Montecalvo Sibling: The NBI A...

By Pink_Butterfly1989

415K 11.6K 297

Guwapo, matipuno, galing sa alta-sosyal na pamilya, iyan si LANCE MONTECALVO. Mga katangiang hinahangad ng ba... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:

Chapter 13

20.9K 618 3
By Pink_Butterfly1989




Wala na ang mga lalaki ngunit hindi pa rin makaalis si Kath sa kinatatayuan. Nakapasok na rin ang mga bata sa kanilang munting bahay.

"Oh Kath bakit hindi ka pa napasok. Kanina ka pa nakatulala diyan ah," untag ng ate na niya na papalabas naman sa kanilang bahay.

Napatingin lamang din siya sa kanyang kapatid.

"Naku Kath ha, masama iyan," anitong biro sa kanya. "Maraming bata ang gustong sumikat at maging artista. Itong opportunidad na ito para sa anak mo. Sunggaban mo na lang, bakit natatakot ka pa rin bang makilala ng anak mo ang tunay niyang ama?," dagdag pa ng ate niya.

Napayuko siya sa sinabi nito.

"Ops—sorry Kath. Wala akong intensyong saktan ka, hindi nga pala natin alam kung buhay pa ba siya o hindi," nanlulumong saad na rin nito.

"Iyan na nga rin ang kinakatakot ko ate, nitong mga nakaraang araw kasi ay napapansin kong tila may nagmamatyag sa aming mag-ina," bigay alam sa kapatid.

Bumukas din ang pagkabahala sa mukha nito sa kanyang sinabi.

"Paano mo nasabi?" Tanong nito. Wala siyang nagawa kundi ang ikuwento rito ang mga napansin sa nagdaang araw.

Samantala, habang nasa di kalayuan ay hindi mapigilang mapakunot noo si Lance sa nakikita. Papalabas kasi ng bahay nina Kath ang dalawang kapatid.

"Ano namang ginagawa ng mga ito rito?" Inis na wika sa kawalan. Mukhang humanap pa talaga ng back up ang kuya nila at dinala pa si Jake.

Nakita niya kung papaano titigan ni Jake ang anak habang matamang kinakausap naman ni Liam ang babae. Hindi man alam ang pinag-uusapan ng mga ito pero mukha namang walang binabanggit ang mga ito patungkol sa kaniya.

Ilang sandali pa ay makitang papaalis na ang mga kapatid ay agad na tinawagan ang mga ito.

"Hello," si Jake iyon.

"What are you doing here?" Maanghang na bungad rito.

Dinig niya ang malakas at malutong na tawa ni Jake.

"Hey, relax Bro? So, you're watching us huh? Don't worry, napadaan lang ako mula sa isang community service and I am curious also sa sinabi nitong Liam and it's true. It's really you," tuwang wika pa nito.

Maya-maya ay naulinigan niya ang tinig ng nakakatandang kapatid.

    "Si Lance ba iyan?" Tanong nito.

"Yes and he's spying," tawang pambubuko sa kaniya nito.

Hindi niya tuloy maiwasang hindi sumabad sa mga ito.

"Hey! I'm not spying," depensa niya.

Mas lalong nagtawanan ang dalawa.

    "Stop it!" Sigaw niya.

Ngunit ayaw tumigil ang mga ito kaya pinatay na lang niya ang kanyang cellphone nang maya-maya ay may humintong sasakyan sa tapat niya. Nang bumaba ang bintana ay nabungaran nakangising mukha ng mga kapatid.

"So kaya ka pala missing in action Bro, cause you are in your personal mission. Nice Bro and goodluck," wika pa ng mga ito bago pinasibad ang kanilang sasakyan.

Nang mawala ang mga ito ay muli niyang binalingan si Kath kaya lang laking dismaya niya nang wala na ito sa kinatatayuan nito.

Dalawang araw ang nakakalipas. Sa malayo lang siyang nakatanaw sa mag-ina niya. Parang gusto na niyang magpakita sa mga ito lalo na at tila napapansin ni Kath ang kanyang presensya. Ngunit nag-aalangan siya dahil baka katakutan siya nito. Ibang-iba na kasi ang kanyang hitsura. Hindi na siya ang Lance na nakilala nito limang taon na ang nakakaraan.

