Bad Boy meets Good Girl || Vi...

By dawnzpost

130K 2.1K 277

May mga taong darating nalang sa buhay mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang taong magpaparamdam sayo ng... More

Introduction
Badtrip >_<
Blame ME
The Reason
Vice the Bad Boy
Spider
Slam Book
The Mortal Enemy
Do I like Him? Part 1
Do I like Him? Part 2
Mutual Feelings
Pustahan
Boys & Girls
The Enemy
The First Revenge
The Parents
Welcome to My Family
My Dream
The Stalker
Searching...
Tortured
The decision
The Marriage
The Truth
The beginning
Find Them
The Revenge
Face off
It's my turn
The Party
JunJun
ViceRylle
The Plan
The Finale
Bad Boy meets Good Girl (Book 2)
Officially Engaged (Special Chapter)

Ang Pagbabalik

2.7K 45 8
By dawnzpost



Ang inaasahang pagpunta ni K sa hospital para ihatid si Vice sa kanilang bahay ay hindi ito nangyari. Wala kahit na anong text o tawag na nagsasabing hindi ito pwede.

Nagdaan ang araw, linggo hanggang sa tuluyan ng gumaling si Vice at pwede na syang pumasok ay wala paring natatanggap na paramdam galing kay K. Tinatawagan at tinitext nito pero walang kahit na isang response. Kaya naman nag-alala na ito kung ano nga ba talaga ang problema ni K. Gustuhin man nyang magtanong kanila billy kung may alam sila sa nangyayari kay K ay hindi nya magawa. Kaya naman hinintay nalang nya ang araw na pwede na syang pumasok para makausap ito.

Habang nag-uusap sila jhong at K sa labas ng campus ay sakto naman ang pag dating ni Vice. Bumaba ito sa kotse nya at naglakad papunta sa kanila.

V: Anong ginagawa mo dito? (Tanong nito kay Jhong. Nabigla naman si K nang makita si Vice kaya nataranta ito.)

K: Vice.... (Gulat na sabi nito.)

Jhong: Hinatid ko lang naman ang girlfriend ko.

V: Adik ka ba? Ako ang boyfriend nya tapos sasabihin mong girlfriend mo sya? Ito ang tatandaan mo ah. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito sa school na ito lalo na ang makitang nakikipag-usap ka sa girlfriend ko.

Jhong: Hindi ko pwedeng gawin ang gusto mo, pare. Girlfriend ko sya kaya gagawin ko kung anong gusto ko.

V: Eh gagu ka pala eh. (Sabay tulak nito sakanya)

K: Tama na!

V: Let's go. (Sabay hila ng kamay ni K palayo kay jhong ngunit hinawakan din nito ang kamay ni K para pigilan silang dalawa.)

Jhong: Hindi pwede. Nag-uusap pa kami kaya wag kang bastos.

V: Bitawan mo kamay ng girlfriend ko. (Pagbabanta nito.)

Jhong: Ikaw ang bitawan mo kamay ni K.

V: Sinabi nang bitawan mo eh! (Sigaw nito.)

K: Ano ba nasasaktan ako.

V: Pagsabihan mo yang lalaki na yan.

K: Tama na! (Sabay alis ng kamay nito mula sa kanila.) Tama na! Hindi ako laruan na pwede nyong pag-agawan.

V: Hindi ka namin pinag-aagawan K, because in the first place ako ang boyfriend mo at hindi sya. Kaya tara na!

Jhong: No!

V: Alam mo? Pasalamat ka dahil nangako na ako kay K na hindi na makikipag-away dahil kung hindi, kanina ka pa nanghiram ng mukha sa aso. Kaya bago pa ako tuluyang mapikon, umalis kana! naiintindihan mo ako?

Jhong: K, bakit ba hindi mo sabihin na wala na kayo?

