High Love

By jessey_ustefan

12.3K 297 82

Love Triangle ba kamo! Eto na sila, hope you like it guys. More

1
2
3
4
5
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16

6

646 19 4
By jessey_ustefan

Ilang araw nanaman ang lumipas, nagiging busy ang mga bida natin. Si Mika at Ara, habang busy sa volleyball league ay naghahanda na din sa finals nila. Samantalang etong si Jessey ay maliban sa hirap humabol sa mga lessons ay may entrance exam bukas sa La Salle. Kaya todo review si Jessey sa kwarto nya.

Jessey: Hayyyyyyyyyy. Makapasa kaya ako nito. Halos wala akong masagutan ng maayos sa reviewer ko eh. *kausap ang sarili*

???: *kumatok*

Jessey: Pasok!

???: Hinihintay ka namin sa baba, may ice cream kasi dun. Halika kain tayo.

Jessey: Kasi, nahihirapan na ko magreview eh. *naluluha*

???: Oh, bat naiiyak ka na dyan? Parang yan lang. Cry baby ka pala Jess. Halika, saluhan mo muna kami tapos maggroup study tayo mamaya.

Jessey: Promise tutulungan mo ko?*hug sa kausap*

???: Oo, yun lang pala eh. So pano halika na sa baba?

Jessey: Thanks talaga Ara!

Ara: Kung umarte ka talaga parang baby sister ah.

Jessey: Ang galing mo kasing maging big sister!*smile*

Ara: Pacute pa yan oh? Tara na baka ubos na yung icre cream.

Jessey: Opo ate, hehehe!

Ara’s POV

Nakakatuwa naman kami ni Jessey, simula nung naospital ako pinilit kong mapalapit kay Jessey. Kasi nakita ko talaga yung pag-alala nya sakin nun. Isa pa, nung ngakwentuhan kami sa ospital, nasabi nya sakin lahat ng pinagdaanan nya. Dun ako naguilty sa lahat ng pagsusungit ko sa kanya, kaya eto yung way ko para bumawi. Pasado na ba ko para maging ate? Isa pa hindi ako papayag na maging mas close pa sila ni Mika.

Mika: Sa wakas bumaba ba rin kayo, akala ko sakin lang lahat ‘to eh.

Ara: Takaw mo ha! Hindi lang sayo yan.

Jessey: Ang takaw mo naman!

Mika: *sinubuan si Jessey* Nagsalita naman ang hindi matakaw, di ka lang tumataba kaya hindi halata.

Ara: (nagulat sa sweetness ng dalawa habang kumukuha ng icre cream para kay Jessey at para sa kanya)

Mika: Sarap?

Jessey: Oo, hihihi!

Mika: Kutsara ko yan ah.

Jessey: Ok lang, may sakit ka ba?

Mika: Pano pag meron?

Jessey: Ok pa rin. Dali subo pa.

Mika: Wow nasanay ka naman ah.

Jessey: Sige na, isa pa!

Mika: *sinubuan ulit si Jessey* 

Ara: Tama na yan, Jessey oh (inabutan ng ice cream si Jessey). Baka lalo kang mahawa ng katamaran ni Mika.

Mika: *masama ang tingin kay Ara* (inggit lang to samin ni Jessey eh)

Ara: *napatingin din kay Mika* (ano bang meron dito kay Mika, parang batang inaagawan ng kalaro?)

Jessey: Kamusta naman yung pagreview nyo?

Ara&Mika: Ok naman. *nagkatinginan sa isa’t-isa.*

Mika: Ako tinatanong nya!

Ara: Ang dinig ko “Kamusta naman yung pagreview nyo?” Meaning dalawa tayong tinatanong.

Mika: Basta ako yung tinatanong nya.

Jessey: Anong meron sa inyo?

Ara: Wala, ewan ko dito kay Mika.

Mika: Hala ako nanaman?

