Barbie Girl

By thephantelle

628K 14.1K 3.1K

❝Hi! Ako si Kathryn at isa akong manika!❞ More

Barbie Girl [KathNiel]
01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.

18.

14.6K 397 98
By thephantelle

BARBIE GIRL
CHAPTER EIGHTEEN

(Kathryn)

"Sammy Sam, hindi ka pa ba pagod?"

"Kathryn, hinding-hindi ako mapapagod alagaan ka." Aniya Sam. Omo! Super duper cute talaga ni Sam kapag ngumingiti siya. Parang pati 'yung eyes niya ngumingiti rin. Kami nalang ni Sam ang nandito sa hospital room. Pinauwi ko muna si baby Xyriel at si tita Ai kasi ayaw ko naman silang mapagod at tsaka okay na naman. Umuwi na rin si Trina, Khalil at si Robi. Pero si Sam, ang tigas ng head. Tsaka na raw siya aalis kapag nandito na si Daniel. Eight thirty pm na pero wala pa rin si tatay Daniel. Ilang oras na rin silang magkasama ni Mich. Okay lang. Okay lang talaga. Hihihihi!

"Ang kulit mo naman kasi Sam, eh. Sabi ko naman sayo na kaya ko ng mag-isa dito. Kailangan mo rin magrest no! Hindi mo na ako kailangang alagaan pa." Pahayag ko kay Sam.

Kinurot ni Sam ang ilong ko. "Hindi naman ako nagpapaalam, eh. Aalagaan kita kahit ayaw mo. Ayaw mo bang may nag-aalaga sayo?" Seryosong tanong ni Sam.

Omo, di ako sanay na seryoso si Sammy Sam.

"Sam, ang seryoso mo. Di bagay. Hihihihi!" Sabi ko kay Sam. Nginitian niya ako at di na siya sumagot. Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng librong may cartoons sa cover. Parang anime ata 'to. Hmm, or manga? Hihihi! Basta, ganun! "Sam, si Daniel, nasan na?" Hindi ko talagang mapigilang hindi magtanong tungkol kay Daniel. Ano kayang pinaguusapan nila ni Mich?

Napatigil si Sam sa pagbabasa. "Parating na siguro 'yun."

"Girlfriend niya na ba ulit si Mich? Sila na ba ulit? Together na ba ulit sila?" Sunong-sunod kong tanong kay Sam. Ano ba 'tong head ko? Masyadong curious!

"Isa lang ang alam ko, Kathryn." Saad ni Sam. Napatitig ako sa eyes niya. Grabe. Para akong malulunod. Sobrang lakas ng impact ng eyes ni Sam. "Mahal ni Daniel si Mich... sobra."

"Ah... cute." Mahina kong saad.

Omo! Wala na kasi akong masabi kaya cute na lang. Cute naman talaga, diba? Super duper love ni Daniel si Mich. Na kahit iniwan na siya, handa pa rin siyang makipagbalikan. Na kahit iniwan na siya, nakuha pa rin niyang mahalin si Mich ng sobra-sobra. Cute talaga. 

"Seriously, Kath? Cute? Haha! Ang epic mo talaga." Natatawang saad ni Sam. "Aish, wag na nga nating pag-usapan si Daniel. Ako nandito tapos siya inaalala mo. Nakakaselos naman, Kathryn."

"Ang baliw mo, Sammy Sam! Tatawa ka tapos biglang seseryoso." Nakapout kong saad. Ang cute-cute ko talaga kapag nakapout ako. Feeling ko kamukha ko si Anne Curtis. Napanuod ko siya sa Showtime dati, eh. Tapos super duper uber beautiful niya. Like me. Hihihihi!

"Seryoso mode na muna tayo. Natatandaan mo ba 'yung mukha ng lalakeng... nanloko sayo?" Seryosong saad ni Sam sa akin. Parang nakarinig ako ng galit sa voice niya. Omo! Bago ko ba 'tong powers? Makarinig ng feelings sa sasabihin ng iba?

Omo! Omo!

Ang dami ko ng powers! Hihihi!

"Mukha siyang monster, Sammy Sam." Aniya ko kay Sam pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Hmp! Mukha naman talagang monster 'yung lalakeng 'yun. Mas malala pa siya sa monster. Siguro... maiinsulto pa ang mga monsters kung malaman nilang kamukha nila 'yon.

"Kathryn, kailangan mong tandaan ang mukha niya. Kailangan niyang bayaran ang ginawa niya sayo. Mamaya, masaktan ka niya ulit." Napakaserious na saad sa akin ni Sam.