Habang nakatingin sa mag-ina habang masayang naglalakad pauwi sa bahay ng mga ito ay biglang nagring ang cellphone niya.

"Yes, Mercado. Anong balita?" Agad na bungad nang makita ang nakalihistrong numero.

Ito ang nakatalagang mangalap ng impormansyon tungkol kay Don Macario Olivares. Very low profile kasi ang matandang hukluban. Akalain ba nilang isa pala itong mayor.

"Yes Boss. We found out that Don Macario Olivares is a city mayor of a certain town in La Union," wika ng kausap at sinabi ang lugar na tinutukoy nito.

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang sinabi ng kausap. Dahil ang lugar na sinasabi nito ay ang mismong kinaroroonan niya and worst ang mayor na nasasangkot sa kasong hawak ay ang boss ni Kath.

"Are you sure on that?" Panigurado rito.

"Yes Sir," gagad namang sagot nito.

"Are you not coming back. Sir so that we can plan what we gonna do?" Untag pa nito.

Napaisip siya bago sumagot.

"Yeah be there in the office tomorrow," aniya rito. Napagpasyahan niyang bumalik na muna at planuhin ang lahat. Saka magpapakita sa mag ina.

Sabagay kailangan niya rin palang bumalik ng Maynila dahil bukas ng gabi ang premier night ng pelikulang dinirek ng kapatid na si Liam. Hindi pwedeng hindi raw siya dumalo sa gabing iyon.

Kaya napagpasyahan niyang lumuwas na rin sa sandaling iyon. Isang sulyap pa ang binigay sa tahanan ng mag-ina bago lumisan.

Kinabukasan ay maagang nag-ayos ang mag-inang Kath at DL upang magbiyahe papuntang Maynila. Dadalo sila sa unang pelikulang pinagbibidahan ng anak. Hindi niya alam kung bakit puno ng pangamba ang dibdib sa sandaling iyon.

Kinuntak niya ang kaibigang si Chona para kahit papaano ay hindi siya gaano mailang sa dadaluhan. Tuwang-tuwa naman ang baklang kaibigan dahil makakarampa na raw sa wakas ang beauty nito sa red carpet.

Isang simpleng bestida lamang ang suot at ang anak naman ay napakaguwapo nito sa suot na pinaghirapang bilhin sa isang boutique sa CSI mall.

Habang tinititigan ang anak ay naaalala na naman ang ama nito. Ang lalaking dahilan kung bakit naligtas ang pamangkin sa bingit ng kamatayan at nag-iwan sa kanya ng isang alaala.

Ganap nang pumatak ang alas sais. Naroroon na rin sila sa cinema 6 kung saan gaganapin ang premier night ng pelikula. Kabado siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa dumarating si Chona. Para tuloy siyang out of place dahil ang gagara ng mga suot ng mga babaeng naroroon.

Ilang sandali pa ay dumating na ang main star na sina Daniella at Bernard kaagapay ay lukot na mukha ng kanilang direktor.

"Oy babae, grabe ha. Hindi ko inakalang magiging artista pa itong si DL ha," tapik ni Chona na nakalapit na pala sa kanya.

Maya-maya ay tumili ito.

"Ay—girl. Fafa, ang guwapo," nguso sa direktor na hindi pa rin mapuknat ang mukha habang matamang nakatingin sa lead star nilang babae habang hawak kamay ito ng lalaking lead star rin.

Mukhang may namumuong tensyon sa paligid ng tatlo. Punong-puno ang kinaroroonang sinehan. Kung saan unang masisilayan ang pelikula ng anak.

Hindi man siya gaanong nag-eexpect pero umaasam din naman na kahit papaano ay nagawa ng anak ng maayos ang role.

Hindi na niya napagtutuunan ang pansin ang mga taong naroroon sa paligid niya dahil natuon agad ang tingin sa simula ng pelikula kung saan bungad ang mukha ng kaniyang gwapong anak.

Napalunok siya ng mabasa sa big screen ang pangalan ng anak. Dean Lancer Montecalvo. Bakit siya kinakabahan ng sobra sa maaaring pagkakalantad ng anak sa publiko.