Shiu: Nag-aaway nanaman po ba kayo Miss Ara at Miss Mika?gusto nyo po ba hanap po ako ng isa pang Jessey? 

Jessey: Ayyyyyyyyyyyy! *big smile*

Ara: Bakit ganyan sya tumawa?

Mika: Ewan, mapang asar yung tawa nya.

Shiu: Pagpasensyahan mo na yang dalawang yan Miss Jessey, nung mga bata pa yan ganyan yan mag-away sa isang laruan eh.

Jessey: So pinag-aagawan nyo na ko, as kapatid nyo? *kinikilig*

Shiu: Ahahaha! Sige po alis na ko. Tawagin nyo na lang ako kung may kaylangan kayo.

Mika: Ako unang naging mabait kay Jessey.

Ara: Eh ano naman? Ako naman yung gusto nyang maging kapatid.

Mika: Totoo yun Jess? How could you!

Jessey: Ara! Bat mo sinabi yun!

Mika: So totoo nga?!

Jessey: Nung una yun, ngayon pareho ko na kayong gustong maging kapatid. Tama na kulitan ha. *kiss sa cheeks ng dalawa* Aral na tayo ulit, medyo nakapagrelax na ko.

Mika: Ah sige aral tayo.

Ara: Wow Mika bago yan ah. Nilalagnat ka ba?

Mika: Jessey turuan mo ko ah.

Ara: Sabi ko na nga ba may binabalak ka lang eh.

Mika: Inggit ka lang!

Matapos ang matinding kulitan, umakyat na ulit ang tatlo at bumalik sa kwarto ni Jessey para doon mag-aral. Tahimik sa buong kwarto hanggang hindi na makatiis itong si Mika.

Mika: Ara, help! Math kasi to kaya nahihirapan ako.

Ara: Ano ba yan? *tinignan yung sinasagutan ni Mika* Ano ka ba naman Mika, parang yan lang eh.

Mika: Eh mahina nga ako sa Math.

Ara: Turo ko sayo to tapos ikaw na gumawa sa susunod.

Mika: Ok!

Jessey’s POV

Wala na kong mahihiling pa ngayon. Noon, laking tuwa ko na nung nalaman kong may kamag-anak pa pala ko. May mas sasaya pa pala. Meron akong dalawang kapatid na lagi kong kasama at super kasundo ko na, ano pa bang kulang? Sana ganito na lang kami lagi. Sana wala ng magbago.

Ara: Jessey, maaga ka pa bukas. Wag ka masyadong pakapagod. Mas mabuti siguro tigil mo na yan, dapat pahinga mo na muna yung utak mo para bukas nasa kundisyon ka.

Mika: Oo nga Jessey. Pahinga ka na tulog na tayo.

Ara: Dito ka nanaman matutulog?

Mika: May usapan kami ni Jessey eh, 3 weeks nga yun eh.

Jessey: 2 weeks lang ah!

Mika: Hep! Sabi ko 3 weeks na, ahahaha! At pumayag ka.

Jessey: Hindi ko maalala yun ah.

Ara: Hay naku Mika, pahirapan daw ba si Jessey?

Mika: Sarap nga ng tulog nya pagkayakap ako eh, humihilik pa sya.

Jessey: Sira ka talaga!*hinampas si Mika sa braso*

Mika: Aray! Uy, namumula! Nahihiya ka? Ahahaha, lakas mo kasi humilik kaya nagising ako minsan eh.

Ara: Wag ka munang matulog dito, para makapagpahinga si Jessey.

Mika: Sino ka ba kapatid nya o nanay nya?

Jessey: Hahahaha!

Ara: Tinatawanan nya ba ko? *tanong kay Mika*

Jessey: Nakakatawa naman kasi eh.

Mika: Tara na nga magshower na ko para makapagpahinga.

Umalis na si Mika at pumunta sa kwarto nito. Naiwan naman si Ara at si Jessey.

