Polemos Agaphe

By aesmiryn

3.9K 88 359

8 Boys + 8 Girls = WAR. 5 Girls + 4 Boys = Disaster. Dalawang grupo na hindi magkasundo-sundo. On the 1st Gr... More

Introduction
1st Chapter: "Childish & Bossy"
2nd Chapter: "Conyo & Gangster"
3rd Chapter: "Playgirl & Woman Hater"
4th Chapter: "Ice Princess & Hot Prince"
5th Chapter: "Sadist & Masochist"
6th Chapter: "Si Bata at Si Kuya"
7th Chapter: "The Quiet One & The Noisy One"
8th Chapter: "The Animal Lover and The Nature Lover"
9th Chapter: "Sweet Side Ni Bossy Monster"
11th Chapter: "It's Monsters War"
12th Chapter: "Operation: Pagselosin si Bossy Monster"
Special Chapter 1 ="">
Special Chapter 2 ='''>
Special Chapter 3 ="">
Special Chapter 4 ="">
13th Chapter: "Of Clubs and Organizations"
14th Chapter:"Meet Up"
15th Chapter: "SM"
16th Chapter: "From Monster to Fiancé"
17th Chapter: "The One With The New Housemate"
18th Chapter:"Photo Scavenger Hunt"
19th Chapter: "Where's The Lie?"

10th Chapter: "Bossy Monster Meets Andrew"

117 2 1
By aesmiryn

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂

♂♀ "Miko's POV" ♂♀

Nasa Candy land po ako ngayon. Kanina pa ako kain nang kain ng lollipop. Ang sarap! May mga gummy worms pa. Tapos, basta marami!

"Miko." Yum! Nom nom nom. Ang saraaaap!

"Miko." Yung paikot pa na lollipop, sobrang laki. Wow!

"Childish." Teka, childish? Tinatawag ba ako ni bossy monster? Wala naman siya ah.

"Childish." Asan si bossy monster? Waaa.

"Biko." Ohmy! Si bossy monster nga. Kailangan kong magtago.

"Biko." Waa. Saan ako pwedeng magtago? Si bossy monster, parating na!

"Wake up, sleepy head." Sleepy head? Ako ba kausap niya?

"Nakngtokwa! Gumising ka na, childish!" Palapit na si bossy monster! Waa. Tulungan niyo ako. Waa. Nahuli na niya ako.

"AAAHHHHHHHHHH~"

"Miko?" Tawag sa akin ng mga kaibigan ko.

"Tulog-mantika ka pala." Napa-tsk na lang si bossy monster.

"Nakatulog pala ako?" gulat kong tanong. "Computer class?"

"Ay hindi. Gising ka all the time." Oh, talaga?

"Ang cool naman nun! Gising pala ako pero wala akong malay. Ang galing!"

"Ang childish talaga, tsk." Sabi ni bossy monster.

"Pagpasensyahan mo na si Miko, Charles. Salamat pala sa pagtatiyaga." Sabi ni Elle. Bakit? Pabigat na ba ako? /sobs/

"Elle, ano ka ba. Nag-enjoy naman silang dalawa eh." Sabi ni Jhala. Ano daw yun?

"Halata naman sa mga faces nila eh." Sabi ni Claire.

"Oo! Nag-enjoy si Miko kasi natulog siya. Nakakainggit nga eh. Bakit kasi nasa harapan tayo?" sabi ni Erlyn. Binelatan ko siya.

"Isa ka pang childish." Sabi ni Jay.

"Sige, mauna na kami ah. Ano, Miko, sama ka ba sa amin o sasama ka sa bossy monster mo?" Sabi ni Jhala. Grr.

"Malamang, sa inyo ako sasama." Tapos ayun, nagpaalam na kami kay bossy monster ko este bossy monster lang.

"Ikaw, Charles? Wala ka bang balak tangayin si Miko?" Pang-aasar na tanong ni Neil kay Charles habang nag-aabang sa may pintuan ng computer lab.

"Ulol." Maiksing sagot ni Bossy Monster.

"Ikaw, Neil. Wala ka bang balak na tangayin ako?" Hindi ko alam kung nag-aasar 'tong si Jhala o nag-chacharm speak na naman.

At ayun nga, pumunta na kami sa canteen para mag-lunch. "Ano, Miko? Musta ang tulog mo?" Ayan na naman si Jhala! Mang-aasar na naman yan!

"Grr." I managed to answer. "Well, ang ganda ng panaginip ko!"

"Napaniginipan mo siguro si Bossy Monster mo with abs?" Faye guessed.

"Ano yung abs?" tanong ni Erlyn.

"Pandesal sa tiyan. Ohmygosh!" Sagot ni Jhala.

"Ay! May pagkain pala sa tiyan si Charles ni Miko?" Nag-sparkle 'yung mga mata ni Erlyn. Naisip ko, masarap kaya yun? Nako, dapat may palaman!

