Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED...

By iam_MissA

20.5M 410K 53.4K

What if mapunta ka sa 'worst section' ng bagong school mo, at ang malupit .. IKAW LANG ang BABAE sa section... More

CLASS 4-6
CHAPTER 1: HOW THE STORY STARTED (EDITED)
CHAPTER 2: MEET OUR BIDANG GIRL! (EDITED)
CHAPTER 3: MEET CLASS 4-6 (EDITED)
CHAPTER 4 - KARISSA MEET CLASS 4-6 (EDITED)
CHAPTER 5 (UNEDITED)
CHAPTER 6: KARISSA'S KUYA (UNEDITED)
CHAPTER 7: FIRST FIGHT with KARISSA (EDITED)
Chapter 8 (EDITED)
CHAPTER 8 (UNEDITED)
CHAPTER 9: The POPU Girls (EDITED)
CHAPTER 10 (EDITED)
CHAPTER 11 (EDITED)
CHAPTER 12 (EDITED)
CHAPTER 13 (EDITED)
CHAPTER 14 (EDITED)
CHAPTER 15 (UNEDITED)
CHAPTER 16 (UNEDITED)
CHAPTER 17 (UNEDITED)
CHAPTER 18 (EDITED)
CHAPTER 19 (EDITED)
CHAPTER 20 (UNEDITED)
CHAPTER 21 (EDITED)
CHAPTER 22 (UNEDITED)
CHAPTER 23 (UNEDITED)
CHAPTER 24 (UNEDITED)
CHAPTER 25 (EDITED)
CHAPTER 26 (EDITED)
CHAPTER 27 (EDITED)
CHAPTER 28 (EDITED)
CHAPTER 29 (EDITED)
CHAPTER 30 (UNEDITED)
CHAPTER 31 (EDITED) - Third Incident
CHAPTER 32 (EDITED)
CHAPTER 33 (EDITED)
CHAPTER 34 (EDITED)
CHAPTER 35 (EDITED)
CHAPTER 36 (EDITED)
CHAPTER 37 [EDITED]
CHAPTER 38 [EDITED]
CHAPTER 39 (EDITED)
CHAPTER 40 (EDITED)
CHAPTER 41 (EDITED)
CHAPTER 42 (EDITED)
CHAPTER 43 (EDITED)
CHAPTER 44 (EDITED)
CHAPTER 45 (EDITED)
CHAPTER 46 (EDITED)
CHAPTER 47 (EDITED)
CHAPTER 48 (EDITED)
CHAPTER 49 (EDITED)
CHAPTER 50 (UNEDITED)
CHAPTER 51 (EDITED)
CHAPTER 52 (EDITED)
CHAPTER 53 (EDITED)
CHAPTER 54 (EDITED)
CHAPTER 55 (EDITED)
CHAPTER 56 (EDITED)
CHAPTER 57 (EDITED)
CHAPTER 59 (EDITED)
CHAPTER 60 (EDITED)
CHAPTER 61 (EDITED)
CHAPTER 62 (UNEDITED)
CHAPTER 63 (UNEDITED)
CHAPTER 64 (UNEDITED)
CHAPTER 65 (UNEDITED)
CHAPTER 66 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 67 (UNEDITED)
CHAPTER 68 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 69 (UNEDITED)
CHAPTER 70 (EDITED)
CHAPTER 71 (EDITED)
CHAPTER 72 (EDITED & UNEDITED)
CHAPTER 73 (UNEDITED)
CHAPTER 74 (UNEDITED)
CHAPTER 75 (EDITED)
CHAPTER 76 (EDITED)
CHAPTER 77 (UNEDITED & EDITED)
CHAPTER 78 (UNEDITED)
CHAPTER 79 (EDITED)
CHAPTER 80 (EDITED)
CHAPTER 81 (UNEDITED)
CHAPTER 82 (UNEDITED)
CHAPTER 83.1 (UNEDITED)
CHAPTER 83.2 (UNEDITED)
CHAPTER 84 (UNEDITED)
CHAPTER 85 (UNEDITED)
CHAPTER 86 (UNEDITED)
CHAPTER 87 (EDITED) - LAST CHAPTER
SPECIAL NOTE FROM MS. A
BIG FAVOR AND GOOD NEWS/ANNOUNCEMENT (not an update)
Class 4-6 on PopFiction
Ms. A @ MIBF 2018

CHAPTER 58 (EDITED)

198K 3.5K 151
By iam_MissA

Update Date: 01/15/2020

*KARISSA'S POV*

May paparating na sasakyan at dahil sa gulat ko, hindi na rin ako nakakibo sa kinatatayuan ko at napapikit na lang ako sa takot.

