Hear Me

By BadReminisce

95.7K 3K 209

Sometimes we don't say what we feel not because we don't want to but because we don't know how. More

Hear Me
Teaser
Chapter 1. "Me of the present time"
Chapter 2. "Be with you"
Chapter 3. "Love is a beautiful pain"
Chapter 5. "I want to see your smile"
Chapter 6. "His brave heart"
Chapter 7. "I'll fight for you"
Chapter 8. "Come back to me"
Chapter 9. "I'll stay here for you"
Chapter 10. "Let's stay together always"

Chapter 4. "I believe in you"

5.7K 248 19
By BadReminisce

Chapter 4. "I believe in you"

Bence's POV

Patawad sa sinabi ko. Sorry.

Hawak kong muli ang isang pilas ng papel habang nakahiga sa kama ko. Mukha yatang napapadalas na ang ganitong pangyayari sa buhay ko. Nang dahil na naman sa sulat ni Daphne, hindi na naman ako madapuan ng antok. Hindi ko lang din maisip kung ano ang nangyayari sa kanya kanina. Parang may nais siyang sabihin pero, hindi niya masabi sa akin. Dahil doon, bumibigat ang loob niya. May nagawa ba akong masama sa kanya?

I don't really see the point why do I feel this way. Sino ba si Daphne. She's an average girl, not really a average girl, dahil kakaiba siya sa pangkaraniwang babae lalo na sa edad namin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako naging interesado sa kanya. Noong una gusto ko lamang na tulungan siya. Gusto ko maging kaibigan siya. Pero bakit parang iba yung naramdaman ko kanina ng una kong mabasa ang mensahe niya sa akin kanina.

Taimtim ko lang na pinagmamasdan ang hawak kong papel na may mensahe ni Daphne. Lagi na yatang ganito ang routine ko nitong mga nakaraang araw. Paulit-ulit ko lamang na binabasa sa isip ko ang nakasulat dito, habang pinagiisipan kung ano ba ang ibig sabihin ng mensaheng nakasulat. Pati na rin ang inasal niya kanina.

Patawad sa sinabi ko. Sorry.

"Ugh! Daphne! Daphne! Daphne! Why?" Naguguluhang maktol ko. Bakit siya humihingi ng tawad? Naguguluhan na ako.

Kinabukasan hinintay ko ulit siya roon sa school gate pag pasok ko. Mabuti naman at nakita ko siya agad at hindi ako naghintay ng matagal. Nilapitan ko siya at binati ko siya ng magandang umaga. Akala ko hindi niya ako papansinin tulad ng lagi niyang ginagawa at iiwasan lang pero ngumiti pa siya sa akin. Sandali akong natulala sa kanyang mukha nang makita ko ang ngiti sa kanyang labi. Kahit na maliit at tipid na ngiti ito, kakaiba ang naging pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Nabigla ako pero napalitan din agad iyon ng ngiti. Isang ngiti na nagpagaan sa loob ko. Sinundan ko siya at sinabayan sa paglalakad. Nagkwento ako sa kanya ng mga ilang bagay at nakita kong natutuwa siya sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam pero natutuwa akong makitang interesado siya sa sinasabi ko. Tumatango siya at minsan naman ay naririnig ko ang pagbungisngis niya. Bigla siyang nagbago, hindi ko alam ang dahilan kung bakit, pero ayos na rin ito kaysa sa dati.

Natapos ang buong maghapon at hinintay ko si Daphne sa labas ng school. Kanina sa klase, masigla ako at bumalik ang pagiging aktibo sa klase. Inintriga na naman nga ako ni Elijah at inaasar na naman ako. Mayamaya lang ay dumating na si Daphne. Noong nakita ko siya kumaway ako rito at masaya siyang nginitian. Itinaas niya lamang ng bahagya ang kanang kamay niya at mabilis din na ibinaba ito at yumuko. Alam kong hindi pa siya confident pero alam kung magagawa rin niya ito baling araw. Naglakad na ako papunta sa kanya.

"Uhm Daphne, pwede bang samahan mo ako?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng sagot niya. Nakita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata nito. Pero laking gulat ko ng bigla itong tumango at ngumiti sa akin.

"Talaga? Tara na!" Hinawakan ko siya sa braso at hinila paalis. Nang mga oras na 'yon. Labis labis na kasiyahan ang naramdaman ko. Hindi ko masabi pero, masaya akong kasama siya.