Nang maya-maya ay nagflash sa big screen ang malaking pangalan ng direktor.

Directed by: Will Liam Montecalvo.

Doon binalot ang kaba ng buong katauhan saka mabilis na hinanap kung nasaan ang direktor at nakaupo ito katabi ng tatlo pang lalaki at isang ginang na tantiya niya ay ina nito. Hanggang sa matuon ang tingin sa lalaking nakabaseball cap at ngayon ay matiim na nakatingin rin sa kanya.

Mas lalong binundol ng kaba ang dibdib, hanggang sa unti-unting lumitaw sa balintataw ang guwapong mukha ni Lance.

"Lance," usal sa kawalan. Habang yakap ang anak na nakatingin din pala sa lalaking kanyang tinitignan.

Napamaang siya sa nasambit. Bakit tila nakita na niya ang mga matang iyon ng lalaki. Pabilis ng pabilis ang sasal ng dibdib habang nagtama ang mga mata nila.

     
     "Lance," papalakas na usal.

      Hindi siya maaaring magkamali. Si Lance ang lalaking kasama ng direktor. Natatabingan man ng sombrero nito ang mukha pero siya iyon.

      "Girl, are you okay?" Alalang tanong ni Chona sa tabi dahil sa kanyang pagkaaligaga.

      "No—I mean yes. Pero bakit ganito Chona. Bakit kinakabahan ako," di mapigilang wika.

      "Naku girl. Excited ka lang," tawang wika nito sa kanya.

     "Maybe," aniya habang hindi mawala ang tingin sa lalaki na ngayon ay paalis sa kinauupuan.

       Kanina pa napapansin ni Lance and tinging pinupukol ni Kathlyn sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na nakikilala siya nito. Hindi pa siya handang harapin ito.

      "Bro, where you going?" Mabilis na awat ni Liam sa kanya nang makitang tumayo na siya.

      "Congrats bro, but I have to go." Malamig na tugon rito.

        "What? Where? Kuya Lance naman?" Angal pa ng bunsong si Kiel.

      "May trabaho ako." Giit pa niya.

      "Me too but I'm here to support our brother," usig pa ni Jake. Sa totoo lang ay mas kailangan ito sa trabaho pero pinaglaanan ang oras ang sandaling iyon para sa kuya nila.

        Muling napatingin sa gawi nina Kath. Nakitang tila tuwang-tuwa ang anak habang nakamasid sa malaking screen. Nakatingin pa rin si Kath at noon ay nakakunot noo. Muli siyang nagyuko.

       Hindi niya matagalan ang ganoong tingin ng babae sa kanya. Para kasing nang-uuri.

      Akma na siyang hahakbang nang muling magsalita ang panganay nila.

      "So, aalis ka talaga? Hindi ka na ba mapipigilan?" Himig tampo nito.

     Isang tingin lang ang sinagot sa kapatid. Maging ang ina ang nagsusumamong tingin din ang binigay sa kanya upang manatili roon bilang suporta sa nakakatandang kapatid.

        Ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakapigil pa sa kanya nang magsimulang maglakad papalayo. Wala na ring nangahas na sundan siya dahil natuon na ng pansin ang lahat dahil nagsisimula na ang pelikula.

        "Lance stay here," wika ng ina.

         "I love you mom," tugon rito.

         "I love you too son, bakit hindi ka dumito muna." Lambing pa nito.

          Ngunit humakbang na siya.

        "Lance!" Tawag ng ina na kinatigil niya.

        Nabigla siya nang tawagin ang pangalan niya. Agad siyang nilingon si Kath dahil baka narinig niya ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina.

       Hindi pa rin pala napuknat ang tingin sa kanya. Obvious na narinig nito ang tawag ng ina sa kanya dahil tutop nito ang dibdib habang nanlalaki ang mata.

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.3K 47 5
[Santillan Series 3] [Completed] [Editing] Kaison Christopher Saldenia's life was good-for-nothing until he meet Chesca Ramos, the reason why he cont...
2K 53 2
[Completed] "Hindi mo naman kailangan pantayan ang pagmamahal na ibinibigay ko sa'yo. Ang kailangan mo lang gawin, ay pahalagahan ito." - Noah Carson...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...