My Unexpected Love :"> {Compl...

Galing kay DearestDaryll

97.1K 1.9K 141

Paano kung ikaw ay minsang ng nagmahal at nasaktan, magmamahal ka pa ba? Despite the fact na alam mo na pag n... Higit pa

My Unexpected Love :">
Chapter I: First Meet >.<"
Chapter II : Ms. Advicer ;)
Chapter III : You again?!?
Chapter IV : The Payment Kiss O___O
Chapter V : "I want YOU"
Chapter VI : Confused *___*
Chapter VII : TAYOO????
Chapter VIII : Conversation under the Rain
Chapter IX : Secrets Revealed
Chapter X : His Side
Chapter XI : Tayo lang. Walang Iba :)
Chapter XII : I Like You.
Chapter XIII : Conversation
Chapter XIV : Bestfriend's Talk
Chapter XV : Kiss and Make out
Chapter XVI : What happened
Chapter XVII : Explanations *A*
Chapter XVII : Explanations *B*
Chapter XVIII : Protective Boyfriend
Chapter XIX : Let's Have a Date
Chapter XXI : Text Message.
Chapter XXII : Girl's Day Out.
Chapter XXI : Can we try?
Chapter XXII : Comfort Zone.
Chapter XXIII : Flowers.
Chapter XXIV : The Decision
Chapter XXV : Unexpected Guest
Chapter XXVI : It's Fine.
Chapter XXVII : Wedding Bells.
Chapter XXVIII : Please..
Chapter XXIX : Broken Angel
The Last Chapter
The Ending
Author's Note

Chapter XX: The Date.

2.6K 54 13
Galing kay DearestDaryll

Chapter XX: The Date

Daryll's POV / Author's POV / Third Person's POV :)

Excited si Danica ngayong araw na'to. Dahil ngayon niya lang mararanasan ang tunay na date. Kasi, kahit na nagkaboyfriend na siya noon ay dinidate niya lang ito kung saan saan at wala sa mga ito ang atensyon niya.

Maaga siyang nagising para lang mag-ayos. Kahit na aabsent lang silang dalawa ni Steven para dito. At kahit siya pa ang gumawa ng paraan para mag date sila. Isa narin ito sa way niya ng pag-sosorry kay Steven dahil sa pag eechepwera nito ng nakita niya si Peter, na bestfriend ng kuya niya na galing sa Amerika.

Naligo na ito. At siniguradong mabango siya. Kinulot niya ang ilalim na parte ng kanyang buhok at minake-up-an ang sarili. Light make up lang ang ginawa nito, dahil gusto niya natural lang siyang makikita ni Drei at sisiguraduhin niya na siya lang ang titingnan nito.

Natapos na siya sa pag-aayos sa sarili, ang gagawin niya na lamang ngayon ay pumili ng damit na susuotin. Binuksan niya ang kanyang cabinet at sinimulang maghalungkat ng damit.

Nakaka ilang palit narin siya at sa bandang huli napagpasyahan na lang niya na suutin ang kulay green na polo shirt at high-waist shorts at napagpasyahan na lamang niya na mag doll shoes na kulay white.

Samantala, walang kaalam-alam ang dalaga na nasa baba na si Drei at kanina pa siya hinihintay. Napa-aga siya ng punta dahil sa sobrang excited din ito. Oo, na-idate na rin niya ang kanyang ex pero iba parin ito para sa kanya at gagawin niya ang lahat para maging espesyal ito para sa dalaga.

Matapos ang 30 minutes na paghihintay ay sa wakas bumaba na si Danica. Napatulala lang si Drei sa kanya at mabigla naman si Danica na nandito na agad ang kanyan Prince Charming.

Inilalayan siya ni Drei papasok sa kotse nito, ngunit parang may kulang pa rin para sa dalaga.

'Wala man lang ba itong sasabihin sa kanya, kahit isang kompliment man lang?!'

Yan ang gustong sabihin ni Danica kay Drei kaya nga lang hindi niya masabi dahil nahihiya siya.

Napansin ni Drei na hindi kumikibo si Danica at nakita niyang nakakunot ang noo nito. Mukhang alam na niya kung bakit ganito siya. Natutuwa siya sa pinapakita ni Danica dahil alam niyang nag-effort siya para lang sa date nila.


"Beh." Masuyong tinawag ni Drei si Danica..


"Bakit?" Masungit na sagot naman nito.


"Humarap ka sa'ken." Masuyo parin itong kinakausap ng binata.