Natahimik si Elle. Teka, anong sabi ko? Natahimik si Elle? Eh lagi naman siyang tahimik! Eto pala ang tama. Namumula si Elle. "Bakit ka namumula, Elle? May sakit ka ba?" Tanong ni Jay.

"W-Wala." Maiksing sagot ni Elle.

"Siguro, nakita mo na 'yung abs ni Zach!" Pangangantsaw ni Jhala.

"H-Hindi ah. W-Wala kaya siyang abs!" Depensa ni Elle.

"Anong sabi mo?" Sulpot ni Zach.

"Ahehehe." Ang cute nila! Hihih. At ayun nga, natapos na kaming kumain tapos pumunta na kami sa classroom. At hanggang dun, inaasar pa rin nila ako. Huhuhu. Bossy Monster, help!

"He's kinda gwapo kaya, Miko!" Depensa ni Claire kay Bossy Monster.

"Bossy naman." I rolled my eyes.

"Ang gagwapo kaya nung mga ganun!" Sabi pa ni Jhala.

"Gwapo rin naman si Cyrus, Claire, ah." Side comment ni Rania.

"'Yun, gwapo? Like, saan banda? Over his sigarilyo's? Eww kaya!" Nandidiring sagot ni Claire.

"Whatever, guys. Kesa naman maging slave kayo nung isa sa mga 'yun." Sabi pa ni Faye.

"Ganda kaya nun! Slave ka ng isang hahahot guy!" Then there's Claire and Jhala fangirling.

"Basta ako, may kuya na!" Positive na sabi ni Erlyn.

"AT LEAST KAMI, WALANG NANGUNGULIT." Sabay pa na sabi nila Jay at Elle. Nga naman. Minsan lang kasi mangulit si Zach. Tuwing after class hours lang naman. Si Vince naman, ayun. Hanggang titig muna. Hahaha.

"Wala rin namang nangungulit sa akin eh!" Sabi pa ni Jhala.

"Duh! Eh you naman yung nagmemake kulit kay Neil." Sabi ni Claire.

"Ang ingay niyo." Elle ranted.

"NAGSALITA KA PA." Sabay-sabay naming sabi sa kanya.

"Parating na kasi si ma'am." Pagsalo ni Jay kay Elle.

Mukhang tama naman silang dalawa kasi halos lahat ng mga kaklase ko ay nagsiupuan na. Ayun nga, pumunta na rin ako sa upuan ko.

Eto lang masasabi ko. ANG BORING. Ang tagal mag-uwian. Inis. "Lutang ka yata, Miko?" Sabi ni Elle sa akin na nasa likod ko.

"A-Ako? Hindi ah!" Pagdedeny ko.

Biglang sumingit si Jhala. "Hindi daw. Iniisip niya si Charles." Sabi ni Jhala. Ayan na naman siya!

"Di kaya! Ayan ka na naman eh!" Suway ko sa kanya. Eh totoo naman! Hindi ko kaya iniisip 'yung Bossy Monster na 'yun!

"Anong hindi? Tignan mo 'yung papel mo." Sabi pa ni Jay sa akin. Pinagtutulungan talaga ni--ZXCVBNM.

Ohemgee. Ano ba 'tong pinagsususulat ko?! Nakapag-drawing naman ako ng isang monster na may isang mata. If you know Cyclops, ayun. Parang ganun. Tapos may arrow na nakaturo sa monster. Nilagay ko dun "Bossy Monster." Ohmaygat.

I immediately crumpled the paper at sakto namang natapos ang klase namin. "Uy, Miko. Hindi muna ako makaksabay sa pag-uwi mo ah." Bungad sa akin ni Elle. Edi wala akong kasabay?

"Ah, okay lang." Sagot ko rito. I understand. She's the busiest among us, anyway. Pero gulat ko nang sabay kami ni Bossy Monster na nagsabi nun. "Hahatid ko siya."

A smirk formed in Elle's face. I felt my face turned red. "Don't get me wrong, the two of you. Inutusan lang ako ng nanay ko." Nagtaka naman ako.

He's harsh. Bigla daw ba akong hilahin palabas! At bago pa kami makalabas sa building ng school, biglang bumuhos ang ulan. I heard him cuss. Wala akong payong! Waa. "May payong ka?" Tanong ko kay Bossy Monster. Umiling naman siya. Paano na kami niyan?

"Ah, alam ko na!" Napatingin naman si Bossy Monster kasi sumugod ako sa ulan.

"Biko! Ano ba yang ginagawa mo?!" Sigaw sa akin ni Bossy Monster.

"Tss. Ano pa ba? Edi naliligo! Halika na, Bossy Monster. Ang saya kaya!" Sabi ko sa kanya. He looked hesitating. Kaya naman, hinila ko na lang siya. "Oh, di ba? Ang saya!" And I saw a little smile on his face. He was handsome with that smile. You can see that he's really enjoying in the rain.