V: TUMAHIMIK KA?! (sigaw nito) Managinip ka hanggang gusto mo, pero siguraduhin mong gumising ka baka nababangongot ka na.

Jhong: Ikaw ang gumising sa katotohan vice. Ayaw na sayo ni K. Hindi mo ba talaga alam ang dahilan kung bakit hindi ka nya tinatawagan o kahit man lang icheck kung okay ka? O sadyang manhid ka lang at nagbubulagbulagan.

V: Tumahimik ka sabi eh.?! (Sabay tulak sakanya. Hindi na nito napigilan ang sarili at susugod na sya anytime.)

K: TAMA NA?! ANO BA?! Para kayong mga bata.

Jhong: Sabihin mo na kasi K. Para hindi na sya nanggugulo sa ating dalawa.

V: Wala syang dapat sabihin, naiintindihan mo ako?

Jhong: K, sabihin mo na! (Pang-uutos nito. Tinignan naman ni K si Vice na kanina pa pinipigilan ang galit.)

V: Sige. Sabihin mo sa harapan namin dalawa K. Sabihin mo sa kanya na nababaliw na sya. Sabihin mong ako ang mahal mo at hindi sya. (Tinignan lang sya ni K at tsaka tumingin sa baba)

V: K, ano? Sabihin mo.

Jhong: Sabihin mo na, para matapos na ang lahat ng to K.

K: I'm sorry Vice. (Sabi nito habang nakayuko parin.)

V: Sorry? Para saan? Dahil nakipagkita ka sa kanya ngayon? K, okay lang, basta ito na yung last na makikipagkita ka sa kanya.

K: No Vice. (Sabay look up) Sorry pero....

V: Pero ano?

K: Pero.... Wala na tayo. (Hindi naman nakapagsalita si Vice at napatawa nalang sya ng malakas na parang nang-aasar.)

V: K, ano to? Gino-good time mo ba ako? Dahil kung biruan lang ito, makikisakay ako sayo.

Jhong: Tanggapin mo na kasi. Wala na sya sayo at sakin na sya.

V: TUMAHIMIK KA?! Hindi ikaw ang kausap ko kaya wag na wag kang sasabat sa aming dalawa, naiintindihan mo? (sabi nito na nanlilisik ang mga mata.)

K: Tama si Jhong, Vice tanggapin mo nalang. Wala na tayo at sya na ngayon ang boyfriend ko.

V: K, ano bang nangyayari sayo? Nahospital lang ako pero bakit ganyan kana? Okay pa naman tayo nung last na nagkita tayo diba?

K: Matagal na yun Vice. Kaya hindi ako dumadalaw sayo dahil ito ang dahilan.

V: Ano?! Pinagsabay mo kaming dalawa? Sabi mo ako lang ang mahal mo tapos sasabihin mo sakin na boyfriend mo na sya? K, ANO TO?! (Sigaw nya) Lokohan? Gaguhan?

K: I'm sorry Vice.

V: Sorry? K, alam mo ba kung anong ginawa mo sakin? Ginawa mo akong tanga! Pinaniwala mo ako na tayo pa tapos makikita ko at malalaman ko na ginagago mo na pala ako.

Jhong: Simply lang naman yan eh. Ako na ngayon ang mahal nya.

V: Mahal? Ginawa nyo akong tanga.

K: Vice...

V: Ito ang gusto mo? Kung sya talaga ang mahal mo, sige gawin nyo kung anong gusto nyong gawin. Dahil simula ngayon, wala na akong pakialam sayo.

K: Vice.... (Naiiyak nitong sabi. Umalis naman na si Vice palayo na kanila. Pero nakakailang step palang ito at bumalik sa kanila.)

V: Para sa pang-gagago nyong dalawa ito ang kabayaran. Magsama kayong dalawa. (Sabay tadyak sa tyan ni Jhong paraan para mapaatras ito sa sobrang sakit.)

