Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

300K 13.9K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-18 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

Ika-24 Kabanata

6.6K 328 42
By junjouheart

Dedicated to iyahchan

-------------------------------------------------------------

Handa na kaming makipaglaban ngayon. Hindi namin alam kung anong halimaw ang kakaharapin namin pero gagawin namin ang lahat para manalo sa laban. Ilang hakbang na lang ay magiging malaya na kami.

" Nakabunot na ba ang bawat grupo? " tanong ng taga-anunsyo.

" Opo " sabay sabay naming sagot.

May hawak akong papel na nakabilot na aking binunot kanina. Sabi nila, ito daw ang halimaw na makakalaban namin ngayong araw.

" Buksan nyo na " utos nya.

Binuksan ko ito sa harap ng aking ka-miyembro. Kleros ang nakasulat dito at wala akong alam kung anong uri ng halimaw ang nabunot ko kaya tumingin ako kay Zilla at alam nya na ang ibig kong sabihin.

" Kleros, ang halimaw ng mga mandirigmang tulisan. Magaling sya sa pakikipaglaban lalo na sa paggamit ng iba't-ibang sandata. Nagtangka syang sakupin ang lahing Vesta ngunit nabigo lamang sya dahil may mandirigmang guer ang nakatalo sa kanya.  Mahigit kumulang limang dekada na ang nakakalipas magmula ng mamatay sya ngunit ang kaluluwa nya ay nanatiling buhay sa tulong ng mahiwagang kalasag nya " paliwanag nya.

" Woah! Ang galing mo naman, Zilla. Sino naman ang amin? " singgit ni Tetsuna sa usapan namin at ipanakita ang papel na nabunot nila.

" Bakit naman namin sa'yo sasabihin? " pagmamasungit ni Odette pero alam kong inaasar nya si Tetsuna.

" Sungit naman nito. Parang hindi tayo magkaibigan " sagot nya.

Tumawa naman si Odette dahil naniwala kaagad si Tetsuna. " Biro lang. Ano ang sa kanila, Zilla? " baling nya kay Zilla.

" Ang halimaw ng ilog ng kamatayan, si ver raparia. Dati syang tagapagbantay ng mahiwagang ilog ng walang katapusang buhay ngunit naghangad sya na magkaroon ng imortal na buhay kaya sya pinarusahan at tinapon sa ilog ng kamatayan. Tubig ang kanyang pinakasandata " paliwanag ni Zilla.

" Ang rami mong alam sa lahat ng bagay. Maraming salamat " puri ni Tetsuna sa kanya at pagpapasalamat na rin.

Tinawag na kami upang magtungo sa entablado. Unang tinawag ang grupong Vati, ng lahing Lapidoptera. Kaya umupo muna kami kasama ang ilang manonood. May nilalang na nagtungo sa gitna at may hinampas lamang sya sa paligid kaya unti-unting nagbago ang paligid ng entablado at naging masukal itong kagubatan. Ang buong paligid naman ay nagmistulang nasa kalagitnaan ng isang madilim na kagubatan. Nakakamangha ang ginawa ng may hawak na mahikang baston.

" Ang halimaw ng mga kadilim, si Shawdwe ang makakalaban ng grupong Vati. Ating tunghayan kung paano nila matatalo ang kanilang kalaban " saad ng nag-aanunsyo.

Wala akong masyadong makita sa may entablado dahil madilim ngunit agad namang nagliwanag dahil sa mga paruparo na inilabas nila. Kulay dilaw, berde, lila at kahel ang mga nakapaligid na napakagandang tingnan. Ito ang pangalawang pagkakataon na may nakita akong ibang uri ng mga paruparo dahil ang isa noon ay sa may paaralan na kapareho sa aking ina.

" Lumabas ka na, shawdwe. Gusto na naming matapos ang laban na ito " salita ng may kulay lilang paruparo.

May bigla namang namuong itim na usok sa kanilang taas. Nagpakita sa kanila ang nilalang na hindi ko mawari ang itsura. Wala syang kamay at paa at tanging mga ugat ng mga puno ang nagsisilbing katawan nya na may mga tela pang nakapalibot sa kanya. Wala rin syang mukha.

