Be my escape

By CincoMedicatus

15.5K 377 81

"Can you be my escape?" More

Be My Escape
Chapter 1: That girl and I
Chapter 2: Family
Chapter 3: Wife
Chapter 4: I'm not alone
Chapter 5: Disappointment
Chapter 6: One step closer
Chapter 7: Killer
Chapter 8: The boyfriend
Chapter 9: Her

Chapter 10: Stain

965 41 6
By CincoMedicatus

Ellen's POV


Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Kinapa ko yun sa side table ko pero muntik na kong malaglag ng wala akong makapitan na side table.

San na punta yun? Dumilat ako at tinapik ang noo ko.

Ano Ellen? Feeling mo panaginip lang yung nangyari kahapon?

Bumangon ako at kinuha ang phone ko sa gilid ng kama. 5:10 am. Kailangan ko pa lang tumawag sa school na mag hahalf day ako or maybe aabsent na lang muna ko today. Baka kulangin ako sa oras na humanap ng bagong apartment. Isa pa wala pa yung gamit ko.

Naalala ko yung mga sinabi niya kagabe.

"Let's try Ellen Grace. Let's prove them wrong. Let's run away. Just let me be your escape."

Ano sa sobrang awa niya saken kaya niya nasabe yun? Nakakainis.

Pero na touched ka naman. My mind said.

Uh huh. Hindi ko alam kung feeling ko lang ba pero parang may kakaiba pa sa boses niya nung sinabi niya yun.

Sumilip ako sa bintana ng may marinig akong nag beep sa labas.

Yung truck!!

Patakbo akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa labas. Binuksan ko agad yung gate at lumapit sa driver na kakababa lang din ng sasakyan.

"Kuya yan yung mga gamit ko? Ano kumpleto ba yan? Baka may nasira? Ano?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Tumunganga lang yung driver sa harap ko tsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Holy macaroons! T-shirt lang ni Chace ang suot ko.

Agad kong hinila pababa yung laylayan ng t-shirt. Ellen naman kasi!

"Ano pang ginagawa niyo? Ipasok niyo na sa loob yung gamit niya." muntik na kong madapa ng bigla akong hilahin ni Chace sa likod niya na parang bang itinatago ako.

Hinintay namin makapasok yung dalawang nag bubuhat pati na din yung driver tsaka lang kumilos si Chace. Hawak pa din niya yung braso ko kaya nakasunod lang ako sa kanya. Tsaka ko lang naramdaman ang lamig sa hita ko ng padabog niya sinara ang gate.

Problema nito?

"Tss. Nadumihan na yung paa mo." baling niya sakin at mas hinila pa ko papasok ng bahay.

So nagagalit siya kasi na dumihan yung paa ko? Babaw dude. Whatever.

"Boss san po mga to?" tanong nung driver.

Lalapitan ko na sana yung mga gamit ko nang hilahin na naman ako ni Chace sa likod niya. Pambihira. Kanina pa to ah.

"Jan lang sa sala. Paki bilisan. Matutulog pa ulit kami ng girlfriend ko." nahampas ko siya sa likod dahil sa sinabi niya.

"Yes sir." sagot lang nung driver at lumabas na.

Pag labas nila hinarap ko si Chace at pinandilatan ng mata.

"What did you say? Ano yon ha Chace?" tanong ko at nag crossed arms.

"Good morning din teacher Ellen." sabi niya na parang wala siyang ginawa kanina.

"Bakit mo sinabi yon? Baka maniwala sila!" inis na sabi ko.

"So? Kahapon naman hindi ka ganyan dun sa singkit na ex-fiancé mo nung sinabi kong boyfriend mo ko. Tss. Tsaka bakit ka lumabas ng ganon? Hindi mo naman alam kung sino yung dumating ah? Pano kung magnanakaw yon? Pano kung may ginawa sayo? Tignan mo nga yan suot mo!" napanganga ko sa biglaang outburst niya.

Yun na ata ang pinakamahaba niyang nasabi sakin. At kahit isa don walang nag sink in sa utak ko.

Ano daw?

"Ano tatayo kana lang jan hanggang makapasok ulit sila? At makita ka na naman na ganyan? Jesus Ellen! Move! Kunin mo na yung damit mo jan at mag palit kana!" sigaw niya kaya naman nataranta na kong yumuko sa mga gamit ko.

Narinig ko pa siyang nag mura kaya napatayo ulit ako, sobra na tong lalaking to ah. Kanina sinisigawan lang ako? Ngayon minumura na ko?

"What di-----

Natigilan naman ako ng makita siya sa likod ko, nakatingin siya sa baba, sa...sa...

"Bastos ka! Bakit ka nakatingin jan?!  sigaw ko at hinampas ang braso niya. Grabe ang bastos ng pulis patola na to, hindi manlang nahiya.

"Maytagoska." naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Halos pabulong kasi yun at mabilis pa kaya hindi ko na intindihan.

