Ang Lihim ng Lunangayin

By FilipinoFiction

74.9K 3.3K 719

Ito ay nobela tungkol sa sinaunang paniniwala na patuloy na ginagawa sa isang liblib na barrio sa Norte. Mist... More

Ang Lihim ng Lunangayin
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogo 1.1
Epilogo 1.2

Chapter 37

1.3K 58 12
By FilipinoFiction

Hindi maitago ang saya ni Isko sa ngiting namumutawi sa kaniyang mga labi simula sa pag-alis nila ng inn noong umaga hangang sa paglalakbay nila ni Luna patungong Laguna. Bagama't ang tugon ni Luna sa bawat sulyap niya rito ay kapiranggot na ngiti, lubos pa rin ang kaligayahang hatid nito sa kaniya. Para bang idinuduyan sa ulap ang kaniyang puso, at sumasayaw sa hangin ang kaniyang damdamin hatid na rin ng masasayang awiting tinutugtog sa bukas na radyo.

Nahihiya lang s'ya siguro sa'kin dahil sa nangyari sa amin kagabi, kaya siguro parang pigil ang kaniyang ngiti at hindi niya ako magawang tingnan ng diretso. Lihim na natawa si Isko sa kaniyang naisip. Sa wakas, napasaakin ka rin Luna. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong kusa mong ipagkaloob ang sarili mo sa akin.

Sa tagal ng biyahe ng dalawa, halos hindi naringgan ni Isko ng imik ang dalaga. Tumugon lamang ng napakaikling sagot si Luna noong yayain niya itong mananghalian sa kantinang kanilang hinintuan.

"Ikaw na lang. Busog pa kasi ako," mahinang wika ni Luna sabay baling ng tingin sa mga sasakyang tumatakbo sa kalsada.

Dahil doon, napagdesisyunan ni Isko'ng bumili na lamang ng pagkaing maiuuwi. Alam niyang hindi magtatagal at gugutumin din ang kasama kung kaya't minabuti niyang ganun na lang ang gawin. Matapos niyang magbayad at kunin ang mga nakasupot na pagkain, bumalik siya sa sasakyan at inilagay sa likuran ang binili katabi ng bag ni Luna.

Nang sumakay muli si Isko, napansin niya ang tila ba pag-iwas ni Luna'ng magtama ang kanilang paningin.

Ganito lang talaga siguro matapos ang unang beses ng pagsisiping. Baka natural lang siguro sa mga babae ang mahiya pagkatapos na may mangyari. Mamaya pagdating sa bahay, baka maging ayos na din ang lahat. Baka gusto lang din niya sigurong lambingin ko siya. Yung tipong papangakuan ko siyang pananagutan ko siya. Natawa si Isko sa isipan. Pero teka, kailangan ko pa bang gawin 'yon? Alam naman niyang hindi ko siya iiwan.

Sinimulan nang patakbuhin ni Isko ang pick-up. Ang malamig na hangin mula sa aircon ng sasakyan ay naghatid ng ginhawa sa uminit niyang pakiramdam dala ng init sa labas. Ngunit ang pananatiling walang imik ni Luna ay nagdulot sa kaniya ng bahagyang pagkabalisa.

Mabuti na rin siguro ito, para hindi na s'ya mag-usisa pa at magtanung-tanong ng tungkol sa kaniyang ina. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko pag nagkataon.

Hindi nagtagal at narating nila ang isang makipot na daan papasok sa talahiban. Dahan dahang iniliko rito ni Isko ang sasakyan at tinahak ang malubak at malupang kalsada. Mataas ang mga damo sa magkabilang gilid ng daan. Ang maliit na kalsada ay sapat lamang upang makadaan ang isang sasakyan. Kung may makakasalubong man ito, nararapat lang na umatras ang isa hangang umabot sa maluwag-luwag na lugar upang magbigay daan sa pumapasok na sasakyan.

Habang papalapit sina Isko sa patutunguhan, unti-unti siyang sinalakay ng kaba. Hindi magtatagal at mararating na nila ang tinataguan niyang lugar. Hindi magtatagal at malalaman na rin ni Luna'ng hindi niya kasama ang ina nito.

Hindi malaman ng binata kung paano sisimulan kay Luna ang pagpapaliwanag. Batid niyang kahit anong sabihin niya, galit ang siguradong matatanggap niya mula sa dalaga.

Kaya naman minabuti na lang ni Isko'ng ituon na muna ang pansin sa pagmamaneho.

Mamaya na lang habang nanananghalian. Doon ko pag-iisipan ko kung ano ba ang dapat kong unahing sabihin kay Luna.

