Mysterious Guy at The Coffee...

By iamjcquin

2.5M 12.5K 1K

Pagbabasa ng libro ang tanging libangan ni Allison Monteverde, isang fourth year college student sa isang exc... More

MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *2*
MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *3*
MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *4*
MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *5*

MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *1*

318K 4.5K 491
By iamjcquin

Tahimik akong nagbabasa nang yayain ako ni Abby na sumama sa lakad nila ng mga kaibigan niya. Pupunta kasi sila sa mall para manuod ng mall show ng paborito nilang banda. Si Abby nga pala ang roommate ko dito sa dormitory ng school kung saan kami nag-aaral. Mahigit three years ko na rin siyang kasama. Although hindi kami classmates kasi magkaiba ang course namin, masasabi ko na siya 'yung pinakamalapit na kaibigan ko dito sa school. Nag-aaral kami sa isang exclusive all-girls school, and I'm on my last year bilang Marketing student.

Since elementary, palaging sa all-girls na school ako nag-aaral, kaya lumaki ako na medyo mahiyain pagdating sa mga lalaki. Lalo na't hindi rin ako mahilig lumabas o gumimik, most of the time sa bahay lang ako after class, at hobby ko ang magbasa. Kaya dito sa kwarto namin ni Abby, may isa akong bookshelf na puno ng mga libro na nabasa ko na o kaya bagong bili pa lang at hindi ko pa nababasa. Mahilig ako sa mga romance stories o kaya fantasy. Tuwing bibisita rin si Mommy dito, lagi siyang may dala na mga bagong libro. Alam niya kasi na 'yun lang ang libangan ko.

"Hindi na, kayo na lang. Hindi ko rin naman mae-enjoy kung sasama ako, kasi hindi ko naman kilala 'yung banda na panunuorin n'yo," sagot ko sa kanya.

"Allison... Paano mo makikilala kung hindi ka sasama at hindi mo makikita? Minsan naman, i-try mo ring lumabas, hindi 'yung palagi ka na lang nakakulong dito sa loob ng kwarto natin at nagbabasa. Lalabas ka lang 'pag papasok ka na sa klase mo o kaya 'pag nand'yan ang sundo mo pauwi sa bahay n'yo. Hindi ka ba naiinip?" tanong ni Abby sa'kin. Nakakunot pa nga 'yung noo niya habang nagsasalita.

"Hindi. Ang saya kayang magbasa, try mo," sagot ko. Masaya naman talagang magbasa. Sa pagbabasa, marami kang pwedeng matutunan. Pwede ka ring dalhin ng imahinasyon mo sa iba't-ibang lugar na hindi mo pa napupuntahan o hindi nage-exist dito sa totoong mundo. Malalaman mo rin ang iba't-ibang bagay na hindi naman tinuturo sa school. At kapag nagbabasa ako, para na rin akong nanunuod ng movie o kaya palabas sa TV, 'yun nga lang, 'yung palabas eh nagpe-play sa utak ko.

"No thanks!" nakailing pa niyang sabi. "Sige na nga aalis na 'ko. Uuwian na lang kita ng pasalubong. Anong gusto mo?"

Nag-isip ako saglit. "Uhm, gusto ko ng donuts!"

"'Yun lang?"

"Oo, 'yun lang."

"Ok!"

Pag-alis ni Abby, itinuloy ko na 'yung pagbabasa ko. Ilang chapters na rin 'yung nabasa ko nang makaramdam ako ng antok. Kaso ayoko pang tigilan 'yung pagbabasa, kaya tumayo ako mula sa kama at pumunta sa kitchen. Bawat kwarto kasi dito sa dorm ng school, may sariling kitchen at may sarili ring CR. Balak ko sanang magtimpla ng coffee, kaso wala na pala kaming stock dahil naubos ko na pala. "Paano ba 'yan? Kailangan kong mag-coffee, kung hindi aantukin ako nito," bulong ko sa sarili ko. Kaya kahit ayokong lumabas, pupunta ako doon sa coffee shop na malapit dito sa school. Naalala ko tuloy 'yung donut na inuwi ni Abby sa'kin two weeks ago. Doon niya binili 'yun at ang sarap. Simpleng honey-glazed donut lang 'yun pero ang sarap talaga. Hindi masyadong matamis at ang sarap kainin kasabay ng black coffee.