"What?!" singhal ko sa kanya.

Mag sasalita na sana siya ng may pumasok na isang nag bubuhat ng gamit ko.

"Ay!" napatili ako ng bigla niya kong binuhat.

"Wag kang malikot baka malaglag ka." sabi niya at pa akyat na ng hagdan.

"Chace ano ba!? Put me down!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig at dere-deretso lang sa pag akyat.

"Chace Julian! Ibaba mo ko!" sigaw ko pa ulit pero hindi pa din niya ko pinansin.

Nakita ko siyang ngumisi pero sandali lang yun at bumalik na naman sa pagiging seryoso ng mukha niya.

Binaba niya ko sa tapat ng kwarto na ginamit ko.

"Ako na ang kukuha ng gamit mo. Fix yourself. " sabi niya at tumalikod na.

Grr. Ang sarap ipitin ng leeg kiya sa pinto!

Kagabi lang ang sweet-sweet tapos ngayon...hindi pala siya sweet. Binabawi ko na.

Pumasok agad ako ng cr dahil hindi pa nga pala ako nakakapag hilamos. Stupid Ellen! Nakakahiya ka talaga kahit kelan! Lumabas ka ng ganyan ang mukha mo?!

Napahawak ako sa mata ko na namamaga pa din pala dahil sa pag iyak ko kagabe.

Nag toothbrush na din ako at lumapit sa toilet bowl.

Na hinto ako sa pag upo ng makita ang boxer na suot ko.

Red stains.


KILL ME NOW!

**

Lumabas ako pag katapos kong makapag shower at maisuot na ang mga damit ko na dinala ni Chace kanina sa kwarto.

Hindi ko mapigilan na mamula dahil sa pag ngisi niya kanina habang inaabot ang bag ko. Kahit na nakatago naman sa likod ng pinto ang katawan ko ay pakiramdam ko na kikita pa rin niya ko.

Come on Earth, kainin mo na ko!

"Coffee teacher Ellen?" napanguso ako ng bumungad sakin si Chace sa kitchen.

Tumango lang ako at kinuha ang inabot niya, humila ako ng upuan at umupo sa harap niya.

Okay. This is awkward.

Habang umiinom ng kape, napasulyap ako sa kanya at kitang kita ko! Kitang kita ko yung ngising niya nang aasar. Sa part ko lang pala awkward dahil mukhang nag eenjoy naman siyang asarin ako. This guy! Ugh!

"Nasan na sila?" tanong ko kahit na hindi tumitingin sa kanya.

"Umalis na. Ang tagal mo kayang naligo." sabi niya at may narinig na kong tawa.

Tinignan ko siya ng masama. Natatawang tinaas naman niya ang kamay niya.

"I'm waving the white flag here!" sabi niya pero may halo pa din nang pang aasar ang boses.

Inirapan ko lang siya at uminom ng kape.

Kung asarin niya ko parang wala lang yung kagabe. Nakalimutan na kaya niya?

"Anong gusto mo for breakfast?" tanong niya.

"Ewan, kahit ano. Bahala ka." sabi ko at inirapan ulit siya. Nakaka inis kasi.

"Hey, peace na. Cute mo talaga." sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

Tinapik ko agad ang kamay niya at tinulak siya palayo sakin.

"Check mo muna yung mga gamit mo habang nag luluto ako teacher." sabi niya at pumunta na sa ref.

Hmp. Bwisit talaga!




**

Chace's POV

Hindi mawala ang ngiti ko habang nag luluto ng fried rice. Hindi ko lang talaga mapigilan na asarin siya, ang cute kasi ng pisngi niya pag namumula. At kanina, pinandilatan niya ko ng mata na parang wala namang nabago dahil chinita siya.

Sumilip ako sa sala para tignan ang ginagawa niya, mukhang kausap niya na sa phone ang principal.

Good thing makakasama ko pa siya ng matagal, she's so cute kaya naman siguro tuwang tuwa ako sa kanya.

Bumalik ako sa kusina at kumuha ng tomatoes sa ref. Kelan ba ko nag luto ulit para sa ibang tao? Nasanay akong si Danielle lang ang inaasikaso ko.

Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko sa sink. Naiisip ko na naman siya.

"Hey, are you alright?" napatingin ako sa likod ng marinig ko si Ellen.

"Ahmm, yes. Sandali na lang to." sagot ko at kinuha ang kutsilyo.

Hindi na siya nag salita kaya pinag patuloy ko na lang ang ginagawa ko.

Pag katapos kong mag luto, tinawag ko na siya.

"Y-yung kanina nga pala. Salamat at sorry na din." sabi niya habang nakatingin lang sa plato niya.

"Kanina? Alin don? Yung lumabas ka o yung may nakita akong s---

"Pareho! Sige na kumain kana. Isipin mo na lang wala akong sinabe." sabi niya at nakita kong namula na naman ang pisngi niya.

Aasarin ko pa sana siya ng may nag doorbell.

