Marrying Mr. Boring (Publishe...

By simplychummy

8.9M 184K 17.8K

si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa i... More

MARRYING MR. BORING ('till boreDAMN do us part)
CHAPTER 1 (DEALING WITH SUPERMAN)
CHAPTER 2 [LIFE OF MR. BORING]
CHAPTER 3 [HER SMILE]
CHAPTER 4 [THE GANG]
CHAPTER 5 [bachelor's list]
CHAPTER 6 [CHEF'S DAUGHTER]
CHAPTER 7 [DAUGHTER'S DILEMMA]
CHAPTER 8 [THE MEETING]
CHAPTER 9 [THE PROPOSAL]
CHAPTER 10 [SISTER's ADVICE]
CHAPTER 11 [ I DO]
CHAPTER 12 [MEET THE FAMILY]
CHAPTER 13 [MY LIFE AND MY FUTURE]
CHAPTER 14 [Wedding Preparation]
CHAPTER 15 (V-DAY IN U.S)
CHAPTER 16 [MR. & MRS.]
CHAPTER 17 [you and me]
CHAPTER 18 [LIVING TOGETHER]
CHAPTER 19
CHAPTER 20 [TELL ME WHY]
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24 [FAR AWAY]
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33 (MAKE IT REAL)
CHAPTER 34 [OF ALL THE THINGS]
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]
CHAPTER 39
EPILOGUE
SIMPLYCHUMMY'S THANK YOU NOTE

CHAPTER 27

171K 3.8K 541
By simplychummy

CHAPTER 27

(Allanah)

After umalis ni Liam dito sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto ni mommy. 

 *tok tok tok

 "Come in" sagot nya kaya naman pumasok ako kaagad.

 There she is, naka upo sa may gilid ng kama nya at hawak na naman yung picture frame.

 "Ma…" sabi ko habang papalapit sa kanya. Lumingon naman sya at ngumiti sa akin. Niyakap ko sya.

 “How's Liam?" tanong nya

 "Confused. He is still blinded and traped about the idea of I am the right one for him." mahinang sagot ko sa kanya.

 Humarap sya sa akin at medyo inalis yung pagkakyakap sakin.

 "How about you? Are you sure you are totally over him?" nag-aalalang tanong nya. Hinawakan ko yung kamay nya bago ako nagsalita.

 "i will be fine Mom, like what you have said before, we had our time. Things are different now and he is married anyway so i have to keep my distance. Ayoko makasira ng marriage life. Hindi ako yun... you know what mom, akala ko dati kapag nakita ko ulit si Liam babalik yung feelings ko for him before kahit ako nagulat dahil nung nakita ko sya sa event, iba eh… i saw him as a long lost friend, not as a ex-boyfriend na gusto kong balikan... and then nung umuwi ako, dun ko narealize yung sinabi mo sakin before and again. you're right... akala ko mahal ko pa si Liam dahil nakasama ko sya ng 4 years at nanghihinayang lang ako sa pinagsamahan namin. Akala ko kasi SYA na... Aga deserves him." 

 "Dont worry, you will find your right one in time." at niyakap nya ako bago hinaplos ulit yung buhok ko.

 "Guess what?" tumingala ako para makita sya.

"What?" tanong nya. Nag-smile ako sa kanya bago sya sinagot

 "I found him already." 

Halata naman na nagulat si mommy kaya naman kumunot yung noo nya. Bago pa sya magtanong kung sino sinagot ko na sya.

 "Christian." sagot ko.

 “Wow? For real? Yung matagal na nanliligaw sayo? That's great." masayang sabi nya

"Yeah. You know, ayokong sagutin si Christian before kasi hindi pa ako sure kung may feeling pa ako kay Liam. Ayoko naman na sagutin sya para lang masabi kong may kapalit na si Liam sa buhay ko diba? Kaya naman ngayong sure na ako na wala na akong feelings for Liam hindi ko na papakawalan si Christian. Matagal ko din syang pinaghintay." excited kong sabi kay mommy.

 "I’m happy for you Lana" masayang sabi nya.

 "Mom…ikaw kelan ka magiging masaya? i mean…every year ka na lang umuuwi dito sa Phillipines for her birthday pero hindi mo naman sya binabati." sabi ko sa kanya.

