Crazy Textmates to Crazy Coup...

By chumeleven

32K 511 119

ORIGINAL RATING: PG-13 Paano kung nagka-crush ka sa ka-textmate mo kahit hindi mo pa siya nakikita sa persona... More

Author's Note:
CHAPTER 1: First Day
CHAPTER 2: Heartbeat
CHAPTER 3: Amazona
CHAPTER 4: First Conversation
CHAPTER 5: Confession and Meet-up
CHAPTER 6: Announcement
CHAPTER 7: The Meet-up
CHAPTER 8: Soulmates?
CHAPTER 9: Confused
Author's Note 2: (Echos ko lang. Haha.)
CHAPTER 10.1: Couple of the Year
CHAPTER 10.2: Caught in the Act
CHAPTER 11.1: The Beach
CHAPTER 11.2: Glad you came
CHAPTER 12.1: Something's fishy
CHAPTER 12.2: First Move
CHAPTER 13: Instant Celebrity
CHAPTER 14.1: Cupcake
CHAPTER 14.2: Revelation
CHAPTER 15.1: Stop loving me
CHAPTER 15.2: Desperation
CHAPTER 16.1: Realization
CHAPTER 16.2: Cookies
CHAPTER 17: Set-up
CHAPTER 18.1: El Nido
CHAPTER 18.2: Conversation
CHAPTER 19: Resthouse
CHAPTER 20: Meet Elise
CHAPTER 21: Is it a sign?
CHAPTER 22: History repeats itself?
CHAPTER 23: The Plan
CHAPTER 24: Weird signs
CHAPTER 25.1: Be my girl
CHAPTER 25.2: Unexpected Changes
CHAPTER 26: His Fate
CHAPTER 27: Rainbow after the rain
CHAPTER 28: Hatred
CHAPTER 29.1: Revenge
CHAPTER 30: Starting Anew
Author's Note: Para sa mga readers! :D

CHAPTER 29.2: No happy ending?

607 7 2
By chumeleven

(A/N: Dedicated to notreallymeant2be13. Hello! Thank you sa pag-add ng story ko sa reading list.  ^_^)

(---JESSIE’S POV---)

*PAAAK*

Isang sampal ang gumising sa akin.

Nasa harap ko ang isang lalake. Naka-shades ito at naka-cap kaya hindi ko makita ang mukha nito.

Magsasalita sana ako pero nakatakip ng duct tape ang bibig ko.

Hindi ko rin ma-igalaw ang kamay at paa ko dahil nakatali ito.

Tumingin ako sa baba at nakalutang ang paa ko.

Nakasabit pala ako na parang bagong katay na baboy.

                “Mmmm.. Mmmm. Mmmm.” Pilit kong sigaw. Nanginginig na ako ngayon sa takot.

                “May sinasabi ka?!” sigaw ng lalake. Lumapit ito sa akin at tinanggal ang duct tape sa bibig ko.

                “TULONG! TULONG!” sunud-sunod na sigaw ko. Hindi ko na napigilan na mapaluha dahil sa sitwasyon ko ngayon.

                “Kahit anong sigaw ang gawin mo, walang makakarinig sayo, Jenny Choi!” napaisip ako sa tinuran ng lalake. Kung ganoon, napagkamalan ako ng lalake na ito bilang si Ate Jen.

                “S-sino ka ba? B-bakit mo ba ako dinala dito? A-ano bang atraso sayo ng A-ate ko?” kumunot ang noo nito sa huling tanong ko.

                “Ate? Sinong ate? Sh*t! May kakambal din pala si Choi!” sinipa nito ang isang upuan sa inis. Si Ate Jen nga ang pakay nito pero nagkamali siya ng dinampot, pero mas mabuti na ako ang nakuha niya. Kaya kong magsakripisyo para kay Ate Jen at sa baby nito.

                “S-sagutin mo ang tanong ko!” sigaw ko dito. Lumapit ito sa akin at hinawakan ng mahigpit ang mukha ko gamit ang isang kamay nito.

                “Gusto mo ba talagang malaman ha?! Nandito ako para singilin ang ate mo! Dahil sa kanya namatay ang kakambal ko! Sinayang niya lahat ng pangarap at pagmamahal ng kakambal ko! Kung nagpakasal na lang sana siya, hindi sana aabot sa ganito!”