Pero habang hinihintay ko ang paparating na sasakyan sa akin. Isang malakas na tunog ang narinig ko na pinagtaka ko kung saan nanggaling. Pagmulat ng mata ko, laking gulat ko ang saan nanggaling ang tunog.

"Marion!!!"

Oo, pamilyar sa akin ang sasakyang humarang sa sasakyan na bubunggo dapat sa akin. Bakit niya ginawa ito?

Bumaba na siya ng sasakyan niya at dumiretso sa akin. Akala ko sisigawan niya ko agad pero tahimik niya akong inilalayan para tumayo. Hindi ko rin napansin na napaupo ako sa kalsada dahil sa gulat. At saka kami naglakad papunta sa sasakyan niya. Pero bago mangyari iyon, bumaba ang driver ng sasakyang makakabunggo sana sa akin.

"HOY! Anong kalokohan ang ginagawa niyo? Kung gustong magpakamatay ng girlfriend mo tumalon na lang siya sa bangin! Letche! Tignan mo ginawa mo sa kotse ko! Hindi mo ba alam kung magkano ~~~"

"Shut the fuck up."

"Aba, bastos 'tong batang to!"

"Here."

May inabot na calling card si Marion doon sa driver.

"Ipakita mo lang yan card sa G motor para mabigyan ka nila ng bagong kotse. Kaya tumabi ka sa dadaanan namin bago pa kita ilaglag sa bangin."

Tinanggap naman ng driver ang binigay ni Marion na card. Mukhang natakot sa banta ni Marion kaya tumabi na lang siya para makadaan kami.

Sinakay na ko ni Marion sa kotse niya pero bago ako makasakay napansin ko ang bangga sa sasakyan dahil sa nangyari. Alam kong hindi gasgas lang ang nangyari sa sasakyan niya kundi bangga talaga.

Buong byahe namin nakatingin lang ako sa side mirror sa side ko at tinitignan ko ang bangga sa kotse niya. Hindi kasi maalis sa isip ko na dahil sa akin kaya nangyari ito sa kotse niya.

"Tigilan mo na pagtitig diyan, dahil kahit anong titig mo diyan, hindi na babalik sa dati yan."

Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Kasi alam ko naman na totoo ang sinabi niya. Pero nagulat na lang ako dahil bigla niyang hinampas ang manebala ng kotse niya.

"Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?! Sabi ko naman sayo kanina HUWAG KANG AALIS!"

Hayan na nga, nagsisimula na siyang magalit. Syempre, un mahal na mahal na sasakyan ni Marion Gatcheco, nabangga dahil sa akin.

"Hindi ka ba marunong makapaghintay ng konting oras?!"

"I'm sorry."

"Sorry? Ano na lang magagawa niyang sorry mo? Paano na lang —"

"Huwag kang mag-alala akong bahala sa sira ng kotse mo"

"Hindi mo ba ko maintindihan?! Wala akong pakialam sa sira ng kotse ko o kahit na ano diyan. Pero sana iniisip mo, paano na lang kung hindi ako nakaabot kanina?! Ano na lang nangyari sayo?!"

Ako ang iniisip niya? Nagagalit siya dahil muntik na akong masagasaan kanina. Tama ba ako ng iniisip?

"I'm sorry, ayoko lang na wala na kong maabutan, ayoko lang mawalan ulit ng isang taong mahalaga sa akin."

Naalala ko na naman ang Mommy ko. Naiiyak na naman ako dahil baka wala na kong maabutan sa ospital. Ayokong mawalan na naman ng mahal sa buhay.

