BARAKO SERIES 1 My Mister Sol...

By coalchamber13

1.1M 31.5K 992

Felicity Natividad despises her ex-boyfriend. She is not interested in a man who is a womanizer and arrogant... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
WAKAS

Chapter 1

95K 1.5K 56
By coalchamber13

Paalala: Hindi po ito na-edit kaya maraming loopholes at mali-maling grammar. Please bare with me. Thank you!

Felicity

"Felicidad, sumama ka na sa akin please?" Pagmamakaawa sa akin ng bestfriend kong si Stefano na beklash.

He had been a friend of mine since college. We've met in a gathering na dinaluhan ko kasama ng mga Auntie ko na mahilig um-attend ng mga pagdiriwang.

I usually go with them hindi dahil sa gusto ko dahil pinilit nila ako. Hindi naman kasi ako out going girl na panay ang paglabas. Lumalabas lang naman ako kapag kailangan lang talaga.

Pero kung hindi naman importante I stayed at home hanggang sa ugatan na ako doon. Char lang. I am a introvert person .

"Ayoko nga sumama sa 'yo. Bakit ba ang kulit mo. For your information hindi ako si Felicidad. Ang pangalan ko ay Felicity. Ilang beses ko ng sinasabi sa iyo iyan!" Lumaki ang mga mata ko sa sobrang inis. Lagi na lang niya ako tinatawag na Felicidad kundi naman Feliz navidad. Masasabunotan ko talaga tong bakla na ito sa dibdib, eh?

"Sige na nga, Felizity, sorna." Napairap ako sa inis sa bakla.

Kung hindi naman mali ang pagkakasabi niya mali pa din ang pagbigkas sa pangalan ko. Makulit itong baklang unggoy na ito, eh.

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"Aber, saan mo na naman akong lupalop dadalhin? As I remember, last time inaya mo akong mamasyal kasi gusto mo akong maaliw dahil kaka-break lang namin ng boyfriend kong mayabang at hindi naman kagwapuhan. Oh, anong nangyari? Hindi naman ako nag-enjoy kasi naman 'yung isang bakla diyan ang kumerengkeng at nag-enjoy!"

Napamakeface ako.

"Like, duh, kasalanan ko ba na ako ang naging star-studded sa place na 'yon? Malay ko ba ang dami pa lang hot fafa doon. Alam mo naman ang beauty ko makalaglag brief," anito saka nag-flip ng kanyang hair - na akala mo ang haba ng hair niya. Baka ang hair niya down there.

Napatirik ako ng mga mata. Ang yabang ng baklang ito. Anong akala niya na hindi ako kagandahan para hindi ako magustuhan ng mga fafa doon? Sinuntok ko ang braso niya sa inis ko.

"Ouch! Napaka-brutal mo talaga! Lagi mo na lang sinasaktan ang beauty ko!" reklamo niya sa akin. Beauty daw sipain ko ito, eh!

"Ewan ko sa iyo, bakla!" sigaw ko rito.

Naupo ako sa sofa at sumandal sa backrest. Napasulyap ako kay bakla na mukhang nagmamakaawa ang tingin sa akin. Ang kulit talaga ng baklang ito.

"Sige na baks. Sumama ka na, please?" pagmamakaawa nito sa akin.

Pinagsiklop pa niya ang dalawang palad. "Kailangan ko lang kasi ng chaperon."

Napangiwi ako sa sinabi niyang chaperon. Mukha bang pang-chaperon ang ganda ko? Ang kapal ng mukha ng baklang ito.

Tumayo ako at sinabunutan siya. Kahit mas matangkad si Stefano sa akin na halos hanggang balikat lang niya ako ay tumingkayad ako para maabot ang buhok niya. Nakakainis kasi siya.

"Ako, chaperon? Mukha ba akong chaperon?" sabi ko sa nanlalaking mga mata habang hawak ang buhok ni bakla.

"Ouch! Baka makalbo na ako! Grabe kang sumabunot! Joke lang naman 'yun," sabi niya.

Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa buhok niya. Itinulak ko ang mukha niya at naupo muli sa sofa. Inis ko siyang tinapunan ng masamang tingin.

"Gusto kong magpasama sa iyo. Dadalawin ko si lola kaya kailangan ng kasama. I am sure tatanungin na naman ako nun tungkol sa nobya ko."

Marahas akong napabuntonghininga. Kung bakit kasi 'di pa niya aminin na darna siya at 'di superman. Chariz..

