10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN

167K 3.3K 685
By Khira1112

 

RHEA POV

Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makapasok kami ni Coby sa bahay.

"Are you okay? You look pale." puna ni Coby.

"D-don't mind me. I'm alright." I smiled at him para mapanatag siya.

Nakita kong sumilip si yaya galing sa sala. Agad kong inakay papunta do'n si Coby.

"Dumating ka na pala. At mukhang may kasama ka." yumuko si yaya kay Coby. Kaloka naman 'tong yaya ko. Parang prinsipe ang tingin kay Coby. Sabagay, mukha naman talagang prinsipe 'tong kasama ko.

"Coby, naaalala mo pa ba si Yaya Marta?" tanong ko kay Coby. Nanlaki naman ang mata ni Yaya.

"Coby? Anak ka ba ni Sir Art,hijo?" agad na tanong ni yaya kay Coby.

Ngumiti naman ito at tumango.

"Opo. Naaalala niyo pa po pala ako, yaya Marta. Naalala ko rin po kayo. Kamusta na po?" ang cute magtagalog ni Coby! Haha! Para siyang banyaga na naligaw sa Pinas. Mukhang nasanay siya sa lengwahe ng ibang bansa,ah. Atleast, marunong pa rin siya magtagalog.

At ang pinaka-importante, hindi niya kami nakalimutan.

"Naku! Ang laki-laki mo na! Ke gwapong bata. Mas matangkad ka na sa akin ngayon samantalang bansot ka dati." natatawang sabi ni Yaya. Napahagikgik rin ako samantalang napakamot na lamang sa batok si Coby ngunit nakangiti pa rin. Totoo 'yon. Bansot si Coby dati. Mas matangkad pa nga kaming dalawa ni Anne sa kanya nung mga maliliit pa lamang kaming bata kahit mas matanda ng ilang buwan. Ngayon, hanggang balikat na lang niya ako.

"Mamaya ka na magkwento,ya. Pahanda naman kami ng merienda. Please." pinupo ko muna si Coby sa sofa.

"Sige. Papensya na at na-excite akong masyado." inakay ako sandali ni yaya. Nakatalikod kaming dalawa kay Coby. "Sa kanya ba galing 'yang bulaklak at chocolate na hawak mo?" nginuso niya ang boquet at red box na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin.

Namula ako at tumango. "O-opo."

Namilipit at nangisay si yaya. Aba't talagang mas kinilig pa kaysa sa akin?

"Nanliligaw ba?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Yaya naman! Kadarating lang niya." ibinulong ko na lamang kay yaya ang pagdating ng mga Ramirez. Nakakahiya naman kasi kay Coby. Saglit ko siyang nilingon at nakatunghay siya sa akin. Ngumiti siya ng makitang lumingon ako kaya naman ngumiti rin ako pabalik bago ko nilingon muli si yaya.

"Ya,ayos mukha nga. Naman,oh. Nakakahiya naman kay Coby,eh." ngumuso ako.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti s mga labi ni yaya. Tumango siya ng ilan ulit. "O sige na nga. Hahayaan ko na kayong maglandian- este magkwentuhan dyan. Doon muna ako sa kusina."

Ibang klase talaga 'tong yaya ko. Narinig ko yung 'landian',ano! Talagang sinabi niya pa 'yon,ha. Napailing na lamang ako.

"Si Papa po?"

"Umalis kaninang mga 1. Sabay raw kayong magdidinner." iyon lang at nawala na sa paningin ko si yaya. Muli akong lumingon kay Coby.

"Pasensya ka na kay yaya. Minsan talaga umaatake ang topak no'n." napakamot ako sa aking kilay.

"It's okay. I find her funny naman,eh." Ang cute niya talaga magtagalog. Whaha! Parang gusto ko tuloy i-record ang boses niya.

"So, paano? Uhm, m-magbibihis muna ako,ha. Okay lang ba kung iiwan kita dito? Sandali lang ako."

"Sure. I won't mind." ayan na naman ang pamatay niyan ngiti. Ibang klase ang tama sa akin. Pero kung ibang babae siguro ako, malamang naglupasay na ako sa kilig. Malas lang na hindi ako gano'n ka-obvious.

Umakyat muna ako sa kwarto ko sa second floor. Agad kong hinalukay ang cabinet ko.

Napasinghap ako nang marealize ang isang bagay.