Di talaga ako sanay kapag ino-on na ni Sam ang serious mode niya.

Pero kailangang magbayad ni monster? Ganun ba talaga dito sa planet earth?

"Sam, kahit scary 'yung ginawa sa akin ni monster, pinapatawad ko pa rin siya." Tumigil ako sa pagsalita at kinuha ang tubig sa table beside ng bed na hinihigaan ko. Uminom muna ako ng tubig bago magpatuloy. Feeling ko made-dehydrate ako kapag naaalala ko ang ginawa sa akin ng monster na 'yon. "Lahat naman tayo deserve ang second chance. Kahit may ginawang mali si monster, pinapatawad ko pa rin siya." Saad ko kay Sam.

"G-grabe ka, Kathryn. Sobrang bait mong tao. Kahit sinaktan ka ng taong 'yun, kaya mo pa rin siyang patawarin. Napakabait mong tao." Hindi ako tao, Sam. Kung alam mo lang. Hihihihi! Isa akong diyosa. Diyosa ng kagandahan. Hihihihi, joke! "Kaya mahal kita, eh."

"Tala- HA?!" Napalaki bigla ang eyes ko.

What? Pakiulit nga? Omo! Side effects ba 'to kapag natamaan ng bato ang ulo mo? Sadya bang nabibingi ka after? Omo, omo! Wag naman sana!

"Mahal kita, Kathryn." Saad ni Sam.

Ma-MAHAL AKO NI SAM? Omo!

Ano ba 'yan, Kathryn! Marami namang klase ang love. Baka love ako ni Sam bilang kaibigan. Tama! Masyadong kasi akong OA, eh. Hihihihihihi! 

"Ah! I love you too, friend!" Nakangiti kong saad kay Sam.

Napapanganga naman si Sam. Ha? Love ko din naman siya kasi friend ko siya. Gaya ng pagmamahal ko sa mga kaibigan ko sa Barbie World! Hihihihihi! 

"Grabe. Ang sakit pala talaga mafriendzone." Mahinang bulong ni Sam pero narinig ko pa rin ito. Isa ito sa mga powers ko. Ang marinig ang mga bulong ng mga tao. Amazing, diba?

Hihihihihihi! Pero anong sabi ni Sam?

"Friendzone, ano 'yon?" Tanong ko kay Sam.

Biglang nagseryoso ang aura ni Sam at napabuntong hininga siya. Omo! Napanuod ko 'to sa mga movies. Kapag bumuntong hininga ang isa tao, ibig sabihin... serious mode! Serious mode ulit si Sammy Sam. Ang baliw naman ng mood ni Sam. Paiba-iba.

Pero okay lang. Cute naman siya! Hihihihi!

"Kathryn, hindi kita pinipilit na mahalin din ako. Gusto ko lang sabihin sayo ang nararamdaman ko. Para kasi akong paputok na kapag sinindihan...sasabog talaga ako. Kailangan kong sabihin ang tunay kong nararamdaman para sayo, Kathryn. Mahal kita." Kinurot ni Sam ang ilong ko. "Maghihintay ako hangga't masabi mo rin sa akin ang mga katagang iyon. Pero hindi kita minamadali, okay?" Parang teacher na saad ni Sam.

Dahan-dahan akong tumango kahit wala talaga akong maintindihan sa sinabi ni Sam.

Ano ba 'yan? Ngayon pa ako naging slow.

Inalalayan ako ni Sam sa paghiga ko. "Magpahinga ka na, Kathryn." Saad ni Sam.

(Daniel)
"Hindi pa ako nakikipagbalikan sayo, Daniel. Gusto ko lang magsorry sayo. At sana, maging friends pa rin tayo. Sana hindi mawala 'yon."     

Hindi pa? Ibig sabihin, may posibilidad ba?

Hindi talaga maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Mich.

Tae. Patuloy pa rin akong umaasa.

Sa totoo lang, alam kong para na talaga akong bobo. Patuloy ko pa ring hinihintay si Mich kahit iniwan na niya ako. Patuloy pa rin akong umaasa kahit wala ng pag-asa.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mich ay bumalik na ako sa ospital. Nadatnan ko si Kathryn na natutulog na. Pinauwi ko na si Sam pagkatapos. 

Pinagmasdan ko si Kathryn habang natutulog. Alam ko na tinatago niya lang 'yung takot niya sa likod ng mga tawa niya. Sobrang gusto kong alagaan si Kathryn. Pagkatapos ng nangyari sa kanya... sisiguraduhin kong hindi na ito muling mauulit. Ayaw ko ng masaktan ang kaibigan ko.