"Hahaha. Halika na nga." Sabi niya tapos inakbayan niya ako. Tumawa siya 'di ba? Tumawa siya? "Oh, bakit?"

"W-Wala." I smiled back.

OHMAYGAT. TUMAWA SIYA! HAHAHAHAHAHAHAHA. ANG SAYAAAA~

Ayun, hinatid niya ako sa bahay habang nakaakbay pa rin siya sa akin. It's awkward tho. "Nga pala, bakit mo ako hinatid sa bahay?" Okay, curious lang naman po ako.

"Kasi nga, inutusan ako ni mama." Dahilan niya.

"Kilala ako ng nanay mo?" Paninigurado ko sa kanya. Baka kinukwento niya ako sa nanay niya. Baka nagsumbong siya kasi lagi ko siyang inaaway. Na monster ang tawag ko sa kanya. Eh kasalanan niya naman 'yun!

"Oo. I mean, magkakilala 'yung mga nanay natin." Sabi niya.

"Ahh, kaya pal- what?!" Omaygat.

"Ang saya pala maligo sa ulan, 'no?" Pag-iiba niya ng topic.

"Bakit? Ngayon ka lang ba nakaligo sa ulan?" Kasi kung oo, his childhood sucks!

"Uh, yeah." Nahihiya pa siya nung sinagot niya yung tanong ko.

"OHMAYGAT! AYM SO SORRY POR DAT PEYNPUL PAST OP YORS." I nearly shouted. Wait, nearly? Seriously?

"Grabe. Ang OA mo ah." This is really shocking, you know!

"Eh totoo naman kasi! You never experienced this kind of fun when you were a kid? Laaayk, omaygat."

"Palibhasa, childish ka." Argh ka, Bossy Monster.

"Well, oo. But don't you get it? I mean, you didn't even insisted to your parents that you wanted to play in the rain? Condolence, Bossy Monster."

"Nako. Ayan, pumasok ka na sa bahay niyo. Inis naman 'to." Okay, mainit na po ang ulo ni Bossy Monster. Yikes!

Nag-doorbell na ako sa bahay at nagulat si mommy nang makita ako, I mean kami na basing-basa.

"Ay, hello po mommy - este tita pala." Bati ni Charles saka siya nagmano kay mommy.

"Charles, right? Pasok na kayo. Grabe, naligo ka na naman, Miko?" Sabi ni mommy. Pinapagalitan na naman ako. Ano ba naman 'yan!

"Eh, mommy, umuulan eh! I should enjoy the rain!" Sabi ko kay mommy na may ngiti sa labi.

"Ay nako. Ang childish mo pa rin talaga." Sabi ni mommy habang papunta sa kwarto nila ni daddy.

"Pfft. Tamo, pati nanay mo." Rawr! Nagagaya tuloy ako kay Elle. Ganun kasi yun kapag nagpipigil ng galit.

"At least ako, may magandang childhood. Hindi tulad mo!" Depensa ko sa sarili ko.

"But you know what? You looked cute a while ago in the rain." Sabi niya in a fast way.

"Oh anak, ba't ka namumula? Baka may lagnat ka na!" Namumula ako?

"Lovenat po 'yan." Rinig kong bulong ni Bossy Monster. Tss.

"Ayan pala, Charles. Magpalit ka na lang dun sa kwarto ni Miko. Turn right. May makikita kang pintuan na may sky blue na bulaklak na nakapalibot sa doorknob." Sabi ni mommy kay Bossy Monster saka inabot sa kanya yung mga lumang damit ni daddy. "Ikaw naman, Miko. Magpalit ka na rin. Magluluto lang ako ng soup. Nako, ikaw talaga. Pinilit mo siguro si Charles, 'no?" I just grinned to my mother. Ahehehe.

Umakyat ako sa kwarto ko para magpalit. Grabe, ang saya talaga kapag naliligo sa ulan!

Binuksan ko na yung pintu - "WAAAAHHH~" Automatic akong napatalikod mula sa pintuan. Omaygat. Yun ba yung abs na sinasabi ni Jhala? Hindi naman mukhang masarap! Parang ang tigas!

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni mommy. Mukhang napansin ni mommy yung problema. "Ahh. Hahaha. Edi dun ka sa kwarto naming. Hahahaha. Pasensya ka na, Charles. Nakaabala pa tuloy anak ko sa pagbihis mo."

Sinunod ko na si mommy. Baka kung ano pa ang makita ko. /closes eyes/ "Ano, anak? Gwapo ba?" Tanong ni mommy.

"Gwapo nga, bossy naman!" Compliment po 'yun. Hahaha.

Edi ayun. Nakapagbihis na rin ako. Tapos bumaba na kami ni Bossy Monster sa dining area at kakain na kami. Nakapagluto na rin kasi si mommy ng noodles eh. "Tinawagan ko na mama mo. Parating na raw siya." Sabi ni mommy kay Bossy Monster.

