He's My Cousin!

By bittenapple

311K 5.4K 1K

Aya Salvatorre suddenly woke up one morning realizing that she has fell in love with her own cousin, Paolo. W... More

HE'S MY COUSIN!
[Ch.1] Reunion
[Ch.2] His Room
[Ch.3] Just One Smile
[Ch.4] Friends
[Ch.5] Kuya
[Ch.6] Brownies at Pandesal
[Ch.7] Saturday
[Ch.8] Coffee Shop
[Ch.9] Best Friend
[Ch.10] Paolo and Abby
[Ch.11] I Will.
[Ch.12] Promenade
[Ch.13] Magician's Tale
[Ch.14] Questions
[Ch.15] Obscured Hearts
[Ch.16] When jealousy strikes.
[Ch.17] Happy Birthday.
[Ch.18] One month.
[Ch.19] Separate Lives
[Ch.20] He's back!
[Ch.21] He's back, too!
[Ch.22] Mended Gap
[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part I)
[Ch.23] Military Code of Secrecy (Part II)
[Ch.24] Finally Forbidden
[Ch.25] 'Til My Last Breath
[Ch.26] Avoided Schism
[Ch.27] Blessing
[SS.1] What Happened in California
[Ch.28] Cryptic Puzzle
[Ch.29] Seizing Vindication
[Ch.30] Alpha
[Ch.31] Boundary
[Ch.32] Paolo's Girlfriend
[Ch.33] His Reason
[Ch.34] Decision
[Ch.35] When Tears Fall
[Ch.36] Chained Hearts
[Ch.37] Patched Up
[Ch.38] First Day
[Ch.39] Fate
[Ch.41] Chance
[Ch.42] Push and Pull
[Ch.43] Go home.
[Ch.44] Same Girl
[Ch.45] Watching You
[Ch.46] Come Back Home
[Ch.47] Promise
[Ch.48] Stay
[Ch.49] Giving In
[Ch.50] Taking Sides
[Ch.51] Outset of Hostility
[Ch.52] Backfire
[Ch.53] Losing You
[Ch.54] Choose Me
[Ch.55] Only One For Me
[Ch.56] Tell Me
[SS.2] The Lost History
[Ch.57] Stop
[SS.3] Jiro (Part 1)
[SS.3] Jiro (Part 2)
[Ch.58] Best Man
[Ch.59] Tying Up Loose Ends (Part 1)
[Ch.59] Tying Up Loose Ends (Part 2)
[Ch.60] My Once Upon a Time
Epilogue
[Book 2] Please read! For you who loved Paolo :)

[Ch.40] Suicide Mish

2.1K 46 10
By bittenapple

[Ch.40] Suicide Mish

// Ayanna's Point of View

 

"Good morning, Princess." For a moment, I was just staring at him, afraid that if I'd blink my eyes, he'd be gone. Napangiti na lang ako. This guy, he proved to me how much love I could give, how much pain I could endure.

He leaned down to kiss my forehead. Napahigpit ako nang yakap sa unan ko. I sensed his moist, soft lips touch the upper portion of my brow. It really felt surreal—to have him right back at my side.

Akala ko nanaginip lang ako. I thought that his figure appearing right in front of me was just a result of my longing for him—too much longing for him. Nang marealize kong siya talaga ang nasa harap ko... Daig ko pa ata ang nanalo sa lotto. He’s my favorite vice. I know it’s bad; I know it might destruct my own self, yet I’d insanely plunge myself into it—into this forbidden thing.

Napa-upo ako bigla mula sa pagkakahiga ko. My arms clung on his nape as I embraced him tightly.

"I miss you, Paopao… I miss you," I told him. Ni wala akong pakialam kung kagigising ko lang at kung may muta ako o gulo-gulo 'yung buhok ko. Basta ang alam ko lang, masaya ako kasi nandidito siya. Kasama ko siya.