                “Kakambal? Kakambal ka ni Kuya Jeremy?”

                “Oo! I’m Denver Shin.” Ngumisi ito pagkatapos nito magpakilala.

                “Bakit mo ba sinisisi ang ate ko sa pagkawala ni Kuya Jeremy?! Hindi niya ginusto ang nangyari kay Kuya Jeremy at mas lalong hindi niya ginusto na mahulog sa iba at hindi kay Kuya Jeremy!” may alam din siya kakahit papano sa nangyari dahil laging nagkwekwento sa kanya ang Ate Jen niya. Nakapunta na rin si Kuya Jeremy sa Cebu bago ito lumipad papuntang US. Saktong bakasyon noon ni Ate Jen at sinama niya si Kuya Jeremy.

                “Mahal na iba?! Tss.” Sumandal ito sa isang mesa at nakatingin lang ito sa kanya.

                “Sa itsura mo ngayon, masasabi kong hindi mo pa naramdaman kung paano magmahal kaya ganyan kakitid ang utak mo!” nakita kong nagngitngit ang mga bagang nito at ikinuyom ang mga kamay sa galit. Umalis ito sa pagkakasandal sa mesa at may kinuha na video camera sa bag na nakapatong sa mesa. May nilabas din siyang tripod at ikinabit doon ang video camera.

                “Hindi marunong magmahal? Pwes, ipaparamdam ko sayo kung paano magmahal ang isang Denver Shin.” Lalong nadagdagan ang takot ko sa tinuran niya. Tinanggal nito ang shades at cap na suot niya.

Nakatapat ngayon ang video camera  sa akin at naka-record mode na ito.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at nilagyan niya ulit ng duct tape ang bibig ko.

Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya sa akin.

Pinunit niya ang suot ko na damit at nagsimula siyang hawakan ako kung saan-saan.

Binababoy niya ako.

Nagsimula ulit tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Hindi ko inakalang magagawa ng isang tao ang ganitong bagay sa isang babae na walang kalaban-laban.

Mas gugustuhin ko pa sanang mabugbog kesa ganito.

Pinilit kong gumalaw para pigilan ang ginagawa niya pero sinuntok niya ako sa tyan.

Ininda ko ang sakit at sinabunutan niya ako habang gumagala ang isang kamay niya.

Kung si Ate Jen ang nasa posisyon ko ngayon, maaaring makunan ito kapag sinuntok ito ni Denver.

Kaya nagpapasalamat pa din ako at ako ang nandito ngayon. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Ate at ang baby niya.

Tinanggal niya ang duct tape at sapilitan akong hinalikan sa labi.

Marahas na halik at puno ng poot.

Tumigil siya sa ginagawa niya ng makita niya na patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Tumalikod siya sa akin at pinatay ang video camera.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising si Mang Ben sa yugyog ng isang tao.

                “Manong, ayos lang po ba kayo?” tanong ng isang binatilyo sa kanya.

                “A-ayos lang hijo. Salamat.” Tumayo siya. Unang pumasok sa isipin ni Mang Ben si Jessie. Hinanap nito si Jessie sa loob ng bahay ng pamilya Choi, pero wala ito. Nagtanong-tanong din siya sa mga kapitbahay nila Jessie pero hindi daw nila ito nakita. Isang lalakeng naka-motor lang daw ang nakita nila at may nilagay sa loob ng kotse.

Bumalik si Mang Ben sa sasakyan at mabilis na binuhay ang makina. Napansin nito ang isang envelope na nakalagay sa passenger seat. Ito marahil ang sinasabi ng kapitbahay nila Jessie na nilagay ng lalake.

Isang mensahe ang nakasulat sa labas ng envelope.

Jenny Choi, tatawagan kita para sa kondisyon ko at kung hindi ka susunod, hindi mo na maaabutang buhay ang kapatid mo!

Pagkabasa noon ni Mang Ben ay agad niyang tinawagan si Adrian para ibalita ang nangyari. Sinabi din nito na pabalik na siya ng ospital para ibigay ang isang envelope na iniwan ng kidnapper ni Jessie.

Hospital

                “Mang Ben, nasaan si Jess? Nasaan ang kakambal ko?!” ito ang bumungad kay Mang Ben nang makarating sa ospital at nasa labas sila Jen ngayon ng kwarto ni Lolo Ed. Ibinigay nito ang envelope, pagkatapos basahin ni Jen ang mensahe ay dali-dali niyang binuksan ang envelope. Isang cd at cellphone ni Jess ang nakalagay doon. Nagsimula mapa-iyak si Jen sa nakita.