Jhong: Aah! (sabay hawak sa tyan nito. Nagulat naman si K at tinignan lang silang dalawa.) Gagu ka!

V: Ikaw ang gagu! Tandaan mo itong mabuti, wag na wag kang magpapakita o haharang sa dinaraanan ko dahil sisiguraduhin ko sayong hindi lang yan ang aabutin mo. Naiintindihan mo?

K: Vice, tama na!

V: Tama na? Sino ka para pagbawalan ako? Wala ka na sakin ngayon, K kaya ito tatandaan mo simula sa araw na ito, wala na akong kilalang K para sakin patay ka na. Para sakin isa kalang panaginip. Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko kayo papakilaman, basta tumabi kayo pag alam nyong parating na ako. (Sabay alis nito palayo sa kanila. Naiwan naman si K na gulat na gulat sa sinabi ni Vice. Hindi ito makapaniwala na ganun ang sasabihin nya kaya naman hindi nya mapigilang mapahagulgol sa iyak.)


----

Boy: Naku! Sorry Vice, hindi kita nakita. (Sabi nang lalaking nakabangga sa kanya. Tinignan naman sya ng masakit ni Vice kaya nataranta at nanginginig ito sa takot.)

V: Wala bang nagsabi sayo na pag dumaraan ako dapat walang sinong pwedeng humarang sa dinaraanan ko?

Boy: Alam ko! Kaya lang kasi hindi ko napansin na parating ka.

V: At nakuha mo pang magrason.

Boy: Sorry talaga Vice.

V: Kung lahat ng nagagawang kasalanan ay nakukuha sa paghingi ng sorry, walang matututo dito at pauli-ulit lang sila gagawa ng kasalanan.

Boy: Sorry talaga. (Sabay hawak ng kamay ni Vice at nakaluhod na nagsosorry ito.)

V: ALIIIIS!!! (sabay tulak nito palayo sa kanya, paraan para mapaupo sa semento ang lalaki. Nakita naman nila Vhong ang ginawa nito kaya agad silang tumakbo papunta sa kanya.)

Vhong: Brad. (Sabay hawak sa balikat nito.)

V: Alisin mo yang kamay mo! (Sabay tingin sa kamay nito, tinignan naman ni Vhong ang kamay na nakahawak at tsaka mabilis na tinanggal.)

Billy: Ano bang problema?

Echo: Umalis kana. (Sabi nito sa lalaki. Agad naman syang tumayo at tumakbo paalis.)

Billy: Brad. (Tawag nito kay Vice ng makitang paalis palayo sa kanila, hinabol naman sya ng kanyang mga kaibigan at sinundan ito papunta sa tambayan nila.)

Nang makarating naman sila sa tambayan nila ay agad na naupo si Vice sa may mesa. Nagkatinginan naman silang lahat habang hinihintay na magsalita si Vice. Ngunit lumipas na ang minuto ay wala parin silang nahihintay na salita mula sa kanya kaya naman minabuti nilang sila nalang ang magtanong.

Vhong: Brad, bakit hindi mo man lang sinabi na papasok ka na pala?

V: Sino ba kayo sa tingin nyo para sabihin kung anong dapat kung gawin. O kung kelan ako papasok?

Billy: Brad, ano bang problema? Bakit ka nagkakaganyan? (Tinignan naman sila ni Vice ng seryoso at isa-isang tinitigan.)

V: Magtatanong ako sa inyo, at kailangan ko ng matino at totoong sagot dahil kung nalaman kong isa sa inyo nagsisinungaling kalimutan nyo ng bahagi kayo ng Team Vice, naiintindihan nyo ba ako? (Nagkatingin naman silang lahat.)

Billy: Ano ba yun? (Kinakabahang tanong nito.)

V: Anong alam nyo tungkol kay K at sa lalaki na yun? (Nagkatinginan naman silang lahat at walang gustong sumagot sa tanong nya.) ANO?! (sigaw nito.)

