Retired Playboy

By JFstories

13.5M 385K 136K

Macario Karangalan Sandoval More

Prologue
MACARIO KARANGALAN SANDOVAL
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 20.1
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 28

415K 14.8K 8K
By JFstories

NAPATANGA sa akin si Macoy na para bang hindi narinig ang sinabi ko.


"A-anak ko si Macky..." Garalgal ang tinig ko.


Pinunasan ko ang mga luhang naglandas mula sa aking mga mata. Ilang beses sinabi sa akin nina Papa at Mama na walang dapat makaalam. Paulit-ulit nilang sinabi na wala dapat makaalam ng katotohanan. Katotohanang anak ko si Macky. Ang batang babae na itinago sa pangalan ng isang lalaki.


Matagal na tigagal si Macoy bago siya muling nakagalaw. Halos hindi siya makalakad na lumapit sa akin. Kamuntik pa nga siyang matumba nang hawakan niya ang magkabila kong balikat.


"W-what did you just say?" Hindi siya makapaniwala. Hindi rin siya makapagsalita nang maayos.


Napayuko ako. "A-anak ko si Macky... Ako ang tunay nyang ina..."


Napanganga siya. Para bang ngayon niya lang ito narinig mula sa akin, gayung kanina ko pa iyon sinabi sa kanya.


Nanginginig ang mga kamay nyang nakahawak sa aking magkabilang balikat. "T-tell me..." Napalunok siya. "A-ako ba ang ama–"


"No."


"Huh?" Napakurap siya.


Tinabig ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking balikat. "D-don't worry. Hindi ikaw ang ama niya, 'wag kang assuming."


Bumagsak ang balikat niya. Nagdilim ang kanyang mukha. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.


"I just told you the truth, that's all. Ako ang tunay na ina ni Macky—"


Nag-igting ang kanyang panga. "You mean you cheated on me kaya ka nabuntis ng iba!"


"You cheated on me, too, remember? Quits lang."


Marahas nyang hinuli ang braso ko. "Who's her father?!" Nanggagalaiti siya sa galit. Pulang pula ang kanyang mukha.


Galit siya? Bakit siya galit? Nagloko rin naman siya noon, di ba? 


Nag-isip ako ng sasabihin sa kanya. Sino ba ang ama ni Macky? Pumasok sa isip ko ang isa sa mga naging schoolmates namin noong high school, iyong nanligaw noon sa akin na kinainisan niya dahil sa sarili niyang kagaguhan.


Ngumiti ako sa kanya kahit luhaan ang aking mga mata. "Si... si Gin."


Bintawan niya ako at tinalikuran. "Fuck!" Napasuntok siya sa hangin.


Napamewang si Macoy habang nakatalikod sa akin. Kahit nakatalikod siya ay naririnig ko kung paano magtagis ang mga bagang niya. "Ang tagal na non," sabi niya sa mahinang boses ngunit may diin. "After the high school graduation, nagkita pa pala kayo ng ungas na iyon."


"Yup. Nung college tayo, pagkatapos mong magloko ulit, nagkita kami ni Gin."


Hindi siya kumibo.


"Don't tell me, galit ka–"


"Of course not. Bakit naman ako magagalit eh past na 'yun." Sabay tadyak niya sa gulong ng kanyang kotse.


"Good." Mapakla akong ngumiti.


Nilingon niya ako habang ang kanyang mga mata ay naniningkit. "Biruin mo, habang binubuntis ko si Pearl na ang naging bunga ay si Panther, ikaw naman ay binubuntis ni Gin na ang naging ay si Macky. Ang galing, 'no?" Pilit siyang ngumingiti gayung halata naman sa tinig niya na galit talaga siya.


"Ganun talaga. Bawi-bawi lang kapag may time."


Lalong nagsalubong ang makakapal nyang kilay, nakita ko pa ang pagtatagis ng mga ngipin niya.


Ang tindi talaga ng mga lalaki. Ang gusto nila, sila lang ang may karapatang magloko, pero 'pag sila ang niloko, akala mo katapusan na ng mundo.


