Female Yakuza - Assassin [BOO...

By iammejlyn

157K 3.2K 534

[The Assassin Sequel] *NO SOFTCOPY* © 2014 by iammejlyn Kyomiko Azumi, 18. When I was 16 years old, there's a... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 - YAKUZA GIRL
CHAPTER 2 - I MET MY DAD
CHAPTER 3 - THE REASON
CHAPTER 5 - ALICE
CHAPTER 6.1 - FOR THE SECOND TIME
CHAPTER 6.2 - FOR THE SECOND TIME
CHAPTER 7 - POLICE
CHAPTER 8 - COP VS ASSASSIN
CHAPTER 9 - FAIL
CHAPTER 10 - LOOK WHO'S BACK
CHAPTER 11 - AT THE TOP
CHAPTER 12 - EXCITEMENT
CHAPTER 13 - I'M THE BOSS
CHAPTER 14 - FRIENDS
CHAPTER 15 - BACK FROM THE DEAD
CHAPTER 16 - TAKA
CHAPTER 17.1 - ASSASSIN x ASSASSIN
CHAPTER 17.2 - ASSASSIN X ASSASSIN
CHAPTER 18 - DEVILISH WEAPON
CHAPTER 19 - HIM
CHAPTER 20 - AMBUSH
CHAPTER 21 - 4:1
CHAPTER 22 - IT'S OVER OR NOT?
CHAPTER 23 - GOODBYE TO THE FYA
CHAPTER 24 - FIRST DAY
CHAPTER 25.1 - STILL BORED
CHAPTER 25.2 - STILL BORED
CHAPTER 26 - OPPONENT
CHAPTER 27 - I'M DEAD
CHAPTER 28 - LOOKING FOR SOME FUN
CHAPTER 29 - FUTURE
CHAPTER 30 - EXCRUCIATING PAIN
CHAPTER 31 - DREAM
CHAPTER 32 - TEACHING A LESSON
CHAPTER 33 - ENNEA
CHAPTER 34 - HE'S HERE
CHAPTER 35 - FIRST TASK
CHAPTER 36 - RING OF HELL

CHAPTER 4 - PHILIPPINES

5.9K 111 19
By iammejlyn

CHAPTER 4 – PHILIPPINES

 

“Are you sure, Azumi?” Sabi ni mommy. Naiinis pa din ako sakanya. Nasa airport kami ngayon, hinatid nila ako. Ako lang ang uuwing Pilipinas. Miss ko na din kasi sila Obaasan at Ojiisan. (Grandma; Grandpa)

 

“Yes.” I said. Poker face lang ako pagkinakausap ako ng mom ko lately. Naiinis pa din ako.

 

“Mamimiss ka ng mga kapatid mo.” She said. Mas lalo akong nainis sa kanya. Ibig niya lang sabihin ay ‘Mawawalan ng mag-aalaga sa kapatid mo’. Paksht! Yun lang naman tingin niya eh. Mahal ko mga kapatid ko, pero iba trato sa akin ng nanay ko. Ginagawa akong katulong. Alam kong may obligasyon akong tumulong pero iba talaga eh. Halatang may favouritism. Ayoko sa lahat ang ganon.

 

“Halika na, ihatid na kita sa entrance. Malalate ka na.” Dad said. I nodded. I hooked my hand on his arm. Ganito kami kaclose ng dad ko. Kahit na nagkaroon ako ng hinanakit sa kanya noon? At kahit na ang mother ko lang ang kasama ko noon, ngayon kabaliktaran ang nangyayari.

Nakadating na kami sa entrance, hinalikan ako ni Dad sa noo. “Take care, anak. Tatawag ako after 6 hours. Ingat ka doon. Araw araw akong tatawag—“

 

 

“Dad. Okay lang ako, remember?” I smiled. He smiled back at tumango tango.

 

 

“Pakabait ka doon ah? Wala ng away.” I nodded. “Lalo na’t wala sila Blake at Tomoyuki doon.”

“Si Blake po yata susunod eh. Si Yuki, mukhang hindi. Gusto niya daw po ditong magcollege.”

 

 

“Ah, I see. Anyway, larga na.” Hinug ko ng mahigpit ang dad.

 

 

“Aishiteru jiji.” (I love you dad)

 

“Aishiteru mo.” (I love you too)

Then I’m off. Almost 4 hours ang byahe ko, diretso agad ako sa bahay. Sinalubong naman ako ng mga yakap at halik ng mga lolo at lola ko. Gayundin si Tito Shinichi with his wife and anak.

 

 

“OKAERINASAI!!” (Welcome home) Pagkapasok ko sa mismong loob, andaming tao! Sinalubong nila ako ng confetti at pagbati. Lahat ng kamag-anak namin halos andito. Even my second cousins!

 

 

“Ate Azumi!” Sabi sa akin ni Fumiko. Kahit nasa Japan si Fumiko hindi kami nagkikita doon, magkaiba kasing city kami at bata pa siya, medyo malayo kasi sa amin. Vacation siya dito sa Pilipinas.

 

 

“Fumiko!” I hugged her.

 

 

“HOY!” May lumapit sa akin tapos hinug ako mula sa likod then binuhat niya ako pataas. “Namiss kita. Matagal kitang hindi nakita.” Ang clingy ng pinsan kong ito.

 

 

“Akira! Ibaba mo ako!” Sabi ko.

 

“Ayaw!”

 

 

“Fine, baka gusto mong—“

 

 

“Hindi joke lang eto na nga oh.” Saka niya ako binaba. “Eto naman, huwag mo akong saktan please.”

 

 

“Bat naman kita sasaktan? Sasaktan lang kita sa yakap! Namiss kita!” Sabi ko sa kanya at niyakap ng sobrang higpit. Hindi man kami laging nagkikita, may communication pa din.

At thankful ako, nandito silang lahat. Akala ko tuluyan na akong malulungkot kaya nga ako umalis ng Japan e. It’s good to be back.

June, start of classes.

Fourth year high school ako. Bakit? Kasi trip ko. Joke lang, hindi ko tinapos yung last year ko kaya tapusin ko daw dito.

 

“Good Morning class. This is your new classmate, she’s from Japan. Treat her well.” Sabi ng adviser namin. I smiled at nagbow. Treat her well? Bully ba tong mga to?

Pinaupo ako ng Teacher namin sa pinakadulo. Nagorient lang teacher namin dahil umpisa pa naman ng klase, ng umalis na siya pinagkaguluhan na ako ng ilan. Hindi ko alam kung bakit.

 

“Anong name mo?” Tanong sa akin nung babae sa right.

 

 

“Azumi.” Sabi ko.

 

 

“Ilang taon ka na?”

 

 

“17.” Sagot ko. Tipid lang talaga ako sumagot. Tapos nagtanong tanong pa sila ng kung ano ano. Mamaya makakarinig na ako ng negatives sa akin. Ganyan naman ang mga tao ngayon eh.

Days passed, madami ng kumakausap sa akin. Nakikipagusap naman ako, but I don’t consider them as a friend. Wala pa akong kaibigan dito.

 

“Huwag kang lalapit sa babaeng yun, malandi yun eh. Tapos bully pa. Mag-isa lang siya, buti nga sakanya.” Sabi nitong Michelle doon sa kaklase naming kakapasok lang. Tinignan ko naman siya, napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay sabay snob.

 

 

“Paano niyo naman nasabi?”

 

 

 

“Kasi yung boyfriend ng kaibigan ko, inagaw niya. Nagbreak sila nung boyfriend ng kaibigan ko tas niligawan niya yung malanding yun.” Turo niya sa babae.

 

 

“Naging sila?” Tanong ko.

 

“Hindi, pero inagaw niya pa din.” Sabi niya. Napakunot noo naman ako. Inakusahan na siyang malandi at mangaagaw dahil lang niligawan siya ng ex ng kaibigan niya? Hindi naman niya kasalanan kung nagkagusto sa kanya yung lalaki eh. Hindi ko na lang pinansin at nagbasa ako.

Pero eto kwento pa din sila ng kwento at parinig ng parinig doon sa girl ng kung ano-ano.

 

“Tigilan niyo na nga yan. Mag-aral na lang kayo, may quiz mamaya.” Sabi ko. Kanina pa kasi sila, iritang irita ako.

 

 

“She deserves that.” Napatingin naman ako sa kanila. Umiling ako at lumipat ng pwesto saka nagbasa. Abnormal pala tong mga ito ehh.

Lunch break, naabutan kong nagkakasagutan yung babaeng malandi daw at yung isang babae sa kabilang section.

 

“Inagaw mo boyfriend ko! At isa pa, tapos parinig ka ng parinig sa akin sa Facebook!” Sigaw nung babae sa ibang section sa babae kanina.

 

 

“Ha? Anong pinagsasabi mo? Wala akong Facebook, at lalong lalo na wala akong inaagaw. Kasalanan ko bang magkagusto sila sa akin?” Sabi niya. I smirked. Oo nga naman.

 

 

“Hoy meron kang Facebook huwag ka nga! Andami pa! Pasikat lang?” Sabi nung babae.

 

 

“Kasalanan ko ba kung madami akong poser? Masyado nila siguro akong idol kaya ginagawahan nila ng sariling Facebook ako.” She rolled her eyes, aalis na sana siya ng hinila siya nung babae at triny sampalin. Pero napigilan niya, kaya hinigit na lang niya ang buhok nito saka sinabutan.

 

“Malandi ka! Malandi!” Sabi nung nanabunot. Walang pumigil sa kanila, hanggang sa may teacher na nakakita at pinaoffice sila. Di ko na nalang pinansin at pumunta ako sa canteen.

 

“Azumi, pinapatawag ka ni Mrs. Reyes.” Sabi ng isa kong kaklase. After kong bumili ng pagkain pumunta akong office. Nakita ko andoon yung nagsabunutan kanina.

 

 

“Ms. Macapinlac! Alam mo, ang talino mo at ganda pero di ko akalain na ganito, makikipagsabunutan ka dahil lang sa isang lalaki!?” Sabi ng Principal namin. Nasa Principal’s office kasi si Mrs. Reyes. Siya ang Vice Principal namin. May office dito for Vice and Principal only, hati sila pero nasa iisang room.

