His Gangster Princess

By MissyMarie

44.3M 887K 112K

Completed [REVISING 4/55] READ AT YOUR OWN RISK || The new transferee, Adrienne Xyra Saavedra, never wanted t... More

His Gangster Princess
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
#6 : The Weird Gangster
#7 : Raping Monster
#8 : Bad Memories
#9 : The devil cares for me
#10 : Dylan's Past love
#11 : Real Gangster Fight
#12 : It's My Turn to give Comfort
#13 : Nathan & Xyra
#14 : Kissing Booth
#15 : Selosan
#16 : The Demon Prince
#17 : The Slave Relationship
#18 : Caring Master
#19: First Dance
#20 : Horizon Vs. Stones
#21: Story from the past
#22: Unexpected
#23: Knowing the Past
#24: When my heart tells me it's you
#25: You're Special to Me
#26: Closer to knowing the truth
#27 Camping with the Devil
#28: Enchanted Love
#29: Let the Love Begin
#30: Lost with you (Part 1)
#31: Revenge
#32: Dysmenorrhea
#33: Trevor Montereal
#34: The Jealousy Game
#35: Detention
#36: Group Study or Double Date?
#37: Cause It Kills Me
#38: I'll help
#39: Currently Moving On
#40: Pretend
#41: The Necklace
#42: Coming Soon
#43: Operation: Finding Tyrence
#44: Surprise
#45: Drunk
#46: I'm in love With You
#47: Regrets & What Ifs
#48: Dreams to Reality
#49: Sweetness Overload
#50: Secret Revealed
#51: Danger
#52: Mastermind
#53: The Last Battle
#54: Don't Leave Me
#55: Until the End
Epilogue
Author's Note
HGP Special Chapter 1: My Childsih Prince
HGP Special Chapter 2: A Second Chance for Love
HGP Special Chapter 3: Limitless
BOOK 2: His Gangster Queen

#30: The Confession (Part 2)

603K 12.9K 1.4K
By MissyMarie

Part 2 of Chapter 30. Medyo short lang po to pero sana magustuhan niyo pa rin!

~*~

"Sigurado ka bang may naghahanap na sa atin ha?" tanong ko habang niyayakap ang sarili, giniginaw na kasi ako.

Nagkibit balikat naman siya at may nilapag na isang kumot sa kabilang puno. Nilapitan niya naman ako at inalalayang umuopo sa kabilang bahagi kung nasaan yung kumot.

"Siguro nahalata naman nila na nawawala tayo." sabi niya at umupo na rin sa tabi ko.

"Masakit pa ba yang sugat mo?" tanong niya.

Napalingon naman ako sa kanya. Hindi pala siya nakatingin sa akin kung hindi sa langit kaya sinabayan ko na lang siya. Pakiramdam ko nagsta-stargazing lang kaming dalawa dito sa gubat.

"Hindi na, maraming salamat." sabi ko at hinimas himas ang braso ko. Ugh. Ang lamig na talaga. Ang ngipis pa ng t-shirt na suot ko. Peste, bakit kasi hindi ko dinala ang bag ko.

"Oh heto." biglang sabi niya. Hinubad niya naman yung suot niyang jacket at pinasuot niya sa akin.

Naramdaman ko naman na nagsiakyatan ang dugo sa pisngi ko. Namumula ba ako? Eh kasi naman nakikita ko ang nga ganitong eksena sa mga pelikula. At hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin. Is this really Tyler? Bakit bigla bigla na lang siyang nagiging gentleman?

"Thanks." sabi ko.

Nabalutan naman ng katahimikan ang buong gubat. Bakit ang boring boring? Kainis naman to oh! Hindi ko akalain---

Bigla naman tumunog ng napakalakas ang sikmura ko. Oh shit. Wrong timing.

"Is that your stomach?" tanong ni Tyler na pilit pinipigilan ang pagtawa.

Humalukipkip naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"Sorry ha, wala kasi akong dinner." sabi ko at inirapan siya.

"Do you want food?"

"Ay hindi gusto ko tubig. Nagugutom nga diba?! Atyaka, wag ka ng magalala dyan. Mas gusto ko pang mamatay sa gutom kesa mamatay na nalason." sabi ko.

Baka kasi pumitas ng kung anong pagkain tong lalakeng to at ipakain sa akin. Baka lasunin lang ako ng bwisit na to. Iindahin ko na lang ang gutom.

"Tss. Let's find some food." sabi niya at biglang tumayo.

Umiling naman ako at humalukipkip. Tinatamad akong tumayo at maghanap. Mas gusto ko pang manatili dito habang hinihintay ang mga kaklase kong mahanap ako.

"No, I want to stay here. Let's stay here." utas ko.