Ara: Jessey, nakwento mo sakin na gusto mo mag Architecture diba?

Jessey: Oo, bakit?

Ara: Alam mo ba na nagkakilala si mommy at daddy nung college sila. Naikwento sakin ni mommy na architect daw si daddy. Kung kapatid nga kita, siguro sa kanya mo nakuha yung interest mo na yan. Any way, kaya ko yun nakwento eh dahil dito. *may inabot kay Jessey*

Jessey: Ano to?

Ara: Dad studied at the best university for Architecture ( walang kokontra mga readers). And siguro matutuwa sya kung dun ka rin mag-aaral. So nagpakuha ako ng application kay Shiu. Next week yung exams mo. I know mahihirapan ka nanaman sa pagrereview but I know you can do it. Nandito lang ako para sayo.

Jessey: Universty of Santo Tomas? Thanks Ara! *niyakap si Ara* Alam mo ba pinasaya mo ko sa sinabi mo.

Ara: I know! Ahahaha!

Makalipas ang halos isang oras, dahandahan lumabas si Mika sa kwarto nya. Dala-dala ang unan nya ata papunta sa kwarto ni Jessey.

Ara: Mika!

Mika: Ay kabayo! Ano ka ba?

Ara: San ka pupunta?

Mika: Kay Jessey, teka ikaw?

Ara: Kay Jessey din.

Mika: Sabi ko na nga ba! Nakikipagkumpitensya ka nanaman eh.

Ara: Eh alam ko hindi ka papapigil. Diba sabi nga nila, if you can’t beat them, join them.

Mika: Ah ganun couz!

Jessey: Bakit ang ingay nyo? *binuksan ang pinto*

Mika: Nakatulog ka na ba?

Jessey: Patulog pa lang sana.

Mika: Good!*sabay pasok sa loob ng kwarto ata humiga sa gitna ng kama.*

Ara: Hoy Mika! *pumasok din sa kwarto*

Jessey: Anong nangyayari?

Ara&Mika: Dito kami matutulog!

Jessey: Ok!

Mika: Tabi kami.

Ara: Hindi tabi kami, ilang gabi na kayong magkatabi. Kami naman.

Jessey: Ok tama na yan sa gitna na lang ako ok?

Mika: Fair enough!

Ara: Mukha mo!

Jessey: Ok tama na, ayos na ng higa ah.

Mika: Jessey, hug mo ko ah.

Ara: Manyak lang!

Jessey: Antok na po ako, bukas na ulit tayo magkulitan ha?

Mika: Ingay kasi ni Ara!

Ara: Ok.

Jessey: (kiniss ang dalawa sa cheeks) Good night!

Kinabukasan:

Mika: Ang tagal naman ni Jessey, nangangamote ba sya?

Ara: *sigh*

Mika: Sana bilisan nya, gusto ko ng mag arcade eh. Dapat pala hinintay ko na lang kayo sa mall. Naiinip na kasi ako eh.

Ara: Mika, wala naman kasing nagsabing sumama ka eh.

Mika: Gusto ko lang. Bakit ba?

Ara: So maghintay ka lang dyan, at tumahimik ka.

Mika: Ok. *simangot*

*after ilang minuto*

Mika: Matagal pa ba?

Ara: Mika!

Mika: Bakit ang sungit mo? Ano bang ginawa ko sayo?

Ara: Wala. Pwede ba maghanap ka ng pagkakaabalahan mo.

Mika: *pabulong* Ewan ko sayo. Dapat tapos na sila ah. Bakit wala pa si Jessey, makapaglaro na nga lang.

Nasa Taft ang mga bida natin. Buti na lang walang game ang dalawang to kaya nasamahan nila si Jessey sa La Salle. Entrance exam nya ngayon, ilang oras na silang naghihintay kaya itong si Mika hindi na mapakali sa kinauupuan nya. After ng medyo matagal na katahimikan sa pagitan ng dalawang magpinsan dumating ang hinihintay nila.