"Ano ba yun? Maaksidente tayo kapag nakipag face to face kapa sa'ken." Sabi ni Danica kay Drei, pero hindi niya rin ito natiis at humarap dito.

Nag stop muna si Drei sa pagdadrive at itinabi ang kanyang kotse at tiningnan si Danica ng may buong pagmamahal.

"I love you. And I can't find any words to describe how beautiful you are today." Matapos sabihin yun ni Drei ay agad namang namula si Danica at nginitian lamang ito ni Drei at binigyan ng matamis na halik sa noo.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumalik na sa pagmamaneho si Drei. At nagtungo na sila sa kanilang destinasyon.

Walang kaalam alam si Danica sa kanilang pupuntahan. Pero, kahit na wala siyang ideya kung saan sila pupunta ay hindi niya parin maitago ang kanyang kasiyahan.

***

Nakarating sila sa kanilang destinasyon ng mga tanghali na. Hangga ngayon ay wala paring ideya si Danica kung nasaan sila.

"Drei, nasaan na tayo?" Tanong nito sa binata na kasalukuyang ibinababa ang mga gamit nilang dala.

"Our rest house Beh." Malambing na sagot naman ni Drew sa dalaga.

"Oh" Yun nalamang ang nasambit nito. At ng tiningnan niya ang lugar...

Hindi na siya nabigla sa laki ng bahay dahil alam niya mayaman talaga sina Drei. Dahil tulad ng bahay ni Drei ay malaki din ang rest house nila. Ang ganda ng pagkakagawa. Ang hugis nito ay parang barko at sa tapat ng bahay ay ang dagat. Isa siyang 3 storey house. At kamangha mangha ang disenyo.

Ng makapasok sila sa loob. Nabigla si Danica dahil sa laki ng lugar ay wala man lang tao..

"Drew, tayo lang ba ang nandito?" 



"Oo. Wala namang ibang pumupunta dito e. Yung care taker dito e, nandun sa tabing bahay." Paliwanag namin ni Drew habang inilalapag niya ang kanilang gamit.

"Mag-oover night tayo dito?"



"Oo, ayaw mo ba?"



"Hindi naman, kaso wala akong dalang damit." Nakasimangot na sagot nito sa kanyang kasintahan.

"Don't worry my Princess, may dala akong gamit natin." (^___^) Nakangiting sagot ni Drew kay Danica.

 Napangiti nalamang si Danica, masaya siya hindi dahil sa may dala silang damit kung hindi dahil kasama niya ngayon ang lalaking nagpapatibok sa puso niya.

Naibaba na ni Drei ang kanilang mga gamit. Napagpasyahan niyang dito dalhin si Danica dahil alam niyang gusto nito ang dagat at ngayong gabi may magaganap na napaka importanteng bagay sa buhay nilang dalawa.

Gusto ni Drei na maging special sa kanilang dalawa ang araw na ito.

"Beh, akyat na tayo sa taas. Nandoon ang kwarto natin." Sabi ni Drei kay Danica.

"Matutulog tayo ng magkasama?" Naniningkit ang matang tanong ni Danica kay Drei.

"Huwag kang mag-alala, sa couch ako o kaya sa baba ikaw naman doon sa kama. Wala namang problema sa'kin yun e. (^____^)" Nakangiting sagot naman ni Drei.

Natutuwa si Danica sa sinabi ni Drei. Alam niyang kapag si Drei ang kasama niya ay walang kahit anong masama ang mangyayari sa kanya. She feels so safe to be with this man. Napaka-swerte niya sa lalaking ito dahil sa napaka gentleman nito.

Tumungo na sila sa kanilang kwarto. Nagtataka si Danica dahil sa laki ng rest house nila ay iisa lang ang kwartong pwedeng gamitin.

Nang maka-akyat sila mas lalaong nakita ni Danica ang kagandahan ng bahay. Magmula sa mga gamit hanggang sa disenyo ng bahay nila.

Halatang pinagkagastusan ng tunay ang pagpapagawa ng bahay na ito.

Nang makapasok sila sa kwartong kanilang tutuluyan, manghang mangha nanaman si Danica. Natatwa nalamang si Drei sa reaksyon nito. Masaya siyang nakakikita ang itsura nito ngayon na halatang masaya na may halong pagkagulat.

"Beh, sabihin mo nga magkano ginastos niyo dito? Ang ganda, gamit palang... At wow! Ang ganda dito! (^___^)" Sabi ni Danica habang pinagmamasdan ang buong kwarto.

