Elusive Butterfly (BoyxBoy)

By junjouheart

300K 13.9K 1.3K

Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o... More

Panimula
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanta
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampu na Kabanata
Ika-11 Kabanata
Ika-12 Kabanata
Ika-13 Kabanata
Ika-14 Kabanata
Ika-15 Kabanata
Ika-16 Kabanata
Ika-17 Kabanata
Ika-19 Kabanata
Ika-20 Kabanata
Ika-21 Kabanata
Ika-22 Kabanata
Ika-23 Kabanata
Ika-24 Kabanata
Ika-25 Kabanata
Ika-26 Kabanata ( Unang Parte )
Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )
Ika-27 Kabanata ( Unang parte )
Ika-27 Kabanata ( Ikalawang Parte )
Huling Kabanata ( Unang parte )
Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )
Pakibasa !!!
II- Una
II- Ikalawa
II- Ikatlo
II- Ikaapat
II- Ikalima
II- Ikaanim
II- Ikapito
II- Ikawalo
II- Ikasiyam
II- Ikasampu
II - Ikalabing- isa
II- Ang Huling Kabanata
Elusive Butterfly

Ika-18 Kabanata

6.2K 321 50
By junjouheart


Tulad ng sabi ni Xeriol, wala sya ngayong araw. Medyo inaantok pa ako dahil hatinggabi na rin kami natapos magsanay. Aaminin ko na kulang ang araw ko ngayon na walang bumubungad na nakangiti sa akin kapag binubuksan ko ang pintuan ng aking silid. Walang nangungulit sa akin pagpasok sa silid-aralan. Walang pumipilit sa akin na kumain ng marami.


" Ipapaalala kong muli na ihanda nyo ang inyong sarili. Bukas na darating ang Jjani ng mga Lapidoptera. Wala akong makikita bukas na hindi sumunod sa mga pinag-usapan natin. Nagkakaintindihan ba tayo? " paninindak ni Mr. Philip.

" Opo! "sabay-sabay naming sagot.

Nagpaalam na si Mr. Philip sa amin. Iniligpit ko na ang gamit ko dahil sya ang huling klase namin ngayong araw. Isinukbit ko na ang bag ko at naglakad na palabas upang makauwi na sa silid ko. Nagtataka ako dahil nararamdaman kong may sumusunod sa akin kaya lumingon ako sa likod.

Nakita kong may nagtatago sa likod ng pader. Walang iba kung hindi si Miyuki at Styll.

" Pinababantayan ba ako ni Xeriol sa inyo? " salita ko.

Lumabas naman sila habang pumipito-pito pa at nilagpasan ako. Napapailing na lang ako dahil masyado silang halata.

Naglakad na akong muli kaya sumabay na ang dalawa na nasa magkabilang gilid ko. Nakisabay na rin ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila.

" Narinig mo ba ang balita? May nakapasok na kalaban sa loob ng paaralan "

Nagpintig ng mabilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang usapan ng nakasalubong namin sa paglalakad.

" Delikado na talaga ang panahon ngayon " komento ni Miyuki.

" Ang lakas nga ng loob nila na pumasok sa loob ng paaralan. Hindi nila alam kung gaano kahigpit ang pagbabantay nila dito " sabi naman ni Styll.

Nakikinig lang ako sa usapan ko dahil inuukupa ng aking isipan ang narinig ko kanina. Hindi ako mapapalagay hanggang hindi ko nakikita kung sino ang nahuli. Paano kung pumunta ang isa sa kalahi ko dahil sa akin? Ayaw kong may mamatay na ako ang magiging dahilan.

" Mangako kayo na huwag nyong sasabihin ito sa iba " mahinang sabi ni Styll.

Tumango naman kami ni Miyuki. Tumungin muna sya sa paligid nya at lumapit sa amin.

" Narinig ko lamang ito sa mga kasamahan ko sa Hexagonal. Tuwing gabi daw ay may namamataang ibang lahi na pumapasok sa loob ng paaralan natin. Ang problema lamang ay hindi nila matukoy dahil may humaharang sa kapangyarihan na matunton ito kaya nagdoble sila ng mga tagabantay " kwento ni Styll.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Malaki ang posibilidad na ang mga sumusundo sa akin tuwing gabi ang tinutukoy nilang ibang lahi.

Bakit hindi ko naisip na hindi madali ang pagpasok dito? Ako ang may kasalanan kung sakaling may mapahamak.

" Ayos ka lang ba Allaode? Namumutla ka " pansin sa akin ni Styll.

" Huwag kang matakot. Gagawa ng paraan ang konseho ng ating paaralan para maging ligtas tayo " sabi naman ni Miyuki.