Nakasuot ako ng t-shirt na maluwag at mahabang shorts na konti na lang abot tuhod na, kaya naghanap ako sa closet ko ng damit na isusuot ko panlabas. Isa kasi sa bilin ni Mommy sa'kin, huwag na huwag daw akong lalabas na nakapang-bahay lang at hindi man lang nag-aayos.

Karamihan ng damit ko puro dress. Hindi kasi ako mahilig mag-shopping, pero si Mommy, ang hilig akong bilhan ng mga damit at puro dress nga. Karamihan pa, may lace o kaya floral ang design. Masyadong pa-girl, pero ok lang naman sa'kin, dahil 'yun na rin 'yung nakasanayan ko. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko 'yung pagkakatirintas ng buhok ko. Tinanggal ko muna 'yung eyeglasses ko, nag-powder ng konti saka ko isinuot uli 'yung eyeglasses sa mata ko. Bata pa lang ako malabo na 'yung mga mata ko, idagdag pa na simula pa noon ay hilig ko na talaga ang magbasa. Sa isang araw nga kaya kong tapusing basahin ang dalawang libro. 'Yung tipong ligo, kain at pagpunta sa CR lang ang pahinga. Kinuha ko na 'yung sling bag ko na floral ang design na si Mommy rin ang bumili. Inilagay ko 'yung pulang wallet ko sa bag at binitbit ko 'yung libro na binabasa ko kanina, saka ako lumabas ng kwarto.

Malapit lang naman 'yung coffee shop kaya nilakad ko na lang. Nasa bungad pa lang ako ng pintuan ng coffee shop pero kita ko na agad na halos lahat ng tables occupied na. Balak ko pa naman dito magbasa habang nagkakape at kumakain ng donut. Naglakad na 'ko papasok at pumila na 'ko sa may counter. Medyo may kahabaan 'yung pila at pansin ko, 'pag may mga lumalabas may nago-occupy rin agad ng mga tables na nagiging bakante. Sana sa oras na maka-order na 'ko, may available na upuan na para sa'kin. Nang turn ko na para umorder, sinabi ko na sa cashier na black coffee at dalawang honey-glazed donut ang order ko, saka ako nagbayad. After a few minutes, nasa harapan ko na 'yung tray na may laman na order ko. Pinatong ko sa tray 'yung libro na hawak ko, tapos naghanap na ako ng table. Kaso lahat ata occupied na.

Palinga-linga ako para humanap ng bakante at ang swerte ko kasi may isang babaeng tumayo mula doon sa table na pang-dalawahang tao, na nakapwesto sa bandang sulok nitong coffee shop. Akala ko kasama niyang aalis 'yung lalaking nakaupo rin pero hindi pala. Kasi hindi naman tumayo 'yung lalaki at sumunod doon sa babae. Pagdaan nung babae sa gilid ko, narinig ko pang sabi niya, "Ang gwapo niya talaga..." habang nakatingin sa tissue paper na hawak niya tapos ang saya-saya niya. Ano kayang meron dun sa tissue? May sinulat kasi 'yung lalaki dun sa tissue kanina bago niya iabot 'yun sa babae.

Inikot ko uli 'yung paningin ko sa paligid, pero wala na talagang mauupuan tapos nahihiya pa akong lumapit doon sa lalaki, at itanong kung pwede akong maki-share. Mukha pa namang ang weird niya, kasi nasa loob siya ng coffee shop pero 'yung hood ng jacket niya nakasuot pa rin sa ulo niya at dahil dun, hindi ko makita 'yung mukha niya. Pero sa tingin ko, ka-edad ko lang siya, nasa porma niya kasi. Medyo nangangawit na 'ko sa paghawak ng tray, kaya no choice na ako, bago pa 'ko maunahan ng iba, naglakad ako palapit sa kanya then I asked him, "Can I sit here? The place is full and ito na lang kasi 'yung available na seat."

Hindi siya tumingin sa'kin pero sumagot siya ng, "Sure." Hindi man lang ako tiningnan. Mukhang may pagkasuplado siya, pero ang ganda ng boses niya ah.

"Thanks," sagot ko, tapos ipinatong ko na 'yung tray sa table at naupo ako.