Hindi sumagaot yung Macapinlac. Pero etong isang babae, talak ng talak. Jusko napakaingay. “Ms. Jimenez, pwedeng manahimik ka muna?” Nanahimik naman yung babae. “Sige explain to me, Ms. Macapinlac.”

 

 

“She told me inagaw ko daw po boyfriend niya.”

 

 

 

“Bakit totoo naman ah?”

 

 

 

“Sinong nauna?” Sabi ng Principal.

 

“Siya po!” Turo nung Jimenez kay Macapinlac. Hindi naman nagsalita yung Macapinlac.

 

“Totoo ba yun?” Sabi ng Principal. Hindi sumagot si Macapinlac. “Well then, 3 days kang suspended Ms. Macapinlac. Next time ayokong may nag-aaway na sa corridor at lalo na’t ganyan lang!” Sabi ng Principal namin.

 

 

“Yes, mam! Thank you po.” Tuwang tuwa naman yung Jimenez. Bago siya umalis inirapan niya si Macapinlac. Nagsulat na ang Principal namin ng kung ano at may binigay kay Macapinlac.

 

“I’m very disappointed with you Ms. Macapinlac.” Kinuha na lang niya yung sinulat ng principal saka nagpaalam. I feel bad for her, pero hindi ako dapat nangengealam dahil hindi ko alam ang buong storya.

 

“Ms. Hanazawa, eto ang activity na gagawin niyo ngayon. Hindi ako makakapasok dahil may meeting kami, ikaw na lang ang magcollect at magsubmit sa akin.”

 

 

“Yes, mam.” Sagot ko at bumalik na sa room.

Tapos na ang lunch at sinabi ko na sa kanila ang activity. Gagawa lang naman ng essay kung ano ang ginawa nila noong bakasyon. English kasi eto. Sa kalagitnaan ng activity biglang may nagparinig.

 

“Sayang ang talino kung makati naman.” Sabay tawa ng mga grupo nila Michelle. Hindi na ako sumasama sa kanila kasi obviously, they’re the group of btches.

Tahimik lang si Macapinlac na gumagawa ng essay. Pero tuloy tuloy pa din sila sa parinig. “Manahimik nga kayo, gumawa na lang kayo ng activity. Di lang kayo ang tao sa room.” Sabi ko. Tapos na ako sa essay ko, may mga ilan din pero tahimik lang.

Nagsubmit na sa akin si Macapinlac pagkatapos. Poker face lang siya taposinirapan ako. Di ko na lang pinansin.

Dismissal na at hindi pa din natapos ang pagpaparinig nila. Umiinom si Macapinlac at that time tapos lumapit sa kanya lahat ng miyembro ng group of btches. Andami nilang sinabi hanggang sa..

 

“AAAAAAAAAHHH!! YOU BTCH!!” Pinagkaisahan na nila si Macapinlac. Binuhos ni Macapinlac ang iniinom niyang tubig sa kanilang lahat.

Hindi na ako nakatiis kaya pinigilan namin silang lahat.

 

“TAMA NA!” Sigaw ng president namin. Hawak ko ang dalawang kamay ni Macapinlac.

 

“Bitawan mo ako.” Sabi niya sa akin at binitawan ko naman. Saka siya umalis.

 

“Tumigil na kayo, wala siyang ginagawa sa inyo.” Sabi ko.

 

 

“Wala? Binuhusan nga kami ng tubig eh!”

 

“Suspended na siya for three days sana makuntento na kayo doon.” Sabi ko. Di nalang sila nagsalita. Umuwi na lang din ako, walking distance lang naman bahay ko.

Nakita ko si Macapinlac sa isang waiting shed. Nilapitan ko siya. “Bat di ka umangal nung sinabing ikaw ang nauna? At bakit binuhusan mo pa sila ng tubig?” Tanong ko.

 

 

“Tigilan niyo na akong magkakaibigan.” Na offend ako doon. Yung mga yon? Kaibigan ko?

 

 

“Di ko sila kaibigan.”

 

 

“Ginawa ko yon kasi napikon na ako, isa pa suspended naman na ako. Sulitin ko na.” tinignan ko siya, poker face lang. Tumango tango ako. Tama nga naman siya.

 

 

“Ganon ba? Sige ingat una na ako. Azumi nga pala.” Sabi ko.

“Alice.” She said. That’s the first time na nagapproach ako at nagpakilala.

REASON KUNG BAKIT LATE AKO NAKAKAUPDATE, SUMMER CLASS :))

NAGAADVANCE PO KASI AKO KAYA YUN :))

SALAMAT SA MGA NAGANTAY!! XXX

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
479K 10.3K 72
Siya si Crystal Ice Lee. Isang babaeng cold,Hindi nagpapakita ng emosyon, walang awa,brutal at kinatatakutan ng lahat. Isa siyang gangster queen at m...
457K 10K 49
Blurb: Charm Moldez was a simple snatcher who was able to snatch the heart of Thunder Devoncore, a mafia boss. Snatching and stealing are so easy for...