Isang pilit lang na ngiti ang naiganti ko sa kanila. Hindi ako natatakot para sa aking sarili. Natatakot ako sa iba dahil baka mapahamak sila.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa maihatid nila ako sa aking silid ngunit hindi naman ako mapalagay dahil naiisip ko ang narinig ko na nahuli nilang ibang lahi.

" Hindi ako mapapalagay dito. Kailangan kong pumunta sa kanila " hindi ko palagay na sabi.

Kinuha ko ang bag ko na naglalaman ng maskara na bigay sa akin ng kapatid ni Sage at damit na may pantalukbong sa ulo. Naglibot ako kaagad upang hanapin kung saan dinala o itinago ang nahuli nila. Mapapalagay lang ako kung malalaman kong ibang nilalang iyon.



-

Kanina pa ako naghahanap ngunit wala akong makita. Inabot na ako ng dilim sa paglilibot ko sa mga iba't-ibang lugar dito sa paaralan. Ang hindi ko na lamang napupuntahan ay ang Jartsena. Kahit nagdadalawang isip akong pumunta doon ay ginawa ko upang makatiyak ako. Pagtungo ko doon, wala akong nakita sa labas kaya nagdiretso ako hanggang nasa harap na ako ng pintuan. Hindi nakasara ang pintuan kaya sumilip ako kung anong nangyayari sa loob.

Ang mga cuncilum!

Hindi ko makita kung sino ang balak nilang paslangin ngayon dahil nahaharangan nila ito.

" Nasaan ang mga kasamahan nyo? "narinig kong tanong ng isa sa mga cuncilum.

Ganitong pangyayari ang nakita kong binawian nila ng buhay si Sage. Hindi na pwedeng maulit ito!

Isinuot ko ang dala kong damit at maskara upang itago ang pagkatao ko.

" Sabihin mo kung nasaan sila kung hindi--- "

Bago pa man mahampas ng latigo ang sinumang pinapahirapan nila ay pumasok na ako sa loob na ikinatingin nila. Halata sa mukha nila ang pagkabigla ng makita nila ako. Kilala nila ako dahil nakalaban ko na sila noong tangkain nilang patayin ang mga kalahi ko.

" Ikaw na naman. Paano ka nakapasok dito? " tanong ng matandang may hawak ng tungkod.

Ang kaninang nakatalikod sa akin ay ngayon ay nakaharap na at naghahandang sumugod anumang oras. Sinilip ko naman kung sino ang bihag nila ngunit ganon na lamang ang kaba at lungkot na makita ang nakababatang kapatid ni Sage at ang isa sa kambal na babae na sumusundo sa akin.

" Pati ba bata papaslangin nyo " hindi ako makapaniwala.

Galit ngayon ang nararamdaman ko lalo pa't nakita kong duguan ang mga kalahi ko. Tila mas doble ang nararamdaman kong sakit dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit sila nandito.

" Kahit nga hindi pa ipinapanganak na katulad nyo ay  napapaslang na namin " maangas na sagot ng babae.

Naiyukom ko ang aking palad dahil sa aking narinig. Lumakad ako papalapit sa kanila upang makuha ko na ang dalawa ngunit may humarang sa aking harapan kasabay ng pagtadyak nito sa aking sikmura kaya tumama ako sa pader at napaluhod sa sahig. Napahawak ako kaagad sa sikmura dahil sa sakit na nararamdaman ko.

" Mahina ka lang naman pala " saad ng babaeng nanikmura sa akin.

" Huwag mo ng patagalin ang buhay nya Vera. Tapusin mo na sya " utos ng matandang may hawak ng tungkod.

" Masusunod Elor Odin " sagot ng babae.

Tumayo akong muli ngunit pagharap ko sa aking harap ay ang mabilis na pagsuntok sa akin ng babae ngunit agad ko itong naharang. Kita ko ang pagngiti nya sa aking ginawa.

" Wala akong panahon na makipaglaro sa'yo. " inip na saad ng babae at inilabas ang mga papel sa kanyang palad.

Inihagis nya iyon sa taas at mabilis na naghugis na tagak. Isang tagak ang mabilis na lumusob sa akin kaya agad akong tumakbo pasalungat sa patatamaan nya ngunit natamaan pa rin ako. Isang hiwa ang nagawa ng tagak na papel sa aking braso.

Kulang pa ang karanasan ko sa pagsasanay upang ipagtanggol ko sila ngunit hindi ako susuko. Hindi ako maaaring sumuko na lang na wala pa akong ginagawa.

" Tagak na papel. Talim ay ibaon sa kalaban nasa aking harap " tila isang dasal ang kanyang ginawa upang mapasunod ang mga papel.