Vhong: Brad... Ano kasi.

V: Hanggang kelan nyo sakin itatago to?

Echo: Wala kaming balak itago sayo ang tungkol dito Vice, wala lang kami sa lugar para magsabi to sayo.

V: Pero ginawa nyo akong TANGA (padiin na sabi nito.) All these time, alam nyo ang tungkol dito pero walang nagsalita maski na isa sa inyo. Alam nyo ba ang pakiramdam na ginagago ka ng mga taong akala mo kakampi mo?

Vhong: Brad, gusto naming sabihin sayo kaya lang mas maganda kung kay K manggaling ang lahat.

V: Pinagkaisahan nyo akong lahat! Wala kayong kwentang mga kaibigan.

Billy: Brad, alam naming mali na hindi sabihin sayo, pero ikaw lang naman ang iniintidi namin eh.

V: Iniintindi? Bakit? Ano bang alam nyo sa pag-iintindi? Dahil kung talagang may malasakit kayo sakin, dapat una palang sinabi nyo na! Dapat hindi nyo na pinaabot sa ganito. Inintindi ko sya sa tuwing sinasabi nyo sakin na busy sya, pero ito ba ang pinagkakaabalahan nya? Ang gaguhin ako at kahit alam nyo wala kayong ginawa.

Vhong: Brad... (Sabay hawak sa balikat niya)

V: Wag na wag mo akong mahawak-hawakan dahil baka makalimutan kong kaibigan kita. (Sabay alis naman nito ng kamay.)

Tumayo si Vice at umalis palayo sa kanila habang naiwang gulat parin ang lahat.

Ryan: Lagot na!

Eruption: Lagot talaga. nakita nyo ginawa nya kanina sa lalaki? Umpisa palang yun.

Echo: Humanda na kayo sa mga susunod na mga araw.

Billy: Galit sya. Galit na galit, at hindi ko sya masisisi kung ganun sya. Dahil kahit ako, ganun din ang gagawin ko pag niloko ako at ginawa akong tanga.

Vhong: Anong gagawin natin ngayon mga brad.

Echo: Wala! Dahil wala naman talaga tayong magagawa eh, ang kailangan nalang natin gawin ay maghanda sa posibleng pagbabalik nya.

Eruption: Kailangan nasa tabi nya tayong lahat, lalo na ngayon. Hindi natin alam kung anong pwede nyang gawin. Ngayon lang natin sya nakitang ganyan kagalit.

Billy: Tama ni Eruption, kailangan nasa tabi nya tayo. Iba sya magalit, at mukhang doble ang galit niya ngayon kaysa dati.

Echo: Ito na ang sinasabi kong pagbabalik nya. Tawagan nyo ang mga girls at sabihan sila, baka magsisi tayo pag nagkataon.


-----

Anne: Hi! Vicey! (Salubong ni Anne) I miss you, buti nalang nakapasok kana.

V: Umalis ka sa dinaraanan ko Anne. (Nagulat naman si Anne ng makitang galit ang mga mata nito.)

Angel: What's wrong?

V: Wag na kayong magmalinis na parang wala kayong alam girls. (Sabay tingin sa kanilang lahat.) Umalis ka dyan! (Napa-iwas naman si Anne sa harap nito at takot na tumabi kanila angel.)

Anne: Vicey.....

V: Kung magsisinungaling lang din kayo, mas mabuti pang wag nyo na akong kausapin. (Sabay alis nito at pumasok sa classroom niya)

Coleen: Mukhang alam nya na.

Anne: Nakakatakot sya. OMG! Ito na ba yung sinasabi ni echo?

Angel: Kailangan nating makausap si K.

Coleen: Pero nasaan ba sya? Kasama na naman yung jhong na yun?

Angel: Hayan na sya. (Sabay tingin kay K na parating.)

Anne: K..

K: Hi! (sad na sabi nito.)