Nakita din nito ang may pinakamagandang view sa lahat ng lugar na napuntahan niya. Tumakbo siya papunta doon. Kung saan tanaw mo ang lahat. Tanaw mo dito ang dagat, ang garden sa baba at lalong lalo na ang paglubog ng araw. Ang saya niya. Never pa siyang naging ganito kasaya.

Sinundan ni Drei si Danica kung saan siya pumunta. Alam niyang magugustuhan ito ni Danica. Ang place kasing ito ang lugar kung saan nakakapag-isip ng mabuti si Drei. Sobrang ganda ng view dito. At sobrang peaceful.

Ng makalapit na si Drei kay Danica agad niya itong yinakap mula sa likod. nabigla si Danica nung una pero nawala din yun agad.

Humarap si Danica dito at ibinalik din nito ang yakap "Beh, thank you. :)" Pabulong na sabi niya sa binata.

"Anything for you MY Princess." Sagot ni Drei kay Danica na ngayon ay magakaharap na. Hindi maipaliwanag ng dalawa ang galak at saya na nararamdaman nila ngayon. Pero alam ni Drei na mas sasaya silang dalawa mamaya.

Magkadikit ang kanilang mga noo at nagkakatitigan lang sila na may halong ngiti sa kanilang mga labi. Maya maya pa ay bumaba na ang mga labi ni Drei sa labi ni Danica.

Yung halik na nararamdaman niya ngayon ay walang halong pagpupumilit. Yung bang parang ninanamnam nila ang bawat sandali. Parang ayaw na nilang matapos ang sandaling iyon.

Nang magkahiwalay ang kanilang mga labi, kitang kita ang ngiti nila para sa isa't isa.

"Magbihis kana. Our date will start later. Iloveyou!" Sabi ni Drei at hinalikan niya ang noo ni Danica bago tuluyang umalis.

"Iloveyoutoo!" Nakangiting sigaw naman ni Danica kay Drei bago ito tuluyang umalis at kitang kita din ni Danica ang ngiti nito.

Masaya ngayon si Danica. Sino bang mag-aakala na kahit di'pa nagsisimula ang date nila e magiging ganito na siya kasaya.

Pero kahit anong saya niya. Kailangan niya pang magbihis para sa mas masayang bagay. Ang date nila. Kailangan niyang maghanda ng todo para dito.

Nang pumunta sa kama si Danica nakakakita nalang siya ng isang blue dress. Simple lang siya pero elegante paring tingnan. Ito siguro ang gustong ipasuot sa kanya ni Drei.

***

Matapos ang pag-aayos na ginawa ni Danica ngayon ay ready na siya. Hinihintay niya nalang si Drei para sunduin siya. Yun kasi ang bilin niya.

Habang naghihintay siya bigla niyang naisip ang kanyan Mama. Namimiss niya ito. Sana naikukwento pa niya sa Mama niya ang lahat ng masasayang bagay na nangyayari sa kanya. At gusto niyang malaman kung boto ba ang kanyang ina kay Drei para sa kanya.

Habang nag-iisip si Danica, hindi niya namalayan na dumating na pala si Drei.

"Beh, why are you crying?" Hindi namalayan ni Danica na umiiyak na pala siya dahil sa pagkamiss sa kanyang ina.

"Wala, masaya lang ako." Nakangiting sagot niya kay Drei habang pinapahid ang kanyang mga luha. Dapat maging masaya siya ngayon. Hindi ito ang oras para siya ay mag-emote.

"Sigurado ka?" Nag-aalalang tanong ni Drei.

"Really sure beh." (^___^)

Nakahingi naman ng maluwag si Drei ng makitang nakangiti na ang kanyang Prinsesa. Hindi niya kasi matiis na nakikita itong nasasaktan at nahihirapan. Kung maaari nga ay habang buhay itong maging masaya. Kung ano man ang kanyang problema, nais ni Drei na makalimutan muna ito ni Danica kahit pansamantala lamang. Dahil sa araw na'to gusto niya puro saya ang nararamdaman nito. Dahil hanggat magkasama sila gagawa ta gagawa siya ng paraan para maging masaya ito...

***

"Beh, ba't kailangan pa nito? Makikita ko rin naman ang lugar ah?" Angal ni Danica kay Drei dahil linalagyan siya nito ng piring sa mata.

"beh, I want this to be special. So please, sumunod ka nalang." Malambing na sabi ni Drei kay Danica.

Hindi narin naman nag-react si Danica, dahil sobrang lambing ng boses ni Drei na parang nakapagpatunaw ng puso niya.

***

"Beh, wala paba tayo?" Pang sampong tanong na ni Danica kay Drei. 10 minutong palang silang naglalakad niyan a.