Jessey: Sorry natagalan akong makalabas, daming tao eh.

Mika: Jessey! Finally nandito ka na! *hug kay Jessey*

Jessey: Clingy naman Miks! *hug din kay Mika*

Mika: Namiss kita, eto kasing si Ara napakasungit sakin. *pout ng lips*

Jessey: Ay kawawa naman ang baby! Smile ka na dito na ko.

Ara: Ehem! Kamusta yung exams?

Jessey: Ok naman! Sakto lang mga pinag-aralan ko, maraming lumabas sa exam.

Mika: Ok. Yung promise mo ah, mag arcade tayo!

Jessey: Oo game ako dyan! Sasama ka naman Ara diba?

Ara: Ah, oo sige sama ko.

Mika: Ano bang nangyari sayo? Masama ba gising mo kanina? Sabi naman kasi sayo wag ka ng makitulog samin. Di ka sanay na may katabi eh.

Ara: Ok lang ako. *naunang pumunta sa kotse*

Jessey: Nag-away  ba kayo habang wala ako?

Mika: Hindi ah, bait ko nga sa kanya eh.

Jessey: Parang malabo yan ah.

Mika: Tara na! *hinawakan si Jessey sa kamay sabay smile*

FF: Sa Mall

Mika: Basketball tayo Jess, pustahan.

Jessey: Di pa nga ako tapos sa parusa mo sakin pustahan pa?

Mika: Parusa palang makatabi ako sa pagtulog ha?

Jessey: Basta ayoko na ng mga ganyan. Baka sa susunod kung ano ano na yung mga kundisyon mo eh.

Mika: *evil laugh* Hahaha! Masaya ka kasing kapustahan.

Jessey: Ara ok ka lang ba? Bakit ang tahimik mo?

Ara: Ok lang naman. Mika, bakit hindi na lang tayo ang magpustahan?

Mika: Seryoso yan?

Ara: Oo, ano takot ka?

Mika: Hala ako pa ba matatakot? Sige, pag ako nanalo bawal ka na sumama samin ni Jessey matulog ha?

Ara: Deal!

Jessey: Pano pag si Ara nanalo?

Mika: Ewan ko sa kanya, ano bang gusto mo? *tanong kay Ara*

Ara: Pag-iisipan ko pa.

Mika: Ang daya, kaylangan malaman ko muna.

Ara: Bakit aatras ka na?

Mika: Hindi mo na ata ako kilala couz eh, ako pa aatras. Sige kahit ano pa yan.

Jessey: Ok game na!

Bumili sila ng tokens, tapos nahanda na yung dalawa sa pataasan ng score sa basketball sa arcade. Madalas dito si Mika kaya Malaki kumpyansa nya na mananalo sya.

Mika: (Lagot ka sakin couz, matutulog ka na ulit mag-isa sa kwarto mo)

Ara: (Loko to ah, akala nya papatalo ko sa kanya)

At nag-umpisa na yung timer, parehong sure ball kung magshoot yung dalawa. After 60 seconds, parehong pasok sa second stage si Mika at Ara. Kaso lamang si Mika ng 3 points. Sa second stage naman medyo nag-iinit na si Ara, si Mika naman focus na focus sa pagshoot. Pagdating sa last stage pareho nilang nabeat yung high score ng machine, 458-456! Lamang si Ara!

Jessey: Panalo si Ara!

Mika: Pano nangyari yun?

Ara: Pano ba yan Miks, 2 points lamang ko sayo.

Mika: Siguro naglalaro ka dito pag umaalis ka mag-isa no?

Ara: Hindi no.

Mika: Pano mo ko natalo ha?

Ara: Secret!

Jessey: Tanggapin mo na Mika, hahaha!

Mika: Ok sige ano naman yung consequence ng pagkatalo ko?

Ara: Iisipin ko pa.

Habang naglalakad ang tatlo sa loob ng arcade may nakasalubong silang kakilala.