Napatngin naman siya sa akin na parang nagaalala. Binigyan ko naman siya ng isang tango para isuguro sa kanya na okay lang talaga ako.

"Alright then." aniya at tumabi na sa akin.

Nabalutan kami ng katahimikan. Medyo matagal tagal rin yun pero nagulat ako ng bigla niya itong binasag.

"Hey, sorry about what happened earlier. I was really a jerk that time---"

"Okay lang yun, forget it." sabi ko.

Naramdaman ko namang napasinghap siya kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam but he's really acting strange. Bakit paiba iba ang mood ng lalakeng to? Daig pa ang nagbubuntis eh.

"Are you okay?" tanong ko.

Tumango naman siya at nagulat ako ng bigla siyang humiga. Oh anong gagawin niya? Matutulog? Seriously, kaya niyang matulog sa oras na ito kahit alam niyang naliligaw kami? Tss.

"Hoy, matutulog ka ba?"

"Star gazing tayo." Bigla niyang sabi at hinigit ang kamay ko para makahiga.

Napataas naman ako ng kilay at napatitig sa kanya nang nakahiga na ako. Did Tyler Montereal just invited me to see the stars with him?! May bigla namang namuong ngiti sa aking mga labi. Naramdaman ko rin ang unti unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sheez, may sakit ba ako sa puso? Naabnormal na ata eh.

“Tss.” He said then smirked.

Nahuli niya kasi akong titig na titig sa kanya kaya napaiwas ako ng tingin. Damn him! Bakit parang sa mga oras na ito na naappreciate ko ang mukha niya. Naaninag kasi ng ilaw ng buwan ang gwapo at maamo niyang mukha.Yung perpektong panga niya, magulong buhok yet very fashionable, mysterious eyes, ilong niyang matangos, and so damn kissable lips. Bigla akong napalunok ng wala sa oras.

“Nahuhumaling ka na ba talaga sa akin?” tawang tawang utas niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinamps ang braso niya. Forever mayabang talaga ang lalakeng to. May gana pa siyang magsabi ng ganun eh hindi naman kami masyadong naguusap na. Simula ng sinabi niyang espesyal ako sa kanya ay nagiba na ang trato niya. Masisisi niya ba ako kung sasabihin kong biro lang lahat ng sinabi niya? Kasi kung espesyal ang tao sa iyo ay dapat ipakita mo to. Tsk.

“Peste! Ang yabang yabang mo naman.” Sabi ko.

Ngumisi naman siya at bigla akong kinindatan. Shet, biglang nalusaw ang sistema ako. Nakaramdam ako ng kung anong mga insekto sa tyan ko. Ano ba tong nararamdaman ko?! Bigla namang humalakhak ng napakalakas si Tyler. Napataas naman ako ng kilaw. What’s up with him?

“You know what, ngayon lang tayo nakapagusap ng ganito. Alam mo ba yun?”

Bigla akong natahimik sa sinabi niya. His right, for the first time in forever we are talking to each other like real friends. Yung komportable kang kausap siya at nageenjoy ka sa presence niya. Palagi na lang kasi kaming nagaaway o di kaya prinoprotektahan and isa’t isa. Bigla naman akong napaisip, bakit ganun? Ang alam ko sa sarili ko ay ayaw ko sa kanya at naiirita ako. Yung bang nabwibwisit ka dahil may isang katulad niya. Pero hindi ko maitatanggi na kapag nanganganib siya ay gusto ko siya protektahan. At alam kong ganun din ang nararamdaman niya.

“Uhh..yeah.” sabi ko at bumangon.

Bakit parang kinabahan ako? Parang may kung ano sa sistema ko na di mapakali. I need damn answers. Kailangan ko ng sagot sa naghuhuramentado kong puso.

Naramdaman ko namang bumangon siya at inayos ang pagupo habang seryoso at malalim akong tinitignan, “Masarap ka pa lang kausap, Adrienne.” Aniya.

Napatingin naman ako sa kanya. Tumindig ang balhibo ko sa sinabi niya at uminit ang aking pisngi. Bigla namang umihip ang malamig na hangin. Balot na ballot ng katahimikan ang buong paligid habang malalim ang aming pagtitigan. Hindi na ako nakapagsalita pa. May kung ano sa titig niya na hindi ko maiwasan at titigan na rin siya.

Unti unti namang lumapit ang kanyang mukha sa akin. Kumabog ng napakalakas ang aking dibdib. Ngayon lang naging ganito ka lapit ang mukha niya sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kaba sa buong buhay ko. Ngayon lang. Napapikit ako at dinadamdam ang naghuhuramentado kong puso. Nang dinilat ko ang aking mga mata ay para akong naduling dahil isang pulgada na lang ang agwat ng aming mga labi. Bigla niyang hinawakan ang likod ng aking batok kaya nakaramdam ako ng kilabot.