Wala akong matinong damit!

Walang ibang damit dito kundi oversize shirts, printed t-shirts na tribal designs, mayroong plain pero boring naman ng style. Wala akong walaking shorts, puro pants at khaki. Gusto kong magmukmok. Hindi ako ready!

Paano na 'to?! Paano na ako ngayon?

Hindi naman pwedeng magkulong na lamang ako sa kwarto at hintaying umalis si Coby? Hala naman. Paano ko 'to gagawan ng paraan?

Naghalughog ako ulit ng mga luma kong damit. Wala rin. Same design at style. Hindi ako magmumukhang babae nito,eh.

Napatingin ako sa paper bag na nakasingit sa ibabang bahagi ng cabinet.

Nagkaroon ako ng konting pag-asa.

Agad kong kinuha 'yon at tinignan ang laman.

I knew it! Mga damit 'to ni Anne.

Napayakap ako sa paper bag. Waa! Thanks for the miracle,Lord!

Buti na lang at naiwan 'to ni Anne last time na nag-sleep over siya dito.

"Pahiram muna ng damit mo,bestfriend." usal ko.

Agad kong tinanggal ang uniform ko at isinuot ang floral dress ni Anne.

Masyadong girly naman 'tong style pero ayos na 'to. Pwede na pagtyagaan. Mas maganda naman 'to kaysa sa mga t-shirts ko.

Natigilan ako.

For the first time, mas pinili ko ang dress over my precious clothes! Guguho na ba ang mundo?

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin. Maputla ako. Argh! Hindi ako marunong mag-make up. At kahit pa gusto kong ayusin ang mukha ko ngayon, wala naman akong make-up kit.

Okay na 'to! Konting suklay lang ang katapat ng buhok ko dahil maikli lang naman.

Nang makumbinsi ko na ang sarili ko na maganda na ako (kahit hindi naman), saka lang ako lumabas ng kwarto.

Hindi naman ako dati inaabot ng siyam-siyam sa pag-aayos. Takaw oras talaga ang pagpapaganda. Tss.

Nang bumalik ako sa sala, nando'n pa rin si Coby. Tinitignan ang mga nakadisplay na pictures sa side table. May merienda na ring nakalapag sa malaking glass table. Tumikhim ako.

Napalingon siya sa akin. I swear, nakita kong kuminang ang mga mata niya.

Nahihiya akong ngumiti. Umusog siya para makaupo rin ako. I mumured my thanks.

"You're simply breath-taking."

Namula ako ng todo. Kailangan ko ng hangin! Hangin,please! Argh!

"T-thank you."

Yumuko ako. Natawa siya sa inakto ko.

Shit. Ibang Rhea talaga ako kapag siya ang kaharap ko. Never akong naging mahiyain at mahinhin sa harap ng ibang tao. Ngayon pa lamang.

Iba kasi si Coby Ramirez.

"Hindi ka ba sanay na sinasabihan ng compliments?" tanong niya sa akin.

Imbis na sagutin siya, nagtanong rin ako. "Ilang babae ang nabola mo sa Korea?"

Napatitig siya sa akin ng ilang segundo bago humagalpak n tawa.

"What's funny?"

"You. I never thought you'll ask me that question. But you should know that I used to compliment the beautiful things I see." nakangiting sagot niya.

"Meaning, marami ka na ring babaeng nasabihan na maganda sila?"

"Frankly speaking,yes. Girls deserves compliments. That's the real gentlemen act."

I agree. Doon sa part na deserve naming mga babae na masabihan ng compliment at doon sa part na gentleman siya.

Pero mahirap naman ata na lahat na lang ng babae ay pinupuri mo. Mapagkamalan ka pang babaero.

"Wala bang epekto 'yon sayo? I mean, hindi ka ba natatawag na womanizer? Baka sa sobrang pagbibigay mo ng compliment sa mga babae, ma-fall silang lahat sayo."

Kinuha ko ang dalawang sandwiches sa mesa at ibinigay ko sa kanya ang isa.

Tinanggap naman niya 'yon.

"Sometimes. But I just ignore it. Hindi naman 'yon totoo para pagtuunan ko ng pansin."

Tumango-tango ako. "Tama ka dyan. Pwede pa ba ulit akong magtanong?"

"Fire away."

"Naka-ilang girlfriend ka na sa Korea?"