Hindi na nagsalita pa si Drei. Non-sense din naman kasi e. Magtatanong din naman kasi siya ulit, pagkatapos ng 1 minuto.

"Nandito na tayo." Masayang sabi ni Drei.

Bigla namang kinabahan si Danica. Pero ang kaba niya may halong saya at excitement.

Tinanggal na ni Drei ang piring na tumatakip sa mga mata ni Danica. At kamuntik ng malaglag ang panga ni Danica sa sobrang gulat.

Nasa gitna sila ngayon ng dagat. Yung kaninang linarakaran nila ay isang daanan na ginawa lamang para makapunta ka sa gitna ng dagat ng hindi nababasa.

Nasa isang malaking balsa sila ngayon. Sa gilid ng balsa may piano at sa gitna naman nito ay isang table at dalawang upuan. Sa lamesa merong kandila at mga pagkain. Lahat paborito niya. Hindi sosyal ang mga pagkain pero para sa kanya yun na ang pinaka masasarap na pagkain sa buong mundo.

Tumingin pa siya sa paligid at laking gulat niya ng makita na punong puno ng rosas at kandila ang balsa. Daig pa nito ang pinangarap niyang romantic dinner. Dinaig pa nito ang sa mga movies na napapanood niya. Kung meron mang isang babae na napakswerte ngayon alam niyang siya yon.

Maluha-luha niyang tiningnan si Drei. Si Drei naman ay nakangiti lang sa kanya.

"Salamat." Ang unang salita na lumabas sa bibig niya. At bigla niyang yinakap si Drei. Kaagad naman ding yumakap ang binata.

"Gusto kitang maging masaya." Yan ang mga simpleng salita na lumabas sa bibig ni Drei pero para kay Danica para tong mga ginto. Sobrang halaga at alam niya na lahat lahat ng sinasabi ni Drei ay galing sa puso niya.

Humiwalay sa yakap si Drei at tiningnan ito sa mata. May namumuong tubig sa mga mata ni Danica. Pero alam ni Drei na yung nakikita niya ay hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa saya..

"Kumain na tayo?" Yaya ni Drei kay Danica habang inaalok ang kanyang kamay.

Kaagad naman itong kinuha ni Danica. "I love you." Kahit paulit ulit pa mang sabihin ni Danica yun kay Drei ay hinding hindi siya magsasawa.

Nang makaabot na sila sa table. Pinagurong siya ng silya ni Drei. "I love you too." Nakangiting sabi ni Drei kay Danica habang pumupunta ito sa kanyang upuan.

At kumain na nga sila

***

Nang matapos silang kumain. Naramdaman na ni Drei ang kaba dahil ito na ang oras. Ang oras na kanyang pinaghandaan.

Pumunta na siya sa may gilid kung saan nandoon ang piano.


"Beh, pakinggan mo ang bawat lyrics ng kantang ito. Dahil nandito ang nararamdaman ko. I love you Danica Mae Ramos."




**Now Playing : Crazy By Andrew Garcia**



"Crazy cause I'm falling in love

Falling deeply in love with you

Yeah, it's so damn true

Friends say I'm outta my mind

That I shouldn't be with you

But they don't understand"

Lahat ng nararamdaman ni Andrei ay ibinuhos niya sa kantang ito. Hindi man kagandahan ang boses niya pero sisikapin niyang maramdaman ni Danica lahat ng gusto niyang ipabatid dito.

"The way I feel for you

Is unlike any other thing

I've ever felt before

But they don't understand

That I'm not crazy

I'm just a man

Searching for reasons to find you

Over and over again

I'm not crazy, I'm just a man

I'm doing everything that I can"



Nakatingin lang si Danica kay Drei. Kahit hindi niya sabihin yon. Alam niya at ramdam niya kung gaano siya kahalaga para dito. Nakangiti siya habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya ngayon na inaalayan siya ng kanta na galing sa puso niya.


"Crazy couse I'm telling the truth

There's nowhere to run

They're telling me that I should find another one

They can say I'm outta my mind

I'll still be your man

They still won't understand"




Sabihin man nilang nababaliw na si Drei ngayon dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Danica. Wala siyang pakyalam. Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa kanya. Dahil mahal niya ito. Mahal na mahal.


"The way I feel for you

Is unlike any other thing

I've ever felt before

But they don't understand

That I'm not crazy, I'm just a man

Searching for reasons to find you

Over and over again

I'm not crazy, I'm just a man

I'm doing everything that I"



Maikli man ang panahon na pinagsamahan nila ni Drei para kay Danica sapat na yun para mahalin niya ito ng buong buo. Walang araw na hindi pinaramdam sa kanya ni Drei na napakahalaga niya. Na hindi niya kayang mawala siya sa kanya. Mahal niya ito. Mahal na mahal.