"I missed you damn so much, too, Aya," he whispered on my left ear. I even felt his warm breath as he said those words. Para tuloy akong nakiliti. I hugged him tightly one more second and let go of him.

"You don't have classes today?" I asked him.

It has been more than a month since Paolo moved out. It has also been more than a month when I promised him I'd try to live my life the way I should. Noong una, sobrang hirap talaga. Lagi na lang akong linga nang linga sa school, hinahanap siya. Kinalaunan, nasanay na rin ako. We do talk once in a while, pero hindi na tulad nang dati. Gayon pa man, it didn't make me love him any less.

He will still be the guy I will always love, the guy I'd always choose. Minsan nga naiisip ko: oo, it was my heart who chose him among all the billions of people around the globe for me to love pero if I were given a chance to choose for myself, I would have chosen for him still. Kahit mahirap, kahit kumplikado, siya pa rin. Oo, another exemplary guy could made me happy... but it will always be Paolo who could give me that one kind of happiness that might have last for a few moments but will stay in my heart for a life time.

"I do," he said, giving me a faint smile. "Pero mamaya pa," dugtong niya. "Kumusta?" medyo alangan niyang tanong sa akin.

"Better," maikli kong sagot. "Ikaw?" balik kong tanong sa kaniya. I cupped his cheek at hinimas ang parteng iyon gamit ang hinlalaki ko. I just want to feel the moment until it lasts. For the next days, I know I'd have to fight this battle alone once again. Kumukuha lang ako ng lakas.

"I'm good," sabi niya. He was staring right into my eyes. Nakakatunaw. Nakakapaso.

"Pao, nagising na ba si Aya?" rinig naming sigaw ni mama. Mula sa hagdan, probably.

"Opo, Tita!" sagot naman ni Paolo.

"O siya, o siya. Ihahanda ko pa 'yung almusal. Dito ka na lang din kumain," sabi ni mama.

And then there was silence.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa edge ng kama ko. Napatingala ako sa kaniya. I frowned. "Aalis ka na agad?" tanong ko, bakas sa tono ko ang pagkadismaya. Sasaglit lang kaming nagkasama. Ilang araw o linggo na naman ba ang hihintayin ko?

Nakita kong ngumisi siya at umiling-uling. He extended his hand as if waiting me to reach for it. Nang abutin ko iyon ay inalalayan niya ako patayo ng kama ko. I felt like a real princess na inaalalayan ng prince charming niya.

"You get ready," turo niya sa akin. "I stay here," sabi niya habang tinuturo ang kama ko. Umupo siyang muli roon.

“All right, Sir!” He grinned as I walk toward my closet.

Kinuha ko na 'yung mga gamit ko pati 'yung uniporme ko dahil wala naman akong balak magbihis sa harap ni Paolo.

"'Wag kang aalis d'yan, ah!" sabi ko pa bago tuluyang pumasok sa banyo.

"I won't," I heard him reply faintly.

Binilisan kong maligo. Timba at tabo na ang ginamit ko inmbis na 'yung shower para mapabilis. Minsan kasi ay humihina pa 'yung labas ng tubig kung shower. I want to take whatever extention I could get just to be with him a little longer. Kahit three minutes lang o five minutes, basta siya 'yung kasama ko...

Lumabas ako ng banyo nang naka-ikot sa ulo ko 'yung tuwalya dahil basa pa nga ito. I glanced toward my bed and Paolo was there—lying, his eyes closed.

Sana pag tanda ko ganito ang makikita ko araw-araw sa umaga—si Paolo na nasa kama ko, natutulog. Si Paolo na gigising sa akin sa umaga at hahalikan ang noo ko. Si Paolo na ngiti ang isasalubong sa akin… But honestly, I wasn’t really asking for such things. Basta ang gusto ko lang makasama ko si Paolo. Because I know, if it’s him… it will always be worth it.

