Brainless Heart

By pixieblaire

261K 5.6K 873

"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to lov... More

Brainless Heart
Unang Bahagi
Simula
Ala-ala 1
Ala-ala 2
Ala-ala 3
Ala-ala 4
Ala-ala 6
Ala-ala 7
Ala-ala 8
Ala-ala 9
Ala-ala 10
Ala-ala 11
Ala-ala 12
Kasalukuyan
Ikalawang Bahagi
1 - Shadows
2 - Big Word
3 - Tensyon
4 - Hindi Kita Namiss
5 - Maiwan
6 - Pancakes and Beers
7 - Eyes Nose and Lips
8 - Sleeves and Erasers
9 - Enchanted
10 - Again and Again
11 - Books and Tears
12 - Peter Pan
13 - Thank You
14 - Death
WAKAS
Brainless Heart Playlist

Ala-ala 5

6.8K 139 24
By pixieblaire

Ikalimang Ala-ala
Doodle 
Temang musika: Love (Cody Simpson ft. Ziggy Marley)

♡♡♡

Kung ang buhay lang sana ng tao ay laging pantay: Lahat ng dumadating dapat wine-welcome; lahat ng umaalis dapat pinipigilan; lahat ng sa’yo dapat inaalagaan at pinahahalagahan. At lahat rin sana ng umiibig ay iniibig ring pabalik.

♡♡♡

ISANG ARAW, natrip-an ko na lang bigla na mag-drawing. Ewan ko kung bakit. Basta parang naisipan ko na lang. Nakatingin lang ako sa sketch pad ko na nung una’y isa pa lang ang laman—‘yung doodle ko sa sarili ko. Biglang pumasok sa isip ko ang Eskepiks. Tama. Gagawan ko sila ng doodle!

Una kong ginawa ‘yung kay enemy. Bakit siya ang una? Iyon ay dahil mas marami akong alam sa kanya kaya ang daming ideas ang pumasok sa isip ko. Ang dami na rin kasi niyang nakukwento and besides, he’s my closest among them after all.

Pano nangyari ‘yun? Let’s put it this way. ‘Yung Eskepiks kasi, nakakausap ko sila through group chat madalas sa FB. Baliwan sessions namin, sa GC lahat. Unlike him, one-on-one session kaming dalawa kaya mas marami akong alam sa kanya. Kaclose ko sila lahat pero ‘yung anim, close ko sila sabay-sabay, si Dwain iba. Ayoko sana maging bias pero hindi naman maiiwasan talaga na wala kang ituring na closest sa mga kaibigan mo. Ang mahalaga, pantay pantay naman ang pagmamahal ko sa kanila. Ang cheesy. And as of now pa lang naman ito. As of now.

Sinunod kong gawan ‘yung anim. Kina Kym, Byron, Mona, Lai, Ira, at Karla. I finalized and polished all nang sabay-sabay, saktong araw ng monthsary ng barkadahan. 5th monthsary. Sa loob ng 2 weeks, natapos ko ang pitong doodles. Kaloka. Busy rin naman ako dahil sa school pero nagawa ko pang isingit sila. Time management nga lang talaga. Or should I say talagang mahalaga sila sa akin kaya ganun. Motivated. Yak, ang cheesy nanaman.

September 14.

Dahil may klase ako ng araw na ‘yan, binigay ko sa kanila ‘yung gift ko ng gabi na. Dahil wala kaming scanner, pinicture-an ko na lang. Natutuwa naman ako dahil naappreciate nila nang bongga ang regalo ko. Well, wala pa si Dwain. ‘Di naman ‘yun always online, eh. Pero sinabihan ko siya na magbukas siya ng gabing ‘yon dahil nga ibibigay ko na sa kanya ‘yung regalo.