" Huwag kayong mag-aalala. Lalabanan ko kayo kung matatalo nyo ang mga alagad ko " tila nasa loob ng kweba ang kanyang boses. Nakakatakot pakinggan.

" Ilabas muna sila. Wala kaming panahon " saad ng may dilaw na paruparo na parang kumakausap lang ng kalahi nila.

May namuong bilog na itim na usok sa paligid ni shawdwe at kaagad itong sumugod sa mga vati. Tumalsik ang isang kasamahan nila na may kahel na paruparo na tumama sa may malaking puno. Ang may kulay berde naman ay nasangga ngunit halata sa mukha nya ang pananakit ng kanyang brasong pinangharang. Ang tanging nakapaglaho lamang sa itim na usok ay nagmamay-ari ng lilang paruparo.

" Sumugod uli kayo! " muling utos ni shawdwe sa itim na usok.

Naghanda na rin ang mga vati. Ginawa nilang pangsanggalang at sandata ang mga alaga nila. Nakakamanghang tingnan kung paano nila gamitin ang kakayahan nila bilang Lapidoptera. Mukhang nagsanay sila ng husto sa pakikipaglaban gamit ang paruparo nila.

" Natalo na namin sila. Ikaw naman " saad ni lila pero halatang nahirapan rin sya sa pakikipaglaban.

Pinalibutan nila si shawdwe. Unang sumugod ang isa pang kulay lila ang paruparo pero walang hirap na napatalsik sya sa labas ng entablado. Ang sumunod ay ang kulay kahel ngunit pinalibutan sya ng itim na usok na syang ikinahirap nya sa paghinga.

Sabay na sumugod ang tatlo pang natitira na nakapalibot sa kanila ang mga paruparo nila sa katawan na nagsisilbing kalasag nila. May hawak rin silang sandata na may mahabang hawakan at sa dulo ay may talim. Itinusok nila sa katawan ng halimaw ang sandata nila ngunit tumagos lamang ito sa katawan ni shawdwe. Walang kahirap-hirap na itinalapon sila sa may lupa.

" Paano kaya nila matatalo 'yang usok na 'yan? " tanong ni Vashit na nakatuon ang pansin sa laban.

Nanatili kaming nanonood sa laban. Kahit ilang beses na tumitilapon at bumabagsak ang mga grupong vati ay tumatayo pa rin sila at patuloy na lumalaban. Nakakamangha na hindi pa rin sila sumusuko na kahit kita na sa kanila ang panghihina.

" Ibuhos nyo na ang buong lakas nyo sa gagawin natin " utos ng kulay lila.

Tumayo sya at iniharap ang palad nya kay shadwe na ganoon rin ang ginawa ng mga kasamahan nya na pumalibot. Nakapikit sila at hindi ko marinig ang kanilang sinasabi. Ilang sandali lang ay may lumabas pang paruparo sa kanilang mga kamay. Daan-daang paruparo ang mabilis na sumusugod sa halimaw. Pinalibutan sya nito na para bang gumawa ng ipo-ipo.

Sigaw ang naririnig namin kay shawdwe na hindi namin alam kung anong nangyayari sa loob ng ipo-ipong paruparo. Patuloy lang sa paglabas ang mga paruparo sa kanilang palad at bigla nalamang silang napaluhod.

Pinanood namin ang nagaganap. Hindi na namin naririnig ang pagsigaw ng halimaw at ang mga paruparo nila ay mas kumakalma na sa pag-ikot at bumabalik na sa kanilang amo hanggang makita na namin ang nangyari kay shawdwe. Tanging ugat at sanga na lamang ng puno ang aming nakita sa lapag.

" Ang panalo ang vati! " sigaw ng taga-anunsyo na syang paghiyaw ng mga manonood.

Nakakamangha ang pagtalo nila sa halimaw. Alam kong hindi madali ang ginawa nila.

Bumaba na sila entablado na halatang pagod na. Tumayo naman kami dahil kami na ang susunod na lalaban. Huminga ako ng malalim upang pagaanin ang loob ko. Kinakabahan ako dahil alam kong malakas rin ang makakalaban namin na halimaw na si  Kleros.

