One Word, Two Syllables

By Kkabyulism

81.6K 2.7K 341

One hard truth can change everything. Tiffania Santos lived in a simple and perfect life, perpekto para sakan... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
LAST CHAPTER
Epilogue

Chapter 21

1K 39 5
By Kkabyulism


Ipinagdikit ko ang dalawang paa ko at huminga ng malalim. Halos pumikit pa ako dahil pakiramdam ko naririndi ako sa ingay ng music sa loob ng bahay. Nawalan ako ng gana bumalik sa loob kaya napagpasiyahan kong umupo na lang sa bench at tumingala sa langit.

Lumalabas na muli ang mga estudyante galing sa loob pero wala akong ginawa kundi ang umupo lang at panoorin silang magtawanan at magpatuloy sa paginom ng alak.

We never should have went here. Sana ay hindi na lang kami pumunta, sana imbis na magpahatak kay Kurt ay siya na lang ang pinilit naming manatili sa bahay.

"I've been looking for you, Tiffany! Nandito ka pala!" Nilingon ko si Crystal na naglalakad palabas ng bahay habang nakangiti sa'kin. Si Dylan ay nasa likuran niya at nakikipag-usap pa rin kay Harold.

"Yeah. Lumabas na ako," sagot ko sakaniya. Tumingin siya sa paligid bago niya ako tignan muli at umupo sa tabi ko.

"Where's Kurt? Ang akala ko magkasama kayo," tanong niya sa'kin pero marahan lang akong umiling.

"Hindi kami magkasama," sagot ko sakaniya. Pinanood ko siyang inumin ang nasa baso niya bago tumingin kay Dylan na nakatayo pa rin at nakikipag-kwentuhan kay Harold.

"Dy," tawag niya rito. "Nakita mo ba si Kurt? Ang sabi niya papasok lang siya para mag-hi kay Harold."

Ngumisi ako sa sinabi ni Crystal. Iyon ang tanong ko kanina noong hinahanap ko si Kurt sa loob, pero pakiramdam ko alam ko na ang sagot ko.

"Kurt's here? Hindi ko pa siya nakikita," sagot ni Harold kay Crystal. Ipinatong ko ang siko ko sa hita ko at nangalumbaba na roon.

Maybe Kurt saw Quaizel first, bago pa man din niya makita si Harold. Siguro mas pinili niyang panoorin si Quaizel, kaya nakalimutan niyang dapat ay babalik siya sa pwesto namin kanina. Siguro sa desisyon niyang pagmasdan si Quaizel ang naging dahilan kung bakit siya umiiyak kanina.

I wonder where he is right now, nandoon pa ba siya at nalulungkot pa rin o umalis na siya doon. Hindi niya ako napansin kanina siguro masyadong malalim ang iniisip niya, or maybe masiyado siyang nasasaktan na wala ng pumapasok sa isip niya kundi ang napanood niya.

It's not like the man proposed to Quaizel in front of those crowd, pero sa tingin ko ay malaking meaning 'yun kay Kurt kaya siya nasasaktan. The man just congratulated Quaizel, and based on what I heard... that man is Quaizel's bestfriend. Bakit iiyak si Kurt dahil doon? Bakit siya nasasaktan dahil doon?

"Tiffany? Are you okay?" Tumingin ako kay Crystal dahil sa tanong niya.

"I'm okay, why?" Sagot ko naman sakaniya.

"Kanina pa kita kinakausap at inaalok nitong juice, gusto mo ba?" Inabot ko ang baso sa kamay niya kahit na nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako.

"Thank you," pasasalamat ko at inamoy ang laman ng baso. Baka mamaya ay gin nanaman ito. Hindi ako palainom, pero umiinom ako, kaso nga lang medyo mababa ang tolerance ko sa alak.

"Juice 'yan pero may halo na konting alak," sabi ni Crystal. Sumimangot ako sakaniya pero tumawa lang siya sa'kin. "Come on! Have a drink! Hindi naman kita lalasingin."

Inirapan ko siya at ininom na ang alak na binigay niya. Juice ang sabi pero alak naman pala, at hindi siya juice na may halo na konting alak, ito ay alak na may halo na konting juice. Sasapakin ko 'to kapag nagtagal!

Tumawa si Dylan nang nakita niya ang pagngiwi ko sa ininom kong alak, pati tuloy si Harold ay napatingin sa'kin.