For a moment, I looked intently at him. Ang amo-amo talaga ng mukha niya pero may mga strong features din ito na agad na kapansin-fpansin, 'yung mga labi niya... kahit hindi mo hawakan ay unang sulyap pa lang ay alam mo nang malambot... His nose, perfect... I wish I could grow old with him, spent my whole life time with him... Oh God, I'd bargain anything just to have this everyday...

Lumapit ako sa kama ko. I got my comb from my side table's drawer. Iniladlad ko ang buhok ko at sinuklay iyon habang nakatingin kay Paolo. His eyes were still closed. I comb my hair once more at iniwan iyong naka-sabit sa bandang taas ng buhok ko.

I leaned a bit closer. I poked his cheek. He didn't even flinch or move. Was he asleep, for real?

"Paolo." I poked him once more. Dumilat siya at ngumiti nang nakaloloko. Using his hands and his arms, nahatak niya ako pahiga at niyakap ako nang mahigpit. He was laughing out loud na para bang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. Ang sarap sa tenga pakinggan…

"Hey! Malulukot 'yung uniform ko!" reklamo ko sa kaniya kahit natatawa na rin ako. I supressed my laughter dahil baka marinig kami sa baba at akyatin pa kami ni mama rito.

He let go of me and I straightened my uniform using the palms of my hand.

Tumingala siya sa akin at tinignan akong mabuti. Napakunot tuloy ang noo ko na para bang tinatanong ko siya kung ano ang problema niya o bakit gano’n siya makatingin.

He gave me a faint smile and simply said, "No matter how short the time is… if it's with you... it's always worth it."

Napangiti ako. God, I love this man so much. "Halika na nga sa baba! Baka kung saan na naman mapunta 'to, e!" I said, laughing. As much as possible, I don't want to have those kind of conversations with Paolo like the ones we had during our last few days in San Fabian. As much as possible, gusto ko light lang. Enjoy the moment while it lasts nga, kung baga.

Nang bumaba kami ay agad kaming nag-almusal. Nakipagkwentuhan din si mama kay Paolo. She asked her how he was at kung ano-ano pa. Alam ko naman kasing namimiss din ni mama si Paolo.

Nang matapos kami ay hinatid na ako ni Paolo sa JMU. Mamaya pa raw naman kasi ang klase niya at para na rin daw tumagal-tagal pa kahit konti 'yung oras na magkasama kami.

"Hindi pa ako nakakapunta sa unit mo," out of the blue kong sabi kay Paolo habang nagmamaneho siya.

"Aya," tawag niya sa akin na para bang bata ako na sinasaway niya.

"Binibisita naman kita 'pag may oras ako, 'di ba? There's no need to go there."

"So, wala ka talagang balak na dalhin ako ro'n?" Padabog akong sumandal. "Siguro may inuuwi kang babae ro'n, 'no?" I crossed my arms as I glare at him.

"Ha." He bit his lower lip at umiling-iling na para bang napaka-impossible no'ng sinabi ko. "Aya... Aya... Aya..."

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “That’s how my mind works every damn time.” He cocked his head towards my side, “Now you tell me how I could bear to have time with any other girl aside from you.”

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko nang sabihin niya ‘yon. “Tumingin ka nga sa daanan!” Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pamamaneho.

"Ingat," he said as we were about to part ways in the university's parking lot.

"Kailan kita makikita ulit?" I asked, hoping for an answer that will make me look forward to.

"I’m not sure, Aya. Sa loob ng univ?" sabi niya. He was obviously not sure of his answer. At 'pag ganiyan, iisa lang ang ibig sabihin, matatagalan pa.

"All right. Ingat." I gave him a faint smile. Kailangan ko nang makuntento sa ganito. Nagpapasalamat na lang ako na hindi niya tuluyang pinutol ‘yong ugnayan namin… dahil alam ko, hindi ko kakayanin.

"You... You take care. Always."

+++

"Good morning, Yanna!" I heard someone said just behind me.