Napatingin muna siya sa akin ng ilang segundo bago niya ako sagutin.

"I only had one. She's half pinay, half korean. Our relationship last for only four months."

"Why?"

"Jealousy. Madali kasi akong mapalapit sa ibang babae. She accused me of being a cheater kahit loyal ako sa kanya. Nagpadala siya emotions at mga hinala niya. Then,she broke up with me."

Tumango-tango ako. Epic fail pala ang lovestory nitong si Coby.

"What about you? Nakailang boyfriends ka na?"

Natigil ako sa pagnguya ng sandwich. Sasabihin ko bang isa akong dakilang NBSB?

Napalunok ako. "W-wala pa."

Siya naman ang natigilan at marahas na napalingon sa akin. "Seriously?"

"W-wala pa talaga."

"Wala bang nanliligaw sayo?"

Napailing muli ako. Kahihiyan 'to. Argh!

Kaysa naman magsinungaling pa ako, sinabi ko na lamang ang totoo. Wala naman talagang nag-dare na manligaw sa akin dahil mas lalaki pa ako sa mga lalaki. Mawiwindang 'tong si Coby kapag nakita at nakilala niya ang tunay na Rhea.

"You've got to be kidding. . ." hindi pa rin siya makapaniwala.

"T-totoo. Wala nga."

"So, wala ka ring first kiss?"

Namula na talaga ako ng sobra. Dapat ko aang sabihin sa kanya na may nakanakaw na ng first kiss ko? Si Delgado. . .

"Wala ngang boyfriend, k-kiss pa kaya." pagsisinungaling ko. Hindi ko masabing meron na! Argh! Nahihiya ako. Ba't naman kasi napunta sa ganito ang topic namin?!

"You're really something." nakangiting sabi ni Coby.

Compliment ba 'yon o insult?

Malamang,compliment! Hindi naman ako iniinsulto ni Coby. Hindi naman siya si Delgado na walang ginawa kundi ibaba ang tiwala ko sa sarili ko.

Teka, ba't ko ba sila kinukumpara? Change topic na nga!

Pero bago pa ako makapag-isip ng bagong topic, nagtanong uli si Coby. "So, ano kayo ni Ren?"

"K-kami ni Ren?"

"Pinaiyak ka niya kagabi pero magkasama kayo kanina. Nag-sorry na ba siya sayo?"

"O-oo. Oo." agad kong kinuha ang juice at mabilis na uminom.

"That's good. Pinatawad mo na?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"You shoul forgive him,Rhea. Pero huwag mo na ulit siyang iyakan." dagdag pa niyang payo. Napatingin akong muli sa kanya.

Naalala ko tuloy yung eksena kanina bago kami pumasok dito sa bahay.

Malamig ang tingin ni Delgado sa aming dalawa ni Coby. Bukod do'n, hindi ko na mabasa ang kanyang mukha. Para siyang nakamaskara at tinatago ang kanyang emosyon.

Lumapit pa nga siya sa akin no'n, akala ko kung ano na ang gagawin ni Delgado. Ibabalik lang pala an librong naiwan ko sa kotse niya. Pagtapos non, tumalikod na siya sa amin ni Coby.

Pinaharurot niya ang sasakyan niya palayo. Naiwan kami ni Coby na halos matakpan ng usok galing sa kotse niya.

"Sa isang school lang ba kayo nag-aaral?"

Tumango ako. "Sa AAA."

Napatuwid siya ng tayo. "Sa dating school namin?"

Tumango akong muli.

Pag mamay-ari dati ng mga Ramirez ang AAA. Hinango nga sa pangalan ni Artemis at yumaong kakambal nito na si Apollo ang pangalan ng academy. Apollo died when he was three years old, may sakit siya at hindi kinaya ng katawan niya ang operasyon. Apollo and Artemis Academy ang meaning ng AAA. Ibinenta ng mga Ramirez sa kay Tito Loren ang academy dahil hindi rin naman ito mapapamahalaan ng mag-anak. Dahil na rin nag-migrate ang mga ito sa Korea.

"Mukhang na-handle ni Tito Loren ng maayos ang academy kahit isa siyang abogado." komento ni Coby na agad ko namang sinang-ayunan. Tito Loren is a nice man. Hindi katulad ng hinayupak na si Ren. Kung hindi na lang sila magkamukha, malamang mapagkamalan kong ampon lang si Lawrence Delgado.

