Dating Park Chanyeol (Complet...

By ayseyya

1.8M 44K 10.1K

Ano nga ba ang pakiramdam ng makipagrelasyon sa isang idol? © ayseyya More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Author's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4

Chapter 37

19.9K 458 28
By ayseyya

 dapat kahapon ko pa to pinost eh kaso nadelete lahat ng tinype ko. Kaya inulit ko pa! :---(

Chapter 37

(ALTHEA KIM POV) 

Pagkauwing pagkauwi namin ni Maine sa bahay galing sa Namsan ay sumalampak agad kami sa mga kama namin. Grabe nakakapagod tong araw na to! Pero masaya naman kaya okay lang. 

"Hayyy!! Nakakapagod!" sabi ni Maine habang naka higa sa kama nya at tinitignan yung kisame

"Ay oo nga pala! Ipopost ko na sa instagram yung mga pic natin." dali dali nyang kinuha yung phone  sa bulsa ng jacket nya at pinost ang mga pictures namin sa IG. Kinuha ko nalang yung iPad at nagbrowse lang sa safari. Nagulat ako nang may makita akong isang link. Nakalagay ang pangalan ni Yeol dun. Dali dali kong pinindot yung link at binasa yung article na nakalagay dun.

EXO's Chanyeol in Namsan Tower with another girl.

Whatis going on between Chanyeol and that girl? According to others, the girl's name is Ally. The two has been seen in Namsan Tower earlier. Ally is holding Chanyeol's hand while taking a picture of each other. Are they dating? But what about Althea Kim? According to others, Althea Kim is also in Namsan Tower earlier. But why is she not with Chanyeol? And why Chanyeol is with Ally, not with Althea? What's going on between their relationship? Did they broke up? Is Chanyeol cheating on Althea Kim? As of now, we are trying to talk to Chanyeol, Althea and Ally about this issue. 

Iyan yung nabasa kong article tapos sa taas ng article na iyan ay ang picture ni Ally na hawak hawak ang kamay ni Yeol. Napailing nalang ako. Kanina lang to nangyari pero kalat na agad yung news. Inopen ko nalang yung messages at nagreply sa mga text ng iba ko pang kaibigan. Nagulat kaming dalawa ni Maine ng biglang kumatok si Mommy ng pagkalakas lakas at sinisigaw yung pangalan ko.

"ALTHEA! OPEN THE DOOR!"

"BABY!!"

"OPEN THE DOOR PLEASE!" 

Agad agad ko namang binuksan yung pinto at nakita ko si Mommy na para bang natataranta.

"What happened Mom?" tanong ko sakanya. Lumapit din samin si Dad

"Honey, what's wrong?" tanong nya kay Mom

"Althea, andaming reporters sa labas! Hinahanap ka nila! Anong gagawin natin? Mukhang nakakaistorbo na sila ng kapitbahay!" tarantang sabi ni Mom. Lumaki yung mga mata ko at dali daling binuksan yung pinto at gate ng bahay namin. Nakita ko yung mga reporters sa labas.

"SI ALTHEA KIM!" sigaw ng isang reporter kaya napatingin silang lahat sa direksyon ko at sabay sabay na nagsalita.

"Ms. Althea Kim, anong masasabi mo sa news na kumakalat tungkol kay Ally at Chanyeol?"

"Totoo bang niloko ka ni Mr.Park Chanyeol, Ms. Althea Kim?"

"Ano ang dahilan kung bakit sila magkasama kanina sa Namsan Tower?"

"Nagdedate na ba sila? Ano nang nangyari sa relasyon nyo ni Mr.Park Chanyeol?"

"Ms. Althea Kim, bakit hindi ikaw ang kasama ni Mr.Park Chanyeol kanina sa Namsan Tower?"

Sunod sunod na tanong nila. Hindi ko na nga maintindihan yung mga tanong ng iba dahil sabay sabay sila sa pagsasalita. Isama mo pa yung mga flashes ng camera nila. Biglang tumabi sakin si Dad at hinawakan yung dalawang balikat ko.

"Paumanhin pero hindi masasagot ng anak ko ang mga tanong nyo. Pabayaan nyo nalang kami dito at umalis na kayo--" hindi na natapos ni Daddy yung pagsasalita nya dahil biglang sumabat yung isang reporter.

"HINDI! Hindi kami aalis dito hanggat hindi nagbibigay ng sagot sa mga tanong namin si Ms.Althea Kim!" sumangayon naman yung iba sakanya at nagsimula nanaman sila sa pagtatanong.