"Salamat, tita." Wow. Magalang din pala si Bossy Monster?

Sakto namang dumating yung nanay ni Bossy Monster nang matapos kaming kumain. Syempre, magalang ako kaya nagmano na ako sa mother-in-law este mama ni Bossy Monster.

Naupo muna kami sa living room naming at nanuod kahit hindi naman ako interesado sa palabas. Mag-uusap pa raw kasi sina mommy at tita eh. Hihintayin pa siguro nilang tumigil ang ulan.

Napagkasunduan naman naming ni Bossy Monster na gawin na yung project namin sa MAPEH. 'Yung kanta chenes.

"Wala akong maisip." Emotionless na sabi ni Bossy Monster.

"Wala akong masulat." Emotionless na sabi ko.

Sabay naming tinignan ang mga nanay namin. Mukhang may pinagkakasunduan sila. Pakielam ko dyan? "Childish," Tawag ni Bossy Monster.

"Bakit, Bossy Monster?" Tanong ko.

"Mukhang may pinag-uusapan sila. Tingin mo, ano 'yun?"

"Aba, malay ko! Paki ko dun?" Oops. Mataray ba ng dating? Sorry!

"Sorry ah. Nakakatakot kasi gumawa ng deal 'yang nanay ko eh. And I think it's about us." Kita ko 'yung mga mata niya na parang nag-iinvestigate. Ay, feel na feel ni Bossy Monster! Hahaha.

"Dami mong alam! Hahaha."

Nung tumigil na ang ulan, umuwi na sila.

Next Day

Bumili ulit ako ng tatlong lollipop sa canteen bago ako pumunta sa classroom. Nakasalubong ko na naman 'yung tatlong babae. Tss.

"Hoy, childish!" Tawag sa akin ni Ms. Landiparot.

"Oh, bakit?" Sagot ko sa kanya na nakataas ang kilay.

"TInatarayan ka, girl, oh!" Sumbong ni Ms. Hipon.

"Ay 'te! Wala na bang mata 'yang kasama mo at hindi niya nakikita na nakataas ang kilay ko?" Mejj shunga si ate ha. Makaalis na nga!

"See?! She even turned her back on you!" Said Ms. Hipon again. Ay, NKKLK. Hindi pa rin nakita ni Landiparot na tinalikuran ko siya? Wow, may bulag pala na fangirl si Bossy Monster. Kaya pala fan siya ni Bossy Monster eh. Bulag! Hahaha.

"Hey, Biko!" Tawag ulit sa akin ni Landiparot.

Lilingon na sana ako kay Landiparot nang maging mushroom si Bossy Monster. "Anong tinawag mo kay Miko?" Tanong niya kay Landiparot.

Mukhang na-starstruck sila kay BM. "Biko, Prince Charles."

"Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng 'Biko.' Do you understand?" Ang bossy talaga, kahit kailan. Tsk.

"Yes, Prince Charles." Sabi nilang tatlo habang kumikinang pa rin ang mga mata nila. Kadiri~

Nilayasan naman na niya 'yung tatlo at inakbayan ako. "Whoo~ Galawang Olliston!" Sabi ni Gray tapos tumawa 'yung iba nilang kaibigan. Ano daw 'yon?

Akalain mong sabay pumasok sa classroom ang isang Olliston at isang Sarviento? Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko. I hate it. 'Yang mga ngiting 'yan! Hindi ko pinagkakatiwalaan 'yang mga ngiting 'yan!

"Good morning, Miko!" Bati sa akin ni Elle nang nakangiti.

"Or should we call you Biko already?" Jhala asked with a suspicious smile.

"Si Bossy Monster lang daw ang may karapatan na tawagin akong Biko." Pagbabawal ko.

"Ay, possessive." Sabi pa ni Faye.

"Siya mismo nagsabi nun!" KASI AASARIN NA NAMAN NILA AKO! Rawr.

"Sabi mo eh." Sabi ni Jay. Kita niyo na?! Huhuhu. Wala na akong kakampi!

Pero wait lang. May nangungulit na naman eh. Hahaha.

"Sadist kooo~" Nagpakadiva na naman si Lance. Hahaha.

"Manahimik ka, please." Pagmamakaawa ni Rania. Hahaha.

"Date tayo!" Masiglang aya ni Lance.

"Ayoko nga. Once is enough." Medyo may pagka-bossy din pala si Rania. Hahaha.

"Ipapakilala lang kita kay sa pinsan ko!" Sabi ni Lance.

"Nandito na pala si Andrew! Ba't di mo naman kami sinabihan?" Sabi pa ni Zach.

Kilala nila 'yung pinsan ni Lance? Ay Miko, barkada nga 'di ba?

"Dali na, sadist ko! Gusto ko niyang makilala." Wala eh. Makulit si Lance eh!