Daphne's POV

"Talaga? Tara na!" bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila palabas ng school na siyang kinabigla ko. Hindi ko mawari kung ano ang saktong nararamdaman ko. Mabilis ang kabog sa dibdib ko at kinakabahan ako. Para akong nininerbyos pero, may saya akong nadarama sa mahigpit na paghawak niya sa braso ko.

Nakatingin lang ako sa kamay kong hawak-hawak niya. Sa unang pagkakataon, may ibang taong kumausap sa akin, sa kauna-unahang pagkakataon, may lalaking humawak sa kamay ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Ramdam ko ang init ng mga palad niyang nakahawak sa akin. Malambot din ito at magaan sa pakiramdam na madama ang init ng kanyang pagkakahawak sa akin. Pakiramdam ko, ligtas ako habang nariyan siya. Ligtas ako sa piling niya. Hinayaan ko na lamang na hilain niya ako gayong napag-isip-isip ko ang sinabi ni Mama kagabi.

"Anak, kilala mo naman si Bence di ba?" tumango ako sa sinabi ni Mama. "Ano sa tingin mo? Mabuti ba siya?" Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Mama. "Anak, alam kong mahirap. Pero anak, hindi lahat ng tao sa mundong ito kagaya ng iniisip mo." Hinaplos ni Mama ang kamay ko at tinitigan ako ng direkta sa mata.

Nang mga oras na 'yon, para bang nawala ang pagdadalawang isip ko sa lalaking 'yon. Naalala ko ang mukha niyang nakangiti sa akin. Ang boses niyang kay sarap pakinggan, ang mga tawa niyang tila isang musika para sa aking tainga.

"Anak, ibalik mo na ang maganda mong tinig," Tumulo na lamang ang luha ni Mama na siyang namang nagpabigat ng damdamin ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Mama. Nalulungkot akong nasasaktan din siya para sa akin.

Akala ko sa buong buhay ko, ako lamang ang nasasaktan sa nangyari sa akin. Hindi ko napapansin na pati pala ang malalapit na tao sa akin nagsasakripisyo na rin. Ayaw ko silang masaktan ng dahil lamang sa akin. Naging bulag ako sa damdamin ng ibang tao dahil sa nakikita kong sakit para sa sarili ko. Binitawan ko ang kamay ni Mama at kumuha ako ng papel at nagsulat.

"Paano ko po ba ibabalik ang boses ko?" Ipinakita ko ang sinulat ko rito.

"Anak, gawin mo lamang ang sa tingin mo ay kaya mo. Wag mong pilitin ang bagay na hindi mo kaya, dahil mas lalo ka lang mahihirapan, at sa huli ikaw din ang masasaktan." Nakatingin ako kay Mama at taimtim na nilagay sa isip ko ang sinabi niya. Kahit kailan, wala ng iba pang payo ang mas magandang pakinggan na galing sa isang ina. Niyakap ako ng mahigpit ni Mama pagtapos 'non.

Kinagabihan. Hindi ako makatulog dahil sa inisip ko ang mga nangyari sa buong maghapon, iyong kanina sa school, iyong muntikan kong pagtatapat sa kanya. Masakit dahil sa ayaw bumalik ng boses ko. Tumayo ako sa kama at humarap sa salamin.

Ngayon ay nakikita ko ang isang Daphne Ramirez sa harap ng salamin. Magulo at mahaba ang buhok na siyang tumatakip sa kabuuhan ng aking mukha. Sinuklay ko ito at iginilid at nilagay sa likod ng aking tainga. Ngayon ay nakikita ko ang sarili kong mukha. Walang emosyon at patay ang kulay. Walang buhay at nabubuhay sa isang malungkot na mundo.

Dahan-dahan kong ikinurba ang ngiti sa aking labi. Huminga ako ng malalim sa ginawa ko at ngayon ay nakikita ko ang sarili kong mukhang nakangiti. Kumuha ako ng libro sa book shelve ko. Binuklat ko ito.

"G—g—gu—gus—to." Hingal na hingal ako habang pilit na binibigkas ang salitang nasa librong hawak ko. Pero narinig kong nasabi ko ito ng maayos. "G-gus-to" mabilis kong nasabi kasabay ng sunod sunod na paghinga.

Nakangiti ako sa harap ng salamin habang hawak ang libro. Ang saya at ang gaan sa pakiramdam na makamit mo ang nais mong magawa. Naniniwala ako. Kaya ko at magagawa ko.

