His Deepest Secret ☑️

By Yaoistorywriter

174K 7.7K 581

When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat... More

Prologue
...baby cute sugar pie dunkin donut?
[1] Bored
[2] Name
[3] Totoo
[4] Dagat
[5] Beat
[6] Training
[7] Room
[8] Hindi
[9] Wirdo
[10] Oras
[11] Kaya
[12] Sino
[13] Pumara
[14] Mukha
[15] Smiled
[16] Alam
[17] Kundi
[18] Natunaw
[19] Realized
[20] Ayoko
[21] Hinalikan
[23] Dahil
[24] Oo
[25] Neither
[26] Parang
[27] Muli
[28] Do
[29] Enough
[30] Ano
Epilogue

[22] Magkakaroon

3.8K 195 3
By Yaoistorywriter


K E N

Parang gusto ko ulit mag-umpisa mula sa simula.
Gusto kong magsimula muli.

Things has keep on happening. Ang dami, ang bilis. Gusto kong suriin ang bawat detalye ng mga nangyayari pero hindi ko magawa dahil nadadagdagan na naman.

Bumalik tayo sa umpisa. I am just a stupid bored neighborhood, went into a crowd fight, pumasok sa school, umuwi, sumakay sa jeep then I encountered Vincent Saavedra.

He annoyed me. We exchanged IDs. Ang sama-sama ng ugali nya.

Then my bestfriend Renz confronted his feelings towards me. Sobrang na-overwhelm ako pero wala na akong nagawa dahil wala na akong nararamdaman sa kanya bukod sa pagmamahal na lang bilang kapatid o kaibigan.

Pagkaamin niya, umalis siya. Iniwan niya ako. Ang saya, ang galing.

After that, I met Paul. Siya ang naging time consumer ko dahil iniwanan na ako ni Renz. At dahil sa kabaitang ipinamamalas ni Paul, sa sobrang rupok ko, I fell inlove with him.

And then, upon admitting my feelings towards him, malalaman ko na lang bigla na wala palang Paul na nag-eexist. Dahil si Paul, ay si Vincent.

Ayun pa lang...ayun pa lang. Sobrang bilis na. It's so sudden. Wala akong masabi. Ngunit wala rin akong magawa if that's whats meant to happen.

I like Paul. Does that mean I like Vincent as well? Alam kong eventually, ganoon din ang mangyayari. What's blurry for me until now ay kung gusto rin ba ako ni Vincent.

At kung oo, paano nagsimula? Kailan? Bakit hindi ko alam?

Bakit napaka-unpredictable niya?

Tapos ngayon, ito. Sa sobrang complex ng nangyayari, tambak na ang mga tanong na gusto kong ibato kay Vincent.

Sa ngayon ay nandito kami sa kanyang kwarto. Hawak-hawak pa rin niya ang papel na nakita niya kanina sa may lamesita. Wala pa akong ideya kung ano ba ang nakasaad sa papel na 'yon, but I know, that's something that makes Vincent so confused.

"Vincent, a-ano 'to? Anong nangyayari?" I asked him.

Parang kahapon lang nasa party pa kami. Parang kahapon lang, nalaman ko na iisa siya at si Paul. Parang kahapon lang, kumanta siya sa stage at na-realize ko na ako pala ang pinatatamaan niya noon. Tapos ito na.

Bumuntong hnininga si Vincent. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Blangko ito. Unti-unti siyang tumingin sa akin.

"Ipapakasal ako sa isang taong hindi ko gusto. The thing is, I love you." Sabi niya habang nakatingin siya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang dami ko nang gustong itanong sa kanya, dinagdagan pa niya.

"Oo alam ko, ang bilis. Pero wala eh. Wala akong nagawa kundi mahulog sa'yo. I don't know, I can see most resemblance between you and Lhor, it's just that you made me fall for you harder than I fell for him. At napakatanga ko para idaan iyon sa pamamagitan ng pagpapanggap at panunuplado ko sa'yo." Paliwanag niya.

Hinayaan ko lang siyang magsalita.

"This paper, it states here na zero investments na ang business ni dad. Wala nang gustong makipagpartner sa kanya. I think, that's why napapansin kong stress siya lately. Then Lhor's dad offered a partnership with my dad but in one condition -- kailangan kong magpakasal sa isa pa nilang anak na si Lionne. At alam ko kung anong pakay nila. Wala talaga silang balak tumulong. Dahil pagkatapos nilang sipsipin ang business ni dad at magkaroon ng koneksyon sa pagitan ko at ni Lionne, saka naman nila kami sisirain bigla. Dahil gusto nilang gumanti. Gumaganti sila sa akala nilang kasalanan ko. At hindi ako papayag --"

"No, Vincent. Gawin mo na." Sabi ko sa kanya.

Natigilan siya. Hindi rin siya kaagad nakapagsalita.