Walang magagawa ang pagtakbo at pag-ilag ko. Kailangan kong na syang labanan para makaalis na kami dito. Sa pamamagitan ng aking isip, gumawa ako ng pananggalang sa aking sarili kaya ang mga tagak na papel na tumama sa proteksyon ko ay nahulog lamang sa lupa at naging ordinaryong papel.

Itinapat ko ang kamay ko sa lamesa at upuang nakita ko at inihagis iyon sa mga nakapalibot sa dalawang inililigtas ko ngunit agad nila iyong nasangga.

" Ako ang kalaban mo " salita ng babae na may itinapong muli sa hangin. " Mula sa sagradong papel, mabangis ng lobo ang lalabas " muling dasal nya.

Nagkatotoo ang sinabi nya kaya mga lobong mababangis ang mga nasa harap ko. Napaatras ako dahil sa takot na nararamdaman ko. Paano ko kakalabanin ang isang mabangis na lobo?

" Kuya Alla--- " narinig ko ang pagtawag sa akin ng nakababatang kapatid ni Sage ngunit tinakpan kaagad ng babaeng kambal ang bibig nito upang hindi mabanggit ang pangalan ko.

" Tumakas ka na. Hindi mo kailangang lumaban para sa aming dalawa lang. Maraming umaasa sa'yo " saad ng babaeng kambal habang tumutulo ang luha na nakatingin sa akin.

Hindi ako maaaring makaramdam ng takot. Kailangan ko silang iligtas. Nag-iisa man sila ay kailangan kong iligtas sila dahil ako ang pinuno nila. Pangangalaga ko ang kaligtasan nila anuman ang mangyari.

Ipinikit ko ang mata ko upang payapain ang laman ng isip ko. Pagdilat ko ay tumingin ako sa mga mata ng babae na saktong nakatingin sa akin. Mabuti na lamang ay nakamaskara ako kaya hindi nya malalaman ang ginagawa ko.

" Ipikit mo ang mata mo Vera! " sigaw ng isa sa lalaking kasamahan nya ngunit huli na ang lahat. Napasailalim ko na sya.

" Kung ano ang aking ninanais ay sya mong susundin. Iligtas mo ang dalawang bihag nila " utos ko sa babae na syang sinunod nya na wala na sarili nya.

Agad na sinugod ng babae ang mga kasamahan nya gamit ang mga papel na dinadasalan nya. Tanging iwas lang ang ginagawa ng mga kasamahan nya kaya madaling nakuha ng babae ang pinapakuha ko at ibinigay sa akin.

Hindi ko na kayang ipasailalim ko pa ang babae sa pagkontrol ko sa kanya. Limitado pa rin ang kakayahan ko sa pagiging Vesta.

" Kailangan na nating umalis dito hanggang kaya ko pa " saad ko sa dalawa kong kasama.

Inutos ko sa babae na kalabanin ang sinumang haharang sa amin na agad naman nyang sinunod. Naglakad na kami papalabas ng pintuan ng may biglang humarang sa amin.

Bakit nandito si Kuya Easton?

" Saan kayo tutungo? " isang matalim na espada ang itinutok nya sa amin.

Hindi maaaring mangyari ito. Alam ni Kuya Easton kung gaano ko kinamumuhian ang grupong pumatay sa aking mga magulang ngunit bakit kasama nya ang mga ito. Bakit pumayag syang maging kasapi nila? Ano ba ang iniisip nya?

" Hindi kayo makakalabas dito ng buhay " malamig nyang sabi.

Malayo ang Kuya Easton na kilala ko. Hindi sya ang nasa harap ko. Iba sya!

Hindi ko maaaring ilabas ang mga paruparo sa harapan nya dahil malalaman nyang ako ito kaya wala na akong ibang paraan. Kailangan lumabas kami ng ligtas dito at makatakas.

Gamit muli ang isip ko, inihagis ko sa kanya ang mga malalaking bato na nasa paligid na agad nyang hiniwa ng espada nya kaya nagkaroon kami ng pagkakataong lumabas.

Tumakbo kami papalayo sa sa Jartsena at nagtago sa isang silid. Agad akong napaluhod dahil sa panghihina. Tinanggal ko ang maskarang suot ko at napahawak  sa aking ulo dahil sa pananakit nito. Tila hinihiwa ang ulo ko sa sobrang sakit.

" Ayos ka lang ba? " tanong ng babaeng kambal.

" K-kailangan nating makaalis dito bago pa tayo makita nila " pinilit kong magsalita

" Ngunit papaano? Mamamatay na tayo dito " saad naman ng bata at kita sa mata nya ang takot na nararamdaman nya.

Pinilit kong tumayo dahil hindi pa tapos ang pagliligtas ko sa kanila.

Kahit hinang-hina na ako, itinapat ko sa aking harap ang aking palad.