"Ano, Tiffany? Buhay ka pa?" Natatawang tanong ni Dylan kaya ibinato ko sakaniya ang baso ko pero agad niyang nailagan 'yun.

Tumayo naman ako para pulutin 'yung baso dahil nakakahiya kay Harold, nakita niya pa tuloy ang pagiging bayolente ko dahil sa Dylan na 'to. Balang araw talaga makakaganti ako sa pangaasar nito. Balang araw.

Itinapon ko 'yun sa basurahan at halos mapapikit ako dahil nagbago ang kanta at mas maingay 'to kumpara sa naunang kanta. Naramdaman ko ang malakas na pintig sa ulo ko nang dahil doon.

O great. Uupo na lang ako ulit sa tabi ni Crystal para hindi sumasakit ang ulo ko. Naglakad ako papunta doon pero nakita ko si Krista na tumatawa kasama si Aldein doon sa kabilang grupo.

"Tiffany o?" Alok ni Crystal habang inaabot sa'kin ang baso niya kanina.

"Hey, namumula na ang kaibigan mo, Crystal," sabi ni Harold sakaniya. Nilingon ko siya dahil doon at nakita kong pinagmamasdan niya pala ako.

"She can handle this, Harold. Namumula lang agad 'yan," sagot naman ni Crystal. Tinapunan ko siya ng naiiritang tingin pero kinindatan niya lang ako. I feel miserable right now, Crys, gusto mo bang gumanti ako sa'yo?

"Bakit hindi ikaw ang uminom niyan, Crystal?" Tanong ko sakaniya na naging dahilan kung bakit siya ngumuso sa harapan ko.

"Naparami kasi ang nilagay kong alak, ayoko ng lasa," nakangiti niyang sabi sa'kin.

Tumawa ako at nang may nakita akong waiter ay agad kong tinawag para kumuha ng dalawang baso na sa tingin ko ay alak lang. Wala kasing kulay, at hindi ako palainom kaya hindi ko alam ang ibang klase ng alak.

Inilagay ko ang laman ng dalawang baso sa baso ni Crystal kaya halos mapatayo siya at muntik pang matapon ang laman ng baso niya.

"What the hell, Tiffany?" Pasigaw na saway sa'kin ni Crystal kaya ako naman ang tumawa ng malakas. Nakita ko pang umiling si Dylan sa'min at si Harold naman ay nanlalaki ang mga mata.

"Vodka ata ang inilagay mo," sabi sa'min ni Harold na parang namomorblema dahil nakangiwi na ngayon si Crystal habang tinitignan ang baso niya. Sinilip ko ang loob noon at halos magbunyi ako dahil halos mapuno ang baso niya.

"Drink that, Crystal," sabi ko sakaniya.

"What the hell? Gusto mo bang mamatay ako ng maaga?" Tanong niya sa'kin pero tumawa lang ako. Unlike me, mataas ang alcohol tolerance niya. Hindi ko nga lang alam kung kaya niya bang ubusin ang nasa baso niya dahil mukhang may tama na siya.

Ilang alak ba ang nainom sa oras na hindi ko siya kasama? Medyo namumula na ang mga pisngi niya at ang mga mata niya ay lalong naninigkit. No doubt, may tama na nga 'to.

"Bottoms up?" Alok ko sakaniya at pinakita pa ang isang baso na kakakuha ko lang sa waiter na dumaan ngayon. May kulay ang nasa baso ko, ang cute pa dahil may payong sa tuktok ng baso.

"You're kidding me, Tiffany. Cocktail lang ang iyo samantalang pinaghalong vodka at gin ang nasa akin?"

"You're at it again," sabi ni Dylan nang ininom niya ang nasa baso niya. Nilingon siya ni Harold na parang pati siya ay namomorblema pero tinapik lang siya ni Dylan sa balikat.

"Minsan mas magandang wag mo na lang pansinin ang kalokohan ng dalawa na 'yan, mababaliw ka lang," tumawa ako dahil sa sinabi ni Dylan kay Harold.

Ininom ko ang nasa baso ko at inilapag 'yun sa inuupuan ko kanina. Hindi kasi plastic cup ang baso na 'yun, mababasagin kaya nakakatakot na baka mabasag ko.