"Pumasok ka na sa kotse." Padaskol nyang binuksan ang pinto.


Pumasok ako at naupo sa passenger's seat. Padabog nyang isinara ito.


"Are you sure na 'di ka galit?" tanong ko sa kanya pagkaupo niya sa driver's seat.


"Hindi nga. Why?" Ipit ang kanyang boses na para bang kaunti na lang ay manununtok na.


"Wala naman. Akala ko kasi ay galit ka,"


Binuhay niya ang makina ng sasakyan at saka pinaharurot. Gigil na gigil nyang tinapakan ang accelerator.


"Magpapakamatay ka ba?"


"Wala lang. Nagmamadali lang talaga akong umuwi." Parang dudurugin na niya ang busina sa mga sasakyan na dinadaanan niya.


"Sure ka talaga, di ka galit?"


"Putangina hindi nga! Bakit naman ako magagalit, ha?! Bakit?!"


"W-wala naman." Kunwari ay kalmado ako, pero takut na takot na ako sa speed niya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng upuan dahil paesi-esi ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.


Ilang sandali pa'y nakauwi na kami sa apartment niya. Buti na lang at hindi niya nabangga ang gate niya kanina. Kung pumreno kasi siya ay patadyak sa break.


Padabog ulit nyang isinara ang pinto. "Umuwi ka na, gabi na!"


"Please, wag mo sanang ipaalam kahit kanino yung sinabi ko sa'yo. Lalong-lalo na kay Macky."


Tinalikuran niya lang ako. "Just don't tell Panther that I'm his father. Bumubwelo pa kasi ako."


"Deal." Pagkasbi'y naglakad na ako palayo.


Hinabol niya ako at hinuli ang aking pulso.


Gulat akong humarap sa kanya. "W-what?"


"Bakit sa dinami-dami ng lalaki, siya pa? Malaking tao lang yun, pero maliit ang titi non."


"Bakit mo alam?!" Tinaasan ko siya ng kilay.


"N-nakita ko dahil lagi ko siyang nakakasabay magbanyo nung fourth year."


Tinabig ko ang kamay niya. "Ano ba talaga? Galit ka ba talaga o hindi?"


"Bakit naman ako magagalit? Feeling mo nagseselos ako? No way." Nalukot ang mukha niya.


"Eh, bakit ang dami mong satsat diyan?"


"Hindi lang ako makapaniwala na hindi ka lang natikman ng gagong iyon, dineposituhan ka pa!"


Sinuntok ko siya sa dibdib. "Wag kang maingay dahil baka may makarinig sa'yo!"


Kinuha niya muli ang aking pulso at naglakad hila-hila ako.


"S-saan mo ba ako dadalhin?"


Dinala niya ako sa sulok at isinandal sa pader. Ikinulong niya ako gamit ang kanyang braso.


"A-ano na naman yan?" Tiningala ko siya. 


"Tell me. Bakit mo nagaawa sa akin iyon? Are you not satisfied to me?"


"Eh, ikaw? Bakit mo nagawa sa akin iyon? And I'm sure hindi lang si Pearl ang ikinama mo. Pihado siya lang talaga ang nadisgrasya mo..."


Hindi siya nakasagot. Napasuntok siya sa pader na sinasandal ko, at pagkatapos niyon ay pumasok na siya sa kanyang apartment.


Napaupo ako na tila ba nanlambot ang mga tuhod. Niyakap ko ang aking sarili at ipinagpatuloy ang aking pagluha. I hope this is right. Sana lang talaga ay tama itong ginagawa ko.


...


PAGBANGON ko mula sa kama ay sinalubong ako nang yakap ni Macky. "Mowning, Pampam!"


Napakamot ako at antok pa na gumanti ng bati sa kanya. "Good morning, Macky..."


"'Pasok na ko," nag-salute siya sa akin.


"Ingat ka. Wag kang maninirador ng classmates mo, ah."


