Fragile Heart [ BTS KIM TAEHY...

Av Jun_Prelhe

9.6K 545 378

[Tagalog] Solar has to meet her fiance to respect the decision of his grandfather. When the time came to meet... Mer

~ Prologue ~
i | The Limousine
iii | Catching up with the past
iv | First night
v | It's not what you think
vi | not enough
vii | sleep talk
viii | the elephant
ix | the unexpected
x | the initiative
xi | my treat

ii | Hunter Medina

288 28 16
Av Jun_Prelhe

Limousine . Back Seat


Maluwang, mahaba, nasa gilid ang upuan at may bar na puno ng mga iba't ibang klaseng inumin. Naguguluhan at natatakot, nanatiling tahimik si Solar sa kanyang inuupuan, katabi ng gwapong lalaking kausap niya kanina lang.


Kailangan kong kumalma, ano ba ang nangyayari? Papauwi na ako, tapos kinausap ako nitong lalake, tapos nakasakay na ako sa loob?

Teka, paano ako sumakay? Kusa ba akong sumakay? Hindi ba kidnapping ito? Pero kilala niya ako! Sumulyap ako sa lalakeng katabi ko. Nagpang abot kami ng tingin kaya ngumiti siya.

May kidnapper bang ganito ka gwapo?

"May gusto kang itanong?" bigla niyang sabi. Halos mabilaukan ako sa gulat. Tanong?

"Bakit ang gwapo m-- e-eeeste! sino ka?!" nanlaki ang mga mata ko. Mapapahamak pa ako sa bungangang ito. Mukhang hindi naman niya narinig-- sana.

"Chase, 7th generation butler ng Medina Empire."

Ano daw? Butler? diba sa movie lang mga yun? At anong Medina Empire?

"Ah okay, hello Chase.. saan tayo pupunta? at bakit ako nandito? sigurado ba kayong ako yung kailangan niyo?" sunod sunod kong tanong. Napakunot ng konti ang noo niya, para bang nagtataka.

"Hinihintay ka ng young master sa mansion." tipid niyang sagot.

"Young master?"

"Yes, ngayong 17 ka na, dahil sa napagkasunduan ni master Lucas at ng iyong lolo, ikaw ay  engaged the kasalukuyang young master ng Medina Empire." pagpapaliwanag niya.

Lolo Al? Engaged? Medina Empire? Anong kalokohan ito? Huwag mong sabihin, nirentahan ni Lolo Al ang lahat ng ito? pero wala kaming pera!

"Excuse me, pero Lolo? ibig sabihin si Lolo Al?"

"Former 5th generation butler, Alfonso Swan."

"BUTLER SI LOLO?! HA!?" Napasigaw ako sa gulat. Bakit ngayon ko lang naririnig ito? 5th generation?

"Nagpunta kami sa bahay niyo at siya ang sumalubong saamin. Balak namin ay hintayin kang umuwi pero ipinilit niyang sa school ka nalang sunduin." pagpapaliwanag niya. "Dala narin namin ang mga gamit mo." dagdag niya.

"Anong gamit?"

"Inempake ni butler-- Sir Alfonso ang lahat ng iyong gamit." Itinuro niya ang isang maliit na truck na sumusunod saamin. Nanlaki pa lalo mga mata ko, ibig sabihin, yung mga kahon kaninang umaga eh para dito? Teka, pinalayas ba ako? Hindi na ba ako babalik sa bahay?

Cellphone. Kailangan kon makausap si Lolo Al. Kinapa ko sa maliit na bulsa ng aking bag ang cellphone. Low battery. Tumingin ako kay Chase, nagbabakasakaling baka pwede niya akong pahiramin ng telepono. Hindi pa ako nakakahigop ng hininga para magsalita ay iniaabot na niya ang isang cellphone.

"Thanks--" may telepathy ba tong taong ito? Agad kong tinawagan ang lolo at sa pang apat na ring at sumagot siya.

