Mafia Boss Obsession [PUBLISH...

Від Miss_Terious02

2.1M 36K 1.5K

Sa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasa... Більше

Mafia Boss Obsession
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Thank You!
MIBF 2023

Chapter 18

44.2K 812 12
Від Miss_Terious02


Enjoy reading!

Maaga pa lang ay gising na ako dahil nakaramdam na naman ako ng pagsusuka. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa lababo at doon nagsuka. Nang matapos ay agad na akong nagmumog at umupo saglit dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Pinahihirapan ka ba ng apo ko?" Napatingin ako kay tita nang pumasok siya sa kusina.

"Good morning po, tita." Nakangiti kong bati sa kanya.

"Good morning din. Maupo ka lang diyan at magluluto ako ng umagahan natin." Sabi njya at agad na nagluto.

Tinitingnan ko si tita habang nagluluto. Napangiti ako dahil napaka suwerte ko dahil mayroon akong tita na kagaya niya. Ang akala ko kahapon ay itataboy niya ako ngunit hindi niya ginawa.

Nang mawala na ang pagkahilo ko ay tumayo na ako upang magtimpla ng kape namin ni tita. Sinabihan pa niya ako na siya na ang gagawa ngunit nagpatuloy ako.

"Tita, may pupuntahan lang po ako pagkatapos natin kumain." Paalam ko habang kumakain kami ng umagahan.

"Saan ka pupunta? Magpasama ka kay Jarenze at baka ano pa ang mangyari sa 'yo sa daan mamaya." Sabi niya.

"Huwag na po, tita. Malapit lang naman po 'yon. May nagreto po kasi sa akin na trabaho." Sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Trabaho? Akala ko ba may trabaho ka na sa hotel?" Tanong niya.

"Nagsara po kahapon." Sagot ko.

"Bakit biglaan naman?" Nagtatakang tanong niya.

"Ang tatay po ng anak ko ang nagpasara, tita." Pag-amin ko.

"Diyos ko, Abigael. Bakit ayaw kang tantanan ng lalaking iyon?" Natatakot na sabi ni tita. Kahit ako ay natatakot na rin sa maaaring gawin ni Harvey sa akin kapag magkita kami. At sana lang ay hindi mangyari iyon.

Pagkatapos namin kumain ng umagahan ni tita ay siya na rin ang nag presenta na maghugas ng pinagkainan namin. Kaya agad na akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Inayos ko na rin ang mga dadalhin kong requirements para sa trabaho. Nang maayos na lahat ay lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kay tita.

"Alis na po ako, tita." Paalam ko.

"Sige. Mag-iingat ka." Sabi niya. Tumango lang ako at lumabas na ng bahay.

Kinuha ko ang isang maliit na card na binigay ni Kyle sa akin kahapon. Nang mabasa ko ang address ay agad kong tiningnan ang natitirang pera ko sa aking pitaka. Aabot pa naman ako hanggang sa address na 'to ngunit hindi ko alam kung paano ako uuwi mamaya.

Dalawang sakay ang ginawa ko bago makarating sa kompanya na Pagtatrabahuhan ko. Sa entrance pa lang ay halatang yayamanin na ang kompanya. Binati pa ako ng security guard sa entrance bago ako pinapasok.

"Good morning po, ma'am. Pakisulat po ang pangalan niyo rito at isang valid ID niyo lang po." Sabi ng guard.

"Pwede na po resume, kuyang guard?" Tanong ko. Tumango lang siya. Pagkatapos kong isulat ang pangalan ko sa log book ay kinuha ko ang aking resume at pinakita sa kanya.

"Okay na po, ma'am. Saan po ba ang punta mo?" Tanong niya.

"Saan po rito ang HR office niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa fifteenth floor po ang HR office, ma'am. Gumamit na lang po kayo ng elevator." Sabi niya at tinuro ang elevator.

"Sige, salamat po." Sagot ko.

"Walang ano man po, ma'am." Sabi ng guard. Agad na akong naglakad papunta sa elevator na itinuro ng security guard na nakausap ko.

Marami akong kasabay na nag-aabang din sa elevator. At nang bumukas iyon ay may lumabas na apat na babae roon. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila. .

"Akala ko ba hiring sila? Tapos sinabihan lang tayo na bawal na raw." Naiinis na sabi ng isang babae sa mga kasama niya. Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na lang ako sa elevator. Paano kung pauwiin din ako? Wala na akong pera pauwi!

Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto ng elevator at nakita ko roon ang fifteenth floor kaya lumabas na ako kasabay ng iba na lumabas rin. Agad kong hinanap kung saang pinto ang nakalagay na HR office. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.

"Good morning po, ma'am." Batii ko sa isang medyo matanda ng babae.

"Good morning din. Ikaw ba si Abigael Mendez?" Taong niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ngayon pa lang naman ako nakapunta rito.

"O-opo, ma'am. Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.

"S-sinabi k-kasi ni…Kyle. O-oo, tama ni Kyle." Sagot niya at ngumiti sa akin. 

"Ganon po ba. Sinabi na po pala ni Kyle sa inyo." Nahihiya kong sabi.

"Ah, oo. Kanina ka pa hinihintay ng CEO, Miss Abigael." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ako hinihintay ng CEO? Hindi ba dapat siya ang kakausap sa akin muna?.

"Po? CEO po ba ang magi-interview sa 'kin?" Tanong ko.

"Yes, Miss Abigael. Siya ang mag i-interview sa 'yo. Tara na at ihahatid kita sa office niya." Seryoso talaga siya. Baka nga CEO talaga kasi secretary niya ako e. Siguro nga ganon sila rito. Para mas lalo akong makilala pa ng amo ko. Sumunod ako sa kanya palabas ng kanyang office. Ang akala ko ay sasakay pa kamu ulit ng elevator ngunit naglakad kang kami hanggang sa makarating sa dulo kung saan may isang pinto roon.

"Ikaw na ang kumatok ng pinto, Miss Abigael. Maiwan na kita rito." Sabi niya at iniwan nga ako rito sa harap ng pinuan ng CEO.

Nag-aalinlangan pa ako kung kakatok ba ako. Baka kasi abala pa ang magiging amo ko at nakaka-istorbo ako sa kanya. Mahina kong kinatok ang pinto. Ilang saglit lang ay may narinig akong sigaw mula sa loob.

"Come in." Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Nagsisimula ng bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at may nakita akong isang lalaki na nakatayo at nakatalikod habang nakatingin sa may glass wall. Bakit parang pamilyar ang likod niya? Nakita ko na ba siya dati?

"G-good morning po, sir." Pagbati ko sa kanya kahit nakatalikod siya sa akin. Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko kaya huminga muna ako nang malalim. 

"Good morning. It's nice to see you again, love." Bigla akong napaatras at napalaki ang mga mata ko nang humarap siya sa akin. Ang nasa harapan ko ngayon at ang CEO ng kompanya na pagtatrabahuhan ko ay si Harvey Sandoval!

"H-harvey...." Para akong ipinako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Tatakbo ba ako palayo sa kanya? Or lalapitan siya at sampalin. 

"Yes, my love?" Alam ko na kahit hilingin ko pa na sana hindi kami magkita ay talagang hindi mangyayari iyon. Ngunit bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na hindi ako handa.

Kung siya lang din naman ang magiging amo ko at kahit malaki ang sahod ko rito ay hindi ko tatanggapin. Ayokong makasama siya araw-araw. Ayokong makasama ang isang mamamatay tao.

"A-alis na ako. Nagbago na ang isip ko. H-hindi na ako mag a-apply." Nauutal kong sabi at akmang lalabas na ako nang biglang tumunog ang pinto at nang buksan ko ay naka-locked. Masama kong tiningnan si Harvey na mayroong hawak na isang maliit na remote at may  nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Trying to escape again, love?" Sabi niya at unti unting lumapit sa ikinatatayuan ko. Wala na akong maaatrasan dahil pinto na ang nasa likod ko.

"Dyan ka lang! Huwag k-kang lalapit!" Sabi ko. Pero hindi niya ako sinunod at patuloy pa rin siya sa paglalakad papalapit sa 'kin. Huminto siya sa harap ko mismo.

"Give me your resume, love." Sabi niya at inilahad ang kanyang kamay.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi na ako mag a-apply sa company mo!" Matapang kong sabi sa kanya.

"Please, love, I need your resume." Talagang ayaw niyang pansinin ang sinabi ko na ayaw ko ng mag trabaho sa kompanya niya.

"Harvey, naririnig mo ba ang sinabi ko?" Tanong ko. Ngunit hindi niya ako pinansin at sa halip ay niyakap niya ako. Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa ulo. 