"Hatian mo ako dito, Tiffany!" Sabi nya sa'kin. Ngumiti ako at kinuha ang baso sa kamay niya.

"Sure, basta ang matitira dito ay iyo na," tumango siya sa sinabi ko kaya mas lalo akong natawa. Gotcha, Crystal.

Inilapat ko ang nguso ng baso sa bibig ko at sumimsim doon ng sobrang konti, tama lang para mabasa ang itaas ng labi ko at ibinalik ko na 'yun agad sakaniya.

"Wala ka namamg ininom!" Reklamo niya nang nakita niya ang taas ng alak sa baso niya.

"May ininom ako diyan, wag ka ngang judgemental!" Tumawa na si Harold at Dylan dahil sa pagmamaktol ni Crystal pero wala na siyang nagawa kundi inumin 'yun.

Nalaglag ang panga ko nang nakita kong ininom 'yun ni Crystal na walang babaan. Nanlaki pa ang mga mata ko lalo na noong ngumiwi na siya pero itinuloy pa rin ang pag-inom. At halos sabunutan ko siya noong nakita kong ibinaba niya ang baso niya ay wala ng laman. Oh great.

Sumulyap ako kay Dylan na ngayon ay hindi na tumatawa at nakatingin kay Crystal. Gusto kong tumawa dahil makakabawi na ako sa pangaasar ni Dylan sa'kin pero nagaalala ako sa kaibigan kong sa tingin ko ay malalasing na.

"Ate?" Itinikom ko ang bibig ko at nilingon si Krista na nakatingin ngayon sa kapatid niyang namumula ang pisngi.

"I don't think this girl should go home tonight," naiiling na sabi ni Harold sa'min. Kinagat ko ang ibabang labi ko at naglakad palapit kay Crystal.

"Baliw ka ba, Crystal Sunohara?!" Pasinghal kong tanong sakaniya pero tumawa lang siya at umiling sa'kin. Humawak siya sa balikat ko para makatayo ng ayos kaya tinignan ko na si Dylan.

"We should go, Dylan," sabi ko sakaniya. Tumango si Dylan at hinarap si Harold para makapag-paalam na.

"Thank you, Harold," pahabol kong sabi kay Harold pero tumango lang siya sa'kin at ngumiti.

"See you at school, Tiffany," sabi niya sa'kin.

"Tinamaan ba si Crystal?" Tinignan ko si Aldein nang nagtanong ng ganun. Ito ang lalaking hindi ko talaga ka-close. Kahit kailan ay hindi ko pa nakausap kaya hindi ko siya sinagot.

"Anong nangyari kay Ate?" Tanong naman ni Krista sa'kin.

"Tinamaan ng kabaliwan ang kapatid mo, Krista. Iuuwi ko na muna para makapag-pahinga. Tawagan na lang kita mamaya kapag nahimasmasan na siya. Okay?" Sabi ko saknaiya. Tumango siya at naglakad papunta sa kapatid niyang ngayon ay nasa bisig ni Dylan at mukhang hilong-hilo na.

"Ate, ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako, Krista. But I don't think I can go home tonight. I'll call Mama and tell her," ngumiwi ako nang narinig kong parang bulol kung magsalita si Crystal.

"Vodka at gin lang pala ang makakapag-patumba sa'yo, Crystal," biro ni Dylan sa kaibigan namin. Pakiramdam ko talaga hindi makakauwi 'tong si Crystal kahit na hindi naman siya ang magddrive.

"Hahanapin ko si Kurt, Dylan. Sasabihin kong uuwi na tayo," tumango si Dylan sa balak ko at inayos ang pag-alalay kay Crystal sa paglalakad papunta doon sa sasakyan.

Tinalikuran ko na sila para hanapin si Kurt pero nanlaki ang mga mata ko nang nasa harapan ko siya at pinagmamasdan sila Dylan na nasa likod ko. Tumingala ako para tignan ang mga mata niya pero hindi ko gaano makita.

"Anong nangyari?" Tanong niya sa'kin. Hindi ko na pinagpilitang tignan siya sa mata dahil hindi rin naman niya ako tinatapunan ng tingin.

"Nalasing," sagot ko sakaniya. Gumilid ako sa pwesto ko dahil ayokong harangan siya sa lalakaran niya at tama nga. Noong gumilid ako ay naglakad siya papunta kay Dylan para tignan si Crystal.