Nakokonsensya na nga ako sa kasinungalingan naming dalawa. Ayokong umasa si lola na kami ni Stefano ang magkakaluyan dahil malabo pa sa burak na mangyari iyon dahil na rin sa kasarian ni Stefano na hindi niya pa maamin sa pamilya nito.

"Bakit hindi mo pa aminin sa kanila ang tunay mong kasarian. I am sure maiintidihan ka nila dahil pamilya mo sila. Sila ang unang makaiintindi sa kalagayan mo. Masama yang ginagawa mong pagsisinungaling. Baka mas lalo silang magalit sa iyo kung sa iba pa nila malaman," paliwanag ko.

Sumama ang mukha nito sa sinabi ko.

"Hindi pa ako handang sabihin ang totoo kong kasarian. Ayoko nga baka patayin ako ng Dade lalo na mga kapatid at mga pinsan ko. Puro pa naman barako ang mga iyon. Ako lang ang Baraka sa kanila. Alam mo naman hate na hate nila ang katulad kong beklash. Ako lang ang only girl sa family." Itinirik ko ang mata ko. Napabuntong hininga na lang ako.

"Eh, naitanong mo ba na ayaw nila sa bakla? Paano mo naman nalaman na hate nila ang katulad mong sirena? Alam mo kung pamilya ka nila iintindihin nila ang kasarian mo. Hindi porke't bakla wala ng karapatan mabuhay ng malaya? Baka naman paranoid ka lang sa iniisip mo. Alamin mo muna kasi no? Ako ang mapapasama nito hindi naman ikaw. Ano na lang tingin nila sa akin kapag nalaman nila na nagpapanggap lang ako? Isipin mo din ang kalagayan ko baks! Hindi na lang yang sarili mo." Nagtatampo kong saad.

"Sige pagbigyan mo na ako last na ito. Puwede naman sabihin nating nagbreak na tayo at naging magfriends na lang. Ganern. " I rolled my eyes on him. Sarap niyang kalbuhin. Ano kaya hitsura nitong bekslash na ito kapag kinalbo ko? Pogi pa din kaya? Sayang talaga siya ang pogi pa naman. Sayang ang kanyang lahi.

"Basta akong bahala sa.iyo. Madali na lang lusutan kapag sinabi nilang magpapakasal tayo." Napaubo ako sa sinabi niyang kasal. Oh, my god ayoko magpakasal. Hindi naman ako against sa mga bakla. Pero hindi ko siya mahal naniniwala ako sa kasagraduhan ng kasal. At hindi maganda magpakasal kung wala naman love na namamagitan sa aming dalawa.

"Hala, bakit ipapakasal na ba tayo ng parents mo?" nanlalaking mga mata na saad ko.

"Gaga, sa palagay mo papayag ako? Eww... ayoko matali sa kagaya mo. Hindi tayo talo." Nandidiri na saad niya. Napamakeface naman ako. Inirapan ko siya at nagflip ng hair ko.

"Duh, sa tingin mo naman papayag din ako? A big NO WAY!" Tsura nito.

"'Yun naman pala so payag ka na? Don't worry hindi naman kita ipapahamak. Okay, trust me" Wika niya. Pinakatitigan ko ang poging mukha ni bakla. Nakapilantik pa ang mga daliri niya. Natatawa na lang ako sa baklang ito. Ke guwapo eh.

"Okay, payag na ako pero promise me hindi ako mapapahamak sa kabaklaan mo. Or else makikita mo ang hindi mo pa nakikita." Sabay kindat ko sa kanya at napa lick pa ako sa labi ko. Itataas ko sana ang hem ng damit ko nang akma kong itataas. Napalayo sa akin ang bakla at nandidiring tiningnan ako. Natatawa akong napahiga sa sofa.

"Ewww kadiri ka!. Ayoko nga makita iyang...ano mo..." Hindi niya maituloy ang sasabihin ng ibinaba ko ang kuwelyo ng damit ko kaya sumilip ang cleavage ko na hindi naman katambukan. "Nakakairita ilayo mo nga yan baks!" Napatawa ako ng todo ang sarap asarin.

Naghanda na ako para sa pupuntahan namin ng bestfriend ko. Nagsuot lang ako ng simple lavender dress and black pumps. Face powder lang at light pink lipstick ang nilagay ko sa lips ko. Hindi naman kasi ako mahilig magmakeup. Nilugay ko lang ang maalon alon kong buhok. Mukha na siguro akong presentable sa mga pinsan niya. Ayoko naman na maging tingin nila sa akin chaka.

