Dating Park Chanyeol (Complet...

By ayseyya

1.8M 44K 10.1K

Ano nga ba ang pakiramdam ng makipagrelasyon sa isang idol? © ayseyya More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Author's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Author's Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4

Chapter 36

22.2K 476 51
By ayseyya

Chapter 36

 

(ALTHEA KIM POV)

"Bess, anong plano natin ngayong Christmas Vacation?" tanong sakin ni Maine. Nakaupo kasi kami ngayon sa may veranda ng bahay namin. Wala kaming magawa. Si Dad, may work pa sya tapos si Mom naman bussy sa kaka-decorate ng bahay namin.

"Hindi ko nga rin alam eh! Wala pang sinasabi sakin si Mom kung anong plano natin ngayong vacation." tumango sya at nilagay yung dalawa nyang kamay sa bulsa ng kanyang winter jacket. Malamig na nga pala ngayon dito sa Korea. Winter na kasi kaya naka winter jacket na kami ngayon.

"Hoo! Ang lamig na dito sa labas bess! Pasok na tayo sa loob?" alok ni Maine. Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob. Pero bago pa man ako makapasok ay may tumawag na sa pangalan ko.

"ALTHEA!" nilingon ko kung sino ba yung tumawag sakin at nagulat ako ng makita si Yeol sa harap ng bahay namin kasama si D.O, Baekhyun, Tao at Chen. Naka suot silang lahat ng winter coat at si Yeol naman ay may suot na nerdy glasses.

"Oh anong ginagawa nyo dito?" lumapit ako sakanila. Sumunod sakin si Maine

"Hello Althea~" bati sakin ni Baekhyun. Nginitian ko sya at binati rin.

"Ano... Althea, pwede ba kayong sumama ni Maine samin ngayon? Balak kasi namin ngayong pumunta sa Namsan Tower." ani Yeol. Sa Namsan? WAHHH! Antagal ko na rin hindi nakakapunta dun!!

Tumingin ako kay Maine. "Ano gusto mo ba pumuntang Namsan?" tanong ko sakanya. Agad agad naman syang tumango.

"Sige bess! Sama tayo sakanila! Nakaka bore dito sa bahay eh!" tumango ako at humarap ulit kila Yeol. 

"Sige sasama kami! Wait lang, magaayos lang kami!" tumango naman sila kaya pumasok na kami ni Maine sa loob. Nagpalit ako ng winter jacket at saka boots at kinuha yung bag ko. Ganun din ang ginawa ni Maine. Pagkatapos namin magayos ay nagpaalam kami kay Mom at saka lumabas na. 

"Tara na!" sabi ko sakanila. Lumapit sakin si Yeol at sinabayan ako sa paglalakad. Nagtaxi nalang kami papuntang Myeongdong Station. Pagkadating namin dun ay naglakad nalang kami sa may road sa kanan ng Pacific Hotel papunta sa Namsan cable car station. Napagdesisyunan namin na mag cable car nalang kami kesa sa bus papuntang Namsan Tower. Sabi pa nga ni Baekhyun, buti daw ay hindi nila kasama si Luhan dahil takot daw iyon sa mga heights. Nagpunta na daw kasi sila dito dati kasama si Luhan. Wala si Yeol nun. Ayaw ayaw pa daw sumakay ni Luhan sa cable car. 

"Grabe talaga! Nung sumakay kami nun sa cable car papuntang namsan tower, nakaupo lang si Luhan hyung." singit ni Tao kaya nagtawanan kami. Habang naglalakad kami ay may mga sumusunod saming fan nila. Hindi naman nila kami ginugulo. Sumusunod lang sila samin at pinipicturan kami. 

Nang makarating kami ng cable car station ay agad kaming namili ng ticket at sumakay sa loob. Buti nalang at medyo kaunti pa ang tao. Kaming pito lang yung laman ng cable car na sinasakyan namin. Sila Chen at Tao ay pinipicturan yung view. Ganun din ang ginagawa nila D.O, Maine, at Baekhyun. Kaming dalawa naman ni Yeol ay pinagmamasdan lang yung view habang nakahawak yung kamay nya sakin.