"Mas mabuti kung pumasok nalang tayo! Mapapagod din yang mga yan!" bulong ni Daddy. Tumango ako at pumasok na kami sa loob. Nilock ni Dad yung gate. Dumiretso kami sa living room at naupo. Walang nagsasalita samin. Tahimik lang kaming lahat hanggang binasag ni Mommy yung katahimikan.

"Care to explain kung bakit may mga reporters sa tapat ng bahay natin, Althea Kim?" seryosong wika nya. Napalunok ako. Seryoso silang lahat pwera kay Maine. Bussy sya sa kakakalikot ng cellphone nya.

"Ahmmm.. M-mom, kasi ano. Wala yon! Hahaha! Nagkita lang si Yeol at yung ex nya kanina sa Namsan. Tapos biglang hinila si Yeol ng ex nya. That's all. Wala nang nangyari. Mabilis kumalat yung balita. Akala nila, break na kami ni Yeol. Pero hindi naman Mom. Yeol loves me and I love him too. Hindi nya ko niloko. Infact, pinaalis nya pa nga yung ex nya sa harap namin. Kahit tanong mo pa kay Maine! Masyado lang bini-big deal ng mga reporters yung nangyari." paliwanag ko. Sana maniwala sya! Tumingin si Mom kay Maine. Natigil naman sa pagkakalikot ng cellphone si Maine at dahan dahang tumango. Bumalik yung tingin ni Mom sakin

"Sure ka bang hindi ka niloloko ni Yeol?" paninigurado nya

"Yes Mom! Hindi po talaga!"

"Okay sige! Tara kumain muna tayo ng dinner!" tumayo na sya at nagpuntang kitchen. Sumunod nalang kami sakanya at nagsimula nang kumain. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami ni Maine sa kwarto. Umupo ako sa kama ko at nagbuntong hininga. Si Maine naman ay may tinitignan sa bintana.

"Unti unti nang umaalis yung mga reporters bess! Siguro napapagod na sila sa kahihintay." aniya habang nakatingin parin sa bintana.

"Hayaan mo na sila Maine!" tumango sya at nahiga sa kama nya.

"Grabe 'no bess? Ang bilis kumalat ng balita. Kanina lang nangyari yun. Pero tignan may mga reporters na agad sa harap ng bahay nyo." sabi nya habang nakatingin sakin

"Oo nga eh!"

"So, anong plano mo? Panigurado hindi titigil ang mga press hanggat hindi nila nacoconfirm yung news. Hanggat hindi ka nag papa interview." napaisip ako sa sinabi nya. Oo nga, mukhang hindi talaga sila titigil hanggat hindi ako nag bibigay ng opinion tungkol dun sa kumakalat na rumor. Ano nang gagawin ko? Baka araw araw silang magbantay sa harap ng bahay namin. Natigil ako sa pagiisip ng biglang tumunog yung phone ko. Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino yung tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni Yeol sa caller's id. Sinagot ko agad iyon.

"Hello Yeol?"

[ "Althea, may nabasa ka na bang news tungkol sa nangyari kanina?" ] tanong nya. So, nabasa narin pala nya yung news?

"Uhmm... Meron."

[ "Aishh! Di ko akalain na ganun yung mangyayari. Mali yung news na lumabas!" ] halata ang pagkairita sa boses nya

"Actually Yeol, may mga reporters sa labas ng bahay namin kanina. Tinatanong nila kung ano daw yung masasabi ko tungkol sa inyo ni Ally." sabi ko sakanya. 

[ "Ano ba yan! Mali yung rumor na kumalat eh! Pinapagalitan na nga rin ako ni Manager Hyung ngayon. Hayaan mo Althea, magpapatawag ako ng press conference bukas na bukas at sasabihin ko sakanila yung totoong nangyari." ]

"S-sige"

[ "Okay. Sabay tayong pupunta sa press conference bukas ok? Susunduin ka namin dyan sa inyo." ]

"Okay.."

[ "Sige matulog ka na! I love you. Always remember that ok?" ]

"Okay.. Ikaw din matulog ka na. I love you too." binaba ko na yung tawag at nahiga na sa kama ko. I wonder kung anong mangyayari sa press conference bukas...

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 54 17
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
58.2K 6.4K 110
Sa storyang pag-aaway ang nagpapatibay, susugal kaba? (Supamacho series #1) © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
21K 1.3K 17
Collection of school-based romance stories.