 "It's too complicated Lana and I’m scared that she might push me away. Ok na sakin na nakikita ko syang masaya." sabi nya at hinaplos yung picture frame.

 "You know what mom… kamukha mo talaga sya. She got your smile." nakangiti kong sabi sa kanya.

 "Ikaw din naman ahh…kamukha kita. Saka cute ka din magsmile." sabi nya.

 "Sorry mom… i didnt know that she is Liam's wife. Lalo lang tuloy naging complicated." sabi ko sa kanya.

 "Don’t be sorry. Maybe that's meant to happen. Siguro it's time para magkita na kami ni Agatha." sabi nya.

 Matagal ko ng alam na si Agatha yung anak ni Mommy. Every year umuuwi si Mommy dito sa Philipines para lang makita at mabati nya kahit sa malayo si Ate Aga. Pero recently ko lang din nalaman na she is Liam's wife. Isa pa yun sa dahilan kung bakit madali kong isinuko din si Liam. 

---

 After Lira’s birthday…

 (LIAM)

Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil nga sa pagod at sa pag-iisip. Alam kong mali ako. Aminado naman ako. Pinaghintay ko si lira sa hotel, pinuntahan ko si Lana pero wala akong napala. Kahit alam kong masyado ng late pero pinunthan ko pa din si Lira sa hotel at naabutan kong nag-liligpit na. Tinanong ko kung nsan na si Lira at sinabi na kakaalis lang nito.

Sinubukan kong tawagan yung cellphone nya pero naka-off. Knowing Lira, alam kong nagtampo sya sa akin. Nahiya naman akong tawagan yung mga kaibigan nya dahil ang alam nilang lahat ay magkasama kami at ano namang idadahilan ko kung tanungin nila ako kung bakit hndi ko sya kasama.

Kaya naman nung past 12am na nag-alala na ako. Hindi ko naman sya mahanap dahil baka magkasalisi kami. Kaya naman nung dumating sya ng hindi maayos yung itsura nya kaya naman nauna yung galit ko. Nag-alala kasi ako at naiinis ako sa sarili ko. Sa katangahang nagawa ko, kakaayos lang namin tapos ito na naman, napasama ko na naman yung loob nya. 

Kaya naman ito kahit na wala pa akong ganong tulog, pinilit kong bumangon at nagluto ng pagkain para sa kanya, gusto kong bumawi, kahit paano. Hindi para pagtakpan yung nagawa kong katangahan pero para kahit paano mabawasan yung sama ng loob na nararamdaman nya.

Habang nagluluto ako, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko yung mga sinabi ni Lanah sa akin. Husto ko na nga ba si Lira? 

 --

 (LIRA)

Hindi ako nakatulog ng maayos, dahil sa pagod, puyat, hang-over at dahil sa sama ng loob. Nag-expect kasi ako kaya eto yung napala ko. Naiinis ako sa sarili ko, dahil hindi naman dapat ako nagkakaganito e. Hindi dapat ako apektado sa kanya. Kasalanan ko din naman kasi, sino ba kasing nagsabi na mahulog yung loob ko sa boring na lalaking yun?

Bakit ang bilis naman. Halos 4 months pa lang kaming magkakilala. 3 months na kaming kasal at 3 months na kaming magksama sa bahay. Ganito ba talaga yun? O dahil sya lang yung kaisa isang lalaking hinayaan kong maging malapit sa akin ng ganito.

 Sya lang kasi yung lalaking tinaggap lahat ng flaws ko. Sya lang yung nakakaalam ng mga bad habits ko at sure naman ako na hindi nya yun ipagkakalat sa press. Na kahit na wala akong make-up o kahit hindi ako magsuklay, hindi nya ako sinasabihang pangit. Kahit na matakaw ako, hindi pa rin sya nagsasawang ipagluto ako. Na kahit na ang kalat ng mga gamit ko hindi sya napapagod na iligpit at linisin yung kwarto ko. Yes. Hindi sya naghire ng house keeper. Sya mismo yung gumagawa. Feeling ko tuloy pabigat ako sa kanya.