" Ang grupong coer ang lalaban kay Kleros. Maghanda! "

Tumungtong uli kanina 'yung lalaki at inihampas muli ang hawak na mahikang baston kaya nag-iba ang paligid. Naging sementeryo ang paligid.

" Huwag kang tatakbo Vashit kapag may nakita kang manika " panunukso ni Odette.

" Tingnan lang natin kung sino naman ang iiyak " pang-aasar naman ni Vashit.

" Tumahik kayo at magtuon ng pansin sa kalaban. Hindi natin alam-- " napahinto sa pagsasalita si Cephas ng may humawak sa kanyang paa mula sa lupa.

May kalansay na kamay ang humihila sa kanya kaya mabilis nya itong tinapakan at umalis sa pwesto nya. Napaatras naman kami ng unti-unting bumubuka ang lupa. Lumabas dito ang mga kalansay na gumagalaw at lumalapit sa amin.

Inilabas ko ang espada kong kahoy at mabilis na inihampas sa kalansay na agad namang nagkalasog-lasog. Si Vashit ay inihahagis ang talim sa mga kalansay kaya nahihiwa ang mga buto nito ganoon rin sila Zilla at Odette na hawak ang kanilang sandata. Si Cephas naman ay sumusuntok at sinisipa lamang ang mga kalansay.

" Parang hindi naman ata sila umuunti " hingal na saad ni Vashit.

Kanina pa kami nakikipaglaban sa mga kalansya na 'to pero padami pa sila nang padami. Napapagod na kami sa ginagawa namin.

" Ayaw ko na! " napatingin kami kay Zilla ng sumigaw ito.

Inilapag nya ang palad nya sa lupa. " Lamunan nyo na ang mga walang kwentang ito! " sigaw nyang muli.

Muling bumuka ang lupa at nilamon ang mga kalansay na kinakalaban namin. Pilit kumakawala ang ilang kalansay pero hindi umubra ang ginawa ni Zilla sa kanila.

" Ayos n'on! Kaya nga lang dapat kanina mo pa ginawa dahil pagod na tayo, hindi pa lumalabas si Kleros " saad ni Vashit.

" Maraming salamat " sabi ko naman.

" Magpakita ka na sa amin " utos ni Cephas.

Ilang sandali lang ay muling bumuka ang lupa at inilabas nito ang isang nilalang na nagliliyab ng kulay asul. May kalasag ito sa katawan at may hawak na espada ngunit ang nakakatakot ay isa rin itong kalansay. Kitang-kita namin ang bungo nya na nagliliyab rin.

" Kayo ang grupo ng may dalawang lahi " salita nya na tila ang boses nya ay galing sa ilalim ng lupa.

Galing naman talaga sya sa lupa.

" Pinuno sa likod ka muna namin " saad ni Vashit saka nila ako hinarangan.

Ayaw ko man ang ginagawa nilang pagpoprotekta pa rin sa akin hanggang dito sa laban ay hinayaan ko sila sa gusto nila.

" Gusto kong malaman kung gaano kayo kalakas. Sino ang gustong lumaban o kahit magsabay-sabay kayo ay hindi nyo ako matatalo " bakas sa sinabi nya ang pagmamataas.

" Ako ang lalaban " sabay harap ni Vashit.

Pwinesto na nya ang sarili nya upang makipaglaban. Sya ang unang sumugod sa pamamagitan ng paghagis ng talim ng kanyang sandata ngunit parang wala lang ito dahil may kalasag syang suot. Sinubukan nyang muli ngunit sa pagkakataong ito ay nahawakan ni Kleros ang talim at pinaikot sa hangin kasama si Vashit. Tumalsik ito at tumama sa isang puntod.

" Vashit! " mabilis akong lumapit sa kanya.

" A-yos lang ako " nahihirapan nyang sagot at pinilit tumayo.

Inalalayan ko syang tumayo ngunit bago pa kami makatungo kila Cephas ay si Zilla naman ang sumunod. Nilapitan namin sya kaagad.