"Tama na, Harvey! Ayoko na." Sabi ko at pilit siyang tinutulak papalayo sa akin.

"Pumayag ka muna maging secretary ko." Pamimilit niya.

"Bakit ako?" Tanong ko.

"Bakit hindi?" Tanong niya rin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwede ba buksan mo na itong pinto para makalabas na ako rito?" Utos ko sa kanya. Ngunit parang wala siyang naririnig.

"Harvey, naririnig mo ba ang sinabi ko? Nabibingi ka na ba?" Tanong ko.

"Give me your resume first." Sagot niya. Kapag nakikita ko ang pagmumukha niya ay naaalala ko ang ginawa niya sa hotel na pinagtrabahuhan ko.

"Sa isang kondisyon." Matapang kong sabi. Seryoso naman siyang tumingin sa akin na para bang inaabangan ang sasabihin ko.

"What is it?" Tanong niya.

"Tulungan mong ibalik ang Ideal Hotel. Ang kapal ng mukha mo para ipasara iyon." Inis kong sabi. Kahit sa ganitong paraan man lang ay may maitulong ako sa hotel na 'yon.

"That's all, love?" Mahina niyang tanong na para bang napaka-simple lang ng kondisyon ko.

"Oo. At gusto ko ngayon mo asikasuhin 'yon." Utos ko sa kanya.

"Okay, love. Your wish is my command." Nakangiti niyang sagot at kinuha ang selpon niya sa bulsa ng kanyang suot na itim na slacks. Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siya sa kanyang selpon.

"Hello, Kyle. Ayusin mo ang Ideal Hotel. Ibalik mo." Nang marinig ko ang pangalan ni Kyle ay napakunot noo ako. Tauhan niya si Kyle? Bigla akong kinabahan sa naiisip ko. Alam na kaya ni Harvey na buntis ako at siya ang ama? Sinabi ba ni Kyle ang tungkol sa pagbubuntis ko? Kaya pala naka-itim din siya palagi. 'Yon pala ay tauhan din siya ng ng lintik na lalaking 'to.

"Done, love." Sabi ni Harvey at inilahad ang kanyang kamay upang kunin ang resume ko. Padabog kong binigay sa kanya ang resume ko na ikinatawa niya. Bumalik siya sa upuan niya habang hawak-hawak ang ang resume ko.

"Ibig sabihin tauhan mo rin pala si Kyle?" Tanong ko. Napahinto siya sa pagbabasa ng resume ko at tumingin siya sa akin.

"Yes, love. Siya ang palaging nagbabantay sa 'yo kung saan ka man pumunta." Pag-aamin niya at bumalik muli sa pagbabasa ng resume ko. Ibig sabihin hindi siya 'yong palagi kong nakikitang itim na kotse sa kanto namin? Si Kyle iyon?

"Pwede na ba akong umalis?" Tanong ko sa kanya.

"Just wait me, love. Ihahatid kita." Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Hindi na. Kaya ko naman umuwi mag-isa." Sagot ko kahit na wala na talaga akong pera pamasahe pauwi.
"Hanggang ngayon ba ay matigas pa rin ang ulo mo?" Tanong niya at tumayo.

"Hindi matigas ang ulo ko. Ayaw ko lang talaga sa 'yo." Sagot ko.

"Ouch, love, it hurts." Pag-iinarte niya at humawak pa sa dibdib niya na kunwaring nasasaktan. Inirapan ko lang siya.

"Let's go. Ihahatid pa rin kita kahit ayaw mo sa 'kin." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay at sabay kaming lumabas ng office niya.


Miss_Terious02

Продовжити читання

Вам також сподобається

479K 10.2K 56
NOTE: SPG/R-18 BOOK 1 & BOOK 2 "I will save your mother but on one condition you will become my slave.."-Dr. Jayson Andrich. Book 1 Started: Decembe...
589K 15.7K 46
Warning R🔞 Lahat ay inilalayo niya sa kaniya dahil sa takot na pati ang mga ito ay mawala sa kaniya. He thinks that loving him is a curse like his l...
52.4K 1.5K 34
Completed. Han Series #2
103K 1.6K 38
The Summa Cum Laude Kiyara Yve Montecillo applied to different companies, twenty of them declined her. They rejected her application kaya laking pagt...