Napalingon ako. As expected, it was Jiro. Boses pa lang alam ko nang siya iyon. "Good morning din," ganting bati ko sa kaniya.

Naglalakad na kami nang bigla niya akong inunahan. Humarang siya sa dinadaanan ko. "Parang... parang ang saya mo ata ngayon, ah?" He was smiling at me, too.

I shoved him away. Nakangiti pa rin ako. "Maganda lang ang gising!" sabi ko.

"Aba! Aba! Okay na sana, e. Blooming ka na sana talaga kaso may muta ka sa mata," sabi niya mula sa likuran ko. “Turn-off.”

Napaharap ako sa kaniya. Nagmamadali pa man din akong maligo kanina! Nakahihiya! Dali-dali kong kinuha ang panyo ko sa bulsa ko at nilinis ang corners ng mata ko.

Napatigil na lamang ako nang marinig kong humahalakhak na iyong kaharap ko. "Joke lang kasi. Masyado kang taranta." Tumawa na naman siya. Ipinatong niya iyong isang palad niya sa ulunan ko.

I tip-toed and reached for his nose. Kinurot ko iyong ilong niya hanggang sa dumaing na siya habang tumatawa pa rin.

"Ah~! Jiro! Kailan mo ba ako titigilang tawanan?"

Nang break na namin ay naghintayan na naman kami sa lobby. Para na talaga kaming isang buong barkada: ako, si Ella, si Ian, si Jiro at si Pat. Nakilala ko si Pat dahil tatlong courses ko siyang kaklase at sabay pa ang break namin. Parehas pa kami nh degree program, iba nga lang ang specializarion niya.

Ang totoo nga niyan ay naalala ko si Liz kay Patricia, e. May ilan-ilang similarities din kasi ito sa kaniya. And speaking of Liz, sasamahan ulit namin siya ni Ella sa orphanage sa darating na Sabado. Makikita ko na naman ulit si JJ!

"Ang hirap talaga magpa-exam ni Attorney. Akala mo naman ikinaganda niya 'yun!" reklamo ni Ella habang sabay-sabay kaming naglalakad papunta sa garden ng university. Katatapos lang kasi ng preliminary exam namin sa Introduction to Language Arts.

They were busily talking about random stuff when someone from a far caught my attention. My heart thumped as our eyes met. That was the thing about us, our hearts know no distance.

But was taken back to my senses when I remembered Jiro, when I remembered all the things that had happened in San Fabian. Lumingon ako sa kanila and I saw him busily talking with our other friends. Ibinalik ko nman ang tingin ko kay Paolo. I want to see him and be with him, but I can't risk this one.

Sinensyasan ko siya na huwag siyang lumapit. His forehead cringed. Hindi ata niya naintindihan 'yung sinabi ko. Nakita ko pang may itinaas siyang bond paper sa ere. Anong problema nitong lalaking 'to?

"Mamaya na," I mouthed. I didn't even know if he understood me. Patuloy pa rin siya sa paglalakad papalapit sa akin.

"Uy," narinig kong sabi ni Jiro. It wasn't like he was talking to me; he was talking to the whole group. Agad naman akong tumalikod sa papalapit na si Paolo at humarap sa kanila. "Punta muna ako sa library, ah? May kukunin lang ako."

"Samahan ka namin?" suggested Ella.

Jiro smiled. "Hindi na. Sige, ah? See you later." He waved his hand for no one in particular and run towards the main building.

Bigla naman akong nakahinga ng maluwag. Thank You, Lord!

"Hey." And I knew by then that it was Paolo Salvatorre. "You forgot this," he said. Nilingon ko siya. I saw him waving in the air my output for Physical Science. "Naiwan mo kasi sa bahay niyo. Pinabalikan ni Tita sa akin," sabi niya.

"Para bukas pa 'yan, e," I told him, pertaining to my Phy Sci output. Kaya ko iyon iniwan dahil hindi ko naman kailangan ngayon.