"Oo na! Pero sa isang kondisyon!" Rania said.

Okay. Why do I feel something bad is going to happen?

"Isasama ko lahat ng kaibigan ko sa date natin." Boom. Sabi na nga ba eh. May masamang mangyayari.

"If that's the case, sasama rin kami." Patay. Leader na mismo nila nag nagsabi. Nako! Makakasama ko na naman si Bossy Monster. Tsk.

"Okaaay. I'll get you later in your house. Bye, my sadist!" Pamamaalam ni Lance kay Rania. Hahaha. Ang kulit talaga nila eh noh?

"I'll pick you up." Bulong sa akin ni Bossy Monster.

♂♀ "Charles's POV" ♂♀

Pagkatapos ng klase, nagkumpul-kumpol muna kaming magkakaibigan sa classroom. Hinayaan na naming makalabas muna ang lahat. "Oy, guys! Sa SL Mall daw. Sige, una na ako. Susunduin ko pa yung sadista ko eh. Bye!"

"Ako na susundo kay Biko." Volunteer ko.

"Ako na kay Elle!" - Zach

"Susunduin ko na si Jay." Out of the blue na sinabi ni Vince saka siya umalis.

Lahat kami ay may susunduin sa walo pwera lang kay Neil. Kaya naman, kinukumbinsi namin siya. "Dali na, sunduin mo na si Jhala." Sabi ni Zach. Tapos tumawa naman kaming lahat.

"Ano ba! Alam niyo namang ayoko sa babae diba?" Emotionless niyang sabi.

"Kawawa naman 'yung estudyante mo. Susunduin ko kaya si Biko. Wala siyang kasama." Pagkukumbinsi ko kay Neil.

"Edi isama niyo! Basta, hindi ko siya susunduin. Bahala siya sa buhay niya." Sabi pa ni Neil. Kawawa na talaga si Jhala kapag ganun.

"Neil, susunduin mo siya whether you like it or not." Okaaay. Si Gray na ang nagsabi. Yahoo!

"Tss, fine." At lahat kami ay napatalon sa tuwa nang pumayag siya.

"O, sige. Mauna na ako." Sabi ko sa kanila saka ako humiwalay sa kanila.

♂♀ "Miko's POV" ♂♀

"Mommy, lalabas daw kami ng mga kaibigan ko." Paalam ko kay mommy.

"Sina Jhala?" Tumango ako. "Anong oras?"

"Ngayon na, mommy." Pagkasabi ko nun ay nanlaki ang mata ni mommy.

"Sinong kasama mo?" Saktong may nag-doorbell nung pagkatapos akong tanungin ni mommy.

Nagulat ako nung makita ko kung sino ang nag-doorbell. "Ako po. Ako po ang sasama kay Miko."

Aish. Si Bossy Monster na naman? Tsk. "Buti na lang. Sige, sasabihin ko na lang sa mama mo, kayo ang magkasama."

"Sige po, tita. Mauna na po kami." Sabi ni Bossy Monster tapos hinawakan niya yung kamay ko saka niya ako hinatak.

"A-Ah. Masakit, Charles." Nagulat naman siya kaya agad niyang niluwagan ang paghawak niya sa kamay ko.

"U-Uh. Sorry. Saan ang masakit?" sabi niya habang chine-check 'yung kamay ko.

"Okay na, Charles. Wag mo lang higpitan ulit." Napakagat na lang ako sa labi ko kasi nandun pa rin 'yung sakit sa pagkakahawak niya sa akin.

"Sorry, Miko." He looked at me in the eye for a long time.

"Ayos nga lang. Halika na!" Ako naman ang humila sa kanya papunta sa SL Mall.

♂♀ "Third Person's Narration" ♂♀

(AM: Hello ulit! Hahaha. Alam kong gusto ni Ms. Panda na focus muna kina Miko and Charles pero maglalagay lang ako ng mga scenes nung iba. Baka ma-miss niyo sila eh. Chos. Haha.)

Naglalakad na si Elle papunta sa SL Mall pero napansin niyang sumusunod sa kanya. Nilingon niya ito at nanlaki ang mata niya nung niyakap siya nung sumusunod sa kanya. Dahil doon, sobrang lapit ng mukha nilang dalawa. Saglit na nagkatitigan ang dalawa. "Walangya ka naman, Bernaldez eh!" Sabi ni Elle saka niya pinalo sa dibdib si Zach.

"Hahaha. Sorry na, Elle. Gusto lang naman kitang gulatin eh." Sabi ni Zach habang natatawa pa.

"Heh. Tigilan mo ako!" Sabi ni Elle. Alam ni Zach na nahihiya si Elle dahil sa magkalapit ang mukha nila kanina.

"Eto naman. Parang hindi ka na nasanay sa akin." Pagsusuyo ni Zach kay Elle.

"Ulol ka kasi!" Sabi ni Elle habang nanggigigil. "Inis!"