Magkasama kami na bumaba ng sala. Inayos ko ang suot niyang bag bago siya inihatid sa may pinto. Nasa labas ang school bus na naghihintay sa kanya.


Bago pa siya umalis ay lumingon pa siya sa akin at nag-salute ulit. "Ba-bye, Pampam! Labyu!"


Nakangiti na kumaway naman ako sa kanya. "Bye, Macky. I love you too."


Nakaalis na ang school bus ay nakangiti pa rin ako sa may pinto. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko si Ate Nita. Nakahalukipkip ito at nakamasid pala sa akin.


Nagulat pa ako sa aking paglingon. "Ate Nita!"


Lumapit siya sa akin. "Ano yung nakita ko?"


"Ha?"


"Bakit lumalapit yata sa'yo ang loob ng bata?"


"W-wala lang iyon. Normal lang naman iyon na inihatid ko siya sa pinto. Pero si Mama pa rin ang nag-aasikaso sa kanya pagising at pagpasok sa school. Hindi ako."


"Pamela, listen to me." Bakas sa mukha niya ang galit. "Layuan mo si Macky."


Tinitigan ko siya nang masama. "Ate, anak ko si Macky–"


"Hindi mo siya anak! Anak siya ng lalaking bumuntis sa'yo, pero hindi mo siya anak!"


"Ate Nita, naman. Baliktarin man ang mundo, kahit pa iba ang pagkakaalam ng mga tao at kahit pa pineke niyo ang mga papel sa pagkatao ng bata, hindi niyo mababago na sa akin galing si Macky!"


Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi. "Alam mo ba kung nasaan si Mama? Andun pa rin sa hospital! Naka-confine dahil sa'yo!"


Nasapo ko ang aking pisngi.


"Sino ang nagbayad ng deposit sa ospital, ha, Pamela? Sino? 'Di ba ako? Kasi wala ka namang pang-deposit! Wala ka'ng pera dahil inubos mo sa bill dito sa bahay! Ibig sabihin lang niyon, isang kahig, isang tuka ka!"


"Nagsisikap naman ako, Ate Nita..." mahinang sabi ko. Palagi akong OT sa nightshift homebased job ko. Kahit kulang sa tulog sa pag-e-encode buong gabi, umaalis pa rin ako sa umaga para mag-sideline sa kung saan-saan na may malaki-laking kita, katulad ng car shows at modeling. Ginagawa ko lahat para sa pamilya. Ako ang may shoulder ng lahat dito sa bahay.


"Pamela, hindi sapat na nasasagot mo ang bills sa bahay na ito. Kulang pa rin kahit ikaw pa ang nagbabayad ng kuryente, tubig, Internet at hulog sa pagkakasanla ng bahay na ito. Kulang iyon, dahil marami pa tayong ibang pagkakautang na tumutubo buwan-buwan!"


Alam ko naman na kulang na kulang pa kahit hatiin ko ang aking katawan. Kulang na kulang sa laki ng gastusin namin. Alam na alam ko naman.


"Nababaliw ka na ba, Pamela?! Gusto mo bang ipaalala ko sa 'yo kung magkano ang utang natin na nadagdag sa bangko six years ago? Kalahating milyon iyon! Kalahating milyon na ginamit sa 'yo dahil maselan noon ang pagbubuntis mo! Sumama iyon sa iba pa nating utang na tumutubo pa rin hanggang ngayon!"


Napayuko na lamang ako habang nakakuyom ang mga kamao.


"Mula nang bumagsak ang negosyo ni Papa at mademanda siya six years ago, ilang lupa na pundar ng pamilya sa probinsiya ang naisanla natin, na hanggang ngayon ay hindi natin matubos-tubos! Alam mo na hindi lang tayo ang umaasa sa mga lupang iyon, kundi pati ang mga ibang kamaganakan natin! Mga kamaganakan na kumupkop sa 'yo sa probinsiya noong pinatago ka ni Mama, dahil lang nabuntis ka nang maaga!"


"Hindi ko naman nakakalimutan ang lahat ng iyon, Ate Nita. Ginagawa ko naman ang lahat para makabawi..." 


Umiling-iling si Ate Nita. "Kulang na kulang ang lahat. Hindi tayo makakaahon sa mga utang kung ang gagawin ay puro pagsisikap lang. Lumalaki lalo ang mga gastusin, lalo ngayong nag-aaral na si Macky, at may sakit pa ang mga magulang natin."


Alam ko ang pinupunto niya, iisa lang ang sagot sa sandamakmak na problema ng pamilya, iyon ay ang makapag-asawa ako ng mayaman tulad niya. At isang balakid sa pagpapakasal ko kay Donald ang kaalamang may anak ako sa pagkadalaga.


"Paano na lang kapag nalaman nila Donald ang tungkol kay Macky, ha? Ano sa tingin mo ang mangyayari?"


Gusto ko nang sumabog, ang sakit-sakit na ng dibdib ko, pero ayaw kong magkagulo. Ang palagi ko na lang iniisip ay hindi makakabuti sa kalagayan ni Mama ang pag-alalahanin ito. At hindi rin makakatulong sa sitwasyon ng pamilya namin kung ngayon pa magkakaroon ng eskandalo.


"Please, Pamela. 'Wag mong sayangin ang lahat. Ang layo na ng narating niyo ni Donald. 'Wag mong sayangin iyon. Mahal ka noong tao, mahal ka niya, kaya swerte ka. Dahil ako, hindi naman ako mahal ni Theo. Pero ikaw? Mahal ka ni Donald, kaya kapag kasal na kayo ay mas magiging madali sa 'yo na makahawak ng pera ng pamilya nila."


Napausod ako nang itulak ako ni Ate Nita.


"Please, Pamela, think!" Dinuro niya ako sa sentido. "Wag puro ganda lang! Gamitin mo naman ang utak mo dahil kinakalawang na ata!"


Wala akong magawa kundi tanggapin ang mga panduduro niya sa akin. Naiintindihan ko naman siya dahil ang laki ng pressure na kanyang nararanasan.  


"Now, tell me. Nag-propose ka na ba sa kanya?"


Marahan akong tumango.


"What did he tell you?"


"Pag-iisipan daw niya."


Napasentido siya. "It's your fault kung bakit ganoon ang sagot niya. Maybe it's time for you to make a move!" Kinuha niya ang aking kamay at dinala niya ako sa kuwarto. "May nangyari na ba sa inyo?"


"Ate..." Napamaang ako sa kanya. Umiling ako.


"Pikutin mo siya, Pamela. Magpabuntis ka sa kanya!"


Nanlaki ang mga mata ko.


"Please, Pamela. The next time na magkikita ulit tayo, bigyan mo naman kami ng good news." Nagmartsa na siya palabas pagkasabi niya niyon.


Naiwan akong hndi malaman ang gagawin. All those times akala ko talaga ay mahal ko na si Donald. Pero bakit hindi ko nga ba naibigay sa kanya ang aking sarili? Maraming beses siyang humiling sa akin, ngunit hindi ko siya nagawang pagbigyan.


...


MAGULO ang buhok na piluka ni Macoy nang pagbuksan niya ako. "What the hell is wrong with you? Halos gibain mo na itong pinto ko!" Tabingi din ang fake mustache niya.


"Nandyan ba si Macky?"


Inginuso ni Macoy ang bata na nakasalampak sa ibaba ng sofa. Naglalaro si Macky ng mga laruang panlalaki. May mga cars, baril-barilan at lego sa harapan niya. Nakasuot ito ng varsity sando at varsity shorts pero may ipit na pula ang bangs ng maiksi nitong buhok.


Pumasok ako at pinuntahan agad ang bata. "Macky!"


Tumingala sa akin bochog nyang mukha. "Hi Pampam, andito ka pala?"


"Anong gingawa mo dito? Anong oras na, ah!"


"Actually, gabi-gabi siyang nandito." Si Macoy ang sumagot matapos sumandal sa pader at humalukipkip.


"You mean, every night?" Nangunot ang noo ko kay Macoy.