Anne: Anong nangyari? Alam na ba ni Vice yung tungkol sa inyo? (Nagnod naman si K as response)

Angel: Anong sabi nya?

K: Galit!

Anne: Malamang! What did you expect? You cheated on him K. And the most painful part, is that you never say anything about this. Hinayaan mo K.

K: I know. Kaya nga ako nagsorry eh.

Anne: Sorry? Sa tingin mo makukuha mo lang sa isang sorry ang ginawa mo sa kanya? Kaibigan kita, sinusuportahan kita sa lahat ng ginagawa mo, but this time wag mong asahang kakampihan kita. This is too stupid, K

Coleen: Enough.

K: Alam kong magagalit kayo sa ginawa ko, pero ginawa ko lang ang tama.

Anne: Tama? Anong tama, K...? Ang gawing tanga at saktan si Vice? Minahal ka nung tao pero anong ginawa mo?

K: Anne, hindi mo alam kung gaano kahirap ang ginawa ko. Hindi lang sya ang nasasaktan ngayon. Marahil hindi nyo ako maintindihan ngayon kung bakit ko ito ginawa, pero balang araw maiintindihan nyo rin ako.

Anne: Then tell us, para maintindihan ka namin.

K: Ayokong madamay pa kayo dito. Mas mabuting wala nalang kayong alam.

Anne: Fvck! (sigaw nito) K, ano ba? Kaibigan mo kami.

K: I'm sorry guys! (Sabay alis nito at pumasok sa classroom nya. Hahabulin pa sana ni Anne kaya lang pinigilan ito nila gel.)

Angel: Enough Anne. Give her space. Baka nga hindi natin sya maintindihan ngayon.

Anne: Hindi talaga natin sya maiintindihan dahil ayaw nyang ipaintindi sa atin.

Coleen: Wag naman tayong mag-away-away dahil lang dito oh! Dapat nasa tabi tayo ni K ngayon.

Angel: Tama si Leen, couz. Kailangan tayo ngayon ni K, dahil naniniwala ako, malaki ang dahilan kung bakit ginawa ni K ito. Kilala natin sya, hindi sya gagawa ng isang desisyong pagsisisihan nya sa huli.

----

After class ay hindi na nakipagkita si Vice kanila Vhong o kahit man lang hintayin si Eruption para bantayan ito. Umalis ito at nagpunta sa orphanage.

Nang makarating ito sa orphanage ay si sam agad ang pinuntahan nya.

Sam: Kuya pogi! (Salubong nito at niyakap ng mahigpit. Niyakap din naman ito ni Vice pabalik.) Namiss kita sobra. Sorry ha, hindi na ako nakadalaw sayo simula nung mahospital ka, ikaw naman kasi ayaw mo.

Vice: Okay lang. Ang laki mo na ah! (Sabay hawak sa ulo nito.) Dun tayo. (Sabay turo sa may bench malapit sa basketball court)

Sam: kamusta ka na?

V: Magaling na ako.

Sam: Kuya pogi, may problema ka ba? (Malungkot na tanong nito.)

V: Bakit mo naman natanong yan?

Sam: Kasi parang ang lungkot ng mga mata mo, hindi tulad nung last na nakita kita, ang saya saya mo.

V: Ayos lang ako Sam.

Sam: Kilala kita kuya pogi. Pag sinabi mong ayos ka, ang totoo hindi. Ano bang problema? Nag-away na naman ba kayo ng papa mo?

V: Hindi! Maayos na kami.

Sam: Eh bakit malungkot ka parin?

V: Wala!

Sam: Kuya pogi naman eh. Akala ko ba buddy tayo? Diba sakin mo naman sinasabi ang mga problema mo? Bakit parang wala na yung dati kong buddy?

V: Kaya mas gusto kong ikaw ang kausap eh. (Sabay pat ng ulo niya)

Sam: Kaya nga sabihin mo na sakin kuya pogi. Nangako tayo diba? Ang secret ay secret. Diba?