Naputol yung pag-iisip ko nung naramdaman kong bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Alam kong sya yun. Hindi ko sana sya lilingunin pero dala ng curiosity kaya naman tinignan ko sya at nakita ko na may dala syang breakfast para sakin. 

 Tss. Bakit ba kasi sya ganyan? Alam naman nyang luto nya yung weakness ko e.

"Good morning." mahinang bati nya habang naglalakad papunta sa kama ko.

Hindi ko sya siangot. Nilapag na lang nya yung pagkain ko. Napansin kong may dala syang bulaklak. Binigay nya sakin yun, pero hindi ko kinuha. Kaya nilapag na lang nya sa kama ko.

"Kinuha ko sa hotel, iniwan mo kasi…sayang naman." mahinang sabi nya

Gusto ko sanang sabihin na "you came" kaya lang pinili ko na lang manahimik. 

 "Pinagluto kita ng breakfast. May gamot na din akong dinala para sa hang over mo." sabi nya

Tinignan ko na lang yung mga laman nung tray. 

"Lira.. i-" 

"Kung mag-sosorry ka, wag na. Nawawalan lang kasi ng sense yung word na sorry… paulit ulit mo na kasing ginagamit" walang gana kong sabi sa kanya.

Yumuko na lang sya. Gusto ko sanang iaaccpet yung sorry nya, kaya lang natatakot kasi ako na baka kapag tinaggap ko ulit yung sorry nya, maulit na naman. Sumama na naman ang loob ko o kaya naman mag-away ulit kami. Tapos magsosorry na naman ulit sya.

 "Liam…please, stop what you are doing." sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin.

 "What do you mean?" nagtatakang tanong nya.

 "This! You being kind. Ibalik na lang natin yung dati, yung una tayong magkita sa hotel mo. Yung walang pakialam sa isat-isa kahit gaano pa ka-harsh yung sabihin natin. Stop caring about me and i will do the same thing too. 3 months na lang naman eh. Para walang ganito… walang magso-sorry walang masasaktan, wala na lang ulit tayong pakialamanan." mahinang sabi ko sa kanya

"How aboiut our deal?" tanong nya

"After 6 months we will get divorce katulad ng napag-usapan at magpapanggap pa rin tayo sa harap ng media at ni Daddy. The good news is... hindi mo na ako ipagluluto, ipag-grogrocery at ipaglilinis. Kapag nandito na tayo sa bahay wala na tayong pakialamanan. Don’t worry, 50/50 pa rin yung sharing natin sa mga bayarin." sabi ko

"Why are you doing this?" tanong nya

"Para mas madali...kapag naghiwalay na tayo." mahinang sagot ko.

"We can still be friends after all, right? Hindi naman natin kailangan mawalan ng care sa isa’t isa." sabi nya

"Liam… please… don’t make it hard for me." sabi ko sa kanya

"What? What do you mean?" naguguluhang tanong nya.

"Because I think I'm starting to fall in love with you and i know you have no intention to catch me." sabi ko sa kanya.

 “Y-you're falling for me?" gulat na tanong nya

 "Unfortunately... i know it sound stupid. Wala sa plano to at hindi ko alam kung paano o kung bakit. It just happened." sabi ko sa kanya

"Lira…"

"Don’t worry… I’m fine. Please, after you left this room, promise me that you will stop caring about me. Kahit yun na lang yung birthday gift mo sa akin." pakiusap ko sa kanya.

"Bu-"

"Please Liam." pakiusap ko sa kanya

Tumayo na sya sa pagkakaupo at nag-iisp kung aalis na sya. Ilang minuto din syang nakatayo sa may kwarto ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Nakatungo lang ako…huminga sya ng malalim bago sya sumagot.

“Fine. If that's what you want. I will stop caring about you but just promise me one thing…please take good care of yourself." sabi nya bago sya tumalikod papunta sa pintuan.

"I will." sagot ko.

 “And one more thing...i will miss you Lira."

Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya sakin saka sya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

"I will miss you too Liam." at pumatak yung luha ko

************************************ 

Continue Reading

You'll Also Like

93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
197K 13.4K 47
Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th year highschool, things have changed. St...
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
277K 9.3K 8
Am I Wrong (The Knightless Princess Book 2) By SexyKisser