.

"Tara na Miss Tin para ma e-pasyal
na natin itong mga cute na 'to, may sched pa tayo sa Resto right?"

Nagpaalam na kami kay Levy na
ewan ko ba pero kakaiba yung mga tingin na pinupukol nya sa aming dalawa ni Lexa.

Pasakay na sana kami ng kotse
ng biglang huminto ang fortuner
ni Zeus sa harap ng gate.

Nagkatinginan kaming dalawa
ni Lexa, yung masaya kong ngiti
kanina ay napalitan ng pag aalala.

Bumaba si Zeus sa sasakyan at nakangiting lumapit sa amin, magkahalong kaba at pagtataka
yung nararamdaman ko ngayon.

"Thank god nakahabol ako."

Bakas naman sa mukha nya yung
saya, pero agad ding napalitan yon
ng lungkot nung mapansin nya
siguro na wala akong reaksyon.

"Hon hindi ka yata masaya na
makita ako?"

Doon ako na guilty sa inasal ko, nagtataka lang naman kasi ako
kung bakit sya nandito, dapat kasi
nasa office sya sa mga oras na 'to.

Niyakap ko sya at hinalikan sa labi
nya, pero hindi ako tumitingin sa
gawi ni Lexa.

"Hon anong ginagawa mo dito?
Diba dapat nasa office ka? Anong nangyari?" Sunod-sunod kong
tanong.

"Hon relax walang nangyari sa
office, hindi ako nakatulog last
night, hindi din ako makapag
focus sa work ko, kaya i decided
na lang na samahan kayo sa lakad nyo. Ku-kung gusto mo lang naman
hon."

Mas lalo akong na guilty sa narinig
ko galing sa kanya, nakagawa ako
ng kasalanan kagabi at pag gising
ko ni hindi man lang ako nag txt sa
kanya.

Yun pala hindi sya nakatulog ng maayos at pati na din ang work
nya ay naapektuhan.

Anong klase akong babae,
magiging mabuting asawa kaya
ako sa kanya? Naiiyak na ko...

"Hon of course gusto kitang makasama, im sorry kung ganon
ang mga tanong ko, hindi mo
naman kasi maiaalis sa akin na
mag taka diba?"

Tumango lang sya tapos ngumiti,
tapos doon na nya kami pinasakay
sa fortuner nya, kami ni Zeus sa unahan tapos si lexa at yung
dalawang bata sa likuran.

Sinabi na din namin sa kanya na mamasyal muna kami ng mga
bata bago mag punta sa Resto,

Pinisil nya muna yung kamay ko
bago nya tuluyang pinaandar yung sasakyan, nakita ko din na nag
tanguan yung magkapatid gamit ang rear mirror.

"Wow tita, tito and tita ganda ang ganda naman dito."

Excited na excited silang pumasok
sa loob ng Enchanted Kingdom, ngayon lang kasi sila nakapunta dito.

Una nilang sinakyan ang Air Pterodactyl, Boulderville Express, habang si Zeus ay nakaalalay lang
sa kanila.

Bumili naman si Lexa ng drinks
and hotdog, para makakain kami, tahimik lang kaming nakamasid sa tatlo habang kumakain.

"Hey Miss Tin, why are you acting
like that? Kanina kapa sa bahay ah?"

Doon na ko napatingin sa kanya,
hindi ko kasi alam kung anong
sinasabi nya.

"Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Yan? Yang reaction mo, you look
like na may nagawa ka sakin or
may nagawa ba ako sayo kagabi,
and weird mo kasi."

Muntik na akong mabilaukan dahil
na sapul nya ako doon, mukhang
nakakaramdam na sya sa mga sa nagawa ko kagabi.

"So may nagawa ka nga sakin?"

"A-ano bang sinasabi mong
nagawa ko dyan Lexa, pag akyat
ko last night tulog na tulog kana
nag hihilik ka pa nga, tapos natulog na din ako."

Maang-maangan kong sabi dito,
hindi ko naman kasi alam kung
anong dapat kong sabihin sa kanya.

Lexa pinagsamantalan ko yang kissable mong lips kagabi.

Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin yon sa kanya, isipin pa nya maniac ako.

"Sayang naman Miss Tin akala ko
pa naman totoo na yon, para kasi kong nasa langit kagabi."

Halos mapunit yung labi nya dahil
sa pagkakangiti nya. Mukhang masayang-masaya sya sa akala
nyang panaginip daw nya kagabi.

"Miss Tin, gusto mo bang malaman kung sino yung kasama ko sa panaginip?"

Halos mapalundag ako dahil sa pagkakabigla, paano ba naman ay
sa mismong tenga ko pa talaga nya sinabi 'yon.

"Pu-puro ka kalokohan Lexa."

"Oy ayaw nyang malaman, sige na sasabihin ko na sayo Miss Tin."

"Tita, tita ganda sakay po tayo don
sa bouncing boulder please."

Tinignan ko muna ng pairap si
Lexa bago ko sinagot yung dalawa
ng Oo, hindi din nakaligtas sa
paningin ko yung seryosong mukha
ni Zeus.

Palipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa ni Lexa, pero pinagwalang bahala ko na lang yon.

Nag haharutan lang kami ng kapatid nya walang ibang meaning yon.


After kami maiayos nung nag
aassist sa rides, naghawak-hawak
kami ng kamay.

Sa dulo si Zeus tapos yung dalawang bata, tapos ako at si Lexa ang mag katabi.

I feel safe sa kamay ni Lexa, na para bang may mga boltahe ng kuryente
na unti-unting umaakyat sa buong katawan ko.

Naramdamam kong pinisil nya ng bahagya yung kamay ko, at ganon
na din ang ginawa ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa kanya at ginawaran ko sya ng isang wagas at totoong ngiti na dati ko ng binibigay
sa kanya.

Gusto kong maging masaya itong experience ko sa EK kasama ang dalawang tao na nagpapagulo ngayon sa utak ko.

---------------------------------------------

Dont forget to vote, comments or kindly pm me :)

Thanks ;)

"its4UtofindOut"

Continue Reading

You'll Also Like

92.8K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.5M 47.4K 72
"Yasmine Zehra Marquez" She's lovely and sweet She's intelligent and very passionate She's beyond beautiful She's rich and elegant She's my neighbo...
315K 17K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
412K 9.9K 42
Maxwell Herrera, a drop dead gorgeous meets Samantha del Rosario, ang anak ng labandera na si Aling Meling at babaluktot sa straight as a pasta na si...