Kumpara sa ibang grupo, ang aking grupo ang may batang miyembro. Si Zilla at Odette ay labing limang taon palang kaya hindi sila ganoon kalakas kumpara sa iba. Si Cephas ang pinakamatanda sa amin at si Vashit naman ay sumunod lamang sa akin. Kung sa karanasan sa pakikipaglaban,  buwan lamang ang binilang namin sa pag-eensayo. Ngunit tiwala ako sa kakayahan ng mga kagrupo ko. Alam kong may tinatago silang lakas.

" Kaya nyo pa ba? " tanong ko sa kanila.

" S-syempre kaya pa namin " sagot ni Vashit at Zilla.

Tumayo na sila. Nakikita naming nakikipaglaban pa rin ang dalawa kay Kleros. Halata sa mukha nila ang pagod sa pagsugod ngunit wala namang epekto kay Kleros.

Bumagsak si Odette sa sahig ng suntukin sya ni Kleros sa sikmura. Kita ko ang pananakit sa mukha nya. Ang sandata naman nya ay binali lamang at itinapon kung saan.

Pinilit tumayo ni Odetter pero inapakan sya ni Kleros sa ulo. Sumugod si Cephas upang pigilan ang ginagawa nya ngunit inihampas lang nya si Cephas sa sahig. Napakalakas nya!

Ginamit ko ang paggamit ng isip ko at mabilis na inihagis sa kanya ang isang malaking tipak na bato. Medyo napaatras ito kaya kinuha na ni Cephas ang pagkakataong kuhanin si Odette na nawalan na nang malay.

" Ikaw " tingin nya sa akin. " Labanan mo ako " saad nya habang tinatagilid-tagilid ang ulo nya kaya rinig ko ang lumalagutok ang buto nya.

" Kaya pa naming lumaban " saad ni Cephas.

" Ako na ang bahala. Kanina pa kayo lumalaban kaya ako naman " sagot ko.

Inilabas ko ang aking espada na ikinatawa naman ni Kleros. " Lalabanan mo ako gamit ang espadang 'yan? " tanong nya.

Hindi ko iyon pinansin. Naglakad ako patungo sa kanya saka sumugod ng mabilis ngunit agad nyang hinarang ang espada ko gamit ang espada nya. Pareho kaming napaatras dahil sa lakas ng pagtama ng espada namin. Alam kong naramdaman nya iyon.

" Paano mo ginawa iyon? Mukhang hindi madali ang magiging laban ko sa'yo " saad nya.

Sa pagkakataong ito, sya ang unang sumugod. Mabilis nyang pinatama sa akin ang espada nya ngunit mabilis akong nakaiwas. Sinugod ko na rin sya kaya nagtama pareho ang talim ng espada namin. Wala ni isang gustong magpatalo sa aming dalawa at walang gustong unang bumitaw sa laban namin.

" Malakas ka " saad nya ng mapalapit sa akin at hindi ko inaasahan ang sunod nyang gagawin.

Sinuntok nya ako sa sikmura kaya napaatras ako ng malayo at napaluhod. Mabuti na lamang naitukod ko ang aking espada sa sahig. Napahawak ako sa sikmura ko dahil masakit ang ginawa nya.

" Pinuno! " rinig kong sigaw nila.

Napalingon ako sa kanila at balak nila akong lapitan ngunit may humarang sa kanilang mga kalansay na sumusugod sa kanila. Gusto ko silang tulungan pero may sarili akong kalaban.

" Bakit ka ba nakamaskara? " napatingin ako kay Kleros. " Gusto kong makita ang iyong mukha. Baka naman pangit ka o kaya may pangit na marka ang iyong mukha " saad pa nya.

Tumayo naman ako. " Bakit hindi mo subukan? " hamon ko sa kanya.

Tumingkad pa lalo ang kulay ng asul na bumabalot sa kanya. Sumugod na sya sa akin at muli akong pinapatamaan ng kanyang espada ngunit nasasangga ko. Alam kong hindi ko sya matatapos kung ganito lamang ang gagawin ko. Sila Cephas ay halata na ang pagod kaya kailangan ko na syang matalo.

" Eto para sa'yo! " sabay sipa nito sa akin kaya ramdam ko ang pagbasak ko sa sahig.

Inapakan nya ako sa sikmura. Inilalapit nya ang kanyang kamay at hinawakan ang aking maskara ngunit agad rin syang napabitaw. Gumagana pa rin ang mahika ng maskara.