"Sorry na. Huwag kang magalala hindi natin hahayaan may mangyari sa mommy mo. Magtiwala ka lang."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, binilisan na niya ang pagtakbo ng kotse niya. Hindi na rin ako nag-aalala na baka mabangga kami sa sobrang bilis niyang magpatakbo dahi may tiwala ako kay Marion na madadala niya ko sa ospital ng ligtas.

*****

"YAYA!"

"Huminahon ka muna, iha. Nasa emergency room pa ang Mommy mo."

Pinakalma na muna ako ni Yaya at pinaupo muna sa tabi niya. Si Marion, nakatayo lang sa tabi namin at tahimik lang siya.

"Ano na naman ba nangyari kay Mommy?"

"Nakita na lang siya ng isang maid na nakahiga sa kwarto niya at hawak-hawak pa niya yung picture ng Kuya mo. Pero ang pinagtataka namin kahit anong gising namin sa kanya, hindi namin siya magising kaya sinugod na namin siya sa ospital."

Pagkkwento sa akin ni Yaya. Mukhang nasobrahan na naman si Mommy sa pagiiyak at pagiisip tungkol kay Kuya. Simula kasi ng namatay si Kuya, naging mahina na lagi si Mommy. Naging worst lang siguro ngayon dahil death anniversary niya.

Ilang oras din kaming naghihintay dito sa labas at sa wakas narinig ko ng bumukas ang pinto ng emergency room at doon ko nakita na may doctor na lumabas.

"Doc, kamusta po Mommy ko? Ok na po ba siya?"

"Stable na siya, dahil lang sa stress kaya nahimatay siya. Alam niyo naman bawal mastress ang mommy mo. Ililipat na namin siya sa private room para makita niyo na siya."


"Ok po, thank you Doc."

Bago pa makaalis si Doc bigla niya napansin si Marion at biglang nagkaroon ng malaking ngiti sa mukha niya.

"Mr. Gatcheco, good evening. Andito po pala kayo."

"Good evening din."

Wala talagang galang itong bakulaw na kapre na ito. Si Doc pa ang nag-"po" sa kanya.

"May dinadalaw ka po ba dito?"

"Kasama niya ko." sabay turo sa akin.

"I didn't know girlfriend mo po pala ang daughter ni Mr & Mrs Asajar. What a nice future family."

Kasama lang? Girlfriend na agad? Ayos din talaga mag-conclude si Doc. Sasagot pa sana ako sakanya, pero bigla siyang tinawag ng isang nurse.

"Sige Mr. Gatcheco, aalis na po ako. May rounds pa ko. If you need anything, just ask anyone here. Kilala ka na naman po ng lahat dito."

"Ok."

Syempre pagkaalis na pagkaalis ni Doc, nagtanong ako agad kay Marion.

"Kilala ka ni Doc?"

"Obvious ba?"

"Nagtatanong lang naman, sungit mo. Hmp! Pati ba naman dito sa hospital, sikat ka padin. Magartista ka na lang kaya. Bagay sayo!"

"Ano? May sinasabi ka ba?"

Syempre hindi ko sinabi ng malakas iyon. Baka ako ang isunod kay Mommy sa emergency room. Hindi ko na lang din siya sinagot at inaasikaso ko lang ang lilipatan na private room para kay Mommy.

Nagpaalam muna si Marion na bumili ng pagkain para sa amin. Sasamahan ko sana siya pero ayaw niya, samahan ko nalang daw Mommy ko sa kwarto.

"Sweetheart."

"Mommy! Ok na po ba kayo?"

"Bakit andito ka? Dapat nasa school ka pa ngayon."

"Syempre naman Mommy ng nabalitaan kong sinugod ka sa ospital, pumunta ako agad dito."

Bago pa makasagot si Mommy, nagulat na lang kami dahil biglang bumukas ang pinto at mas nagulat kaming makita si Daddy pala iyon.

"HONEY!!!"

"Anong ginagawa mo dito?!"

Parehas namin natanong ni Mommy si Daddy. Nakakagulat na andito siya ngayon dahil nasa US siya dapat ngayon at may importanteng meeting siya.

"Isn't it obvious? Nasa ospitala ang asawa ko. That's why I borrow Pare's helicopter."

"Pero Dad, may importanteng meeting ka sa New York diba?"

"Of course, I postponed it. Mas importante ang wife ko."