"Sandali lang." sabi ko at lumabas.

Sino kaya yon? Ang aga-aga pa ah.

Pag bukas ko ng gate at ang kotse ni Mommy ang bumugad sakin.

"Surprise honey." bungad niya sakin at niyakap ako.

"Mom anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at hinarap siya.

"Come on son, hindi mo ba ko na miss?  Sa loob na tayo mag usap." sabi niya at tinulak pa ko para makapasok siya.

Sinenyasan ko na lang yung driver niya na i park na yung sasakyan.

Nasa pinto pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang boses ni Mommy sa kitchen. Shit! Si Ellen!

"So you're a teacher? That's nice hija."  narinig kong sabi ni Mommy.

"Mom, Ellen Grace is my friend. Wala ng iba." paliwanag ko.

"Kakasabi lang niya dear. Come on, ikuha mo ko ng plate, sasabayan ko na kayong kumain. Is that okay hija?" tanong niya kay Ellen.

Tumingin sakin si Ellen at tinanguan ko lang siya. Nagulat siguro siya sa biglang pag dating ni Mommy.

"Of course mam." sagot niya.

"Just call me Tita Beatrice dear. You're so pretty." mom said.

Kumuha na ko ng plato at baso para kay Mommy. Siguradong uulanin na naman ako ng tanong mamaya.

Pag balik ko ay nag tatawanan na sila ni Ellen. That's cool. Dati kasi hindi kinakausap ni Mommy ang mga pinapakilala ko sa kanyang kaibigan kong babae, lalo na nung nawala ang asawa ko, pero ngayon mukhang tuwang tuwa pa siya.

"So what's your plan for today hija? You know, I wanna go shopping, then mag pa spa tayo. It's my treat don't worry." dere-deretsong sabi ni Mommy.

"Ahmm, mag hahanap po kasi ko ng apartment. " sagot ni Ellen at tumingin sakin.

"Apartment? Why hija? Malaki naman tong bahay ni Chace. Right son? Pwede kang mag stay dito." muntik ko ng maibuga ang juice na iniinom ko sa sinabi niya.

"Mom." pigil ko at tumingin kay Ellen na pulang pula na ang mukha.

"Why anong masama sa sinabi ko? Isa pa, para may kasama ka din dito. Tignan mo nga tong bahay ko. It's so boring. Kung nandito si Danielle baka nag away na kayo." sabay kaming napatingin ni Ellen kay Mommy.

**
Ellen's POV

Nakatingin pa din kami ni Tita kay Chace habang umaakyat siya sa hagdan. Anong nangyari don?

Humarap ako kay Tita at napatayo ako ng makita siyang umiiyak.

"T-tita are you okay? Bakit po?" tanong ko at binigyan siya ng tubig.

"I'm sorry about that hija, I forgot medyo sensitive pa din si Cj kapag si Danielle ang pinag uusapan." sabi niya at hinubad ang salamin na suot.

Cj? Chace? Danielle?

"Danielle po?" tanong ko.

"Ohh, hindi pa niya nasasabi sayo? Uhm Ellen hija? Kayo ba ng anak ko is..you know. Kayo?" alanganing tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

Umiling agad ako sa kanya. Kami ni Chace? Never.

"Hindi po tita, m-mag kaibigan lang po kami. Tinulungan lang po niya ko kaya ako nandito, pero aalis na din po ako mamaya." sagot ko.

Nakita kong nawala ang sigla sa mukha niya. Inaasahan ba niya kami ng anak niya....

"Mom aalis po kami ni Ellen." napatingin kami kay Chace na mukhang kapapalit lang ng damit.

"San tayo pupunta?" tanong ko.

"Oo nga Cj, san kayo pupunta?" tanong ng Mommy.

Aba, lokong to, may lakad kami pero hindi ko alam?

"Sabi niyo kanina gusto niyong mag shopping at mag pa spa? Pwera na lang kung nag bago na ang isip niyo?" tanong ni Chace at tinaasan kami ng kilay.

"Really son?! Sasamahan mo kami? That's great. Right Ellen? You'll come with us right?" tanong ng Mommy niya at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Tumingin ako kay Chace para humingi ng tulong pero nag kibit balikat lang siya at kumuha ng tubig.

"Ellen?" nag hihintay pa din ng sagot si Tita. Wala na kong nagawa kundi tumango. Wag lang sana kaming mag tagal. Baka wala akong mahanap na apartment.

Ang hirap pa naman mag lipat ng gamit.

"Oh thank you hija. Sige mag palit ka na ng damit mo. Mag liligpit lang kami ni Cj dito. " sabi niya at niyakap muna ko bago bumalik sa upuan niya.

Napakamot na lang ako ng ulo at umakyat na. Nakita ko pang ngumisi si Chace bago umupo sa sofa. Ugh! Naisahan niya ko ah!




----------------------------------------------
Every other day, okay? :)

-Littlemisspauu

Continue Reading

You'll Also Like

266K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...