Ara: Danica!

Mika: (hala! Anong ginagawa nya dito?)

Danica: Hi Ara, kasama mo pala si Jessey at si—*napatigil*

Ara: Kamusta na? Iniiwasan mo ba kami? Parang hindi ka na nangungulit ah? NagLQ ba kayo ni Miks?

Mika: Nauuhaw ako, bibili lang akong maiinom natin.

Jessey: Samahan na kita Mika.

Mika: Tara, excuse lang ha. *nakatingin kay Danica*

Ara: So nag away nga kayo?

Danica: May nagawa kasi akong mali eh.

Ara: Ano naman yun?

Danica: Nagsabi kasi ako kay Mika na gusto ko sya.

Ara: Hindi na ko nagulat no, bata pa lang tayo obvious naman na. Curious lang ako, anong sabi ni Miks?

Danica: Edi basted ako.

Ara: Hahaha!

Danica: *naluluha na nakatingin kay Ara*

Ara: Sorry Danica, ok ka na ba?

Danica: Medyo, pero gusto ko sanang maging ok kami ni Mika. Kita mo naman iniiwasan nya na ko. Kaya ako din medyo lumalayo.

Ara: Ok as in ano? Ipupursue mo pa?

Danica: Ara naman, as if naman may chance pa ko after ng nangyari.

Ara: I’m just asking Dang, ano pala?

Danica: Gusto ko lang maging friends kami ulit, kahit yun na lang.

Ara: Mahirap yan pero kaya mo ba?

Danica: Susubukan.

Ara: Alam ko kilala mo si Mika, mababaw lang yun. Masususyo mo rin yun.

Danica: Matutulungan mo ba ko?

Ara: Eh bakit ako?

Danica: Please Ara??

Ara: Ok sige, pero after nito wala na. Make sure na gagamitin mo tong chance na to para magkaayos kayo ha?

Danica: Sige!

Ano kayang naisip ni Ara? Pagbalik ni Mika at ni Jessey si Ara na lang ang naghihintay. Kaya nakahinga ng maluwag si Mika.

Mika: Buti wala na yung friend mo.

Ara: “Friend mo”???

Jessey: Galit ka pa rin ba kay Danica?

Ara: Ewan ko dyan, nga pala may naisip na ko sa pustahan natin Miks.

Jessey: Ano naman?

Ara: Ininvite ko si Danica sa theme park bukas, gagala tayong 4 bukas. At dapat makipag-usap ka kay Danica.

Mika: Daya!

Ara: Oh deal natin yun ah. Sabi mo kahit ano.

Mika: Fine!

Kinagabihan, eto nanaman sila sa kulitan moments nila. Oras na naman ng pagtulog. This time nauna na si Ara sa kwarto ni Jessey at nanunuod na sila ng series.

Mika: Bakit nanunuod na kayo ng wala ako?

Ara: Diba tinawag na kita?

Jessey: Lika nuod na tayo.

Mika: Ano ba yan?

Ara: Suits.

Mika: Ayoko nyan, Jessey nakakaantok yan eh. Eto may dinowload akong bagong episode ng TWD!

Jessey: Ayoko na nyan Miks, napapanaginipan ko na yung mga zombies eh.

Mika: Dito naman ako eh, edi hug mo ko pag natatakot ka.

Ara: Manyak ka talaga.

Mika: Hala! Hindi ka lang makascore eh.

Ara: Sira ka talaga!

Mika: Tama na yan eto na lang panuorin natin please?

Ara&Jessey: Ayaw!

Ngakulitan lang sila at nung inatok na tsaka sila natulog. Tabi-tabi ulit, ano kayang naiisip nitong si Ara at talagang nakikisiksik na sya sa dalawa.

_____________________________________________________________________________

Thanks for reading, thank you pala sa mga comment! :) Susubukan kong galingan sa susunod na update. 

Continue Reading