                “Love... Tingnan muna natin kung anong laman ng cd.” Pagkasabi noon ni Adrian ay pumasok na sila sa kwarto ni Lolo Ed habang si Mang Ben ay naiwan sa labas.

Mabuti na lang at dala ni Adrian ang laptop nito. Inilagay ni Adrian ang cd at pinanood ang laman nitong video.

Napasinghap sila sa pinapanood na mas lalong nagpaluha kay Jen. Niyakap siya ng mahigpit ni Adrian.

Ang kakambal ni Jen, si Jess.

Nakatali ang kamay at paa at nakasabit habang ang isang lalake ay binababoy ito. Madilim doon sa lugar at ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag ay ang ilaw na nasa gitna at malapit ito kay Jess. Hindi masyadong nakita nila Jen at Adrian ang mukha ni Denver.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ni Jess. Nilagay ito speaker phone ni Jen at inihanda ni Adrian ang cellphone niya para i-record ang sasabihin ni Denver.

                “Hahahahaha! Maganda ba ang pinanood niyo? Simula pa lang yan, Jenny Choi!” bungad ni Denver.

                “Ano bang kailangan mo?! Wala kaming ginagawang masama sayo kaya ibalik mo ang kakambal ko!”

                “Matapang ka. Gusto ko yan! Ang kailangan ko?” ilang minutong hindi sumagot si Denver. Tumahimik ang paligid habang inaantay nila Jen ang sagot ni Denver

                “Ikaw.” Parehas na nagulat si Jen at Adrian sa sinabi ni Denver.

                “Pupuntahan kita diyan basta ipangako mong pakakawalan mo si Jess!” sagot ni Jen. Hindi na makapag-isip ng tama si Jen. Gagawin niya ang lahat para maligtas lang ang kapatid nito.

                “No!” tutol ni Adrian. Nakalimutan nito na naka-speaker phone pala sila.

                “Oh, look who’s talking. Siya ba ang pinalit mo sa kakambal ko?” tanong ni Denver.

                “Kakambal? Anong ibig mong sabihin?!”

                “Don’t you get it? Hindi multo ang nakita mo sa Maryland Academy. I’m real and my name is DENVER SHIN.”

                “B-bakit mo ginagawa to?!” imbis na sagutin ni Denver ang tanong ni Jen ay iba ang sinagot nito.

                “Itetext ko sayo ang address kung saan mo makikita ang kapatid mo. Exactly 12 midnight ay dapat andito ka na at huwag mong susubukang magsama ng iba o magtawag ng pulis. Tandaan mo, buhay ng kakambal mo ang nakasalalay dito.” naputol na ang tawag pagkasabi noon ni Denver. Isa lang ang tumatakbo sa isip ni Jen. Pupunta siya doon sa ayaw at gusto ni Adrian. Nararamdaman ni Jen na natatakot si Adrian hindi lang dahil kay Jess kundi pati na rin  kay Jen at sa baby nila, pero hindi naman pwedeng pabayaan ni Jen ang kakambal niya.

                “Love, huminahon ka. Tatawagan ko si Dad at hihingi ako ng tulong sa kanila. Magagawan natin ito ng paraan. Tawagan mo din ang mama ni Jeremy.” Tumango lang si Jen sa sinambit ni Adrian. Naisip ni Jen na tama si Adrian, ilang oras ang pa naman dadaan bago maghating-gabi.

Agad na tinawagan ni Jen si Tita Beth. Alam pala nito na may pinaplano si Denver. Ilang beses na rin pinigilan ni Tita Beth si Denver pero hindi naman nakinig sa kanya ang huli. Sinabi ni Tita Beth na siya na mismo ang gagawa ng paraan para matigil ang ginagawa ni Denver dahil sumosobra na ito. Humingi din si Tita Beth na paumanhin kay Jen sa lahat ng ginawa ng anak nito.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---JENNY’S POV---)

Dumating na ako sa lugar na tinext ni Denver. 

Isang abandonadong pagawaan. May ideya na ako kung ano ang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Denver.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang kakambal ko na walang malay na nakasabit at may duct tape sa bibig.

