CHAPTER 19 - UNKNOWN NUMBERS
Pagkadating ko sa bahay, nahiga na agad ako. Ewan ko ba, hindi naman ganoon kadami ang trabaho ko ngayong araw pero pakiramdam ko eh pagod na pagod ako. Buti na lang at hinatid ako ni Gerald. Kotse ko yung gamit niya pero siya na yung nag-drive. Tinanong ko siya kung paano siya uuwi, ang sabi niya ehh magta-taxi na lang daw siya. Hay, ang bait talaga ng bestfriend ko, minsan pakiramdam ko abusado na ako. Haha.
Buong araw niya akong kinulit kung okay lang ako, buti na lang ehh kanina eh tumigil na siya. Ayokong magpaliwanag eh. Ayokong ikwento sa kanya yung tungkol sa ginawa ni Cloud.
Ilang minuto din akong nahiga, just looking at the ceiling of my room. I've been working at Cloud's for almost three days, but it feels like a week already. Siguro, after nung shoot, baka mag-focus na lang ako sa modelling agency at sa boutique ko. Aalis na ako sa opisina ni Cloud afterall, wala na rin naman akong gagawin doon eh. Tapos na rin siguro yung contribution ko doon. At tsaka I don't think magkakaroon pa kami ni Cloud ng photoshoot together after next week eh. Kung sakali man, ayoko na.
At tsaka sabi ni Gerald, after daw magawa nung magazine namin, pwede na kaming umalis sa company ni Cloud. Nandoon lang naman kami kasi ni-request ng kumpanya nila dati na magtrabaho sa kanila kapalit ng pagmo-model ni Cloud. Maganda naman offer nun sa amin so nag-isip kami. Ang babang reason noh? Pero kasi hindi pa namin alam na si Cloud pala may-ari nun, so pumayag si Gerald since malaking tulong si Cloud sa sariling kumpanya ng pamilya niya. Actually, hindi naman talaga ako ang dapat na nagtatrabaho doon ngayon eh. Si Nikki naman kasi talaga dapat eh kasi hindi ako pumayag nun. Kaya lang, last February, ikinasal na siya. Actually, late ko lang din nalaman eh, nung kinasal na siya. Hindi naman kasi sa church o sa beach yung wedding eh, private daw. Ayaw kasi ni Nikki ikasal sa church kasi hindi daw niya mahal yung si Jester (yung pinakasalan niya.) Hindi ko pa nga nakikita yun eh. Ang sabi niya, laging wala yun kasi kung sinu-sino yung babaeng dine-date. Tsk, ewan ko sa kanila, magasawa sila pero iba-iba yung nilalandi. Okay lang naman sa kanila. Ang alam ko nga, based on Gen's story, may bahay sila nung asawa niya pero hindi sila tumutuloy dun pareho. Hindi naman daw aware yung parents nila kasi may usapan na silang sweet lang sila pagkaharap ang parents nila.
So ayun, since newly-wed lang sila, ayaw paalisin sa France si Nikki ng parents niya. Hindi naman sa France naninirahan ang parents ni Nikki ngayon pero ang alam nila eh magkasama si Jester at Nikki since bagong kasal lang sila. Hindi nila alam na kung saan saang lupalop ng mundo pumupunta ang asawa ng anak nila para mambabae at hindi din nila alam na kung saan saan pumupunta si Nikki para manlalaki. Psh.
Pero kahit na yan yung kwento nila, feeling ko may tinatago pa rin si Nikki sa amin eh. Hindi ko lang alam kung ano. Osha, tama na kwento tungkol kay Nikki, storya ko 'to eh. Psh.
Maya-maya, naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Hinanap ko ito sa kama at tinignan sa screen kung sino ang nag-text. Naka-silent mode kasi phone ko these pastfew days kasi ayoko ng may music eh. Naiinis lang ako nang wala sa oras.
Eto na naman yung unknown number na kung tama ang pagkakaalala ko, number iyon nung Karvy. Problema na naman nito!?
From: +63927*******
Hi! Saturday. *insert resto name*. I'll pick you up at 6:00 pm. ;)
-end-
Wow grabe. Bossy? Ni hindi man lang ako tinanong kung free ako this Saturday!? Paano na lang pala kung may importanteng lakad ako nun!? Oh well, buti na lang at wala. Tsk. Pasalamat siya.
Pumasok na ako sa banyo para mag-shower. Gusto ko nang magpahinga ng maaga. Feeling ko kaylangan ko nang ihanda yung sarili ko bukas. Aysh. Bahala na. Matapos akong maligo ehh humiga na agad ako sa kama. Ni hindi naman ako kaagad dinalaw ng antok. Oo nga pala, hindi pa pala ako kumakain. Pero wala akong ganang kumain ngayon, so nag-desisyon akong manatili sa kwarto ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto hanggang sa maalala ko, oo nga pala, makikipag-videochat ako kila Khia! Sana online sila!
Binuksan ko yung laptop ko at nag-login na agad sa Skype. Sadly, ni isa sa kanila, walang online. Hayy, nami-miss ko na sila. Nakakaasar naman oh. Ma-try nga mag-facebook ulit. Last week ko pa ginawa itong account ko eh. Tapos ngayon ko na lang ulit magagamit. Haha.
Nakita ko yung mga friend requests. Shet. Nasa 3, 000 plus! Okay OA ko na. Pero seryoso nga. Ang friend ko pa lang eh si Jonica (secretary ko sa modelling agency) Khia, si Nikki, si Gen, Gerald, Lily, at Jacob. Maliban sa kanila, wala na. Gusto ko mang i-add yung iba ko pang mga kaibigan last time nung nagbukas ako, hindi ko ginawa. Kasi naman, gusto ko silang i-surprise. Kailan kaya ako hindi busy? Gusto ko kasing mag-organize ng reunion namin eh. Kaya lang wala pa akong date eh kasi naman, sa ngayon sobrang busy pa ako. Next week, malamang eh busy din dahil mags-start na yung photoshoot. Maybe, week after next week? Hayyy, excited na'ko! Sana pumunta na dito sa Pinas sila Gen!
Back to the friend requests, titignan ko na sana kaya lang nag-vibrate ulit yung phone ko na nasa tabi ko. Tinignan ko ito, at may panibagong unknown number na naman ang lumbas. Sino naman to!?
"Hello?"
[Good evening, Ms. Rain. Si Shyrile po ito. Sir Cloud's secretary, remember po?] Masiglang sabi niya sa kabilang linya.
"Oh ikaw pala yan, Shyrile. Kala ko kung sino eh. May problema ba?" Tanong ko.
[Wala po, Ms. Rain. Pasensya na rin po pala sa abala, pero iiinform ko lang po kayo na papasok na po bukas yung bagong secretary niyo.] Sabi niya sa kabilang linya.
"Ahh ganun ba?" Nilagay ko yung phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko. Medyo napangiti ako nang makita ko sa screen ng laptop ko na online si Gen. "Sige, salamat."
[Sige po, Ms. Rain, good night.] At ibinaba na niya yung phone. Naalala ko lang bigla na parang sayang lang yung pagkuha ko ng secretary, kasi feeling ko anytime, aalis din ako sa kumpanya ni Cloud. Baka pati yung magiging secretary ko eh mawalan ng trabaho pag nagkataon.
Back to the friend requests, siguro ipapa-accept ko na lang sila sa secretary ko as her first assignment. Hehe.
Oo nga pala, online sila Gen, mai-chat nga.
Me: How r u guys?
Gen: Rain! Nikki here. Gen's--er, I don't know where. She left her account unlogged-out. Maybe she's with her boyfriend AGAIN. Let me tell u, that's what she always do. Flirt.
Me: Look who's talking. ;p
Gen: Shut up, btch.
Me: Since when did u learn to call me bitch?
Gen: Since you left us here, you really are a bitch! ;p
Me: Whatever you say, friend. -_-
Gen: Eww what's that emoticon!? Straight face? Ugly bitch!
Me: HOY BITCH KA NG BITCH DIYAN HA! ANO BANG BINABASA O PINAPANOOD MO NGAYON KAYA NAHAHAWA KA!?
Gen: Hoho chill sis. Joke lang. So how's life there? Miss us?
Me: Wanna go back there. No.
Gen: Why? Mean.
Me: Cloud's an asshole. I know right. :p Where's Khia?
Gen: WHAT THE HECK DID HE DO TO YOU!? I'LL KILL THAT ASSHOLE!!! I killed her. ;)
Me: Can't we stop talking like this?
Gen: What 'this'?
Me: Two topic at a time. Haha.
Gen: K. Khia's---really I don't know where she is. AND NOW LET'S TALK ABOUT THAT ASSHOLE! WHAT DID HE DO TO YOU!!!? ANSWER ME!!!
Napangiti na ako sa reply niya. Kaya natutuwa ako sa kanila eh. Kahit sa chat, alam nila kung malungkot ako o hindi. One thing I love about them? They're always on my side. They never judge me.
Me: KISS ME EARLIER. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa. He told me that I still love him. And I was left dumbfounded. How dare he say those words like he knows me and my feelings!?
Gen: WHAT!? He really did kiss you!? OMG! A prince kissed you!? How I wish I had accepted the offer and not u
Me: Bitch
Pagkatapos kong sabihin sa kanya yung ginawa ni Cloud yun pa reply niya!? Baliw na kaibigan.
Gen: Rain! Si Gen na'to! I read your messages! Pagpasenyahan mo na si Nikki! Malandi eh!
Me: HAHAHAHAHAHA! I can imagine how she looks at u right now when she read this
Gen: Dont worry about her I sent her flying to the moon joke
Me: Haha, so where have u been?
Gen: Ahm just downstairs I had a meeting
Me: U lucky I can't see ur face right now
Gen: Geez ;p
Me: Nikki told me
Gen: U believed her!? Really I had a meeting
Me: With ur boyfie
Gen: NOOOOOOOOO
Me: Yes
Gen: Talk about that asshole
Me: Nothing to say
Gen: Speak up u bitch tell me everything
Me: Where's Khia first?
Gen: Shopping? Eating? Idk she has a life u know
Me: Whatever
Gen: So what now? Tell me or tell me?
Wala na'kong nagawa. Ano nga ba namang purpose ng pago-online ko diba? Diba para mag-confide sa kanila??? So that's what I'll do. Kinwento ko sa kanya lahat.
Gen: How's ur heart
Me: What?
Gen: What did u feel when he kissed u
Me: I was...shocked of course
Gen: I badly want to see ur face right now
Me: Let's talk on Skype
Gen: Cam's not working
Me: Oh what time is it there?
Gen: Working time
Me: Oh sorry I forgot hahaha guess I need to sleep and you to work
Gen: Yeah looking forward to see u soon
Me: Me too. Tell Khia this she won't like it when she's not updated
Gen: I will tc don't let him get under ur skin again. U know better now
Me: Let's talk again some other time. Can't wait to see u mwah
Don't let him get under your skin again. Of course, I know better now.
Pinatay ko na yung laptop at itinabi na ito. Pagkatapos ehh humiga na ako. Babalik na ang dating Rain. Bukas na bukas din. Kakalimutan ko na ang nangyari. Iiwas na ako. Ayokong nakakaramdam ng ganito. Tsk.
Papikit na sana ako nang mag-vibrate na naman yung phone ko.
One message receive
Anong meron at ang dalas ko ata makatanggap ng mga calls and texts from unknown numbers??? Aysh.
From: +63916*******
I'll pick you up tomorrow at 9 in the morning.
-end-
Huh?
Ah, siguro ehh wrong number lang. Feeling close to sa text eh. Baka nga. Baka wrong number lang. Wala rin naman akong natatandaang may lakad bukas ng 9 am. Kaya naman, hindi ko na lang pinansin iyon at natulog na.