Hinabol ni Zach si Elle saka niya hinarangan ang daanan nito. Kaya naman nabunggo si Elle sa dibdib ni Zach. "Sorry na kasi." Sabi ni Zach kay Elle saka niya inangat ang mukha nito.

At doon sila nagkatitigan.

~~~~~~~~~~

Nagtaka naman ang kapatid ni Jay nung may nag-doorbell sa bahay nila. Agad niyang binuksan ito. "Uy, kuya Vince! Pasok." Sabi nito saka pinaupo si Vincent.

"Ay, Vince, hijo. Anong kailangan mo?" Sabi ng nanay ni Jay.

"Uhm, susunduin ko po si Jay." Sagot nito.

"Mukhang may date, 'ma." Bulong ng kapatid ni Jay.

Napangisi na lang ang nanay ni Jay. "Ahh, tawagin ko lang ah." Sabi nito habang nakangisi pa rin.

"Kuya, bakit ka nakabihis?" Tanong ng kapatid ni Jay.

"May usapan kasi kami ng barkada namin. Kasama din kasi 'yung barkada nila." Sagot niya.

Rinig hanggang living room ang pagsigaw ni Jay. "Ano?! Bakit nandito 'yun?"

"May date yata kayo ah." Sabi ng nanay nito.

"Luh, mama. Asa ka pang may manliligaw sa akin? Tsaka, may lakad kami nila Elle, ano." Depensa nito sa sarili.

"Ba, bakit? Masama na bang umasa ngayon?" Pagke-kwetsyon ng nanay nito sa kanya.

"Ma, you'll just disappoint yourself." Sabi ni Jay saka niya iniwanan ang ina saka bumaba sa living room nila. "Halika nga dito." Pagalit na bulong ni Jay kay Vincent habang hinihila niya ito palabas.

"Tita, mauna na po kami!" Paalam naman ni Vincent.

Pagkarating nila sa labas, agad nitong pinagalitan ang binata. "Di ba sabi ko sa'yo na wag mo akong susunduin?" pagpipigil niya ng galit.

"Hindi naman bawal ah!" Sabi naman ni Vincent.

"Ayaw ko lang kasing pinapaasa pamilya ko." Dahilan nito.

"Huh, bakit?" Pagtataka ni Vincent.

"Akala kasi nila, nililigawan mo ako." Matamlay na sabi ni Jay.

"Sorry." Nakangiting pagpapaumanhin ni Vincent.

"De, ice lang. Tara na." Nagulat si Jay nang bigyan siya nito ng isang gumamela. "Para saan 'to?"

"Lam mo, 'yan yung paboritong bulaklak ng lola ko. Lalo na 'yung mga pula! Ang gaganda daw kasi... parang ikaw."

~~~~~~~~~~

"Wow! It's a himala ah. You're not holding a sigarilyo." Sabi ni Claire.

"Naknang. Wag ka nga kasing mag-conyo. Wala akong sigarilyo ngayon eh!" sabi naman ni Cyrus.

"I'm just saying naman eh." Maarteng sabi ni Claire.

Bigla naman siyang hinalikan ni Cyrus sa pisngi. "Anong usapan natin? Kapag wala akong hawak na sigarilyo at nag-conyo ka, hahalikan kita!"

Napatikom ito ng bibig. "B-But you- na-make nakaw - uhm, you stole a hali - ugh! This is so hirap like omg." Agad itong napatikom nang bibig nang maramdaman ulit niya ang labi ni Cyrus sa pisngi nito.

Binilisan na ni Cyrus maglakad para hindi na niya marinig pa si Claire na mag-conyo. Baka mahalikan niya lang ulit ang dalaga.

"Ugh! I so hate you, Mr. Gangsie!" Sigaw ni Claire.

"Sorry, not sorry. I hate you too, Conyo!" Sigaw pabalik ni Cyrus.

~~~~~~~~~~

"Ampotek, Lance. Pati ba naman sa bahay, kukulitin mo ako?" Naiiritang kinukwestyon ni Rania si Lance.

"Halika na, my sadist! Hinihintay ka na ng pinsan-in-law mo." Nakangising sabi ni Lance.

"Argh. Susunod nga ako 'di ba? Ang kulit! Inis!" Sabi pa ni Rania.

"Ah-eh, sorry. Nakukulitan na yata sa akin." Paumanhin ni Lance.

"Takte ka naman kasi. Ubod ng kulit, eh!" Nakakunot na ang noo ni Rania dahil dito.

"Sorry." Nag-mukhang aso si Lance sa pagkinang ng mata niya.

"Leshe ka. Oo na! Apology accepted." Sabi ni Rania na halata sa mukha ang pagkayamot.

~~~~~~~~~~

Hinintay ni Gray si Erlyn sa playground kung saan madadaanan ito ni Erlyn. "Tagal naman ni Bata." Sabi pa nito.