V: Wala na kami ng ate K mo. (Malungkot na sabi nito.)

Sam: Ha? Paano nangyari yun?

V: Pinagpalit ako sa iba eh. Ang masakit kasi sakin eh, pinagpalit ako sa unggoy!

Sam: Unggoy? Hindi nga?

V: Hahaha ikaw talaga. (Sabay pat ng ulo nito.)

Sam: Seryoso kuya pogi?

V: Hindi! Pero totoong wala na kami. (Kinwento naman ni Vice ang lahat-lahat kay Sam at hindi ito makapaniwala.)

Sam: Pero mahal mo pa sya diba kuya pogi?

V: Kaya nga ako nasasaktan ng ganito eh. Minahal ko sya Sam, ginawa ko lahat para sa kanya, pero wala palang kwenta ang lahat ng yun.

Sam: Kuya pogi, bakit hindi mo ipaglaban yang pagmamahal mo?

V: Bakit pa? Sasaktan ko lang lalo ang sarili ko. Sya ang pinili nya at hindi ako.

Sam: Hindi ako naniniwalang hindi ka na mahal ni ate K.

V: Pero yun ang totoo Sam. Yun ang totoo at kailangan kong tanggapin yun.

Sam: Kuya pogi..... (Sabay yakap kay Vice.)

V: Hindi ko na sya kailangan ngayon, Sam. Kaya pwede ko nang gawin ang gusto ko.

Sam: Kuya pogi, talaga bang kakalimutan mo na si ate K?

V: Yun ang dapat. Mas masasaktan lang ako pag patuloy ko syang mamahalin.

Sam: Pero diba sabi nila hindi naman daw nawawala ang love lalo na kung mahal na mahal mo yung tao.

V: Napalitan na ng galit yung pagmamahal ko sa kanya Sam.

Sam: Kuya pogi....

V: Pero kahit galit ako sa kanya, wag na wag kang magagalit sa kanya, okay? Ako ang ginawan nya ng masama at hindi ikaw kaya wag kang magalit.

Sam: Pero sinaktan ka nya.

V: Sam, alam ko naman na napamahal na sya sayo, at alam kong mahal ka din nya, kaya kung anong meron sa inyong dalawa, ipagpatuloy mo lang. Hindi mo kailangang mamili sa aming dalawa. Mahal ka namin at mamahalin mo kaming dalawa, separately. Kakampi kita at kakampi ka rin nya.

Sam: Nasa gitna ako?

V: Oo. Basta ang ang atin ay atin lang, okay?

Sam: Uummm. (Sabay yakap kay vice ulit)

Nag-stay pa ng matagal si Vice sa orphanage kasama si Sam, pero bago mag nine pm ay umalis na ito at dumeritso papunta sa bar.

Nang makarating naman na sya sa bar agad itong nagpark ng kotse nya at pumasok sa loob.

Kumuha sya ng table at tsaka nagorder ng beer. Uminom ito ng mag-isa at hindi tinawagan ang barkada nya.

Nang makailang basong beer naman na ito ay biglang may lumapit sa kanyang babae at nagpakilala. Nakipagtable ito kay Vice at hindi naman ito tumanggi at nakipag-inuman sa kanya. Puro tawanan at kwnetuhan naman sila hanggang sa maisipan nang umuwi ni Vice dahil late narin ito.

Kahit maraming nainom si Vice hindi pa ito masyadong lasing kaya nagawa pa nitong magdrive pauwi sa kanilang bahay.

Nang makarating ito sa bahay ay agad syang umakyat sa kwarto nya at nagshower. Nang matapos naman ito, pumunta sa bed nya at hiniga ang sarili hanggang sa makatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 123 5
walang nananatili , walang nagtatiyaga lahat umaalis.
2.6M 61.7K 83
Georgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya an...
114K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...