" Hindi mo matanggal? Ako naman " hinawakan ko ang binti nya at umikot ako dahilan para matumba sya sa sahig.

Malakas ang naging pagbagsak nya kaya nag-uka ang sahig. Mabilis akong tumayo gan'on rin naman ang ginawa nya.

Nagulat na lamang ako ng biglang tumawa si Kleros. " Halos limang dekada na rin akong naghihintay ng makakatapat ko at ikaw na 'yon! " saad nya.

Dapat ba akong matuwa sa sinabi nya? Sa tono nya kasi parang naglalaro lang kami kanina. Gaano ba sya kalakas?

Pero kailangan kong tapatan ang laban nya. Hindi kami pwede matalo. Marami silang umaasa na mag-uuwi kami ng magandang balita kaya ayaw ko silang biguin. Kailangan kong higitan ang anumang kakayahan nya. Hindi ko na dapat pang limitahan ang sarili ko.

Tumayo na ako ng tuwid at itinaas ang espada ko sa tapat ng aking mukha. Nagawa ko ang taktikang ito ng makipaglaban ako sa nagpapanggap na si Sage. Akala ko nanamalikmata lang ako pero isa pala itong kakayahan na namana ko sa aking ama.

" Anong ginagawa mo? Sumusuko ka na ba? " tanong nya.

Hinawakan ko ang espada kong kahoy  at tumingin dito. Mula sa espadang kahoy, sa paningin ko ay naging matalim na metal itong espada. Sa tulong ni Ginoong Gelanus ay pinalago pa nya ang istilong ito dahil ang tanging ama ko lamang ang nakakagawa ng ganitong taktika.

" Ang istilong iyan "  tumingin ako sa kanya ng magsalita sya.

Inihanda ko na ang aking sarili upang magsimula ng makipaglaban.

" Ang istilong iyan ang ginamit ng nilalang na pumatay sa akin. Ang dating pinuno ng sandatahang guer, si Arturo " bakas sa mukha nya ang pagkasabik samantalang ako ay nagulat.

Ang ama ko ang pumatay sa kanya? Napakalakas ni Papa Arturo kung ganon.

" Ikaw! Ikaw ang anak ng dating pinuno ng sandatahang guer at dapat na susunod na primnus ng Vesta " saad nya.

Ang kaninang katahimikan ay napuno ng bulungan. Siguradong kilala nila ang ama ko at nagulat sa aking narinig.

" Hindi ko aakalain na nagkaroon sila ng anak ni Aliza. Ang mamumuno dapat na Jjani ng mga Lapidoptera. Isang karangalan na makaharap ko ang isang tulad mo na may parehong dugong bughaw na mas mataas pa kahit kanino " yuko nito sa akin na aking pinagtaka.

Bakit nya ako binibigyan ng paggalang? At mas mataas pa kahit kanino? Nasisiraan na ata sya.

" At nagagalak rin akong mapatay ko ang anak ng pumatay sa akin. Gusto ko tuloy makita ang iyong mukha " saad nya.

" Wala na akong panahon sa'yo. Maglaban na tayo " sabi ko dahil kanina pa sya salita nang salita.

Sumugod na ako kaagad na agad naman naharang ng kanyang braso na may kalasag ngunit hindi umubra iyon sa espada kong hawak. Nahati ang kalasag sa braso nya kaya lumitaw ang buto nyang napapalibutan ng asul na liwanag.

Ang sunod ko namang pinatamaan ang kanyang paa ngunit agad syang nakaiwas pero hindi ako nag-aksaya ng panahon para muli ko syang sugudan bago pa sya makaayos. Agad kong hinawa ang kanyang balikat dahilan para mawalan sya ng kanang balikat. Tanging kaliwa na lang ang natitira na nakahawak sa espada nya.

" Tunay ka ngang malakas pero hindi iyan sapat para matalo ako " saad nya at pinulot ang braso nya saka kinabit.

Tama sya sa sinabi nya. Mukhang kahit hiwain ko ang katawan nya ay maibabalik nya lang ito sa ayos.