Yuyuko na sana siya nang makarinig siya ng nag-hahum. "Lalalalala~" Napatayo si Gray sa kinauupuan niya.

"Childish?" Napalingon naman 'yung babaeng tinawag niya. Hindi pala si Erlyn ito. "Sorry, miss."

Nagulat na lang si Gray nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Erlyn. "Kuya!" Napalingon siya sa left side niya kung saan may bumibili ng dirty ice cream na bata. "Kuya, keso nga po!"

Napabuntong hininga na lang siya. "Ang tagal mo naman, Bata. Nakakainis." Nanlaki ang mata niya nang makakita siya ng cola flavored lollipop sa harap niya. "Erlyn? Erlyn?" Sabi niya at nilingon niya pa ang kaliwa't kanan niya.

"Lalalalala~ Ang weak naman ni kuya. Hindi niya ako mahanap." Dahil dito, napatalikod si Gray at doon niya nakita ang matagal niyang hinahanap. "Matagal ka na bang nandito, kuya?" Tanong ni Erlyn.

"Oo. Ikaw kasi, hindi ka nagpakita agad!" Sabi ni Gray sabay pinisil ang cheeks ni Erlyn.

"Sorry, kuya, ah. Medyo natagalan ako sa nanay ko eh." Paumanhin ng isip bata na dalaga.

"Ayos lang 'yun. Ikaw pa!" Sabi ni Gray habang nakangiti.

"Hoy, slave! Bilisan mo naman d'yan!" Utos ni Clyde.

"Jeez. Pagkatapos mo akong pagbuhatin ng mga dala mo?" Faye rolled her eyes.

"Nagrereklamo ka?" Tanong ni Clyde habang nakataas ang isang kilay.

"Hindi po, Master." Sagot ni Faye. "Saan po ba tayo pupunta, Monster - este Master?"

"Sa puso ko, punta ka dun." Banat ni Clyde.

"'No po 'yun?" Pagpapaulit ni Faye dito.

"Wala. Bilisan mo d'yan!" Isa pang utos ni Clyde. "Ito pa! Dalhin mo."

Faye cursed him inside her head. "Wow ah. Salamat. Grabe."