“Ty---“

Hindi ko na natapos ang nasabi ko dahil bigla kong naramdaman ang pagdampi ng kanyang labi sa akin. Hinahalikan niya ako. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang labi sa labi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko habang siya naman ay nakapikit.

Bigla ko naman siyang naitulak habang hinahabol ang aking hininga. Shit, I was not expecting that. Tyler just kissed me. Tulala akong nakatingin sa kanya habang hinahawakan ang labi ko. F-first kiss ko yun. Biglang naghuramentado naman ang puso ko. Hindi na matigil tigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko at siya lang ang nakakagawa nito.

“What the hell, Montereal?! That was damn my first kiss.” Nahihiya kong sabi.

Nakita ko naman siyang biglang ngumisi.

“I told you before, you’re special to me.” Sabi niya.

Nanliit naman ang aking mga mata at biglang napatayo. I just realize one thing, hindi ako yung first kiss niya. At sa pagngisi niya ay mas nainis ako sa ginawa niya. Special? Is he serious? Bakit pakiramdam ko laro lang ang ginagawa niya? Bakit parang gusto niyang mahulog ako sa kanya dahil iba ako sa mga babae niya. Imbes na kikiliging ako ay bigla akong nakaramdam ng galit.

“Special? How can I be special to you eh daan daan ang mga babae mo.” Ngumiti naman ako ng hilaw “I was too dumb to realize this. Tama nga pala, you’re a manwhore. Siguro ito ang way mo para mapaaikit mo ako noh? Am I your target huh Montereal?” sabi ko.

Tama, kailan pa nagseryoso ang isang to? Eh parang lahat ng babae ay kinakma na niya eh. Tss, I remembered nung una naming pagkikita, nahuli ko siyang bumababa sa dorm gamit ang puno. Pinagkamalan pa akong fvking body niya. Siguro yung mga ginagawa niyang pagpansin sa akin, sa pagprotekta sa akin at mga kilig moments na ginagawa niya ay parte ng kanyang laro. Sinabi niya lang yun para mahulog ako sa kanya. Sinabi niya lang yun para makaganti siya sa akin. I know Tyler really hates me.

Well gess what, I fell for the trap.

“No, wait---what? Sa tingin mo pinaglalaruan kita? Adrienne---“ aniya na agad kong pinutol.

“Mali ka, alam kong pinaglalaruan mo ko. Game over, Montereal. I will never fall for your damn trap.” I lied.

Suminghap ako ng napakalalim. Nakita ko naman ang pagbilis ng paghinga ni Tyler habang tinitignan ako ng matalim. I can’t risk to tell him that I like him. Yes, I like Tyler a lot oh scratch that I’m in love with him. So dumb, at ngayon ko lang ito narealize. Pero kailangan ko na tong itigil dahil alam kong wala itong patutunguhan. He’s a playboy and I can’t risk my feelings for it. Ayaw kong masaktan at natatakot akong baka mabaliw ako sa pagmahal sa kanya.

“Fvck! Why can’t you just listen to me, Adrienne? I love you and I want you to be mine.” Sabi niya at umaksyon na hahawakan ako pero umatras ako.

“Game over.” Umiling at tinalikuran na siya.

Nang tuluyan ko na siyang tinalikuran ay bigla na lang nadurog ang aking puso. Nanlambot ang aking mga tuhod pero kailangan kong maglakad at lumayo. Finally, he said that he loves me. Pero imbes na maging masaya ako ay nasaktan pa ako. Intimidated lang siya sa akin dahil iba ako sa mga kilala niyang babae kaya niya ako gusto. That’s it. I’m a challenge to him at alam kong hindi niya ako tatantanan hangga’t hindi ako nahuhulog sa kanya. Diba gusto niya pa nga akong lumayo sa kanya? Ayaw niya sa akin di ba? Well then I’m doing him a favor.

“Adrienne! Please, don’t leave me.” Sigaw niya na parang namamaos pa.

Napapikit ako at naramdmaan ko ang pagpatak ng traydor kong luha sa aking pisngi. I want to go back to him and hug him but no I won’t do that. Naguguluhan pa ako and I want assurance that everything is real.

“I’m sorry.” Yun na lang ang sinabi ko naglakad na papalayo.

-----

Continue Reading

You'll Also Like

269K 7.2K 13
(Pre-Book 2 of MFSBI) He's the eldest of the five brothers. Known as a prodigy in surgical operations, a talented doctor in his present age. Gifted...
164K 4.9K 54
Titled : Campus Queen : The Beginning Of the end Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 3 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note...
84.1K 4.1K 42
This story is all about sa isang normal babae na ang pangarap lang ay makita ang kanyang Idol but little did she know that supporting her idol in one...
2.7M 102K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...