"I'm not crazy, I'm just a man

Searching for reasons to find you

Over and over again

I'm not crazy, I'm just a man

I'm doing everything but

I'm not crazy, I'm just a man

Searching for reasons to fin you

Over and over again"



Nagkatinginin lang sila sa buong kanta at sa bawat titig nila sa isa't isa ramdam na ramdam nila ang pagmamahal na ibinubuhos ng bawat isa.


"I'm not crazy, I'm just a man

I'm doing everything that I can"




Natapos ang kanta ni Drei. Tumayo si Danica at linapitan ang kanyang pinakamamahal. Yinakap niya ito ng pagkahigpit higpit. At ibinulong ang katagang "Mahal na mahal kita."




Humarap sila sa bawat isa. At mangiyak ngiyak nanaman si Danica, sa loob looban ni Drei masaya siya. Dahil naramdaman ni Danica ang kanyang inialay na kanta.

Nagulat naman si Danica ng biglang lumuhod sa harap niya si Drei at biglang may inilabas na isang kahon.

Hindi alam ni Danica kung matutuwa siya o kakabahan o iiyak. Halo halo ang nararamdaman niya ngayon.

"Beh, princess, Danica Mae Flores, tatanggapin mo ba ako bilang iyong kabiyak sa bawat oras na nabubuhay ka? Handa kabang harapin ang bawat araw na akong kasama? Papatunayan ko sa'yo na mahal na mahal kita. Lahat lahat gagawin ko pumayag ka lang." Sabi ni Drei habang nakaluhod.

Masayang masaya si Danica ngayon. Sobra! Naguumapaw siya sa kagalakan.

Lumuhod din ito upang magakpantay na sila ni Drei.

"Andrei Steven Calvante, hindi mo lang alam kung gaano ko ikatutuwa yun. Kung gaano ko kagusto na ang pilido mo ang maging pimido ko balang araw. At kung alam mo lang na mahal na mahal kita." Nagkakatinginan na silang dalawa.

"So, ibig sabihin niyan, pumapayag kanang maging asawa ko?" Nakangiting tanong ni Drei.

"Ligawan mo muna ko." Biglang nawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Drei.

"Araw araw kitang liligawan kahit kasal na tayo. So, please pumayag kana." Halos nagmamakaawa na si Drei para lang pumayag si Danica. Tuwang tuwa naman ang kalooban ni Danica dahil desidido talaga siyang pakasalan ni Drei.

"Sigurado kaba diyan? Baka naman ipagpalit---" Napatigil si Danica dahil biglang sumabat si Drei.

"Hinding hindi kita ipagpapalit! Tatandaan mo yan. Ikaw lang at ikaw lang ang nag-iisang mahal ko. At nung tayo pa hindi mo naman ako nakitang nambabae non----" Si Drei naman ang napatigil nagyon dahil bigla nalang siyang hinalikan ni Danica sa labi.

"OO! Mr. Andrei Steven Calvante. Pumapayag nako!" Nakangiting sagot ni Danica.

And this time tumayo na sila and again they kiss...

Ang nararamdaman nilang dalawa ay kakaiba. Sa bawat halik na ibinibigay nila ay hindi sila nagsasawa sa isa't isa. Siguro sa kanilang buhay ito na ang pinaka masayang araw nila.

Nang magkahiwalay ang kanilang mga labi. Nagulat nalang si Danica dahil nandoon lahat ng kanilang kapamilya. Pati kaibigan. Napangiti nalamang siya dahil sigurado si Drei ang may pakana nito.

Ang kanyang tatay, kuya, bestfriend at mga kaibigan ay halatang masaya para sa kanya.

Well, hindi lang naman sila ang masaya... Pati din naman ang newly engaged couple.

Masya sila. Sobra!





"...sana maging habang buhay na ito." yan ang nasa-isip nilang dalawa ngayon :)

***

Alam ko po ang laki ng kasalanan ko dahil super duper late ng update ko. Pero sana naman nabawi ko sa upate kong ito..

Engaged na sila guys! Yipiieee!

Sana kinilig kayo! :))))



XOXO Dearest Daryll :)



VOTE. COMMENT. BE FAN :)



Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
201K 1.8K 42
hindi ito drama , pero pwede na rin haha !! tunghayan ang makabagbag damdaming kwento .. at karimarimarim na storya haha !! jk ^________^