Sinimulan ko nang inumin 'yung coffee, at pakonti-konting kain ng donut habang pinagpatuloy ko 'yung pagbabasa ng libro. Medyo naiilang ako, kasi nga hindi ako sanay na may kasamang lalaki. Buti na lang tahimik siya at hindi ko na masyadong pansin ang presence niya, lalo na't masyado nang natutuon 'yung atensyon ko sa pagbabasa. Pero minsan napapatingin ako sa kanya kapag iinom ako ng coffee o kaya susubo ng donut. Kahit nakatago 'yung mukha niya sa hood ng jacket niya, pansin ko na cute pala siya. Ang tangos ng ilong niya, maganda 'yung mamula-mula niyang labi, pero 'yung mata niya hindi ko makita kasi nakapikit siya. Tulog ata. Pero napansin ko na may cord sa harapan niya. Nakikinig siguro siya ng music.

Medyo napatagal 'yung tingin ko sa kanya, nang bigla siyang dumilat at nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Bigla ko tuloy nilagay 'yung libro sa tapat ng mukha ko, at umarte na nagbabasa. Grabe, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakakahiya kasi, nahuli niya akong nakatingin.

"Maganda 'yung libro na 'yan. Nabasa ko na," narinig kong sabi niya. Ako ba 'yung kausap niya? Hindi ako sumagot at umarte na lang ako na 'di ko siya narinig. Kasi hindi naman ako sigurado kung ako nga 'yung kausap niya 'tsaka nahiya na 'kong tingnan siya. "Miss, ikaw 'yung kinakausap ko."

Nagsalita siya uli kaya napilitan na 'kong ibaba 'yung libro ko tapos itinuro ko 'yung sarili ko at nagtanong, "Ako?"

"Oo, ikaw. Wala naman akong ibang kasama dito, ikaw lang."

"Oo nga naman," sagot ko at matipid ko na lang siyang nginitian.

"Maganda 'yung libro na 'yan kaso tragic 'yung ending. Namatay 'yung bidang lalaki," parang wala lang sa kanya nang sabihin niya 'yun.

"Bakit mo sinabi?!" medyo napalakas ata 'yung boses ko kasi napatingin 'yung ibang tao sa'kin na nasa loob ng coffee shop. Nakakahiya tuloy. Ito naman kasing lalaking 'to, napaka-spoiler!

"Sorry," 'yun lang ang sinabi niya pagkatapos niya i-spoil 'yung pagbabasa ko. Paano ko pa mae-enjoy 'yung story? Alam ko na 'yung ending!

"Ugh! Kainis..." bulong ko. Binaba ko na 'yung libro at pinatong sa table. Nawalan na kasi ako ng ganang magbasa. Kinain ko na lang 'yung natitira pang donut at nakasimangot ako habang kumakain.

"Miss, sorry... Huwag ka nang sumimangot d'yan."

"Sobrang na-hook na 'ko dito sa binabasa ko, na halos ayaw ko nang bitawan, tapos bigla mong sasabihin 'yung ending? Kainis talaga," sabi ko sa kanya. Hindi ako nahiyang sabihin sa kanya na nainis talaga ako.

"Sorry na. Ano bang pwede kong gawin para makabawi?" nag-isip pa siya saglit. "Ah, alam ko na!" biglang nagliwanag 'yung mukha niya. Kulang na lang makakita ako ng bumbilya sa ibabaw ng ulo niya. Bago pa niya masabi 'yung naisip niya, nag-ring 'yung phone niya. "Miss teka lang, may tawag ako." Kinuha niya 'yung phone niya mula sa bulsa ng pantalon niya at kinausap 'yung nasa kabilang linya. "Hello. O, sige, sige. Pupunta na 'ko d'yan. Pasensya, 'di ko namalayan 'yung oras. Ok! In ten minutes nand'yan na 'ko. Bye," tapos pinatay na niya 'yung phone. "Miss, I have to go. Tungkol sa atraso ko. Meet tayo dito bukas. Same time. May ibibigay ako sa'yo," pagkasabi niya nun, may kinuha siya sa bulsa ng jacket niya. Shades pala. Sinuot niya agad 'yun saka siya lumabas. Siguro sensitive 'yung mga mata niya sa araw?

Sa pagmamadali niya, ni hindi ko man lang nasabi kung payag ba 'ko o hindi doon sa sinabi niyang mag-meet kami bukas dito sa coffee shop. Namroblema pa tuloy ako kung imi-meet ko ba siya kinabukasan. Feeling close siya masyado. Kaso naisip ko na baka magpunta siya tapos hindi ako pupunta, kawawa naman kung paghihintayin ko. Kaya obligado na 'kong pumunta at i-meet siya uli.

Continue Reading

You'll Also Like

518K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
166K 5.8K 53
The S's #5 Z
7.3M 191K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
732K 37.1K 21
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...