Matapos ang anim na oras na biyahe, inihinto ni Isko ang pick-up (hindi kalayuan sa isang bahay kubo). Mahaba-haba rin ang tinakbo ng sasakyan sa talahiban bago bumungad ang mga kabahayan. Sa lugar na ito, mabibilang lamang sa daliri ang mga layu-layong kabahayang makikita. At kabilang dito ang tahanang tinutuluyan ni Isko na nakatirik sa pinakamalayong parte ng naturang maliit na komunidad.

Tulad ng Lunangayin, wala ring mga posteng nakatayo sa daan at sa paligid, indikasyon na hindi rin abot ng kuryente ang lugar na iyon.

"Narito na tayo, Luna," wika ni Isko sabay ngiti sa dalaga. "Diyan ako tumutuloy." Itinuro niya ang kubo.

Tila ba nagliwanag ang mukha ni Luna ng marinig ang sinabi ni Isko. Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba rito.

"Inay? Inay?" tawag ni Luna habang sinisilip ang kubo mula sa labas nito.

Ang maliit na bahay ay nakaangat sa lupa. Nasa dalawang metro ang taas ng mga malalaking tukod sa ilalim ng kubo. May apat na mahahabang tukod ring nakapalibot rito na nakaangkla sa bubongan na yero na may mga nakapatong na malalaking bato. Ang mga kakahuyan sa paligid ay tila ba nagsisilbing pangharang sa malakas na hangin pag may bagyo.

"Bakit parang walang tao?" tanong ni Luna kay Isko pagkalapit nito sa kaniya.

"Ah, baka naman... nag – papahinga lang... sila?" pautal-utal na sagot ni Isko. "Uhm... halika't – pumasok na muna tayo," pag-aaya niya sabay lakad na may pag-aalinlangan patungo sa kahoy na hagdan bitbit ang supot ng pagkain at bag ni Luna.

Pagpasok ng bahay, makikita agad ang maliit na hapag-kainang kahoy na may dalawang plastic na silya. Kalapit nito ang maliit na espasyo para sa kusina. Sa kabilang gilid, isang mahabang kawayang upuan na malapit sa bintana ang babati sa mga bisita. At dito matatagpuan ang pintuan ng nag-iisang silid sa kubo.

"Inay? Inay?" pag-uulit na tawag ni Luna mula sa labas ng saradong silid, ngunit wala pa ring sagot.

"Ah... baka lumabas siguro ang inay mo kasama si lola," biglang sagot ni Isko.

"Lumabas? At saan naman pupunta? At sino si lola?"

Bahagyang nagulat si Isko sa pag-uusisa ni Luna. Dahil sa kaba, hindi niya sinasadyang madulas ang kaniyang dila't mabanggit ang lola. Mabilis na bumaling ang kaniyang paningin sa mga dala-dala na akala mo'y doon niya matatagpuan ang mga kasagutan sa mga tanong.

"Isko?" tinawag ni Luna ang kasama, ang tinig niya'y malinaw na naghihintay ng tugon.

"Ah," inilapag ni Isko ang dalang bag sa ilalim ng lamesa. "Baka nainip siguro ang inay mo at nagyayang pumunta ng bayan." Lumakad siya sa kusina at kumuha ng tatlong pinggan. Dito, isa-isa niyang isinalin ang mga dalang pagkain.

Lumapit si Luna sa lamesa't yumuko, at saka kinuha ang kaniyang bag. Napatingin sa kaniya si Isko at sinuklian naman ni Luna ito ng makahulugang titig. Umiwas si Isko sa mga mata ni Luna at hinain na lamang ang mga pagkain sa lamesa. Batid niyang naghihintay ng sagot ang dalaga kung kaya't napilitan siyang magsalitang muli.

"Kapahon, bago kasi ako umalis, bale... nagsabi s'ya sa'kin na naiinip daw s'ya rito. Kaya siguro – maaaring ipinasyal siya ni lola sa bayan." Naupo si Isko sa silya at niyaya si Luna'ng kumain. "Halika, kumain muna tayo," sabi niya sabay sulyap kay Luna.

"Sino si lola?" dudang tanong ni Luna habang nakatayo sa kabilang gilid ng lamesa. Ramdam ni Isko ang mga mata ng dalagang nakatitig sa kaniya.

"Ah, si lola," maingay ang kalansing ng kutsara't tinidor ni Isko habang hinahati ang laman ng pritong manok. "Bale, s'ya yung may-ari ng bahay na 'to. Nakilala ko s'ya dahil sa mga magulang ko."

May lungkot ang mga huling kataga ni Isko at tila ba naramdaman iyon ni Luna. Iyon marahil ang dahilan kung bakit bigla siyang natigilan mag-usisa ukol sa matanda.