"Lolo! anong ibig saibihn nito?" pagpipigil kong sumigaw. Narinig kong tumawa si lolo sa kabilan linya.

"Ngayong ayaw kayo magkikita ng fiance mo apo, diba sinabi ko na sayo?" aniya.

"Sinabi niyo, pero hindi ko naman akalaing totoo!"

"Huwag kang mag-alala apo, mabait na bata ang young master. Ingatan mo ang sarili mo apo ko, Happy Birthday!" at biglang putol ng linya. Hindi ko alam ang gagawin ko.. maiinis ba ako, magagalit? pero gusto kong umiyak. Ni hindi man lang ako nakapag-paalam kay Lolo Al.

Ibinalik ko kay Chase ang telepono at pinunasan ang karamput na luhang namuo sa mata ko. Lumipas ang ilang oras at bumungad na sa saking harapan ang napaka-laking gate na may initials sa M at E.

Medina Empire. Marahang pumarada sa harap ng isang puting mansion ang sasaknyan. Halos maputol ang leeg ko sa kakatingala nang bumaba ako ng sasaknyan. Ibinukas ni Chase ang pinto at hinayaang ako ang maunang pumasok.

Kung napa-wow ako sa labas.. napa-oh my goldness naman ako nang makita ko ang loob. Naglalakihang chandelier ang nakasabit sa kisame. Engrandeng hagdan sa gitna na may red carpet at mga napakagandang marmol na statwa sa gilid gilid ng silid.

"This way, Miss Solar." sinundan kong naglakad si Chase. Abala ang mga mata ko sa kakatingin ng mga painting na naka-display sa hall. Biglang huminto sa paglalakad si Chase kaya huminto rin ako. 

Kasalubong namin ay isang lalake na naka-black suit at may puting pang ilalim. Para siyang naglalakad na painting. Sa malapitang tingin, kulay blue ang kanyang mga mata. Contact lense?

Nakabulsa ang isa niyang kamay habang may hawak na libro ang kabila. Butler rin kaya siya? gwapo naman ng mga butler dito. Na-alimpungatan ako nang huminto siya sa harap ko. Sobrang lapit sa harap ko.

Dahil matangkad siya, kinailangan kong tumingala. Hindi ako makagalaw dahil sa bangis at lalim ng kanyang tingin sakin.

Nanatili ang katahimikan ng ilang segundo.

"Tumabi ka nga." bigla niyang sabi. Ang lalim ng boses..

"Uh-- sorry." at agad akong tumabi sa gilid habang sinusundan niya ako ng tingin. Ibinaling niya ang atensyon siya kay Chase.

"Chase, sa susunod.. i-orient niyo muna ang mga bagong katulong bago ipasok dito. Pakalat-kalat." bigla niyang sabi. Jusko, sungit naman ng taong ito.

Katulong? ano daw? tama ba yung narinig ko? Sino ang katulong? ako? Aba't ang kapal ng pagmumukha ng butler na ito! Kaloka ang peg!

"Excuse m---" bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay pinutol ako ng Chase.

"Young master, ito po si Solar Swan." sabi niya.

"Heh. Not bad for a country bumpkin." aniya habang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. At anong country bumpkin ang pinagsasabi neto?

"Young master?" kimi ko kay Chase.

"Miss Solar Swan, this is young master Hunter Medina, your fiance." ani Chase. Nag-loading ang utak ko at hindi maka-gets sa sitwasyon. Naramdaman ko ang daliri niya sa baba ko. Napilitan akong tumingin sa mga nakakamatay niyang mata nang itaas ang baba ko.

"Aren't you going to greet your future husband?" aniya sa kanyang napakalalim at nakaka-akit na boses. Naramdaman ko ang agos ng kuryente sa buong katawan ko. Nakaka-intimidate ang kanyang mukha na napakalapit saakin.

So siya ang fiance ko? Inilihis ko ang aking mata at sinukukang magsalita pero walang naghanda sakin para sa susunod niyang gagawin.