Binalutan lang ng tuwalya ang katawan nito. Ang damit nito ay nasa sahig at punit na.

Nanlumo ako sa nakita ko. Walang kasalanan ang kakambal ko para maranasan ang ganitong bagay.

Ako ang dapat na nasa posisyon ni Jess. Ako ang dapat nakatali doon.

                “Buti naman at dumating ka. Advance ka pa ng 5 minutes.” Sambit ni Denver habang naglalakad mula sa likod ng pagawaan. Wala na itong suot na shades at cap. Huminto ito sa tabi ng kakambal ko at hinila ang buhok nito mula sa likod para umangat ang mukha ni Jess.

                “P-please, pakawalan mo na ang kakambal ko.” pagmamakaawa ko kay Denver habang umiiyak.

                “Sa tingin mo ba, makukuha mo ako sa salita?” Inilabas ni Denver ang dala niyang baril at pinasadahan ang mukha ni Jess.

                “Ako naman ang kailangan mo diba?! Andito na ako kaya pakawalan mo na siya!”

                “Hmmm. Nagbago ang isip ko. Tutal, kakambal ko ang nawala, kaya ang kakambal mo din ang dapat mawala para quits na tayo.” Ngumisi ito na parang aso.

                “Huwag! Huwag mong gawin yan. Nagmamakaawa ako sayo. Ako na lang. Ako na lang ang patayin mo. Tutal ako naman talaga ang sadya mo diba? Ako ang sinisisi mo dahil sa pagkamatay ni Jeremy.” nakita ko na mas lalong dumilim ang ni Denver. Napaluhod si ako dahil tuluyan ng nanlambot ang mga tuhod ko at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

                “Buti naman at alam mo ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito!” Dahan-dahan lumapit si Denver sa akin, narinig kong kinasa niya ang baril at tinutok ito sa ulo ko.

Pumikit ako para tanggapin ang bala na papasok sa ulo ko. Alam kong nanonood si Adrian sa labas ng pagawaan, may mga kasama itong mga pulis. Bago kami pumunta dito ay sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin, na mahal na mahal ko siya. Kinausap ko na din si Lolo Ed, sinabi ko  dito na magpakatatag ito para kay Jess. Kahit para kay Jess na lang. Tinawagan ko din si Yumi, si Rio at si Angel. Nagpaalam  ako at naghabilin na parang ito na talaga ang huling araw ko sa mundo.

Kinausap ko si Adrian kanina habang nasa kotse kami. Pinahiram muna ni Mang Ben ang sasakyan sa amin. Si Mang Ben na daw ang bahala magbantay kay Lolo Ed.

Nakiusap ako kay Adrian na huwag makialam sa amin ni Denver mamaya. Ayaw niya pumayag dahil hinding-hindi daw niya hahayaan na may mangyari sa amin ng baby niya, pero sa bandang huli ay napapayag ko din ito. Magbabantay daw ito sa labas kasama ang mga pulis at isang maling galaw ni Denver ay kikilos ang kaagad ang mga pulis.

                “Any last words?” tanong sa kanya ni Denver.

                “I’m sorry. Sorry kung pakiramdam mo, ako ang may kasalanan kung bakit namatay kaagad si Jeremy. Sorry kung hindi ko sinuklian ang pagmamahal ng kakambal mo sa akin.” Nakayuko ako habang sinasabi ito at hinawakan ko ang tyan ko. Kahit anong oras mula ngayon ay baka makunan ako.

Naramdaman ko ito kanina habang nasa biyahe kami ni Adrian pero buti na lang at hindi natuloy at kumapit ng mabuti ang baby ko. Nabalot ako ng takot ng maramdaman ko iyon. Humingi ako ng sorry sa baby ko dahil baka hindi nito makita kung gaano kaganda ng mundo. Kung gaano ka-gwapo ang daddy niya, baka hindi rin nito makita ang lolo at lola niya, ang tita Jess niya, ang lolo Ed at Al niya. 

                “Very well said.” Pagkasabi noon ni Jeremy ay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng pagawaan. 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Na-teary eyed ako habang sinusulat ito. Mababaw ang luha ni author.

Heartbreaking talaga ang mga scene na ganito.

Kung may part na naguguluhan kayo, feel free to ask. Hindi ako nangangain ng tao. :))

Vote at comment po kayo.

Thank you! :D

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
629K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...