“Should I log in now?”aniya sa text. Sinabi kong buksan na nga niya dahil nasend ko na sa message. Sobrang kaba ko nun habang wala pa siyang reply. Baka kasi, ‘di niya magustuhan. Baka kasi, madisappoint siya sa gawa ko. Baka mapasabi lang siyang “Ah eto na yung sinasabi mong gift?”. Naloka ako pag-iisip. Naka-open ang laptop ko, FB in exact. Pati na rin ang phone ko sa tabi.

Maya-maya pa, nagtext siya. “Wow, nice! Ang tyaga!! Thank you!!”               

“Sabi ko na nga ba ‘di mo magugus—teka wait.. Ano? Hahaha! Ako pa matyaga. Walang anuman :)” Nagulat kasi ako.

“Ang ganda kaya. Doodle pala, ‘di mo agad sinabi. Haha. Cool!”                  

Magkatext kami ng mga oras na ‘yan, at the same time magkachat sa FB. Gabing-gabi na, siguro around 11 pm onwards. Nagpasalamat pa siya ulit. Grabe. ‘Yung halimaw na inasahan kong lalaitin o hindi masyadong maaappreciate ‘yung doodle ko sa kanya, hindi pala. Napa-Wow na nga siya, pinuri niya pa na ang ganda, at ang cool. Dapat ko ata itong ipagcelebrate. Himala, eh. Sana lagi pala akong may binibigay sa kanya ‘no? Para mabait siya sa’kin.

Hindi pa doon natapos ang gabi ng ika-14 ng Setyembre. Humiling ako ng picture niya sa chat. Binigyan naman niya ako, kaso ‘di ko trip ‘yung itsura niya dun. Ang haggardo versosa kasi. Haha! Nasa fitting room daw kasi siya nun. Sus, palusot. Kaya humirit pa ako ng isa, ‘yung mas maayos. At isa nanamang himala, sinend-an niya ako ng walang pag-aatubili. Isang formal picture... Na nagpaguho ng mundo ko.

Syempre JOKE lang! Going back, ayun. Uhm, okay naman. Nanliliit ‘yung mata niya, syempre chinito. He’s chinese blooded. Tapos, naka-smile pa siya sa picture, malayong-malayo dun sa lagi kong naiimagine na salubong lagi ang kilay na masungit na seryoso dahil sa hard na personality. But Dwain will always be like that. Sa iba namang nakikita kong friends niya, ang bait niya. Ako lang talaga ang trip niya laging asarin. Adik talaga ‘yun. Pero balik tayo sa picture, mas naging malinaw na ngayon sa akin ang itsura niya.

Okay oo na, parang ang gwapo niya nga. Tsk.

DAYS PASSED. Dati, nagtataka ako sa sarili ko kung anong nangyayari. Ngayon, parang palala nang palala. May sakit ba ako? Ano ba kasing meron?

May biglang sumiksik sa utak ko. Mahal mo na.

Nasapok ko sa utak ‘yung... Teka ano ba ‘yun? Konsensya? Subconcious? Mind speaker? Ispiritu ng utak?

Mahal? Agad-agad? Ang LRT naman n’yan. Ang bilis. ‘Di ko nga crush, ‘di ko nga gusto, at ‘di nga ako infatuated sa kanya tapos mahal agad? Ni hindi ko nga alam paano magmahal. Wala pa akong karanasan. Alam ko lang i-define ang love sa mga essays pero sa realidad, napakahirap bigyang kahulugan. At sa tingin ko, hindi naman talaga dinedefine ang love.

Nagpapatawa si Mind. Ha-ha.

But one thing’s sure. I’m uncertain.

September 20. Friday
Uncertain

Dear Green,

            Green, dati naguguluhan ako, ngayon lalo akong ginagambala ng weird feelings na ‘to na hindi ko madetermine. Kumbaga sa Math, undefined. O baka sadyang kinalimutan ko lang ang formula kaya ‘di ko malaman ang tamang sagot. Na baka nagbubulag-bulagan lang ako sa totoong nararamdaman ko.

            Hindi ko na alam. Baka naman kasi dala lang ito ng closeness naming dalawa? Kaya akala ko, may nararamdaman na ako. Pero Green, ba’t ganun, madalas siyang pumasok sa isip ko. ‘Di niya nga ako pinapatulog eh. Paggising ko ng umaga, harushabu, siya nanaman ang una kong naiisip. Ang lala na yata ng kondisyon ko Green. Hindi maaari ito.

            Para bang “Dying to know, afraid to find out.” Ang hirap. Crush ko ba ‘yung tao? Gusto ko ba? Na-fall na nga ba? O dahil lang madalas ko ka-interact and I also enjoy his company eh akala ko may something feeling ewan na? Or worse nga, love ko na? Omygash, scratch the last. Ayoko. Lahat pala ‘yan, erase erase!!! Never! ‘Di pwede! Ayoko! Bawal! Aish, kita mo na. Green pwede bang damayan mo ako ngayon?

            Ayokong mahulog, lalo na... Sa kanya pa. Enemies nga kami ‘di ba? Lagi akong inaasar, hinahard, dina-down (pero pinapagaan niya rin naman ang loob ko, hala sige Ja ipagtanggol mo pa), inooffend, nine-nega, o hinu-hurt. Wala akong pinagsasabihan sa Eskepiks, dahil ayoko nang magka-issue pa, ayoko nang idamay pa sila sa kaewanan ko. Pero they know na may problema ako—pinipigilan ko ang uncertain feelings ko para sa isang tao. Bakit ko nga ba pinipigilan? Kasi natatakot akong malaman kung anuman ‘yun, tutal useless naman.

            Isang advice ang tumatak sa’kin mula sa Eskepik girls, si Ira. Sabi niya, “Ja, bago mo alamin kung anong klaseng feelings ‘yan, alamin mo muna kung may possibility na pwede kayo.”—napaisip naman ako dun na hindi ko dapat iniisip. Dun pa lang sa sinabi ni Ira, lalong ayoko nang malaman pa kung ano ‘to. Imposible kasi Green eh. Alam kong hindi ako ang ideal girl niya, malabo. Error ‘yun. Anlayo. Green, gawin mo na nga lang akong amnesia girl. Kahit ‘yung feelings ko na ‘di ko mafigure-out lang ang burahin mo.

            Gusto ko siyang tiisin minsan, na pag nag-GM siya ‘di ko rereply-an. Pero buset ba’t ganun, ‘di ko mapigilang ‘di mag-react? Ang isa ko pang kabaliwan, minsan naiisip ko kung... Posible kayang namimiss niya rin ako? Kahit as kadaldalan lang, o ‘di kaya bigla niyang akong maiisip (kahit dahil ampanget ko) tapos bigla siyang matatawa. Pero nako, syempre imagination ko lang ‘yan. Sino naman ako ‘di ba? Kapal ko lang Green.

            Haay Green Green Green grass of home. Ikaw na nga lang ang iisipin ko sasaya pa ako. Galingan mo naman kasi sa pakikipaglaban. Lagi kang natatalo ni Dwain sa pag-invade sa utak ko eh. Galingan mo naman oh. Ngayon pa lang kasi, parang ang aatakihin na ako sa puso. Ay ang puso ay sa love nga pala. I’ll rephrase it, aatakihin na yata ako sa balun-balunan.

 

DUMAAN pa ang ilang araw at linggo. Ayokong magmura pero unggoy na inabanduna lang talaga, dumadalas eh. Dumadalas ang pag-iisip ko sa kanya. Sa inaraw-araw, namimiss ko ‘yung tao. Kahit magkatext lang kami kahapon, o nung isang araw, o ngayon. Peste.

Do I like him?

No, you love him.

‘Lang’ya! ‘Wag kang sumingit!

Nagmamahid-manhid-an ka eh.

Anak ng putakte naman! Hindi ako manhid okay? Wala nga kasi.

That explains.

Bwisit. Okay, ayoko kasing mahulog. Ayoko.

Eh nahulog ka na, eh.

Hindi! ‘Di ba sabi ko hindi? Hindi nakakaintindi?

Niloloko mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo, Ja.

And so? Buhay ko ‘to eh! Edi...

Oo, buhay mo nga. Edi magdusa ka.

Argh! Nakakainis kausap ang sarili paminsan-minsan! Huhuhuhu.

Wala.

Ha? Anong wala! Ilusyon ko, sabihin mo nga, ano ba talagang nangyayari sa’kin?

Inlove ka.

Whaaaat? So ito ang tinatawag na inlove? ‘Wag mo nga akong lokohin.

Ikaw ang manloloko—manloloko sa sarili mo.

Kung sakaling totoo nga ‘yang sinasabi mo, anong dapat kong gawin?

Andiyan na, eh. It’s either you’ll confess, o manatili kang ganyan—nababaliw kaiisip.

Eh ‘di ba bawal nga kasi. There’s no way we... we can... arghh. Impossible!

Walang imposible pre.

Meron! Kaya pipigilan ko.

Kahit kailan, hindi napipigilan ang nararamdaman. But yes, napagtatakpan.

Alright. Suko na ko. I’m helpless. Tinamaan na nga yata ako.

Edi umamin ka rin.

Pero useless naman eh. Wala akong magagawa.

As I said, walang imposible. Lalo na sa love. Isipin mo ang mga bagay-bagay, make yourself realize to reveal those blurred truths. ‘Wag kang matakot, hindi multo ang pag-ibig.

Dahil sa sinupalpal sa’kin ng subconscious ko, nagsimula akong mag-isip. Wala naman sigurong masama kung mag-isip ako ng tungkol sa amin ‘no?

Lalaki siya, babae ako. Check tayo d’yan!

Hate namin ang isa’t isa. (But of course, sa salita lang) Check ulit! Opposite attracts daw, eh. Kakornyhan talaga! Argh!

Single siya, single ako. Okay check tayo d’yan.

Nahulog ako sa kanya, siya hindi. Okay, ekis tayo d’yan. Huhu.

Wala akong manliligaw, siya hindi ko alam kung may nililigawan. Patay tayo d’yan, isa nanamang ekis.

Nag-isip pa ako. Ano pa ba? Hmmm.

At halos pagsakluban naman ako ng buwan at mga planeta sa huling naisip ko.

Katoliko ako, siya... Iglesia ni Cristo. ISANG MALAKING EKIS.

Bawal mapangasawa ng isang Iglesia Ni Cristo ang hindi niya karelihiyon.

WTF did I just?! Ba’t future agad ang naiisip ko? Kaletsehan. Erase that crap Ja! Bakit mo ba iniisip ang mga ganitong kalokohan sa buhay?

Pa’no kami magmamahalan kung magkaiba ang relihiyon namin?

Yayks! Isa pa Ja, i-uumpog ko na talaga ang ulo mo ng damn hard—pagkausap ko pa sa sarili ko.

At pa’no ko ba naatim na sabihin ‘to gayong ako lang naman talaga ang nakakaalam. Na parang may nararamdaman na nga ako habang siya nananahimik at walang kaalam-alam na naguguluhan ako. Sana wala. Sana wala lang talaga ‘to.

Life... please?

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 177 10
Jianreiy has been stressing about their upcoming senior prom. Of course, it doesn't matter if you don't have a date to prom. However, it is a big dea...
2.6M 29.4K 101
Tungsten with the other Corpuz's named after the elements from the Periodic table, takes an unexpected turn when they crossed paths with Aika Tiffany...
7.7K 391 108
In a world where you could be different, there's a poem. Make it your greatest Masterpiece. Highest ranking 2020 #1 in Poetries 2020 #1 in Masterpi...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...