Sya naman ang sumugod sa akin. Natamaan nya ang kanang braso kong may hawak ng espada kaya mabilis na umagos ang dugo sa hawak ko. Ramdam ko rin ang kirot sa nagawang hiwa nya. Nagpapasalamat ako dahil hindi naputol.

" Laban! " sigaw nya.

Naglaban kaming muli. Tunog ng nagbabanggaang talim ng espada ang naririnig sa paligid. Wala akong magawa kung hindi umiwas sa tuwing balak nya akong patamaan sa katawan. Mabilis syang kumilos at kabisado nya ang kanyang espada.

" Ako naman! " patama ng espada nya sa aking espada na tumilapon kaya umatras ako.

Madulas na ang hawakan dahil sa pagdugo ng braso ko. Napahawak ako ng madiin upang kahit papaano ay mapigilan ang pagdugo.

" Tama na 'yan, pinuno " napatingin ako kay Vashit na hawak ng mga kalansay.

" Hindi na natin kaya " sabi pa ni Zilla na pilit hinihila papasok sa hukay.


" Mahina ba ang tingin nyo sa akin? " tanong ko sa kanila.

Pinuno nila ako kaya dapat magtiwala sila sa aking kakayahan. Dapat ipakita ko sa kanila na hindi ako matatalo sa labang ito.

" Sa harap mo! " sigaw ni Cephas kaya sa aking pagharap, espada ni Kleros ang nakita ko.

Nakailag ako ngunit hindi sapat dahil nahiwa nya ang maskarang nagtatago ng aking mukha. Napatingin ako sa lapag ng mahulog ang maskarang ibinigay sa akin ni Elor Tacito.

Sa oras na maipakita ko ang mukha ko, wala ng mawawala sa akin. Hawak na ng cuncilum ang itinuturing kong pamilya. Kilala na nila kung sino ang magulang ko. Ano pa ang dahilan ko para itago ko ang mukha ko sa kanila?

" Xeriol, may sasabihin ako sa'yo pagkatapos ng nomosran "

Sa tingin ko, hindi ko na maipapaliwanag sa kanya kung sino talaga ako. At eto na ang tamang panahon para makita nya ang tunay na ako. Alam kong nanonood sya sa akin. Magalit man sya sa akin dahil inilihim ko ito sa kanya, tatanggapin ko.

" Kung hindi ka mahina, ipakita mo ang tunay mong lakas " rinig kong sabi ni Kleros.

Marahan akong tumingala sa kanya at tumingin sa kanya. Nakita ko ang pag-atras nya ng makita ako. Unti-unti rin akong lumalapit sa kanya ngunit kabaligtaran ang ginagawa nya, umaatras sya.

" Kanina mo pa ako pinaglalaruan " sabi ko sa kanya. " At kanina pa ko sumasabay sa laro mo " papalapit ako ng papalapit sa kanya.

Huminto sya sa paglalakad dahil iyon ang inutos ko.

" A-anong g-ginawa mo?! " sigaw nya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang espadang hawak nya. Itinusok ko iyon sa katawan nya pero alam kong hindi sya masasaktan. Hinawakan ko ang bandang dibdib nya at may nararamdaman akong init sa kabila ng makapal nyang kalasag.

" Nandito ang buhay mo, tama ako? " tanong ko.

" I-itigil mo! " pilit syang kumakawala sa ginagawa ko pero hindi nya magawa.

Iniyukom ko ang palad ko kasabay ang malakas nyang pagsigaw sa sakit. Hindi ko sya tinitigilan. Unti-unting pumupusyaw ang asul na bumabalot sa kanya saka sya napaluhod sa sahig.

Umatras ako ng dalawang hakbang upang makita nya ako. Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na tapos na ang laban.

" Lumabas na kayo " utos ko.

Mula sa loob ng katawan nya ay lumabas ang mga alaga kong paruparo na ikinagulat nya. Hindi nya alam na sa bawat pagdikit ng espada ko sa kanyang kalasag ay syang pagkawala ko ng aking mga paruparo. Hindi nya ito napapansin dahil halos kakulay ang liwanag na bumabalot sa katawan nya.

Lumipad sa paligid ko ang aking mga alaga na nagliliwanag sa paligid.