"Walang anuman." Sabi pa ni Clyde na nang-aasar.

~~~~~~~~~~

Ngayon, paano masusundo ni Neil si Jhala kung allergic siya sa babae?Iyan ang tanong na pumasok sa isip ni Miko. Nakwento kasi ito ni Charles sa kanya.

Nagulat si Jhala nang makita niya si Neil sa harap ng bahay nila. Kanina kasi, nagpapantasya siya na susunduin siya ni Neil. Wala eh, ilusyunada. Pero ngayon, nasa harap na niya si Neil. Jhala tempted to pinch his cheeks. "Three meters." Sabi ni Neil na lumayo sa dalaga.

"Eh walangya ka pala eh!" lumabas si Jhala. "Paano mo ako susunduin nang hindi mo ako nilalapitan? Ulol."

"Just go straight and I'll follow you." Cool na sabi ni Neil.

"Nakakainis. Ang boring! Walang thrill. Ugh." Naiinis na sabi ni Jhala.

"Sorry kung walang thrill. Ayoko lang talagang may babaeng umaaligid sa akin." Pag-eexplain ni Neil.

"Ba't mo pa ako sinundo?" Nakakunot na tanong ni Jhala.

"Kasi-" Nagdalawang-isip si Neil kung sasabihin niya ba ang tunay na dahilan o hindi. "Uhh, kasi. Kasi gusto kitang kasama." Paputul-putol siya nung sinabi niya 'yun.

"Eh ba't ayaw mo akong lapitan?" Pangungulit ni Jhala. "Okay, sorry. I understand." Matamlay siyang naglakad papunta sa SL Mall. Sa hindi malamang dahilan ay nanlumo din si Neil.

♂♀ "Miko's POV" ♂♀

Nakarating na kami ni Bossy Monster sa SL Mall. Manunuod muna kami ng sine. "Anong movie?" Tanong ni Rania.

"Diary ng Panget!" Masiglang sabi ni Elle.

"Korni naman. Iba na lang." Sabi ni Bossy Monster.

"Sige, Diary ng Panget na lang!" Sabi ng karamihan sa babae.

Wala na silang nagawa kaya bumili na kami ng ticket para sa Diary ng Panget. Hohoho. At last, makakapanuod na ulit ako sa sine! Tagal ko na rin hindi nakakapanuod dito.

Hindi ko masasabing boring ang movie. Pero nag-enjoy kami nung makita namin ang abs ni James Reid. Syempre, nasa sinehan kaya pinigilan naming tumili. Ang hirap kaya nun! Pero ayun, katulad nung abs ni Bossy Monster, mukhang matigas yung pandesal ni James.

"Hindi siya maganda pero siya ang nagpapaganda ng mundo ko."Nung sinabi ni Cross 'yan, lahat ng babae ay kinilig. Ako, napangiti na lang ako. Pinipigilan ko rin kasing tumili. Hahaha.

Pagkatapos ng movie, agad kaming nagpunta sa restaurant kung saan kami mag-memeet. Agad kong nakita 'yung isang lalaki na nakatalikod. Nakaupo siya sa isang mahabang table. "Ayun!" medyo napasigaw si Lance nang mapansin niya ang pinsan niya. Sumunod naman kami. Sa dulo siya nakaupo. Tinabihan siya ni Lance habang hila-hila ni Lance ang kamay ni Rania. At ayun, kanya-kanyang upo. Ang malas lang ni Neil dahil wala na siyang ibang choice kung hindi tumabi kay Jhala.

"Guys, ito ang pinsan kong si Andrew." Sabi ni Lance.

"Andrew Aedin Valentin." Nakangiting sabi ni Andrew. In fairness, gwapo siya.

Pinakilala niya kami isa-isa at kinamayan din. "Miko Sarviento." Sabi ni Lance saka ako kinamayan ni Andrew. Pero ang nakakapagtaka, mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko nung aalisin ko na sana ito.

Inalis niya lang 'yung kamay ko nung umubo nang malakas si Charles. Inagaw pa niya ito. "Charles Olliston, pare." Sabi ni Bossy Monster saka tinanguan si Andrew. Ewan ko pero nakikita kong ang sama ng tingin nila sa isa't isa.

Ayun nga, nagkwentuhan lang naman kami habang kumakain. Pero ang madaldal ay si Lance. Nagtataka nga ako bakit tahimik si Jhala ngayon. Siguro, loyal na talaga siya kay Neil.

Hindi na ako magtataka kung tahimik ang mag-bestfriend na sina Elle at Jay. Si Faye naman, emotionless pa rin. Si Rania naman, mukhang naaasar pa rin kay Lance. Hahaha. Ang cute nga nila eh!

Mabilis kaming natapos. Kaya naman napag-isipan naming gumala muna. Naghiwa-hiwalay kami. Mag-isa nga si Andrew, kawawa! "Eh kung sumama ka na lang sa amin?" Suggestion ko sa kanya.

Napangisi naman si Andrew. Kita ko na nanlaki ang mata ng iba. "Ano, pare, ice lang ba sa'yo?" pamamaalam niya kay Bossy Monster.

Mukhang walang nagawa si Bossy Monster kaya tumango na lang siya. "Ayan. Di ka na mag-isa!"

Napunta kami sa mga damit. May nakita akong tatlong shirt na may parehong design pero iba-iba ang kulay. "Ang cute oh!" Sabi ko.

"Gusto mo?" Tanong ni Andrew.

"Nako, hindi! Sabi ko, cute lang." Excuse ko.

"Parang ikaw." Sabi ni Andrew na ikinamula ko.

Pagkatapos namin dun, nag-snack na muna kami. Bumili kami ng siomai. Paglalikod ko sa food stall, may napansin akong matanda na maraming dala. "Uy, tulungan niyo naman si lola." Sabi ko.

Agad namang silang nagpaunahan pero nauna si Bossy Monster. "Bakit hindi mo tinulungan si lola?" Tanong ko kay Andrew. Sakto namang bumalik na si Bossy Monster.

"Eh kasi busy ako sa panunuod sa'yo eh." Sabi ni Andrew. Ewan ko pero napangiti na lang ako.

"Bilisan niyo nga d'yan. Nakakainis." Sabi ni Bossy Monster. Ayyyy, keyyy jeyyy. Tsk.

Madami pa kaming pinuntahan kaya nakakatamad nang magkwento. Nung pauwi na kami, nagtalo pa sila kung sino ang maghahatid sa akin. Pero ang nanalo, si Bossy Monster. "Oh, ingatan mo 'yan ah. Baka ma-snatch yan mula sa'yo." Nagbabantang sabi ni Andrew. Ayt. Ako, mananakaw? Grabe, ano ako? Bagay?

Pagkadating naman namin sa bahay, agad niya akong pinagsabihan. "Wag na wag kang lalapit dun sa Andrew na 'yun ah." Sabi niya pa.

"Bakit naman? Anong masama kung lalapitan ko siya." Nagtatakang tanong ko.

"Argh. Basta, wag kang lalapit dun. Ang kulit mo naman eh!" Sabi ni Bossy Monster.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi ko naman.

Nagulat ako nang halikan niya ako sa noo. "Shut up ang go home. Good night, Childish." Sabi niya saka siya tumalikod sa akin at umalis.

"Bossy Monster!" Napalingon naman siya.

Tumakbo ako papunta sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi. "Good night!" sabi ko saka ako tumakbo papasok sa bahay.

Nayt, world.

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
151K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
12.1K 435 15
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
80.9K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...