Hinawakan niya ang mukha ko gamit ng kanyang kamay mula sa pagkakaangat ng baba ko at binawi ang aking ulo para iharap sa kanya. Susunod ko nalang namalayan ay ang pagdampi ng kanyang labi sa aking labi. Pinisil niya ang aking pisngi na nadulot upang bumukas ng konti ang aking bunganga. at naramdaman ko ang pagpasok ng kanyang dila. Napahawak ako sa kanyang braso at napapikit. Ano ito? halik ba ito? bakit nangyayari ito?  Naramdaman ko ang panghihina ng aking tuhod.

Ito ba ang fiance ko? bakit niya ginagawa sakin ito? ayoko ng ganito!pinilit kong kumawala pero idiniin niya ang sarili niya saakin. 

"Ohhmpppft!" hindi ako makahinga! Kailangan kong makawala sakanya! Gamit ng lahat ng aking lakas, initulak ko siya at nakawala. Sunod ay ang malutong at mabigat kong kamay ang dumapo sa kanyang pisngi. Hinawakan niya ang pisngi na sa tingin ko ay namumula sa sakit.

"Young master!" gulat na sabi ni Chase. Itinaas ni Hunter ang kanyang kamay na naghudyat kay Chase na 'Okay lang ako'. Pilit kong hinabol ang aking hininga at pinupunasan anglabi ko gamit ang likod ng aking kamay.

"Ganyan mo ba tratuhin ang fiance mo?" pagsusungit niya. At siya pa ngayon ang may ganang magalit!

"Ang kapal ng mukha mo! Kung ikaw rin ang ang fiance ko, masmabuti pang mag-madre nalang ako!" sumbat ko sakanya sabay walk out. Malayo, pero narinig ko si Hunter na sinabihan ni Chase ng "Get her!"

Get her mo ang mukha mo! Uuwi na ako ngayon mismo! Kahit lakarin ko yung ilang oras na biyahe! Nagkamali si Lolo Al, saan doon ang 'napaka-bait na bata' na laging niyang sinasabi? Demonyo siya! Nakalabas ako ng mansion at wala na ang lumousine kaya dineretso kong lakarin ang gate na medyo kalayuan.

"Miss Solar!" rinig ko ang boses ni Chase na humahabol sa likod ko. "Miss Solar! Please wait!"

"Uuwi na ako!" sigaw ko na hindi tumitingin sa likod. Ang layo ng bwisit na gate, pagod na ako.

"Miss Solar, pasensya na sa inasal ng young master. Nagulat rin ako sa ginawa niya, pero mabait ang young master." pagdedepensa ni Chase.

"Saang parte ng katawan niya ang mabait?" Nakita mo ba ang ginagwa niya?!" paghihimutok ko. Mabait my face, sarap ilampaso ng demonyong yun sa sahig. "Uuwi na ako."

"Miss Solar, pakiusap. Kahit makausap mo lang ang master Lucas. Matagal ka na niyang gustong makita. Bukas na bukas din, kung nanaisin mo, ihahatid kita pa-uwi." Pangungumbinsi niya. Nakita ko ang sinseridad sakanyang mga mata. At sino naman itong master Lucas? at bakit niya ako hinihintay?

"master Lucas?"

Huminga ng malalim si Chase. "Siya ang pinagsilbihang master ni sir Alfonso."

Boss no Lolo Al dati? Naguguluhan ako, ngayon ko lang naririnig ang mga ito patungkol kay Lolo.


Hunter Medina. ang kasalukuyang tagapagmana ng Medina Empire. Fiance ni Solar na 2 years younger sakanya.

Medina Empire. isang napakalaking kompanya na may hawak ng iba't ibang klaseng negosyo sa bansa at sa buong mundo.

Chase. ang butler ni Hunter simula pagkabata.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

804K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
667 74 15
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
88.9K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
137K 5.3K 50
"I like the feeling of having a crush on someone... but going beyond that feeling is a no." - Riley [TAGLISH] Most Impressive Ranking #675 lesbian ou...