Hindi alam ni Isko kung paano ipagtatapat kay Luna ang tungkol sa lola. Sa matagal na panahon, hindi rin alam ng binata ang tungkol sa lola'ng hindi niya nakagisnan. Dahil ang totoo'y namulat silang magkapatid na ang tanging alam ay pumanaw ang kanilang lola dahil sa malubhang sakit.

Nalaman na lang ni Isko ang tungkol sa buhay na lola sa natagpuang mga sulat sa loob ng baul ng ama – na kaniya lamang nadiskubre mahigit isang taon ng nakalipas. Nabasa ni Isko ang pangungumusta nito sa kalagayan ng kanilang pamilya, ang pagtanggap nito ng pera mula sa ama, at ang pagkasabik nito sa muli nilang pagkikita – na hindi naman nakadetalye kung paano at kung kailan.

Hindi alam ni Isko kung paano nagpapalitan ng sulat ang ama at ang matanda. Dahil ni minsan, hindi niya nakitang naghulog ng sulat ang ama o mayroon itong liham na binabasa. Naging malaking sikreto ang bagay na iyon na itinago ng kaniyang ama sa matagal na panahon.

Sa sulat, nakasaad ang tirahan ng lola at ang numero nito, kung kaya't hindi gaanong nahirapan si Isko'ng hanapin ang kinaroroonan ng matanda.

"Eh, ang kapatid mo nga pala, nasaan s'ya?" halos pa bulong na tanong ni Luna. Bahagyang lumambot ang kaniyang pananalita.

"Ah, magkakasama silang tatlo sigurado," sabi ni Isko na noon lang naalala ang tungkol sa kapatid. Sumubo siya ng kanin at itinuon na lamang ang atensyon sa pagkain.

Tumahimik ang paligid. Sa asal ni Luna, tila ba nais niyang bigyan ng oras ang binata para makapananghalian ng maayos.

Umupo siya sa mahabang bangko sa tabi ng bintana at nagsabi kay Isko'ng magpapahinga lang muna sandali.

"Pumasok ka na lang sa kuwarto para makapagpahinga ka ng maayos," suhestiyon ni Isko na agad namang sinunod ni Luna.

Nang mag-isa na lang si Isko, bigla na lang niyang itinigil ang pagkain. Sa marahan niyang pagbaba sa hawak na kutsara't tinidor, biglang naglaho ang bahagyang ngiting nakaguhit sa kaniyang mga labi.

Sa pag-inum niya ng tubig, naisip niya ang mga hindi totoong bagay na sinabi niya kay Luna. Ang mga kasinunghalingan niyang sinabi ukol sa kapatid niya at ina ng dalaga ay nais na niyang bawiin.

Habang pinag-iisipan niya kung paano sisimulan ang lahat, bigla namang lumabas ng kuwarto si Luna at kunot noong hinarap si Isko.

"Magsabi ka ng totoo!" galit na wika ni Luna habang nakatayo malapit sa bintana at nakatingin ng masama kay Isko. "Nasaan ang inay ko?"

Kinabahan si Isko. Labis ang pagkabigla niya sa tanong ni Luna. Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon sa mga sandaling iyon.

Paanong?... sabi niya sa kaniyang isip.

"Sagutin mo ako! Nasaan ang inay ko?" sigaw ni Luna sa binata.

"Luna, huminahon ka," tumayo si Isko.

"Ang sabi mo, kasama mo ang inay. Naitakas mo ang inay. Ngunit bakit wala akong makita ni isang gamit niya dito sa loob ng bahay? Ultimo laman ng aparador sa kuwarto, puro mga damit na pang lalaki lang ang laman. Nasaan ang inay?" galit na tanong ni Luna.

"Luna," sambit ni Isko sabay lamukos ng kamay sa kaniyang kalbong ulo. Hindi niya maitago ang pagkayamot sa mga nangyayari. "Gusto ko sanang ipagtapat sa'yo ang lahat simula pa lang nung magkita tayo. Kaya lang natakot ako," ibinaba ni Isko ang kamay sa kaniyang tabi. "Natakot akong mawala ang tiwala mo sa akin at hindi mo pakinggan ng buo ang mga nais kong sabihin." Huminga ng malalim ang binata.

Continue Reading

You'll Also Like

133K 4.1K 34
Nang mamatay ang 3rd husband ni Nikki, naintriga ang magkaibigang Althea at Jozel. Pinagchismisan nila ito. Dito nila malalaman na nakamamatay ang ch...
692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
33.5K 987 14
Bata pa lamang siya, alam na niyang may mali sa kaniyang pamilya. Mas naging kahina-hinala pa nang matuklasan niyang konektado ang buhay niya sa isan...
110K 2.9K 36
Hihiling ka ba sa singsing kahit buhay ang kapalit? Susuotin mo ba? Handa ka na ba? Read at your own risk. - Highest rank#11 (Horror) Date Started:...