“Gano’n ba?” Natawa siya at napakamot ng ulo. "Kumain ka na?" tanong niya sa akin.

I shook my head. Hindi ko na rin mapigilang ngumiti. "Hindi pa, kakain pa lang," I replied.

"May boyfriend si Aya?" I heard Patricia asked Ella. I stiffened on my place. Buti na lang talaga ay wala si Jiro ngayon dito kung hindi ay mabubuking na talaga niya kami. At paano pa kung magtanong siya… malalaman nila Ella. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung nagkataong iyon ang nangyari.

"Wala, pinsan niya 'yan," sagot ni Ella. Yeah, right... Pinsan. Mag-pinsan.

"Hi, Papao!" Ella greeted him.

I saw Paolo look at her and gave her a small smile. "Hi," ganting bati niya rito. Ngunit napakunot ang noo niya nang mahagip ng tingin niya si Ian na naka-upo sa isa sa mga benches at hinihintay kami. He wasn't even aware that Paolo was there. Paolo wasn't aware about my reconciliation with Ian either. Mabilis ako tinignan ni Paolo at ibinalik niya iyong tingin niya kay Ian. I saw his jaw clenched.

"K-kuya," I said as I held one of the sleeves of his polo.

He shut his eyes for a moment. Para bang nakukunsumi siya. "Aya... I think we need to talk. Can we have lunch?" tanong niya. I was more than willing to say yes. For one, wala naman akong dapat ikabahala kung galit siya dahil kasama namin si Ian. Kaibigan ko si Ian. That was it.

Nagpaalam ako sa kanila at sabay kaming pumunta sa isang fast food chain sa labas ng university namin. Nang naka-order na kami ay umupo kami roon sa medyo dulo. Marami-rami rin kasi ang tao.

"Aya," he sighed. "Alam ko sinabi ko sa'yo dati na subukan mo... Pero, Aya naman, not that guy. Not again," sabi niya. Bakas sa boses niya ang pagkadismaya.

I told him everything that had happened... from Ian's phone call when we were in San Fabian until whatever he had seen earlier. I even told him Ian wanted me back... and I refused... because I just know it won't work-out... because he's not Paolo. He's not my Trick.

"And Paolo? Hindi ko 'to nasabi agad sa'yo pero... Kaklase ko si Jiro. Actually, kasama namin siya kanina. As much as I want to to be with you, hindi na ata pwede kung nasa loob tayo ng school." I lowered my head. Uh.

"Jiro? Jiro sa Pangasinan? Jiro na alaga ni Lola Teresa?" he asked, surprised. I nodded.

"Damn! P-paano nangyari ‘yon?"

Matapos naming kumain ay inihtid ako ni Paolo sa gate 5. Binilinan niya pa ako na mag-ingat ako kay Jiro. At some point, I knew he was blaming himself. Siya naman kasi ang may pakana no’ng sa San Fabian. But even so, I would never ever regret all the things that had happened in San Fabian… I’d never forget that fairytale.

Ella texted me na nasa Pavilion sila at baka naroroon si Jiro kaya hindi na lang ako inihatid ni Paolo sa loob.

"See you again soon," Paolo told me.

I gave him a faint smile. "See you soon." At dumeretso ako agad sa Pavillion.

"Saan ka galing?" Jiro whispered to my ear as I sat down beside him.

"Uh, kasabay kong kumain 'yung... 'yung pinsan ko," mahina kong sagot. Baka naman kasi 'pag narinig ni Ella ay magsalita pa siya. May pagka-sabatera rin kasi 'yung best friend kong iyon.

"May pinsan ka pala rito?” tanong niya.

"Uh, oo," was my short reply.

Nginitian lang niya ako.

+++

“Patricia, samahan mo na kasi ako. Mabilis lang ‘yun, swear!” ungot ko kay Patricia habang hinihilig ko pa iyong ulo ko sa balikat niya. Magbibirthday na kasi si Liz at ang tanging celebration namin ay iyong pagpunta namin sa orphanage at ang saglit na paglilibot sa mall sa Sabado. Hindi naman din ako masamahan ni Ella dahil nagpabili na raw siya sa Mama niya ng panregalo at may gagawin pa siya.