"TAMA NA!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Kathryn.

Dali-dali kong hinawakan ang balikat niya upang gisingin siya. Ilang segundo lang ang nakalipas at nagising na rin si Kathryn. "Kathryn... o-okay ka lang ba?" 

"D-Daniel..." Mahinang saad ni Kathryn at bigla akong niyakap. Narinig ko ang mahihina niyang hikbi. Umiiyak si Kathryn. Umiiyak ang kaibigan ko. "Natatakot talaga ako, Daniel. Pilit kong ineerase sa utak ko 'yung nangyari. Pero natatakot pa rin ako, Daniel." Mahinang saad ni Kathryn habang patuloy siyang umiiyak.

Hinaplos ko ang likod ni Kathryn. "Nandito na ako, Kathryn."

"D-daniel, w-wag mo muna akong iwanan, ha?" Saad ni Kathryn.

"Hindi ko hahayaang masaktan ka pa, Kathryn." Aniya ko.

"Salamat, Daniel. Salamat." Medyo huminahon na si Kathryn. Bumitaw siya sa pagkayakap sa akin. "Sorry. Natakot lang talaga ako sa napanaginipan ko."

"Okay lang. Okay ka na ba?"

"O-oo." Mahinang saad ni Kathryn. 

Ngumiti ako at pinunasan ang mga luha ni Kathryn. "Wag kang umiyak, manika. Hindi ako sanay na ganyan ka. Diba matapang ka? Wag ka na ulit iiyak, ah? Papanget ka lalo." Pagbibiro ko kay Kathryn para naman gumaan ang atmosphere sa kwarto na ito. 

"Daniel!" Sigaw ni Kathryn.

Haha! Ang bilis magalit ng manikang 'to.

"Haha, joke lang!" 

"Daniel, anong oras na ba?" Tanong ni Kathryn sa akin. Inalalayan ko siyang umupo.

Tumingin ako sa relo ko. "11:45 pm na. Bakit?"

Hindi ako pinansin ni Kathryn ang parang nagbibilang siya. Seryoso. Parang sira 'tong manika 'to. Kanina umiiyak, tapos nagalit at ngayon... nagbibilang. Seryoso?

"Six hours and fifty four minutes kayong magkasama ni Mich." Mahinang saad ni Kathryn.

Natawa ako. 'Yun pala ang binibilang niya.

"Mali." Pahayag ko. "Kanina pa akong ten pm dito. Tulog ka kaya di mo napansin." 

"Kahit na! Ang tagal niyo pa ring magkasama ni Mich. Ano bang ginawa niyo?" At ngayon, galit na ulit ang manika. Ano ba 'tong mood ng babaeng 'to. Nakakasira ng ulo.

Labo!

"Teka, ba't lumalaki 'yang ilong mo? Pumapanget ka lalo!" Pang-aasar ko. Ayaw ko lang talagang sabihin ang pinagusapan namin ni Mich. Mahabang kwento.

Sinamaan ako ng tingin ni Kathryn.

Kakaibang manika. Kakaibang babae.

"May sinabi sa akin kanina si Sam!" Pasigaw na saad niya.

"O, ano naman sinabi niya?"

"Sabi niya mahal niya ako!!!" Sigaw ulit ni Kathryn at bumalik sa pagkahiga. Tinakpan niya pa ang ulo niya ng kumot. Ano ba 'to? Parang nagmamaktol na bata.

Ano bang sinisigaw niya? Sinisigaw niya lang naman na-,

TEKA.

Sinabi ni Sam na mahal niya si Kathryn?

Anak ng tupa naman, o!

END OF CHAPTER EIGHTEEN
GOD BLESS!

Sinong excited na para sa She's Dating The Gangster? Haha! Super inaabangan ko talaga 'yun. Naeexcite ako sa mga scenes. KathNiel 'yan, eh!! <33

P.S: Sa susunod niyo nalang malalamang 'yung pinagusapan nila Mich at Daniel para may thrill. Kahit feeling ko wala namang kathrill-thrill, lol. 

Continue Reading

You'll Also Like

640K 12.1K 44
Magical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay is...
181K 7.3K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
550K 3.3K 8
Sapphire Quinzel was transferred to another school along with her best friend for an unknown reason by her grandfather Felix Hart. What could be her...
Ang Unang Reyna By Thia

Historical Fiction

16.4K 446 27
Ika-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindi...