Coiling Dragon Book 3 (The Mo...

Galing kay xiantana

31.5K 2K 140

Labing-limang taong gulang at isa nang magus ng fifth rank si Linley. Ngayon ay isa na si Linley sa tinaguri... Higit pa

B3C1: Stone Sculpting (part 1)
B3C3: A night at the Jade Water Paradise
B3C4: The Price (part 1)
B3C5: The Price (part 2)
B3C6: The invitation
B3C7: The Journey (part 1)
B3C8: The Journey (part 2)
B3C9: The Mountain of Magical Beasts (part 1)
B3C10: Mountain Range of Magical Beast (part 2)
B3C11:Wolf Pack (part 1)
B3C12: Wolf Pack (part2)
B3C13: Danger (part1)
B3C14: Danger (part 2)
B3C15: Cruelty
B3C16: Cruelty (part 2)
B3C17: Bebe's Prowess (part 1)
B3C18: Bebe's Prowess (part 2)
B3C19: The Black Dagger (part 1)
B3C20: The Black Dagger (part 2)
B3C21: The Foggy Gulch (part 1)
B3C22: The Foggy Gulch (part 2)
B3C23: Her name was Alice (part 1)
B3C24: Her name was Alice (part 2)
B3C25: Violet in the night wind (part 1)
B3C26: Violet in the night wind (part 2)

B3C2: Stone Sculpting (part2)

2K 89 5
Galing kay xiantana


Sa loob ng Huadeli Hotel.

Si Yale, "Yamang napag-alaman natin ngayong araw na si Third Bro ay isang ekspertong eskultor, kinakailangan nating lumabas at magdiwang. Tara sa Huadeli Hotel." Iyon lang at ang apat ay nagtungo sa Huadeli Hotel.

Karamihan ng mga studyante ay nakatuon ang tingin kay Linley.

Dixie, Linley!

Ang pinakadakila at nangungunang henyo ng Ernst Institute. Kahit saang lugar sila pupunta ay naging sentro sa atensiyon ito. Mula sa malayo, maraming mga studyante ang nagsimulang nag-uusap-usap sa mahinang boses.

Ang apat ay nakaupo ngayon at kakarating palang ng kanilang pagkain.

"Skwek, skwek." Si Bebe, na natututulog hanggang sa mga sandaling iyon ay inilabas ang maliit nitong ulo mula sa roba ni Linley. Ang pares na makikintab at malademonyo nitong mata ay nakatitig sa nangingintab na lechong manok sa lamesa. Agad na inabot ni Reynolds ang manok at ibinigay kay Bebe. "Bebe, halika."

"Boss Linley, kakain ako." Agad na nakikipag-usap ni Bebe kay Linley sa pamamagitan ng isip.

Bago pa man nagawang sumagot ni Linley ay tumalon na si Bebe sa mesa, kumuha ng manok at nagsimulang kumagat. Wala pang sampung segundo, ang buong lechong manok ay tuluyan ng naubos sa maliit na Shadowmouse na mas maliit pa sa manok.

"Third bro, sa bawat oras na nakikita ko kung paano kabilis ni Bebe na kumain, hindi mapigilan ng puso kong mangilabot." Tawa ni Yale.

Pagkakain, humarap si Bebe para tumingin kay Linley. Pagkakita sa nangingintab na kuko ni Bebe, hindi napigilan ni Linley ang kumunot noo.

"Skwek, skwek."

Sinadya ni Bebe na sumiyap-siyap ng dalawang beses kay Linley, pagkatapos ay bahagyang ipinikit ang mga mata na halatang nagagalak, kasabay niyon ay naglabas ng kulay itim na ningning ang katawan nito. Ang itim na aura ay lumaganap at pagkatapos, sa isang kisapmata ay nawala. Pero ang dalawang noo'y nagmamantikang kuko ni Bebe at ganun din ang buntot, ngayon ay sobrang linis na.

Hinagod-hagod ang maliit nitong mukhang nakatitig kay Linley at sumiyap ng isang beses, habang nagsasalita sa isip, "Boss Linley, malinis na ba ito sayo?"

Hindi napigilan ni Linley na matawa.

"Woosh." sa isang pitik ay muling sumuot si Bebe sa damit ni Linley.

Pagkaraan, ang apat na magkakaibigan ay nagsimulang kumain.

"Siya nga pala, kung plano mong ipadala ang iyong mga nililok sa Proulx Gallery, may iilang bagay ang dapat mong pakaisipin." Paalala ni Yale kay Linley.

"O, anong kailangan kung tandaan?" tanong ni Linley.

Walang alam si Linley kahit isang bagay tungkol sa sistema kung paano tumanggap ang Proulx Gallery ng mga bagong nililok.

Ngumiti si Yale. "Para sa mga nililok, sa ibaba ng kaliwang bahagi na sulok ay kailangang mag-iwan ng inskripsyon ng pangalan nito o alyas na nagpapayahag na ito ay iyong sining. Ito ang unang bagay. Ang pangalawa ay kung ang nililok ay ipinadala sa Proulx Gallery, kinakailangang silyado at nakakahon. Ito ay para maiwasan na ang nililok ay masira habang ipinapadala sa galerya. Kung ang silyadong nililok ay nakarating na sa warehouse ng Proulx Gallery, may mga taong nag-iinspeksyon nito para tingnan kung nasa ayos ba ito na kondisyon, ganun din ang pagtatala ng mga detalye sa sarili mong impormasyon. Kalimitan, sa loob ng tatlong araw o mahigit, ang iyong gawang sining ay nakahanda na para ipakita sa standard display hall ng Proulx Gallery."

Tumango si Linley.

Ang pag-iiwan ng pangalan sa iyong gawang sining ay ginagawa upang maiwasan ang iba na angkinin ang iyong gawa.

Naintindihan din ni Linley ang rason kung bakit kinakailangan ng mga nililok na nakakahon at silyado. "Kalimitan sa mga nililok ay sobrang inam at maingat na nililok. Habang pinapadala, may posibilidad na ang nililok ay maaring masira. Kung ito ay maasyos na nakabalot, at nilagyan ng maraming papel at tela, mas ligtas ito."

"Paano naman ang presyo at tawaran? Anong palakaran ng Proulx Gallery tungkol dito?" tanong ni Linley.

Ang buong punto ng pagpapadala ng nililok sa Proulx Gallery ay para kumita ng pera, iyon ay para maayos ang kalagayan ng pangagailangan ng kanyang pamilya.

Malugod na sabi ni Yale, "Ang mga nililok na nakalagay sa loob ng standard hall, at ang mga potensyal na mga bibili ay pwedeng magbigay ng presyo na gusto nila. Pagkaraan ng isang buwan, ang pinakamataas na bidder ay makakatanggap ng nililok, habang ikaw naman ay makakatanggap ng iyong kompensasyon. Natural na ang Proulx Gallery ay makakatanggap ng 1% komisyon, na may matinding limitasyon na sampung gintong barya. Kung ang iyong nililok ay sumobra sa isang libong ginto na presyo, ang komisyon ng galerya ay mananatili sampung gintong barya pa rin."

Naintindihan na ngayon ni Linley.

"Third bro, wag kang mag-alala. Ipapaayos ko sa iilang tauhan ko sa Fenlai City, sila na ang mag-aasikaso sa lahat. Ginagarantiya ko na aabot ito sa iyong pamantayan." Ngumiti si Yale kay Linley habang nagsalita. "Kung ang third bro ng dorm natin ang nagpapadala ng nililok sa Proulx Gallery at naibinta ng maganda, gaganda din ang reputasyon ko."

Sa isang gilid, hindi napigilan ni George ang mapabuntonghiningang may kasamang paghanga. "Third bro, sa ngayon, ikaw ay fifth grade na studyante. Balang araw, walang dudang maging isa kang master sculptor. Ang iyong hinaharap ay hindi masusukat. Walang dudang mas maganda kaysa sa amin."

"Master sculptor? Wag mo akong bulahin." Natawa si Linley sa sarili.

(Xiantana: Juice ko! Wala akong maisip pamalit sa Master sculptor, pagbigyan n'yo na ako)

Ang apat na magkakaibigan ay nagpatuloy sa pagkukwentuhan habang umiinom at kumakain.

"Ang manirahan sa Ernst Institute ay talaga namang napakakumportable," biglang buntonghininga ni Yale, ibinaba ang basong may lamang alak. "Naalala ko pa noong bata ako at nakatira sa aming bahay, ang aking pamilya ay napakalupit."

Ngumiwi din si Reynolds. "Lahat tayo ay studyante ng Ernst Institute. Ayon sa aking lolo Lomu, ngayon, ang mundo ay napakagulo. Ang mundo sa labas ay walang tigil ang digmaan at patayan. Ang Ernst Institute ay napapalikuran ng Radiant Church, kaya walang nangahas na kumakalaban dito. Iyan ang rason kung bakit ang buhay natin ay maginhawa. Sa hinaharap, paglumabas tayo at magsasanay sa totoong mundo, makikita na rin kung gaano kalupit ang mundo."

"Totoong-totoo."

Tumango si Linley at bumuntonghininga. "Nasa fifth grade ako ngayon. Marami sa kaklase ko ang umalis para magsanay sa totoong mundo. Ayon sa kanila, iilan sa mga studyante ay namamatay sa digmaan sa labas at marami ang nalumpo at nasugatan. Kung hindi niti maranasan ang totoong buwis buhay na sitwasyon, mahihirapan tayong maging malakas."

"Para lang tayong mga alagang hayop ng mga maharlikang pamilya. Maaring ang buhay natin ay madali, pero paano sila maihahambing sa kalupitan ng totoong mundo?" buntonghininga din ni Goerge. "Inaabangan ko ang madugong buhay at pakikipagbuno na siyang sinasallihan ng mga matataas na antas na mga studyante. Iyong nakakapukaw, nagpapakulo ng dugo na buhay ay pihong nagpapagana."

Si Yale at George ay napatingin din kay Linley, kumikislap ang mga mata.

Sina George, Yale, Reynolds at Linley ay parehong labinglimang taong gulang. Sa puso ng mga ito, naroon ang pagkauhaw sa kapanapanabik na pangyayari sa totoong mundo.

Pero sina Yale at ang iba pa ay sobrang mahihina. Kung tatahakin nila ngayon ang gayong pamumuhay, iyong buwis buhay na digmaan, ang posibilidad ng kamatayan nila ay napakalaki.

"Linley, nasa fifth grade ka ngayon diba?" Biglang tanong ni Reynolds.

Sina Yale at George ay parehong lumingon kay Linley, nag niningning ang mga mata.

Napahugot ng malalim na hininga si Linley at tumango. "Tama. Isang 5th rank magus na ako. Masasabing isa na akong high level magus ngayon. Sa Hunyo, plano kong umalis ng dalawang buwan para maglakbay patungo sa Mountain Range of Magical Beast, at babalik lamang sa Agusto."Matagal nang nakapagpasya si Linley.

"Ang Mountain Range of Magical Beasts?"

Nahigit nina Yale, George at Reynolds ang hininga.

Ang Mountain Range of Magical Beasts, ang pinakamalaking kabundukan sa kontinente ng Yulan, nasa hindi kukulangin isang daang kilometro sa silangang bahagi ng Ernst Institute. Maraming high level na studyante ang totoong nagtungo doon para sa kanilang ikalawa o ikatlong pagsasanay na misyon. Pero karamihan sa mga studyante, para sa kanilang pagsasanay na paglalakbay, ay mas pinili ang ordinaryong lugar sa malapit.

Halimbawa, maaring kinuha ng mga ito ang mababang panganib na trabaho gaya nang pagiging tagabantay o tagahatid ng karawan (caravan).

"Linley, plano mo bang magtungo sa Mountain Range of Magical Beasts para sa iyong unang pagasasanay na paglalakbay?" hindi napigilang tanong ni Reynolds. Sina George at Yale ay parehong nag-alala.

"Relaks. Buo ang tiwala ko."

Buo ang tiwala ni Linley sarili. Bilang 5th rank magus at 4th rank warrior, nagtataglay siya ng sobrang bilis bilang isang warrior, na siya namang maaring mas papabilisin pa sa suporta ng wind-style spell, 'Supersonic'. Base sa kasalukuyan niyang bilis, kung pagsamasamahin ang bilis ng kanyang salamangka, maaring maabot ni Linley ang bilis ng 6th rank warrior.

At ang pinakaimportante...

Nagagawa ni Linley na gamitin ang high-level wind spell, "Floating Technique."

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...