“Aya, may exam ako sa History bukas. Tska isa pa, hindi naman ‘yon ang way ko pauwi.” Sumimangot siya. “Kasabay mo naman umuwi si Jiro, ah? Bakit hindi ka sa kaniya magpasama tutal iisa lang nama ang way niyo?” Kumunot ang noo niya.

Lahat ata ng dugo ko ay biglang umakyat sa pisngi ko. “Nakakahiya,” mahina kong sabi.

Napahawak ako sa dibdib ko nang may biglang magsalita sa likuran ko.

“Anong nakakahiya?” inosenteng tanong ni Jiro habang nagpupunas ng pawis niya. Naglalaro kasi sila nina Ian ng basketball. Naka-white shirt lang siya at pawis na pawis. Shit. Bakit gano’n, mukha pa rin siyang mabango?

“Ah, ito kasing si Aya nahihiyang magpasama sa iyo sa mall at may bibilhin daw siya,” sabi ni Patricia na para bang wala lang iyon. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinawanan lang niya ako. Minsan talaga walang preno ang bibig nito, e! Ayaw lang nia akong samahan.

“H-hindi na, J-jiro! K-kaya ko naman. Actually, kay P-pat ako nagpapasama kaso a-ayaw niya.” I let out an awkward laugh. “K-kaya ko naman mag-isa.”

Tumawa si Jiro. Kitang-kita ko tuloy ang pantay na pantay niyang mga ngipin pati na ang dimples niya sa pisngi. Lumapit siya sa akin at kinurot ang ilong ko. “Sus. Sa akin ka pa talaga nahiya.”

“Jiro!” rinig naming sigaw ni Ian mula sa court. He still has his former team captain aura in him. Sana nga ay makapasok ulit siya sa team ng JMU. He’s their MVP, after all.

Humarap si Jiro at sinalo iyong hinagis na bola ni Ian sa kaniya. He dribbled it a few times, and cocked his head towards my side, “So, after class?” ngumiti siya sa akin. Sa tuwing ngumingiti siya ay para bang kasalanan ang hindi ngumti pabalik sa kaniya…

And without a word, I gave in, nodded, and smiled at him… At tuluyan na siyang tumakbo palapit sa ring.

“Oh my! Would that be a date?” excited na tanong ni Patricia sa akin. She freaking planned this! Nahahalata ko na siya, she’s trying to be a match-maker here. Impossible!

“Ewan ko sa’yo!”

Nang mag-uwian na ay sabay kaming lumabas ng room ni Jiro dahil parehas naman kami ng last class. Kaya araw-araw din, sabay kaming umuuwi. Isang sakay kasi ang dorm nila mula rito at medyo malapit lang din sa bahay.

“Ano bang bibilhin mo?” tanong ni Jiro habang inaayos niya iyong salamin niya.

“Uhm. Regalo para sa high school friend namin ni Ella. Birthday niya kasi sa Sabado,” sagot ko. Nakita ko namang tumango-tango siya.

We walked side by side to the jeepney terminal. Six o’clock ang labasan namin ngayon kaya medyo mahaba-haba ang pila. Siniko ko siya, “Wala ka bang gagawin para bukas?” Baka naman kasi nakakahassle kung sasamahan niya ako ngayon.

“Meron, pero madali lang naman iyon,” pagkikibit-balikat niya.

I rolled my eyes, “Yabang.” Tumawa na naman siya. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang braso ko. Napatingin ako sa kaniya. Doon ko narealize na ginigiya lang pala niya ako dahil umusad na ang pila sa jeep.

I was staring at him for a few seconds… Na para bang na-glue iyong mata ko sa kaniya. There’s something about this guy that I can’t… can’t explain.

Na-upo kami doon sa pinakadulo malapit sa babaan dahil sa amin naputol ‘yung pila para sa panibagong jeep. Okay nga iyon dahil gusto ko ang pwestong iyon. Mahilig kasi akong magmuni-muni sa jeep, at isa pa, dahil na rin siguro sa lalaki siya, hindi rin paladaldal si Jiro—which was a good thing, dahil nga ito ‘yung time na nakakapag-isip-isip ako.

Nabalik na lang ako sa ulirat nang nakita kong bumababa si Jiro. “Hey,” hinatak ko siya sa sleeves niya. Was he leaving me? Hindi man lang siya nagpasabi at bigla-biglang nagbabago ng isip?

“Sabit ako, nagmamadali si lola,” sabi niya nang tuluyan na siyang nakababa. Napatingin ako sa matanda na kasasakay lang, ang dami niyang dala at talaga namang may katandaan na siya. May side rin palang gentleman ang isang ‘to.

“Gusto mo sa next na lang tayo?” tanong ko sa kaniya. He just shrugged his shoulders.

Nang huminto na kami sa kabilang kanto iyong jeep ay may bumabang isang estudyante. Dagsaan naman papunta sa jeep na sinasakyan namin ‘yung ibang pasaherong naghihintay doon sa kantong iyon. Isang babae lang naman ang naka-upo dahil iyon lang naman ‘yung bakante. ‘Yung iba ay nagsiksikan na na sumabit.

Natulak na tuloy nang natulak sa gilid si Jiro. Medyo naawa nga kasi ako sa kaniya. Bakit ba kasi siksikan ngayon?

Umayos ulit siya at ipinasok ang katawan niya. He leaned closer at humawak sa hawakan sa loob na atip ng jeep. His body was bent. At dahil siksikan na, halos masubsob na siya sa akin.

“Yanna…” Tinignan ko lang siya… and he didn’t say anything. He was practically staring at me and I was staring back at him, nakatingala ako sa kaniya. His face was so close to mine that any wrong move could make up something I knew I wouldn’t like the aftermath.

Because I felt scared… I felt like I was on the verge of something treacherous. I didn’t like what I was thinking. I didn’t like what I was feeling.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

+++

Nang dumating kami sa mall ay medyo naiilang ako sa kaniya. ‘Yung plano kong pagmumuni-muni sa jeep ay hindi ko nagawa. I was distracted, all right—sa kaniya, sa sikip, sa dami ng tao… Ugh.

“S-saan tayo?” he asked, stuttering. Did he, by any chance, felt what I felt? Erase. Ayoko nang isipin ‘to. Everything was just a spur of the moment.  

“Sa bookstore.” I tried so hard to bring back the uneasiness in the atmosphere. Hinawakan ko pa iyong sleeves ng polo niya.

Alam ko naman kasi kung ano na ang bibilhin ko. I’ve known Liz for years. Books. Sci-Fi books. Iyon ang hilig niya. Dumeretso na kami sa bookstore ni Jiro. Okay na naman, wala na namang ilangan. Tinuro niya pa nga ‘yung cover ng isang librong tinignan ko ‘yung synopsis, kamukha ko raw ‘yung nasa cover eh duguaang babae ‘yung naroroon na kakaiba pa ‘yung mata. Inasar-asar niya pa ako. Natawa na lang ako. Para talagang bata ‘yon.

Ilang minuto lang ako namili. I settled for a sci-fi book na bestseller kahit kalalabas palang para siguradong wala pang kopya nito si Liz. Medyo natagalan lang kami sa pagpili dahil ang lokong si Jiro, lahat ata ng book covers eh kamukha ko raw sa paningin niya. Worse, eh puro ‘yung mga morbid na book covers iyon.

After that, bumili kami ng finger foods sa may food court. Hindi na rin kami nagstay roon dahil baka gabihin pa kami. Maaga pa naman ‘yung pasok namin bukas.

Magkatabi kaming naglalakad at nagtatawanan ni Jiro habang papunta sa exit ng mall. Medyo malayo-layo rin kasi iyon sa bookstore. Inaasar ko nga siya na kamukha niya si Channing Tatum pag nasagasaan. Tawa lang siya nang tawa. For one, hindi naman kasi niya kamuha. Asian na asian kasi itong mukha ni Jiro. Hindi rin naman masyadong ma-appeal sa akin ‘yung Channin Tatum na iyon kaso naririnig ko sa mga kaklase ko kaya nakigaya na lang din ako.

“Lamang siya sa’yo ng mga fifty-eight and a half na ligo,” sabi ko pa sa kaniya.

Tumatawa lang siya noon at ginagantihan ako, “Kamukha mo talaga ‘yung nasa cover kanina. Magkano binayad nila sa’yo para ro’n?” Sinisiko-siko pa niya ako sa tagiliran ko. Ang babaw rin ng lalaking ‘to, e. Kahit simpleng bagay tinatawanan niya. Kaya ang sarap niyang kasama, e… parang nakakakalimot ng problema.

He was laughing really hard. Kaya naman nang bigla siyang napahinto ay nagtaka ako. Tinignan ko kung saan siya nakatingin—sa dalawang taong papalapit sa amin na nagbabadyang makasalubong namin. Kakapasok lang nila.

Nalaglag ang panga ko. Sumikip ang dibdib ko. Unti-unti kong naramdaman na para bang may matutulis at maliliit na mga karayom ang tumatarak sa dibdib ko.

Si Paolo at si Ate Abby.

Akala ko ba may klase siya? Akala ko hindi na sila nag-uusap? Akala ko tapos na sila? Questions were rushing inside my head. Nakakabaliw.

Ako ba talaga ‘yung pinili niya? Ako ba talaga ‘yung mahal niya? Or was he just thrilled by this thing we have? Ayokong kwest’yunin lahat ng pinagsamahan namin ni Paolo… pero hindi ko maiwasan. Masakit kasing makita silang magkasama… Na para bang may part sa sarili ko na nagsasabing sila naman talaga… Sila ang nauna. Sila ang mas may pinagsamahan. Sila ‘yung pwede. Sila ‘yung tama.

Ate Abby was smiling brightly at me. Si Paolo ay nakatingin lang sa akin na para bang gusto niya akong lapitan at magpaliwanag. Kitang-kita ko rin ang pagdapo ng mga tingin niya kay Jiro at pabalik sa akin. Si Jiro naman na napako lang sa pwesto niya.

There was no way Jiro could find out the truth. Hindi ko hahayaang mangyari iyon.

This love, this forbidden thing, is a suicide mish.

Labag man sa kalooban ko, masakit man para sa akin, para man akong unti-unting pinapatay na makita silang magkasamang dalawa, kahit na gusto kong hatakin si Paolo at sabihing akin lang siya, kahit na gusto kong ipamukha kay Ate Abby na ako ang mahal ni Paolo… Kahit na, kahit na… But instead, I smiled so sweetly in front of them—tantalizingly killing my own self.

“Nice to see you again.”

There’s always that person you’ll love… no matter how much pain they put you through.

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 147 4
Sa mundo may mga bagay na hindi natin napapansin ang halaga tulad nang tao bagay o kung ano man Minsan malalaman lang natin yung halaga nila pag naw...
208K 2.4K 9
How really important it is to follow even the simplest of instruction? Well, it could mean life and death. Lara Sandoval, a newbie journalist slash m...
358K 5.8K 74
Status: Completed Ivan Lee. Pinaka leader ng Ginger Band na pinakasikat na banda sa buong bansa at sikat din sa ibang bansa. Idol ko siya. Grabe nama...
58.7K 850 55
V Series #2 He's Brent Joseph Lopez And he's her dearest secret. . . Started: June 10, 2016 Ended: December 30, 2018