"Ready ka na, baks?" Tanong sa akin ni baklang Stefano. Napatingin ako sa bestfriend ko. Kung sana real guy ito aba papatulan ko na ito eh. Pero hindi nga kami talo. Mas malandi pa nga sa akin ang baklang ito. Hindi nga lang halata. Napabuga ako ng hangin kasi tense ako. Nanlalamig pati ang kamay ko dahil sa kabang nararamdaman.

"Ready na ako bakla." Anunsiyo ni Stefano kahit na kinakabahan ako nirelax ko ang sarili ko. My gosh hindi naman ito ang pagkakataon na pupuntahan namin ang Granny ni Stefano.

Narating namin ang mansyon ng Lola ni Stefano sa may Dasmariñas Village. May kaya ang pamilya ni Stefano kaya hindi magtatakang ganito kalaki ang bahay ng Lola niya. Ayon sa kanya dito din nakatira ang Uncle niya kasama ang isa pa niyang pinsan na sundalo. Pumasok na kami sa loob ng mansion. Sinalubong kami ng mayordoma nila. Kahit ilang beses na akong nagpunta dito hindi pa din ako masanay na makakita ng madaming katulong.

"Senyorito, nasa hapag na po sila. " Yumukod sa amin ang mayordoma nila. Feeling ko lang mayordoma yun kasi iba kasi suot niya sa ibang katulong. Nginitian ko sila para naman hindi ako magmukhang suplada. Nagpasalamat na din ako. Nang nasa dining area na kami ni bakla. Parang gusto kong umatras at tumakbo palabas. Lalo na ng napatingin sila lahat sa amin. My god nagsibabaan yata ang mga hottest goddess in the universe. At hindi lang yun puro yata mga barako ang nasa hapag kainan. Maliban lang sa Lola at Mommy ni bakla.

"Good evening everyone. I'm sorry we're late medyo traffic" Wika ni bakla na boses lalaking lalaki. Akala mo purong barako. Pero kung alamlang nila mas malantik pa ang daliri niya sa akin kung pumilantik. Ngumiti ako.

"Oh, Stefano anak salamat naman at nakarating ka at bonus pa kasama mo ngayon ang girlfriend mo. She's beautiful nice to meet you iha." Parang gusto ko magprotesta sa sinabi ng Mommy ni bakla. Ngayon ko lang nameet ang Mommy ni bakla.

"Thank you po Tita. Kinagagalak ko din po kayong makilala." Lumapit ako sa Mommy ni bakla at niyakap ko siya bilang pagbati. Sinunod kong linapitan si Granny hinagkan ang noo niya.

"Hi, po, Granny." Bati ko. Napangiti si Granny. Hinawakan niya ang braso ko.

"Nice to see you again, iha. Napakaganda mo ngayon masaya ako at nakita kita muli." Wika ni Granny.

Napangiti ako sa sinabi niya. Napaka bait ni Granny sa akin kaya nakokonsensya ako kasi nagsisinungaling kami sa kaniya. Napatingin ako sa mga barako nakatingin sa akin. Parang gusto ko pamulahanan ng mukha. Feeling ko kasi hinuhubaran nila ako sa pamamagitan ng tingin. Or feeling ko lang iyon. Pinakilala ni bakla isa-isa. Ang 2 brother niya. Kuya niyang si Alexandro at ang bunso nilang si Mikaelo nasa edad na 15 years old.

Ipinakilala niya rin ang apat na pinsan. Si Jacob, Logan, Isaac at Noah. Lahat sila ay mga gwapo, wala kang itulak kabigin. Sa tingin ko ay nasa 6'0" ang height nila. Lahat sila ay parang nabilad sa araw pero bumagay sa kanilang kagwapuhan. Namangha ako kasi puro sila sundalo. Si Jacob isang Marine, Isaac at Noah ay Navy, si Logan ay Air Force. At ang kuya ni Stefano na si Alexandro ay isang pulis.

So far the dinner went well. Panaka-naka akong napatitingin sa mga hot cousins at brother ni bakla. Grabe ang hot nila. Diyos ko pinagpapawisan ako. 

Copyright©2017
All Rights Reserved
By coalchamber13

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 297 19
HER VENGEANCE TRILOGY #1 Jamie Morgan was a hitwoman by a Mexican Mafia family. She was declared retired after thirteen years of service. She got mar...
22.4K 263 21
Am I going to marry the first person whom I love? Or will I take risk to give him to the one he loves ?
290K 5.4K 28
#Prince #Graywolf #Romance #Mate #Dreame
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...