"Vincent, hindi ko alam kung makakatulong ba ang suggestion ko na 'to but...gawin mo na. Kalimutan mo na lang ako." Sabi ko sa kanya.

"What?! Hindi ko gagawin 'yon!" Pasigaw niyang sabi.

I smiled at him. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

"Vincent, sa bilis ng mga pangyayari, kayang kaya mo iyong gawin. Gawin mo ang gusto nila. Marry Lionne, have a mergence with his dad's company at kapag malago na uli ang business ng dad mo, kayo na ang unang bumitaw. Hiwalayan mo si Lionne at punitin mo ang kontrata na namamagitan sa dad mo at dad niya." I suggested.

"Ken, I can do anything. Maliban sa kalimutan ka." Sabi niya.

Again, I smiled. "Kung ganoon, wala naman akong magagawa. Basta nandito lang ako para sa'yo. Suportado kita sa gagawin mong desisyon." Sabi ko sa kanya.

Tumitig siya sa akin. Then, suddenly, he smiled. Isang ngiting ngayon ko lamang nakita sa kanya. It's not genuine pero nakakapanibago na isang Vincent Saavedra na ang ngumingiti sa harapan ko ngayon.

And then, I realized something. Kaya pala familiar palagi ang ngiti ni Paul. Dahil iisa sila.

"Vincent, hindi mo ba napansin? Kahapon ko lang nalaman na ikaw at si Paul ay iisa. Tapos ngayon biglang ito naman. Are you sure na gusto mo ako?" Tanong ko sa kanya.

Gusto ko lang makasigurado. Dahil sa dami ng nangyayari, gusto kong linawin ang lahat ng mga narinig ko ngayong araw.

He smiled a bit, at muli niya akong tiningnan. "Alam mo 'yung rose na natanggap mo noong mga nakaraang araw?" He asked.

Sandali akong napaisip at tumango rin ako. Naalala ko 'yun.

"Alam mo ba noong araw na 'yon, I want you to know na hindi lang si Paul ang dapat mong isipin na magbigay sa'yo ng something. I want you to know that there's Vincent, a whole different person na nagpapakita rin ng interes sa'yo." Sabi niya.

I frowned.

"Eh bakit hindi mo na lang pinasabi dun inutusan mo na ikaw si Vincent? Hindi 'yung nilito mo pa ako." Sabi ko sa kanya.

"Eh alam ko namang badtrip ka sakin non."

"Pero may karapatan pa rin akong malaman. Ok? Hindi 'yung bibiglain mo ako sa paganito mo. Alam mo ba kung gaano ako kagulat pa rin hanggang ngayon. It's so sudden. Hindi pa rin ako makapaniwala." Sabi ko sa kanya.

"Paano 'yung gulat?" Pang-aasar niya. At saka siya tumawa.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin. May mga problema na siya nagawa pa niyang mang-asar. Ang sarap niyang batukan.

Joke lang.

"Ano, Vincent? Gagawin mo ba 'yung sinabi ko sa'yo kanina?" I suddenly asked him.

Napatigil rin siya sa pagtawa at unti-unti ay naging seryoso siya.

"If that's the only option I have to do, gagawin ko na. Parang hindi ko rin kakayanin na nagsasakripisyo si dad para lang sa greed ko." Sabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, parang may biglang tumusok sa puso ko. I have to accept his
d

ecision. Dahil unang-una, siya ang may hawak ng buhay niya at hindi pwedeng ako ang magdesisyon para sa kanya. Maaaring ako ang nagbigay ng suhestyon, ngunit pinakang tulong ko na lang 'yon para hindi ganoon kalalim ang isipin nya.

"Good, Vincent. Don't worry, tutulungan kita."

Distance. I have to distance.

~*~

V I N C E N T

Pakumplikaduhan ng buhay. Ako na dadayo.

Sabi nila, kailangan mong ipaglaban ang isang tao lalo na kung mahal na ito. And that's what I have to do. Kailangan kong ipaglaban si Ken kaya kailangan ko ring gawin ang sinabi niya sa akin. Alam kong pagkatapos nito, magiging worth it ang lahat.

Sana. Para hindi magmukhang pilit ang ginawa ko. Masyado nang maraming nangyari, ayoko nang dagdagan pa sa pamamagitan ng pagpalpak ko.


"Oh my, oh my! It's him!" Rinig kong bulong ng isang babae habang wala sa sarili akong naglalakad dito sa hallway. Ni hindi ko magawang makatingin ng maayos sa daan dahil sa dami ng iniisip ko.

"Oo siya nga baks! Yung tinutukoy ko sayo. Si Vincent. My gosh! Masungit daw yan pero shet ang hot niya!" At biglang nagtilian 'yung mga babaeng nadaanan ko.