"WAIT! MAG PICTURE TAYO ALTHEA!" nagulat ako dahil sa pagsigaw ni Yeol. Inilabas nya ang kanyang s4 at nagpicture kaming dalawa. Nang makarating ang cable car na sinasakyan namim sa mismong Namsan Tower ay agad din kaming bumaba at nagelevator kami papuntang Digital Observatory. Pagkadating namin dun ay agad tumakbo sila Baekhyun papunta sa mga telescope dun. Para silang mga bata. Natatawang sumunod nalang kami ni Yeol sakanila. 

Naghulog ako ng barya sa may telescope at tinry iyon. Sa may TOKYO ako nagtry. Sa bawat window panel kasi doon ay nakalagay ang mga cities at street names ng ibat ibang bansa. Tinry kong hanapin yung Tokyo sa may window. Kahit na ba hindi ko makikita yun ay tinry ko parin. Hahaha. Dati kasi ganto yung ginagawa namin nila Mommy kapag nagpupunta kami dito. Kayo rin, try nyo hanapin yung Tokyo, Beijing etc. dito sa digital observatory sa Namsan tower.

Pagkatapos namin sa Digital Obseratory ay naglibot libot din kami sa loob ng Namsan Tower. At nag picture picture din para remembrance. Ang huling destination namin ay ang Love Lucks sa N Seoul Tower. Sumakay ulit kami ng elevator pababa papunta doon. Namili muna kami ng mga padlocks bago nagpunta sa mismong lugar. Papunta na sana kami doon pero may biglang humarang samin. Nagulat ako nang makita si Ally na nasa harapan namin ngayon. Nakatingin sya saming dalawa ni Yeol. T-teka? Anong ginagawa nya dito?

"A-Ally. A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Yeol kay Ally. Pero hindi sinagot ni Ally ang tanong nya imbis ay ngumiti sya at binati sila Baekhyun

"Hello Baek, Kyungsoo, Chen, Tao at sa babaeng katabi ni Kyungsoo." bati ni Ally sakanila. Tumingin si Ally kay  Yeol at ngumiti. 

"Hello din sayo Yeol! Naks naman! Mukhang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana. Akalain mo yun? Sa dami rami ng lugar dito sa Seoul, dito pa tayo nagkita! Dito pa talaga sa Locks of Love ng Namsan Tower! Talaga nga naman! Tara punta tayo dun! Magpicture tayo!" hinihila ni Ally  si Yeol pero si Yeol naman ay nakahawak sa kamay ko

"Sorry Ally pero kasama ko ang girlfriend ko ngayon." hinigpitan ni Yeol ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Tumingin naman sakin si Ally

"Ohhh~ Kasama mo pala ang girlfriend mo. Hindi ko sya nakita ah! Hello Althea, hiramin ko muna sayo si Yeol ah?" sabi sakin ni Ally ng nakangiti. Bago pa man ako makasagot ay hinila na nya si Yeol papunta dun sa mga heart chairs kaya tuloy natanggal yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Nakita kong tinitignan ako ni Yeol habang hinihila sya ni Ally papalapit dun sa mga heart chairs. Nagiwas nalang ako ng tingin sakanya.

"Bakit ka pumayag na hilahin ni Ally si Chanyeol oppa, bess?" tanong sakin ni Maine. Umagree naman sila Baekhyun sakanya

"Oo nga! Bakit ka pumayag?" 

"Hindi naman ako pumayag eh! Basta nya nalang hinila si Yeol." sabi ko sakanila at nagpunta nalang sa isang gilid para sulatan yung padlock na binili ko. Bale tatlong padlock yung binili ko. Yung isa ay para samin nila mommy. Yung isa naman ay samin ni Maine at yung isa ay para samin ni Yeol. Pinodlock ko na yung dalawang padlock dun. Ang hindi ko nalang napapadlock ay yung samin ni Yeol. Ipapadlock ko na sana yun kaso ay bigla akong nilapitan ni Maine at pinigilan sa pagpapadlock ko.

"Wag mo yang ipadlock bess! Dapat kasama mo si Chanyeol oppa habang pinapodlock mo yan dito!" sabi nya sakin na para bang naiinis.

"Hayaan mo na Maine! May kasama si Yeol eh! Ako nalang yung magpopodlock nito!" sabi ko sakanya pero pinigilan nya nanaman ako.

"Kung ayaw mong tawagin si Chanyeol oppa ay ako nalang ang magtatawag sakanya." nagulat ako ng hinila nya ko papunta sa kung nasaan sila Yeol

"Maine! Ano ka ba? Hayaan na natin sila! Mukha namang nageenjoy sila eh!" 