Bago pa kami sumagot ni Mommy kay Daddy, may kumatok naman sa pinto after nun, pumasok si Marion.

"Good evening po."

Aba, magalang din naman pala ang isang Marion Gatcheco.

"Sino siya?"

"Honey! Siya si Marion Gatcheco. Classmate siya ni Issai natin."

"Mommy and Daddy, siya po ang naghatid sa akin dito sa ospital."

Syempre hindi ko na binanggit ang nangyaring aksidente kanina dahil kilala ko parents ko, exaggerated din kasi sila mag-alala minsan lalo na sa akin. At ayoko rin na dagdagan ang pagalala nila.

"Thank you sa paghatid sa kanya, pero.."

Parang kinakabahan ako sa sasabihin ni Daddy. Pero bago pa ipagpatuloy ni Daddy ang sinasabi niya sumingit na agad si Mommy.

"Honey, I'm telling you, he is a good boy."

"Oo na, alam ko. Patapusin mo muna kasi ako. Iho, is it ok to you to drive my daughter to our home?"

"DADDY!"

Teka! May mali sa sinasabi ni Daddy. Bakit kailangan niya pa ko ipahatid kay Marion?!

"Daddy, bakit kailangan niya pa ko ipahatid sa kanya? Andiyan naman si Manong."

"Issai, akala ko kasi nasa bahay ka na. Kaya pinauna ko na sina Yaya at Manong sa bahay."

"Edi dito na lang ako."

"Hindi ako papayag. I want you to go home, Issai. May class pa kayo tomorrow."

Bakit parang iba ang reason ni Mommy kung bakit niya ko gusto umuwi? Hindi na rin ako nakasagot kay Mommy dahil sumagot na rin si Marion.

"Sige po, ihahatid ko na lang po siya. Maaga pa naman po saka doon din po way ko pauwi."

"Thank you, iho."

Hindi rin nagtagal inaya ko na si Marion na umuwi na kami. Dahil mas nakakahiya pa kay Marion kung matatagalan pa kami sa ospital.

Pagkalabas namin, ineexpect ko iyong sasakyan ni Marion un gagamitin pero laking gulat ko, ibang sasakyan ang naghihintay sa amin. Akala ko nun una, hindi iyon ang sasakyan namin pero nagulat na lang ako dahil biglang binigay ng isang guard ung susi ng sasakyan kay Marion.

"Kanino mo naman ito hiniram?"

"Anong hiram? Mukha ba akong nanghihiram?"

Gusto ko matawa sa itsura ni Marion dahil sa tinanong ko. Masama ba ung tanong ko? Hindi ba puwede humiram ng isang gamit ang isang Marion Gatcheco?

Hindi ko na rin sinagot si Marion dahil baka ma-bad trip pa ang lalaking ito. Mahirap na baka hindi pa ko ihatid.

Pagkasakay namin ng sasakyan, may bigla akong naalala.

"Matanong ko nga, bakit mo ba ko sinundan kanina? Nung nagwalkout ako sa classroom?"

"Di ba nga akala ko kasi totoo yung sa inyo ni Vince?"

"Ano naman connection nun?"

"Baka kasi magpakamatay ka dahil sobra kang naheartbroken lalo na first love mo pa naman."

"Teka, paano mo naman nasabi first love ko sana yun?"

"Alam ko lang, bakit may first love ka na ba?"

Hmpf! Sige ipagdiinan niya pa niya na wala pa akong first love. Ang yabang talaga ng bakulaw na kapre na ito.

"Yabang mo, palibhasa ikaw kasi nagka-girlfriend na, iyon nga lang iniwan ka na ng first love mo."

"So what?"

"Pikon na siya oh. HAHAHAHA. Alam ko na kung bakit ka niya iniwan, dahil diyan sa ugali mo."

"Nope. Hindi niya kasi ako pinili."

Krooo.. krooo..

Minsan kasi Karissa itikom mo iyang bibig mo. Ang awkward tuloy. Inaasar ko lang siya eh, bakit kasi sumagot siya ng seryoso. Pero napansin ko may hint of pain doon sa boses niya. Mahal pa rin niya kaya ang first love niya?

Eh bakit pakiramdam ko nasasaktan ako?!