" Gawin nyo syang abo " utos ko sa kanila.

Sumugod ang mga paruparo ko at pinalibutan sya. Gumawa ng ipo-ipo ng bumalot kay Kleros. Napakagandang pagmasdan ang ginagawa nila na ako lamang ang nakakakita. Unti-unti nilang nilalamon ang bawat liwanag na dumadaloy sa buto ni Kleros. Pinag-aagawan nila ang puso nya.

Ilang sandali lang ay bumalik na sa akin ang mga alaga ko. Ang tanging natira na lamang sa kanya ang kalasag nya. Wala na rin ang mga kalansay na kinakalaban nila Cephas at nagbalik muli ang entablado.

" Isang makapigil hiningang laban ang natunghayan natin. Ang grupong coer ang nagwagi sa labang ito! " saad ng taga-anunsyo.

Napangiti naman ako ngunit hindi ko na kayang maglakad pa. Mabuti na lamang ay nasalo ako kaagad ni Cephas bago tuluyang bumagsak sa lupa. Hindi na ako makatanggi ng ipasan nya ako sa kanyang likudan.

" Pasensya na " hingi ko ng tawad.


Hindi ko na narinig ang kanyang sinabi dahil nilamon na ako ng dilim sa sobrang pagod at panghihina.

--

Napahawak ako sa aking braso ng maramdaman ang hapdi. Napatakip naman ako sa mata ko dahil masyadong maliwanag nang maramdaman kong wala akong maskara. Naalala ko ang naging laban ko kay Kleros na syang naging dahilan kung bakit nawala ang maskara. Ibig bang sabihin ay nakita na nila ang mukha ko?

" Pinuno " boses iyon ni Zilla.

" Maayos na ba ang pakiramdam mo? " kay Cephas naman iyon.

Marahan akong dumilat at tumingin sa gilid. Nginitian ko naman sila ng makita ko sila. Inalalayan ako ni Odette na maisandal at makaupo.

" Nasaan ako? " tanong ko.

" Nasa pagamutan. Nawalan ka kasi ng malay habang bumababa tayo sa entablado " sagot ni Vashit.

Naalala ko nga!

Nakita ko naman na iba ang kinikilos nila. Dapat kasi nagtutuksuhan na si Odette at Vashit o di kaya nagsasabi sila kung gaano sila kasaya na nanalo kami pero tahimik lang sila.

Tumingin ako sa kabilang gilid ko at may nakita akong sugatan mula sa grupong suele na nakatingin naman sa paanang kama ko. Tumingin naman ako doon at laking gulat ko ng makita ko si Xeriol na masama ang tingin sa akin at ang tingin na iyon ay tingin na hindi maganda ang aking ginawa.

" Sira na ba ulo mo?! " sigaw nito sa akin na ikinagulat ko.

Hinawakan ko ang ulo ko sabay ngiti sa kanya. " Buo pa naman " sagot ko.

" Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Allaode " seryosong sagot nya at banggit pa ang pangalan ko

Tumingin naman ako kila Cephas. " Maiwan nyo muna kami at pakisara na rin ang mga kurtina " utos ko na ginawa naman nila.

Kakaharapin ko na sya. Anuman ang sasabihin nya sa akin ay tatanggapin ko. Hindi na ako maaaring umatras pa sa paligsahang ito.






-------------------------------------------------------------



Ano kaya ang pag-uusapan nila dahil alam na ni Xeriol ang totoo?

Isang laban na lang ang natitira at sino ang magwawagi?

Abangan :)

Ps. Sa nagpadedicate, mala-mention lang ang nagagawa ko dahil cellphone lang ang gamit ko palagi sa pag-uupdate. Iyon lang. Thank you :)



-junjouheart-

Continue Reading

You'll Also Like

Hades University By Adamant

Mystery / Thriller

76.6K 3.3K 35
Hades University [BXB|Mystery|Thriller|Fantasy|Horror] Isang prestihiyosong unibersidad ang bigla na lamang naitatag sa bansa sa kasalukuyang taon, a...
38K 3.3K 76
It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the...
46.2K 2.6K 62
It appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, w...
1.6M 64.7K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...