"Panong hayaan? Huh Althea? Ikaw yung girlfriend kaya dapat lang na ikaw yung kasama nya at hindi yung past nya!" sabi ni Maine. Wala na rin akong nagawa kasi nasa harapan na kami nila Yeol. Sa kabilang gilid nalang ako tumingin. Ayaw kong tignan sila.

"Chanyeol oppa, hindi naman sa sinisira ko ang pagsasaya nyo huh? Pero kasi, kawawa naman tong si Althea. Wala syang kasama. Pano kasi inagaw ng ex ng boyfriend nya yung boyfriend nya. Kaya tuloy mag isa lang sya sa pagpopodlock dito. Diba dapat ang couple ay sabay na nagpopodlock? Kaya sana kung pwede ay iwan mo na ang ex mo at sumama sa TOTOONG GIRLFRIEND MO!" hindi ko malaman kung ano yung expresion nila sa sinabi ni Maine. Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko ay nakita ko ang mukha ni Yeol na seryosong naka tingin sakin. Bumaling yung tingin nya kay Ally.

 "Sorry Ally... kailangan ako ng girlfriend ko ngayon. Mas mabuting umalis ka nalang. Hayaan mo na kami ng taong mahal ko. Umalis ka nalang dahil wala ka nang babalikan pa." hinila na ako ni Yeol pagkatapos nyang sabihin iyon kay Ally. Bago kami umalis doon ay nakita ko ang matatalim na tingin sakin ni Ally.

"Althea sorry kung iniwan kita magisa ah? Hindi ko kasi matanggal yung pagkakahawak ni Ally sa kamay ko. At kapag daw hindi ko pinagbigyan ang gusto nya ay maggagawa sya ng gulo dito." paumanhin nya

"Okay lang..." ngumiti ako sakanya. Kahit na hindi talaga okay yun, kailangan kong sabihing okay lang. Para hindi na kami magaway. Para hindi na sya magalala. Para narin sa relasyon namin.

"Tara! Ipodlock na natin to!" ngumiti sya at sabay naming ipinodlock yung podlock namin sa may gilid at yung susi naman ay iniwan namin dun sa Postbox of Love.

"Kain munta tayo?" tumango ako at hinanap sila Maine. Nang mahanap namin sila ay sabay sabay kaming kumain sa restaurant doon sa loob ng namsan tower. Nang dumating na yung order namin ay pinigilan muna kami ni Yeol kumain. Aniya'y pipicturan  nya muna daw yung pagkain. Nang mapicturan nya na yun ay nagsimula narin kaming kumain. Puro tawanan yung mesa namin. Ang iingay nga namin eh pano kasi si Baekhyun laging nagpapatawa. Minsan naman ay sumasama din si Yeol sa pagpapatawa kaya tuloy maraming napapatingin na tao samin.

Nang maggagabi na ay naisipan narin naming umuwi pero bago umuwi ay nagpicture muna kami. Inilabas ni D.O ang kanyang monopod at inilagay dun ang phone nya. Pumusisyon naman kami at ngumiti sa camera. Pagkatapos naming magpicture ay umuwi narin kami. Bus na ang sinakyan namin pauwi. 

Masasabi kong naging masaya ang araw na to. Dumating man si Ally, atleast sabay parin kami ni Yeol na nagpodlock doon sa Love Locks sa N Seoul Tower. Dahil ang paglock namin ni Yeol dun, it symbolizes our unbreakable love and it also symbolizes that our love for each other will be locked forever... Na kahit anong pilit ng iba, hindi na kami mapapaghiwalay pa dahil naka-lock na doon ang pagibig naming dalawa at hindi na iyon mabubuksan pa ng kahit sino man...

Continue Reading

You'll Also Like

1K 171 15
ˢʰᵒʳᵗ ˢᵗᵒʳʸ Paano kung i-crush back ka ng crush mo? Kilig to the bone ba? Pero paano kung malaman ng crush mo na hindi ka pa rin nakakamove on sa ex...
14.8K 176 9
Sa bayan ng laguna ay may isang pinakasikat at pinakamayaman na unibersidad, ang Saint. Velligasly University. Kilala itong paaralan na ito dahil sa...
2.9K 52 17
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
36.2K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"