"Narito na tayo Daphne." Natigil ang pagbabalik tanaw ko nang nagsalita si Bence, napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin. Sa mga ngiti niya, bakit gumagaan ang pakiramdam ko? Iniwas ko sa kanya ang tingin ko at nilibot ang lugar kung saan niya ako dinala.

Napatingin ako sa buong paligid. Nasa tabing ilog kami. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Sa halip na umiwas ako ng tingin. Hindi ko nagawa dahil mas lalo akong natulala sa mukha niya. Direktang nakatingin kami sa aming mga mata.

"Ang ganda rito 'no? Alam mo bang dito ako pumupunta kapag depressed ako." Iniwas niya ang tingin sa akin at ibinaling niya ang tingin sa ilog.

Napatingin din ako kung saan siya nakatingin. Payapa ang agos ang tubig habang natatamaan ng sinag ng papalubog na araw. Kulang kahel na medyo pula na rin ang kulay ng araw at ganon na rin ang tubig kung saan tumatama ang sinag nito. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakita ko ang isang malungkot na kurba sa mukha niya at tila may malalim siyang iniisip. Ang kanina ay masaya niyang mukha ay napalitan ng malungkot na mukha.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Kita ko kung gaano kaganda ang mukha niya, lalo na ang pungay ng mga mata niya, matangos na ilong at kumikinang niyang kulay itim na buhok na hinahangin pa. Ang ganda niya pagmasdan, napakapayapa.

Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya nahuli naman niya akong nakatingin sa kanya. "Daphne, may tanong ako. Ano ang gagawin mo kapag—"

Hindi niya naituloy ang nais niyang sabihin at napayuko na lamang. Muli itong tumingala at nakangiti na sa akin. "Ay wala. Wala lang 'yon. Forget about it." Nakita ko ang isang pekeng ngiti at pagtawa nito. May problema kaya siya?

Habang nakamasid siya sa ilog. Malalim ang bawat paghingang binibitawan nito. Naalala ko ang sinabi niya kanina, na rito siya pumupunta sa lugar na ito kapag depressed siya, marahil ay may problema nga siya. Kusa naman na gumalaw at hindi ko inasahan ang gagawin ko. Marahan kong inilapit ang palad ko sa mukha niya. Hinawakan ko ang pisngi nito na siyang paglingon niya sa akin. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha nang dumampi ang palad ko sa kanya pisngi. Taimtim kaming magkatitigang dalawa.

"G—gu—gu—s—gusto." Bumilis ang paghinga ko at bumilis dina ng kabog ng dibdib ko. Nakita ko naman na nagtataka siya sa nais kong sabihin.

"Ano iyon Daphne?" Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya at mas lalo niya pa itong idinikit sa pisngi niya. "Ang lambot pala ng kamay mo?" Aniya at saka ngumiti.

Para namang naginit ang mukha ko sa ginawa niya. Ang lalaking ito. Kakaiba siya at mabuti siyang tao. Nanatiling ganoon an gaming pwesto nang biglang tumunog ang cellphone niya. Binitawan niya ang kamay ko at kinuha niya ang cellphone niya. Sinagot niya ito at nagulat ako sa biglaang sagot niya matapos niyang marinig ang tawag.

"Daphne, tara na. Iuuwi na muna kita." Natatarantang sabi niya sa akin. Nakita kong nagmamadali na siya. Umiling-iling ako sa kanya, nakita ko namang kumunot ang noo niya na para bang naguguluhan sa ginawa ko. Kumuha ako ng papel at nagsulat doon ang nais kong iparating sa kanya.

Sige, mauna ka na, mukhang mahalaga ang bagay na gagawin mo. Kaya ko na ang sarili ko.

Nang ipakita ko ang isinulat ko. Nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha, ngumiti ako sa kanya, tyring to cheer him up, trying to say that I'm fine. Nabigla ako nang bigla niya akong niyakap at kinuha ang sulat ko. Matapos 'non ay mabilis naman siyang tumakbo paalis sa ilog.

Habang tumatakbo siya palayo, pinagmasdan ko siya. Nakaramdam ako ng pag-aalala sa kanya. Ano kaya ang nangyari? May masama bang nangyari?

"B—Be—Bence" Sambit ko sa pangalan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

699K 20.6K 8
Whenever I am with him, I feel safe. I never thought that he's the one who's going to bring me in danger.
487K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
2.7K 153 6
Hi! This is a compilation of my short stories, sobrang short na kaya mong tapusin within minutes hehe. I posted these in my facebook already so gusto...
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?