"Masaya kasi dito, Pampam! Dami toys!" Sabat ni Macky sabay taas ng isang baril-barilan at binaril ako.


"Putragis!" Pellet gun pala iyon! Namilipit ako sa sakit dahil sa tuhod ko iyon tumama. Mabuti na lang at medyo makapal ang suot kong leggings. Ngali-ngali kong tadyakan sa mukha si Macky.


"Sowee, Pampam. Di ko sadya!" Ngumisi siya saka muling bumalik sa paglalaro.


Lumuhod ako upang pumantay sa bata. "Hoy, makinig ka! Pano kapag hinanap ka ni Papa? Malalagot ka na naman kapag nalaman nilang nandito ka kila Amag!"


Ngumuso ang mapupula nitong mga labi. "Di naman nila malalaman. Saka ano magagawa nila eh dito ako masaya?"


"Aba't sumasagot ka pa!" Kinurot ko siya sa kili-kili niyang malusog.


"Walang kasalanan ang bata." Sumingit si Macoy. Lumapit siya kay Macky at kinarga ito. Agad namang yumakap sa leeg niya ang bata.


Napatanga ako ng halikan ni Macoy sa pisngi si Macky. Is something wrong with him? Dapat ay galit siya kay Macky matapos niyang malaman na anak ito ni Gin. Sa pagkakaalam ko kasi ay mortal nyang kaaway ang lalaking iyon noong high school kami. Pareho kasi silang mayabang kaya laging nagkakainitan.


"Look how happy she is. Masaya siya rito," pagtatanggol ni Macoy sa bata.


Pumamewang ako. "Ano naman ang masaya dito, ha?"


"Masaya dito, Pampam. Pinapakita sa'kin ni Panther yung bird niya!"


"Ha?" Namilog ang mga mata ko. "Ano kamo?!"


Agad na ibinaba ni Macoy ang bata mula sa pagkakakarga. "Laro na kayo ron."


Nanakbo na si Macky palapit kay Panther na kakababa lang ng hagdan at may dalang laruang shotgun.


"So iyan ang natutunan ni Macky dito?! Mga kahalayan?! Anong pumasok sa kukote ng anak mo para ipakita niya ang bird niya sa anak ko?!" Pabulong kong tanong nang may diin.


"Bata lang sila, relax."


"Uuwi na kami! Manang-mana sayo ang Panther na iyan! Manyakis!" Inirapan ko siya.


"Hayaan mo muna sila maglaro." Inawat niya ako.


"Pero ibang laro ang ginagawa nila!" Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "Oh, ano na naman yan?"


"You're hiding the truth about Macky dahil ayaw niyong malaman ng fiance mo na may anak ka, I get it. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mo siya ginagawang lalaki!"


Napabuga ako ng hangin. "Umugong kasi ang balita noon sa aming lugar na buntis nga ako. May mga nakakita din na nagluwal ako ng babaeng sanggol."


"So, pinatay niyo ang balitang iyon?"


Tumango ako. "Ginawa namin siyang lalaki dahil nakarating kay Donald na may anak daw akong babae."


"Kaya niyo siya ginawang Macky."


Tumango muli ako. Desperada na noong panahong iyon sina Ate Nita. Bigla kasi akong pinauwi sa probinsiya noong lumalaki na ang aking tiyan. Hindi naman tumigil noon sa paghahanap sa akin si Donald.


"What's her real name?"


Tiningala ko siya. "Macey Ela."


"I see."


Nang mapabaling kami ng tingin kay Macky ay nakahiga na ito sa sofa habang kayakap si Panther na ngayon ay tulog na rin.


"Napagod yata kakalaro," ani Macoy sa gilid ko. "Maghapon kasi silang naglaro, e."


"Iuuwi ko na siya, baka mapaano pa siya rito sa inyo!" Nilapitan ko ang bata.


"No. Hayaan mo muna siya dito."


"Bakit ikaw ba ang malilintikan kapag hindi ito nadatnan ni Ate sa bahay?"


"Ako na lang ang magbabalik sa kanya sa inyo first thing in the morning. Believe me, lagi ko itong ginagawa."


"Lagi?"


"See? Hindi mo nga namamalayan na lagi siyang natutulog dito. Isa pa, kasundo na niya si Panther."


"Kasundo? Kaya pala pinakitaan niya ng bird niya?!"


Napakamot siya. "Nagtataka lang si Macky kung bakit flower daw iyong kanya at hindi bird, nagmagandang loob lang naman si Panther na ipakita iyong bird nito sa kanya para macompare nila—"


"Shut up! Pakiusap wag mo ng ituloy at naalibadbaran ako!" Kulang na lang ay lamukusin ko ang mukhka ni Macoy. "Nasan nga pala si Rogue? Bakit di ko siya nakikita?!"


Napangisi siya. "Nasa itaas. Ayaw nyang makipaglaro sa dalawa, mas gusto nyang maglaro ng computer, e."


"Iuuwi ko na si Macky."


"Please wag naman muna?" Hindi ko alam bakit ayaw nyang ipauwi si Macky pero sa nakikita kong himbing ng bata sa pagtulog ay mukhang mahihirapan nga akong iuwi ito.


Napabuntong-hininga ako. "Fine. Basta maaga mo siyang ibalik sa bahay, ha?"


"Noted."


"At sana lang pagsabihan mo si Panther! 'Pag ako ang nakakita ng bird niya, sisiguraduhin kong hindi na iyon lalaki!"


Napangiwi si Macoy pero tumango naman.


Nilapitan ko ang sofa. Itinulak ko si Panther palayo sa anak ko. Umupo ako at hinagkan ko si Macky sa noo. Mabango siya dahil sa pulbos na binudbod sa likuran niya. Mukhang alagang-alaga siya ni Macoy. Maayos din kasi ang hibla ng kanyang buhok na halatang sinuklay, at may ipit pa siya sa bangs niya. Ngayon ko lang nakitang may ipit ang bata, bagay pala sa kanya.


Napatitig ako sa maliit at cute na mukha ni Macky, lalo na sa matatambok nyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit naluluha na naman ang aking mga mata habang nakamasid ako sa kanya.


"She's asking me about her mother," ani Macoy..


Napatingala ako.


"Wala akong masabi sa kanya. Natatameme ako kapag nagtatanong siya tungkol sa nanay niya."


Nagtubig na ang mga mata ko. Nasa harapan ko lang ang anak ko, pero hindi ko siya matawag na anak. Lagi ko lang siyang kasama, ngunit hindi ko man lang siya mayakap.


"If she asks again... about her mother... please pretend that you know me..." Nabasag ang tinig ko. "P-pwede bang sabihin mo sa kanya, sabi ng nanay niya, na mahal na mahal ko siya..."


Lumamlam ang mga mata ni Macoy habang nakatitig sa akin.


"P-pwede mo bang sabihin mo, sabi ng nanay niya, na mis na mis ko na siya... na walang araw na nawala siya sa isip ko..." Naglandas ang mga luha. "N-na walang sadali na nawala siya dito sa puso ko..."


Lumapit sa akin si Macoy at maingat akong niyakap. Isiniksik niya ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib. "Pamela..."


"Macoy, please... S-sabihin mo kay Macky... na sabi ng nanay niya, sorry dahil kailangan siya nitong iwan..." Napahagulgol na ako.


Dumiin ang pagkakayakap sa akin ni Macoy. "Don't worry. Sasabihin ko sa kanya ang sabi ng nanay niya." Malat ang kanyang boses. "A-at pwede ko rin ba sabihin na..." Natigilan siya.


"Ha?" Tiningala ko ang kanyang mukha.


"N-na hanggang ngayon..." Napalunok siya. "M-mahal ko pa rin ang nanay niya?"


Nanlaki ang aking mga mata.


@JFstories

JAMILLEFUMAH

Continue Reading

You'll Also Like

450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
1.4M 48.6K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
23M 588K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...