Nilingon ko sila ng walang kaemo-emosyon sa mukha ko. Ni hindi ako makaramdam ng inis. Dati kapag nakakasalubong ako ng mga ganyan badtrip na badtrip ako. Pero ngayon, sa sobrang preoccupied ng utak ko, nginitian ko pa yung mga babae. Lalo tuloy silang nahimatay.

Actually today, I have a major class together with my regular classmates sa ICS. Pero ayokong pumasok doon. Mas gusto ko pang pumasok sa BSED. Bukod sa nandoon si Ken, wala pang naglalakas loob na mang-istorbo sa akin.

Para saan pa't matatapos rin ang pago-audit ko ng class. Lulubus-lubusin ko na.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room kung saan unang klase nina Ken, unang nahagip ng mata ko ang upuan niya pero wala siya.

Ang dami ko pa naman sanang gustong sabihin sa kanya. Asan kaya siya? Hindi yun nale-late.

"Where's Ken?" Tanong ko sa isang nursing student na kaklase namin slash nila ngayon.

Medyo nagulat siya pero sumagot rin naman, "N-nasa library."

Agad akong lumabas ng room. Mabuti at wala pa ang prof nila. Pagkarating ko sa library, saktong naabutan ko si Ken na palabas. I smiled and waved at him.

"Ken,"

"Uy, Vincent. Hello."

Sabi niya, he took a short glance at me, then walked away.

"Ken, wait."

Napatigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon.

"Sabihin mo na. Marami pa kasi akong gagawin." Sabi niya.

I suddenly taken aback. Maybe may kinaiinisan siya ngayon at nadamay ako sa pagkainis niya. Kung sabagay, ganito naman niya palagi akong tratuhin. Hindi pa ba ako sanay?

"C'mon, Ken. Can we talk? For a bit?"

This time ay lumingon na siya sa akin, "Hindi pa ba tayo nag-uusap?"

Natigilan ako. Parang hindi siya inis. Parang nananadya siya.

He looked at me seriously, "Sabihin mo na ang sasabihin mo. Wala na akong time." Sabi niya.

I took a deep breath, "You're right. I'll be marrying Lionne pero hindi ako magkakaroon ng commitment. I will try to convince her na pekein na lang ang kasal namin. Malakas ang kutob ko na ayaw rin niya na ikasal sa akin, at plano lang ito ng hayop niyang ama." I told him.

"Anong sinasabi mo?" He asked.

"You know Ken, M-mahal kita.. And I'm sorry that I have to do this. Ito ang gusto mo diba? Sabi mo pa nga tutulungan mo ako." Sabi ko sa kanya.

Medyo natigilan siya.

"Ang mabuti pa Vincent, huwag mo na akong idamay sa problema mo. Lalo ka lang maguguluhan. Excuse me," sabi niya at akmang paalis na siya.

Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"I knew it," sabi ko.

Pumasok na ito sa isip ko. Na he'll distance himself para hindi ako maguluhan. Na lalayo siya sa akin dahil iniisip niya rin ang kapakanan ko. I fully understand him but I don't want him to give me a hand in this way.

"Sa ganitong paraan mo ako tutulungan?"

"Vincent,"

"Naggagaguhan ba tayo dito, Ken? Kung ganyan lang din naman ang gagawin mo bakit naisipan mo pang tulungan ako?"

"Vincent, kailangan mong masaktan." Sabi niya.

Dito ako tuluyang natigilan. Hindi ko na siya maintindihan. Gulung-gulo na ako sa kanya.

"Mali ako. Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa'yo 'yun. Hindi ko na-realize kung gaano kasama ang gagawin mo. Una, pepekein mo ang pagpapakasal kay Lionne. Tapos sisirain mo ang buhay nila. Vincent, mali ako."

"Hindi ba mas mali ang ginagawa nila sa amin? Sa atin? At kung ganoon man, bakit sa halip na tulungan mo ako lalo mo pa akong lalayuan?"

"Dahil Vincent, I want to let you decide for yourself. Sa mga panahong ito hindi pwedeng sa akin palagi umikot ang mundo mo. Hindi ko pwedeng i-invade ang buhay mo. The reason why I have to distance myself from you is..."unti-unti siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, "gusto kong magkaroon tayo ng freedom sa mga gagawin natin. Ito man ang pinaka-cliché na dahilan pero naniniwala akong mas magiging worth it ang lahat ng mangyayari kung magkakaroon tayo ng time para sa mga sarili natin."

---

Continue Reading

You'll Also Like

685K 17K 59
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
322K 8.5K 58
Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na nakagisnan na, tulad na lang ng basketba...
637K 23.4K 42
|Sakripisyo, paghihiganti at walang katapusang pagmamahal. 'Yan ang mga bagay na magpapaikot sa istoryang ito. Paano maibabalik ang pagmamahal ng tao...
227K 10.6K 57
GAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of th...