" Dalhin nyo ako sa lugar ng aking lahi " kausap ko sa palad ko ngunit walang nangyari at bumagsak lamang ako sa sahig. Inalalayan nila akong isandal sa pader.

Nagamit ko na ang lakas ko sa pagkontrol ng isip ng iba. Hindi pa ako bihasa at pagsabay-sabayin ang paggamit nito.

" Hayaan mo na lamang kami. Mas mainam na ikaw ang makaligtas dahil mas marami kang maililigtas " saad ng babae sa kambal.

" Tama si Ate Sol. Ang sabi ni Mama ay ikaw ang magliligtas sa marami " sang-ayon ng bata.

Ngumiti ako sa kanila at umiling sa iniisip nila. " Hindi ko maaaring hayaan kayo. Isa kayo sa mga marami kong ililigtas " sagot ko sa kanila.

Pinilit ko muling tumayo. Sinubukan kong muling tawagin ang mga alaga ko.

' Nakikiusap ako sa inyo. Gawin nyo ang inuutos ng inyong pinuno. Dalhin nyo kami sa lugar ng aking lahi. Ngayon na '

Asul na liwanag ang lumabas sa aking palad kaya napapikit ako. Pagdilat ng aking mata, nasa ligtas na kaming lugar.

" Sol! Alf " lapit sa kanila ng kanilang mga magulang at niyakap sila ng mahigpit. Mukhang alam nila ang nangyari sa kanila.

Napahawak naman ako sa braso ko dahil may kakaiba akong nararamdaman. Napaluhod ako sa lapag dahilan para may lumapit sa akin.

" Huwag nyo akong hahawakan " utos ko sa kanila.

" A-anong nangyayari sa'yo Kuya Allaode? " tanong ni Alf sa akin.

Pinilit kong tumayo ngunit nakita ko ang tingin nila sa akin. Nagtataka kung ano bang nangyayari sa akin.

" Marami kang sugat sa katawan. Halata ring nagamit mo lahat ng lakas mo sa pakikipaglaban. Kailangan mong gamutin " lalapit sa akin si Elor Tacito ngunit umatras ako.

" Huwag mo akong hahawakan " pigil ko sa kanya.

Naghanap ako ng maaaring kong pagtaguan at may nakita akong isang tahanan na bukas kaya mabilis akong nagtungo doon at isinara ang pintuan.

Ang ganitong pakiramdam ay naranasan ko noong nagwalong taong gulang ako at naglabing tatlo ako. Nagkukulong lamang ako noon sa aking kwarto dahil nasasaktan ko ang mga humahawak at lumalapit sa akin.

Anong araw na ba? Kaarawan ko na ba? Ikalabing walong taong gulang ko na ba sa araw na ito?

" Allaode! Ayos ka lang ba?! " sigaw ni Elor Tacito habang kinakalampag ang pintuan.

" Nakikiusap ako. Lumayo kayo sa akin " bilin ko.

" Kung iyan ang gusto mo. Iyon ang aming susundin " sang-ayon ni Elor Tacito.

Napayakap ako sa aking sarili dahil nilalamig ako ngunit nag-iinit naman ang aking mga balat.

" AHHHHH! " sigaw ko ng maramdaman ko ang na tila may hinihiwa sa aking likudan.

Mas doble ang nararamdaman kong sakit sa katawan kumpara noon. Pati ang nararamdaman kong may humihiwa sa aking likudan ay bago kong nararamdaman. Hindi ko kaya ang sakit!

" Tama na! " pagtangis ko sa sakit na nararamdaman ko. Pinilit kong inaabot ang aking likudan ngunit hindi ko magawa. Sobrang sakit! Nakakapaso ang init na nararamdaman ko!

Nagtungo ako sa lamesa ng may makita akong tubig. Ibinuhos ko iyon sa aking likudan upang mawala ang init pero walang nangyari.

" AHHHH! " sigaw kong muli kasabay ng pagbagsak ko sa sahig.

Gusto kong makatulog ngunit hindi mangyayari ang nais ko dahil mararamdaman ko buong gabi ang sakit sa tuwing ikalimang taon ngunit mas malala ito. Mas masakit!





-------------------------------------------------------------

Ano kaya nangyayari kay Allaode?

Bakit kaya sumapi sa cuncilum ang Kuya Easton nya? Ano ang plinaplano nito?





Subaybayan :)

-junjouheart-

Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 1.4K 53
Genre: Fantasy || Action
1.3M 53.7K 72
Highest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Sto...
352K 11.6K 53
Dream Guy (Boyxboy) BOOK 1 || BL novel by BlackFiffy STATUS: COMPLETED/UNEDITED
173K 7.5K 54
Matapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng...