CHAPTER 45 - BORACAY (First Day)

885 24 2
                                    

CHAPTER 45 – BORACAY (First Day)

"Okay, okay, attendance muna tayo guys!!!" Excited na excited na sabi ni Mawu habang palinga-linga sa paligid. Nasa tapat sila ngayon ng mini-hotel na tutuluyan namin.

"Wow ah? Teacher lang ang peg? Masayang sabi ni Janselle.

Wow, it's been five years since I last saw them. Si Janselle medyo pumayat. Mahaba na rin buhok niya ngayon unlike dati. Ganun din si Coleen. Hmm, mukhang stress na stress ata tong dalawa ah? Ang hindi lang pumayat sa kanila eh si Kim. Tumaba pa nga po eh. Si Mawu naman, ayun, lalong sumesexy. Ganyan ba kapag nagiging single? Hahah! Pero seryoso, sayang silang dalawa ni Paolo. Tsk.

Sa BSB naman tayo...Hmm, in fairness, kumpleto sila. Si Mark tumangkad pa lalo pero same pa rin bult ng katawan. Si Chalton naman, ayun tumangkad rin, ganun din si Duff, Terrence at Jason. Nandito rin sila Victor, si Ralph, pero wala si Paolo. Alam niyo na kung bakit, syempre, Mawu won't allow his presence. Hahah! Siya nag-organize eh, kaya siya ang masusunod.

Mula sa di-kalayuan, alam ko na na si Janselle pa rin tsaka si Duff. Sobrang sweet kaya ng start ng love story nila, diba? Yung tipong secret admirer lang ang peg ni Duff at nagpapadala pa siya ng mga love letters sa locker ni Janselle. Currently, magkayakap sila ngayon. How PDA.

Sila Coleen at Victor naman, I have no idea actually. Magkalayo sila sa isa't-isa. Ewan ko kung LQ ba sila o katulad nila Mawu at Paolo eh break na rin sila?

At wait, sino naman yung dalawang babae sa gilid na kausap ni Celyn? Hmm, first time ko silang nakita so I'm not quite sure kung kasama ba namin sila or what. Busy rin kasi sila sa pagchi-chikahan sa tabi. At wait, there's one more thing, magaganda sila ah. Kaya naman ang mga boys ay pasulyap-sulyap sa kanila. Wahahah!

And there he is. Cloud. With Ghem. Okay, next topic.

Actually, maganda tong place na to na part ng Boracay. Ni-reserve na daw ito ni Mawu last week pa, and she really paid big para lang kami yung makakuha. Wala gaanong tourists so solong-solo namin yung katapat na dagat.

"Are you alright?" Gerald asked. Nasa loob pa kasi kami ng kotse pero tanaw ko na sila. Tinted yung glass ng kotse so definitely, they won't see us. Ayoko pang lumabas, hindi dahil sa pa-VIP ako ah? Kung hindi dahil kinakabahan lang ako na makausap ulit silang lahat. After all, ang laki rin ng kasalanan ko sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko sila patutunguhan ngayon.

"Yeah, of course. Just a little nervous." Buti na lang eh napilit kong sumama si Gerald sa'kin kung hindi, patay na. Lol.

He holds my hand then say, "Mukhang cool mga friends mo ah? Teka wait, yun nab a si Mawu???" Turo niya doon sa babaeng naka-green kimono. Green pa rin talaga favorite niya ngayon. Hahah!

"Yep, that's her."

"So ano, tara na!" Yaya niya sakin tapos lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako.

"Wait, where's..."

"SKYE???" Confusion and surprise were all evident in their faces.

"H-hi, guys. Siguro naman, invited ako?" Then I laugh at their shocked faces. Ang sarap nilang picture'an isa-isa, swear. Pwede nang pang-meme.

"Rain? Rain Lopez???" Bungad nung isang babae na kausap ni Celyn kanina. Medyo blond yung buhok niya, although definitely a pure Filipina.

"Yeah? Hi." Naguguluhang sagot ko. Pagkatapos ehh inabot ko sa kanya yung palad ko. Inabot naman niya iyon and we shook hands.

"Oh my goodness, it's you!" Tuwang-tuwang sabi niya.

"Skye, ikaw ba talaga yan???" Mukhang hindi pa rin makapaniwala si Jason. "Tsaka, this is Nami pala. She's Chalton's girl friend."

SIX DEGREES OF SEPARATION [Cloud and Skye Story] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon