Barbie Girl

By thephantelle

628K 14.1K 3.1K

❝Hi! Ako si Kathryn at isa akong manika!❞ More

Barbie Girl [KathNiel]
01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.

16.

13.9K 373 48
By thephantelle

BARBIE GIRL
CHAPTER SIXTEEN

(Kathryn)

"Sino ka ba?!"

Omo! Natatakot na talaga ako. Naglakad-lakad lang ako saglit upang tingnan ang beauty ng bukid ni lola Adele. Ang tagal kasi kunin ni Daniel ang flashlight niya. Pero biglang may nanghila sa akin. At nandito na kami sa super creepy place. I mean, walang katao-tao kung hindi ako at siya. Mukha siyang monster and ang baho niya! Ang dilim na rin. Omo!!! Tulungan niyo ako!!!

"Di mo ba ako kilala?" Saad nang monster na dumukot sa akin.

"Duh?! Edi sana hindi na ako nagtanong." Mataray kong sagot kahit super duper bilis na ng tibok ng puso ko. Napakamot 'yung lalakeng monster sa ulo niya. Huhuhu!

"Oo nga naman." Saad niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawi ang buhok ko. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko. Omo! Hindi ko gusto 'tong ginagawa niya. "Maglalaro lang naman tayo. Sure akong mage-enjoy ka." Nakakatakot niyang saad.

"Hindi ako mage-enjoy kung ikaw ang kasama ko. Mukha kang monster! Mukha kang alien! Hindi ka na nakakatawa!!!" Sigaw ko. Huhuhu. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?!

Pinapahamak ko lang lalo sarili ko, eh.

Ngumisi 'yung monster at hinalikan ako sa cheeks. Eeeeww! Walang pwedeng humalik sa akin na monster. Hindi maaari. Huhuhuhu! "Wag ka ng pahard to get, miss beautiful."

"Thank you dahil tinawag mo akong beautiful." Inalis ko 'yung kamay niya na nakahawak sa maganda kong face. Omo, omo!! Ang tapang ko rin minsan. "Pero hindi ako pahard to get sa mga taong freak. Kaya pwede ba! Lubayan mo na ako!!!"

Mukhang napuno na si mister monster. Geez. Ang daldal ko kasi. Pero ano bang magagawa ko? Kahit sumigaw ako o umiyak, walang makakarinig sa akin. Sobrang layo na namin kanila lola Adele. Masyado ng madilim. Ewan. Parang ang helpless...

"Bad trip ka, ha! Kanina pa ako nagtitimpi sayo!" Sigaw ng lalake. Hinawakan niya ang mukha ko ng sobrang higpit. Feeling ko mababali na ang mga bones. Hindi na ako makapagsalita kasi parang masisira na talaga ang face ko. "Asar na asar na ako sayo!" Dagdag pa niya at nagulat ako sa next niyang ginawa sa akin. Hinalikan niya ang leeg ko. Unti-unti niyang binubuksan ang butones ng suot kong shirt. Sobrang natatakot na ako. Wala ng pag-asa.

"Tama na, please." Bulong ko ngunit hindi niya ito pinansin.

Tumulo nalang ang likido sa mata ko. Umiiyak na ako. Nanghihina na ako sa ginagawa niya sa akin. Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong binababoy ako.

Pero nanghihina na ako.

Please, tulungan niyo ako...

(Daniel)

"AISH!"

"Daniel, kumalma ka!" Saad ni mama. Hinawakan niya ang mga kamay kong nanginginig. Babae si Kathryn. At napakalaki ng lugar na 'to!! "Tumawag na ang lola niyo ng tutulong sa paghahanap kay Kathryn. Darating din sila mamaya. Wag na kayong mag-alala."

Tiningnan ko si mama. "Wag mag-alala? Ma naman! Ako ang may kasalanan kung bakit nawawala si Kathryn. Kung hindi kasi ako nagtagal sa loob ng tent na 'yan edi sana hindi nawawala si Kathryn ngayon. Ako ang may kasalanan!!!" 

"Daniel..." Saad ni mama.

Tinanggal ko ang pagkahawak ni mama sa kamay ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganto sa buong buhay ko. Hahanapin ko si Kathryn.

"Hindi ko kayang maghintay lang dito, ma. Hahanapin ko si Kathryn." Saad ko at naglakad na palayo sa kanila. Kailangan kong mahanap si Kathryn.

Kailangan ko siyang mahanap.

"ANAK!!!" Sigaw ni mama. Sorry, ma. Pero kailangan ako ni Kathryn. Hindi ko hahayaang mawala siya sa bukid na 'to. Baka kung anong mangyari sa kanya.

Simula nang dumating si Kathryn sa buhay namin, wala siyang ibang ginawa kundi maging mabait sa amin. Gusto niya palagi kaming masaya. Ang dami na niyang tinulong sa amin. Lalong-lalo na sa akin. Noong una, ayaw ko talaga sa kanya. Pero nang nagdaan ang mga panahon, mas naging okay ako sa kanya. Naging malapit ang loob ko sa kanya.

Kaya hindi ko hahayaang masaktan siya.

Sana hindi pa huli ang lahat.

Kathryn... sana okay lang siya.

"@@@!! Wag kang magulo, miss!!!" Natigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong lalakeng sumigaw. Tinakbo ko ang lugar na pinanggalingan ng sigaw.

"TULONG!!" Si Kathryn! Boses iyon ni Kathryn!! "TAMA N-," Si Kathryn. Binilisan ko pa ang takbo. Sinasaktan ng @#% lalake si Kathryn!!!!

Tumigil ako sa isang lugar nang makita ko ang isang lalake na nakahiga sa sahig. Nilapitan ko ito ngunit wala si Kathryn. Nasaan si Kathryn?!!!

Hinawakan ko sa kwelyo ang lalake. 

"Anong ginawa mo kay Kathryn?!!" Sigaw ko.

Pinunasan niya ang labi niya sapagkat may dugo ito. "Yung babae? Asar siya! Sinuntok ako ng babaeng 'yon. Hinahawakan ko lang naman ang bo-," 

Hindi ko na pinatapos ang lalake sa pagsasalita.

Sinaktan niya si Kathryn, ang kaibigan ko.

Walang pwedeng magpaiyak kay Kathryn.

Walang pwedeng manakit kay Kathryn. Wala!

"Bakit mo siya sinaktan?" Sigaw ko at sinuntok ko ang lalake sa mukha. "Bakit mo siya kinuha sa amin?!" Muli kong sinuntok ang lalake. "Iniingatan ko si Kathryn tapos bababuyin mo lang siya?! Walanghiya kang lalake ka!!!!!" Nakailang suntok ako sa lalake hanggang dumugo muli ang kanyang labi. Sinaktan niya si Kathryn. Walanghiya.

"Aaaaahhhh!!"

Napatigil ako sa pagsuntok sa lalake nang marinig ko ang sigaw ng isang babae. Si Kathryn. Parang may kakaiba sa boses niya. Takot. Takot ang naririnig ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Tumakbo ako sa pinanggalingan ng sigaw.

"Kathryn!!!!" Sigaw ko. 

Nakita ko si Kathryn... nakahiga. May dugo sa noo niya. At walang malay. Ngayon ko lang naramdaman ito. Halo-halong emosyon. Takot, galit... May tumulo na palang luha sa aking mukha.

Huli na ako.

Nasaktan na si Kathryn.

END OF CHAPTER SIXTEEN
GOD BLESS!

Continue Reading

You'll Also Like

163K 3.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
64.3K 5.4K 98
[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great p...
6.3M 245K 49
|COMPLETED| Despite coming from a non-magical family, Snow Brielle Sylveria still yearns to become one of the gifted. When the opportunity to attend...
Killer Website By Sejuru

Mystery / Thriller

1M 8.3K 31
Status: COMPLETED Language: Filipino/Tag-lish Reader discretion is advised. (Available in Dreame. Check out @Sejuru Emina on Dreame.) The mind is th...