"Wag kang malikot, Crys! Lalo kang mahihilo sa ginagawa mo!" Saway ni Dylan sakaniya pero narinig ko ang tawa ni Crystal.

Habang nagkakagulo ang lahat doon ay pinagmasdan ko si Kurt na blangko ang ekspresyon. Alam ko ang nakita ko kanina, nakita ko siyang umiyak kanina pero sa nakikita ko ngayon ay parang walang nangyari. Para siyang hindi nasaktan, pero hindi ko mabasa ang mukha niya.

"Tiffania, nasa bulsa ko ang susi ng kotse, pakikuha," utos niya sa'kin dahil sinusubukan niyang kuhanin si Crystal mula sa pagkakahawak ni Dylan. Naglilikot kasi si Crystal kaya medyo naa-out of balance na sila ni Dylan.

Tumaas ang kilay ko dahil pwede namang si Dylan ang kumuha ng susi sa bulsa niya, pero hinayaan ko na. Naglakad ako palapit sakanila para makuha ang susi sa bulsa.

"Alam naman niyang malalasing siya doon pero ininom pa rin. Humanda ka bukas, Crystal," bulong ko habang kinakapa ang susi sa bulsa. Nang nakuha ko na 'yun ay naglakad na ako papunta sa kotse para patunugin 'yun at mabuksan ang pinto ng sasakyan.

Nilingon ko agad sila dahil bukas na ang kotse pero halos mapairap ako dahil si Dylan naman ang may bitbit kay Crystal papunta sa sasakyan. Ibinigay ko kay Kurt ang susi nang nakalapit siya sa'kin, kinuha niya 'yun na hindi pa rin ako tinitignan.

"Nakainom ka ba?" Halos irapan ko siya dahil sa tanong niya. Ewan ko pero iritable ako na kinakausap ako ng isang 'to pero hindi ako tinitignan sa mga mata.

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ko ang panonood kay Dylan na pinapasakay si Crystal sa sasakyan.

"Teka, everything's spinning," sabi ni Crys.

"Ang likot mo kasi. Kung hindi ka naglikot kanina ay baka hindi ka pa lasing sa ngayon," marahan na sabi ni Dylan sa kaibigan ko.

Huminga ako ng malalim dahil sa gaan ng boses ni Dylan kay Crystal. Totoo nga ang sinabi nila, na kapag ang lalaki ay tinamaan sa babae ay sakaniya lang talaga ang pagtingin nito. Wala na kahit sino ang makakaalis noon.

"Hey, hindi ka ba nahihilo?" Tanong muli ni Kurt, nilingon ko siya dahil doon pero tinapunan ko siya ng matalim na tingin dahil hindi pa rin niya ako tinitignan.

Iniwanan ko siya doon at naglakad papunta sa kotse para makasakay na. Narinig ko pa ang sumunod na tanong ni Kurt sa'kin na sa tingin ko ay narinig din ni Dylan dahil nilingon niya ako.

"Why are you snobbing me?" Tinaasan ko ng kilay si Dylan dahil nakatingin siya sa'kin.

"Kausapin mo ako kapag kaya mo na akong tignan sa mga mata!" Sagot kay Kurt bago binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok na sa loob.

Sumipol pa si Dylan nang sumakay na rin siya sa sasakyan kaya nilingon ko sya at inalog nang inalog si Crystal na nakahiga.

"Hoy, Tiffany?!" Saway ni Dylan pero ngumisi lang ako sakaniya.

"Wag kang mambwisit, Dylan. Abot hanggang langit ang pagkairita ko ngayon."

Inirapan ko siya at umayos na ng upo sa sasakyan. Dapat ay ako ang nasa likod para hindi ko katabi si Kurt pero natakot akong baka masukahan ako kaya dito na lang ako.

Tinignan ko naman si Kurt na nakatayo pa rin sa harapan ng kotse at ngayon ay nakatingin ng diretso sa'kin.

Ngayong titingin-tingin ka sa'kin, pero kanina hindi mo ako magawang tignan kahit na kinakausap mo ako. Bahala ka diyan.

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 624 49
'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mu...
357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
282K 3.4K 29
PERIODIC TABLE OF CASANOVAS: Krypton Iron Corpuz, 4th generation - Chemical Element Corpuz. Kr gets to meet Diana Maureen Navarro, a model agent who...