"Kwentuhan mo naman ako." nakangiting wika ni Coby. Makakatanggi pa ba ako sa kanya? Syempre,hindi na.

Kaya nagkwento ako ng kung anu-ano sa kanya. 3/4 na totoo, 1/4 na kwentong barbero. Sinasakyan niya ang mga biro ko. Minsan hindi niya ma-gets at ako na lamang ang natatawa sa reaksyon niya.

Siya man ay maraming nakwento sa akin sa pag-stay niya ng ilang taon sa Korea.

Masarap kakwentuhan si Coby. Hindi nga namin namalayan ang oras. Mag-a-alas syete na pala.

"Aalis na ako,Rhea. Susunduin ko pa si Artemis sa mall." tumayo na siya.

"Yayayain pa sana kitang mag-dinner kasama namin ni papa pero baka mainip pa si Artemis. Maybe,next time?"

"Sure. Mukhang mapapadalas naman ako dito,eh." he chuckled. Hindi ko alam kung may nais ba siyang iparating. Ayoko namang maging asyumera.

Hinatid ko siya hanggang gate. "Thank you sa pagbisita,Coby. And do'n din sa flowers at chocolates."

"You're welcome." kumindat pa siya sa akin kaya natawa na lamang ako. Medyo komportable na akong kasama siya.

"I enjoyed today." dagdag pa niya.

"Ako rin."

"Pwede ba kitang ihatid sa academy bukas?"

"H-ha? Ah. . .eh. . .huwag na. Makakaabala pa ako sayo. . ."

"No, it's okay. Ano bang oras ang pasok mo."

"7:30."

"I'll pick you up fifteen minutes after seven. Is it okay with you?"

Wala na akong nagawa kundi pumayag. May pagka-makulit rin 'tong si Coby.

I waved at him hanggang sa mawala ang sasakyan niya sa paningin ko.

Saka ko naramdaman an pagod nang pumasok muli ako sa bahay. Ang daming nangyari ngayong araw. Gusto ko na magpahinga. Sasabihan ko na lang si yaya na hindi ko na mahihintay si papa sa dinner.

Umakyat ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili sa kama.

Napaungol ako nang marinig ang malakas na pagtunog ng cellphone ko na nasa bag.

Patamad kong kinuha 'yon.

Si Anne ang tumatawag.

"Hello."

"Ba't hindi ka pumasok?" bungad sa akin ni Anne.

"Good evening to you ,too." sarkastikong wika ko.

"Huwag mo sabihing tinamad ka na naman,Rhea Louisse?"

"Argh! Shut up,Anne. Ikukwento ko na lang sayo bukas. Matutulog na ako. Bye."

Iyon lamang ang sinabi ko at pinutol ko na ang tawag.

Ihahagis ko na ang phone ko nang bigla naman itong mag-vibrate.

One message recieved.

Nanggigil ako. Mga istorbo naman!

Binuksan ko ang message.

Lalo akong nainis nang makita kung sino ang nagtext.

Si Delgado.

Ano na namang trip ng bwisit na 'to?

Patamad kong binasa ang text niya.

Bakulaw (Bakulaw ang name ni Ren sa phone ni Rhea. Haha!) : I'll pick you up tomorrow morning. Sabay tayong papasok.

Napabangon ako.

Wait.

What?!

Binasa kong muli ang message niya, baka namalikmata lamang ako pero walang nagbago sa mga salita. Iyon pa rin.

"What the heck. . ." usal ko. Nasapo ko ang aking noo. Naka-oo na ako kay Coby.

Nagreply ako.

Me : Susunduin ako ni Coby bukas.

Sent.

Naghintay ako ng reply.

Ang tagal! Tatlong minuto na, wala pa ring reply.

Nag-vibrate ulit ang phone ko. One message recieved.

Agad kong binasa 'yon.

Nanlaki ang mga mata ko sa reply ni Delgado.

Bakulaw : Uunahan ko siya.

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 113 8
Hi, mga mahal ko! If you are new to my stories, here is the list of how you should read them in order. I also have a list of my important announceme...
4.4M 105K 35
***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful bec...
220K 5.3K 40
What if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audr...
1.7K 42 7
Take one, you broke my heart. Take two, I'll save myself from falling apart. *** Isang ordinaryong babae lang naman si Claxire Montaverde. Ang tangin...