"Pero sa ngayon, nakapag-move on na ko sa kanya."

"Madali lang sabihin yan, eh paano kung bumalik siya?"

"Wala na siyang babalikan pa."

Totoo kaya ang sinabi ni Marion. Bakit parang gusto kong matuwa?

"Matagal ko nang pinalitan yung susi niya dito sa puso ko. Kahit duplicate pa yan, wala na rin bisa yan dito. Dahil may nagiisang susi lang ang kayang makapagbukas ulit nito."

"May may-ari na ba nitong susi na sinasabi mo?"

"Meron na, pero hindi pa niya siguro alam na siya na may hawak nun."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?"

Hintay na hintay ako sa sagot ni Marion pero sa kamalasan naman talaga, biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Ciara kaya sinagot ko naman.

"Bestfriend! I'm sorry talaga! Sana wag ka magalit! Nag-aalala na kami sayo, sa inyo ni Marion. Buong araw ba naman kayong wala sa classroom."

"Hinay ka lang Ciara. Hindi ako galit, ok? Nagulat lang ako kanina. Kaya hindi kami nakabalik agad kasi pumunta kami ng hospital."

"ANO?!! Bakit?! May nangyari ba sayo? Kay Marion?"

"Calm down, Ciara. Walang nangyari sa amin. Si mommy yung naospital."

"Ano?! Si Tita?! Saan hospital yan?!"

"Huwag ka ngang paranoid diyan. Okay na si mommy."

"Hay, buti na lang. Ay nga pala, may ibabalita ako sayo, grabe yung nangyari kanina malapit sa school natin. Meron daw tayong kaschoolmate na muntik na masagasaan."

"Oh? Talaga? Buti na lang hindi siya nasagasaan."

"Kaya nga e, buti na lang naging superman yung boyfriend niya."

"Boyfriend niya?"

"Oo nga, ang gara nga daw ng kotse eh, basta ikkwento ko sayo bukas. Pero teka lang, alam kong tahimik sa hospital pero hindi naman ganun sobrang tahimik diyan sa paligid mo? Nasa hospital ka pa ba?"

"Nakaalis na kami ng hospital. Andito ako ngayon sa kotse ni Marion."

"Matanong ko nga, si Marion ba nag—"

Anong nangyari doon kay Ciara? Bakit naputol ang tawag namin? Hindi ko na rin masyado naisip ang pinagusapan namin ni Ciara dahil nakarating na rin kami ng bahay.

"Uwi na ko, Karissa."

"Teka, wag muna."

Gusto ko na sana umuwi si Marion dahil masyado na kong nakakaistorbo sa kanya pero hindi ko mapigilan na pigilan siya dahil meron pa sana akong favor sa kanya.

"Bakit?"

"Ok lang ba dito ka na muna kumain? Pang-bawi ko sana sayo."

Pero sa totoo lang, ayoko talaga kumain ng mag-isa. Andito nga sila Yaya pero alam kong sa ganitong oras, tapos na sila kumain. Si Marion lang pag-asa ko na may makasabay kumain.

"Ok."

Laking gulat ko dahil sumagot siya agad at walang alinlangan sa boses ni Marion.

"Thank you."

Kumain na rin kaming dalawa. Sa totoo lang, tahimik lang kaming kumakain. Mukha naman nagustuhan ni Marion ang dinner namin dahil ang dami niyang nakain.

Pero hindi ko inexpect ang susunod niyang sasabihin.

"Dahil andito na rin ako, tignan ko na rin ang kwarto mo."

Dahil sa gulat hindi agad ako nakapagsalita o nakagalaw at hindi ko napansin na naglalakad na pala si Marion papunta sa kwarto ko at nagtanong na rin siya kay Yaya kung saan ang kwarto ko.

Teka lang, andoon ang picture 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
982K 19K 58
Highest Rank: #1 in Mystery from Sept 20-25, 2018 Lufia Santillan De Vera, mas kilala bilang Red Butterfly. She's the top agent of NBI, the badass on...
79.5K 1.9K 13
"When heart skips a beat, it only means that you have found the one." -Dayle (Published and Released in Buqo.ph and soon in NBS!
282K 8.9K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...