MYSTERIOUS GUY AT THE COFFEE SHOP *2*

102K 2.1K 129
                                    

Nang maubos ko na 'yung coffee at donut, nag-decide na 'ko na bumalik sa dorm. Habang naglalakad ako pabalik sa dorm, naiisip ko 'yung lalaki sa coffee shop. Hindi ko man lang natanong 'yung pangalan niya. Kahit anong info tungkol sa kanya wala akong alam. Parang mystery guy tuloy. Tapos makikipagkita ako sa kanya uli kahit hindi ko pa alam kung ano ba 'yung gagawin niya, para pambawi sa ginawa niya. "Hay, bahala na nga," bulong ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa dorm, wala akong magawa dahil ayoko nang basahin 'yung libro na binabasa ko kanina, dahil nga sinabi na ni Mysterious Slash Spoiler Guy 'yung ending. Kaya para may magawa ako, kumuha na lang ako sa bookshelf ng bagong libro na babasahin. At sa sobrang tutok ko sa pagbabasa, hindi ko na namalayan 'yung oras. Maya-maya dumating na si Abby. "Allisssooon! Sayang 'di ka sumama, ang galing-galing at ang cute-cute talaga ni Ian!" sigaw niya pagkapasok na pagkapasok sa kwarto.

Napatingin ako sa kanya, "Ang ingay mo Abby. Nagbabasa ako, 'tsaka sino bang Ian?" tanong ko, pero ibinalik ko rin agad 'yung atensyon ko sa binabasa ko.

"Si Ian, my Ian!" Ah, naalala ko na. 'Yung drummer nga pala ng favorite band niya. "Anyway, my God Allison! Umalis ako, nagbabasa ka. Pagbalik ko nagbabasa ka pa rin?"

Tiningnan ko siya, nginitian saka ako sumagot ng, "Ganun talaga," tapos balik uli ako sa pagbabasa.

"Buong araw ka lang ba talaga d'yan na nagbabasa?" tumabi si Abby sa'kin, medyo pabagsak pa 'yung pag-upo niya kaya gumalaw 'yung kama. Nahinto ako sa pagbabasa, kaya ipinatong ko na 'yung libro na binabasa ko sa ibabaw ng drawer na nasa tabi ng kama ko. Alam ko kasing hindi ako titigilan ni Abby, dahil kilala ko na siya. Kapag galing siya sa mall show ng favorite band niya, hindi niya kayang hindi magkwento. 'Yung tipong sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong makinig sa kanya.

"Hindi naman. Lumabas ako kanina."

"Wow! Himala at saan ka naman nagpunta?"

"D'yan lang sa coffee shop. Naubusan kasi tayo ng coffee 'tsaka nagutom din ako," kwento ko sa kanya. "Teka, nasaan na 'yung pasalubong mo para sa'kin?" tanong ko.

"Ayan. Ubusin mo 'yan ah," tapos ipinatong niya 'yung box ng donut sa hita ko.

"Thanks Abby!" binuksan ko agad 'yung box ng donut. Ewan ko ba, kahinaan ko kasi ang donut! "Kamusta ang lakad n'yo?" tanong ko sa kanya habang pinipili ko kung anong unang donut ang kakainin ko. Iba't-ibang flavors kasi. At muntik ko nang maibagsak 'yung box sa gulat ko kay Abby, kasi bigla siyang tumili.

"Eeee!!! Naalala ko na naman si Ian! Ang gwapo niya talaga! Ang galing-galing niya tumugtog ng drums!" tapos naghahampas siya sa hangin na akala mo nagdru-drums din siya.

"'Yun lang, gwapo na?" tanong ko. Hindi naman kasi ako fan ng mga banda. Kaya hindi ko ma-gets kung anong ikina-gwapo nun.

"Gwapo talaga siya! Kung sumama ka, siguradong magkaka-crush ka rin sa kanya."

"Hindi siguro," nakailing ko pang sagot.

"Ang KJ mo girl o baka naman..." huminto siya saglit sa kunwaring pag-drums niya sa hangin at tiningnan ako nang diretso sa mata. "Don't tell me lesbian ka?"

"Hindi 'no. Wala pa lang talaga akong nagugustuhan na guy."

"Paano naman kasi magkakaron? Palagi ka na lang nakakulong dito. School-dorm-bahay ka lang. Try mo kasing lumabas. 'Yung labas na medyo malalayo ka dito sa school ha."

"Pero may nakita akong guy kanina sa coffee shop. Cute siya," tumili na naman si Abby pagkasabi ko nun.

"Talaga?! Anong pangalan? Taga-saang school? Ilang taon na? Anong course?" Ang daming tanong ni Abby at sunud-sunod pa.

Mysterious Guy at The Coffee Shop - Published under Viva-PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon