Dreamlovers: Duncan And Melin...

By Mandie_Lee

28.2K 407 137

PREVIEW ONLY!!! Formerly titled Dreams of Passion: Duncan and Melina Join my Facebook VIP Group to read the... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six

Chapter Three

5.9K 132 59
By Mandie_Lee


HINDI napigil ni Melina ang pag-ikot ng mga mata nang matunghayan ang tanawin sa harapan ng kabilang porch ng duplex. Sa lounge chair doon ay prenteng nakaupo si Duncan, may binabasang broadsheet at naka-boardshorts lang ito ng kulay berde, wala itong pang-itaas.

Ibinaba nito ang diyaryo pagkatuntong niya sa ibaba ng porch at bumati sa kanya. "Good morning, lovely!" malapad ang ngiting sabi nito at inilapag pa ang diyaryo sa tabi nito na para bang gusto nitong ipakita ang katawan sa kanya.

Kailangan niya namang aminin na impressive ang dating ng katawan ni Duncan. Wala itong bakas ng taba at pantay ang kayumangging kulay. He's got a washboard abs and chiseled chest. Nakamit siguro nito ang magandang built dahil sa kaka-ehersisyo sa umaga. Kung minsan ay nakikita niya itong nasa porch at nagpu-push-up o sit-ups, mayroon din itong maliit na barbel doon. Minsan na rin niya itong nakitang galing sa pagtakbo sa gilid ng dagat. At kadalasan ay hubad-baro ito at ngingiti-ngiti sa kanya kapag nakikita niya. Malandi talaga! Si Dixon nga ay hindi pa niya nakikitang topless kahit nag-e-exercise din ito.

Hindi niya na lang ito pinansin at tuloy-tuloy ang kanyang paglakad palabas ng bakuran. At kahit nakalayo na siya mula sa duplex ay parang nararamdaman niya pa ring ihinahatid siya ng tingin ni Duncan. She knew she looked s3xy in her short and high-waisted pale orange skirt and sleeveless light gray top. Normal lang sa mga lalaki na tapunan siya ng tingin kung naka-postura siya at hindi naman siya naaalibadbaran sa ganoon. But Duncan's gaze was lingering. Ni si Dixon ay hanggang sulyap lang sa magagandang parte ng kanyang katawan na nai-enhance ng mga s3xy outfits, hindi ito tumitingin nang matagal.

Napasimangot si Melina. Kung may pagnanasa man sa kanya si Dixon ay tila kontroladong-kontrolado nito iyon. Hanggang holding-hands at akbay lang ito kung magkasama sila, dalawang beses lang siyang hinalikan sa mga labi, mababaw pa at mabilis. Parang wala siyang maramdamang intensity sa mga ginagawa nito sa kanya. Parang... parang ginagawa lang nito ang mga iyon dahil kailangan, dahil mabait ito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. Oo nga't nagdi-date na sila ni Dixon ngunit sa totoo lang ay parang wala siyang nararamdamang development ng samahan nilang dalawa. She couldn't even feel any thrill or excitement. It was almost bland.

𝐻𝑒'𝑠 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑡𝑜𝑜 𝑛𝑖𝑐𝑒 𝑡𝑜 𝑟𝑒𝑗𝑒𝑐𝑡 𝑚𝑒, maktol niya sa isip. Kung minsan ay naiisip niya ang posibilidad na iyon at gusto niyang maawa sa sarili. Ngunit hindi siya dapat madismaya. Kakaumpisa pa lang naman ng relasyon nila ni Dixon, nag-a-adjust pa lamang sila sa isa't-isa. Ngunit bilang babae siguro ay naiinip na rin siya, lalo pa't si Dixon nga ang mapapangasawa niya balang-araw. Sana lang ay hindi matagalan ang adjustment period nila dahil handang-handa na siyang lumagay sa tahimik. Ayaw niyang lampas sa edad na trenta pa siya mag-aasawa! As a matter of fact, she had decided long ago that she would settle down before hitting twenty-eight. At heto, nalalapit na siya sa dulo ng kanyang self-imposed timeline.

Kinatanghalian nang araw na iyon ay nagpunta si Duncan sa Stardust. May binili ito roong tatlong polo at isang pantalon. Sina Lacey at Henri ang umaasikaso sa binata at patingin-tingin lamang si Melina sa mga ito.

"Pasado alas-dose na, kumain na ba kayo?" narinig niyang tanong ni Duncan sa dalawang babae nang makapagbayad ito sa counter. "Kung hindi pa, tara na'ng kumain. My treat."

"Ay! Tapos na kaming kumain ni Henri, kanina pang eleven," nanghihinayang na sagot dito ni Lacey. "Si Melie ay hindi pa."

Sabay-sabay pang tumingin ang tatlo sa kanya.

"Si Ate na lang ang yayain mo," sabi ni Henri kay Duncan. "I'm sure gutom na 'yan."

Bago pa siya nakaiwas ay mabilis na lumapit sa kanya si Duncan. "Hey... can I treat you to lunch? Bayad-atraso sa nabasag kong baso," nakangiting alok nito sa kanya.

"Hindi pa talaga ako nagugutom," tanggi niya.

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Lacey. "Kasasabi mo lang kaya kanina na gutom ka na!"

Umaapela naman ang tingin ni Duncan sa kanya. Inirapan niya ang kapatid nang manulsol ito.

"Huwag mong sabihing nahihiya ka, Ate? Kapatid 'yan ni Kuya Dix, hindi na dapat iba sa iyo."

Pigil ni Melina ang pagdabog na nagpatiuna na siyang lumabas ng entrada ng boutique. Mabilis namang sumunod sa kanya si Duncan.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ng lalaki.

"Kahit saan," tugon niya.

Sa Chow King sila napunta na nasa loob din ng mall. Tahimik lang siyang kumakain at tila nakikiramdam naman sa kanya si Duncan. Panay din ang titig nito sa kanyang mukha.

Hindi na siya nakapagpigil. "You know, it's impolite to stare." sabi niya sa binata.

"Maybe. But, I just can't help it, sorry. Napakaganda mo kasi," sabi naman nito.

She grunted inside her. Pinigil niyang kumain nang mabilis dahil na-trauma na siya nang mabilaukan siya sa harapan mismo ng lalaking ito. Ayaw na niyang mapahiya, lalo pa't nasa publikong lugar sila ngayon.

"You don't like me, do you?' curious pang tanong ni Duncan.

Buo at diretso siyang sumagot. "Honestly, no."

Wow. That was new. There were people that she really disliked but she never admitted it to them. In fact, kahit inis siya sa isang tao ay nakukuha pa rin niyang makisama. But with this man... Ang lakas ng loob niyang kontrahin ito at ipakita ditong inis siya. Nawawala ang sweetheart image niya pagdating kay Duncan!

"Ouch," nakangiting usal ni Duncan na inirapan niya naman. "Puwedeng itanong kung bakit?" hirit pa nito.

Bumuntonghininga siya bago sumagot. "Una, nakakainis ang ugali mo. Mayabang ka, madaldal, makulit at malandi pa."

𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑖𝑠 𝑓𝑢𝑛, she thought. Kung puwede lang siyang maging ganito ka-prangka sa lahat ng mga taong kinaiinisan niya. But she was old little Miss Sweetheart, wasn't she? Ayaw na ayaw niyang nakakasakit ng damdamin ng iba. Pero wala siyang pakialam ngayon kung masaktan man niya ang damdamin ni James Duncan Rosales. Kung may damdamin nga ang lokong ito!

"Malandi?" Ang lakas ng tawa ni Duncan. "You think I'm a flirt?"

She glared at him. "Yes!" she hissed. "I really seriously think that you're one big flirt," walang gatol pa niyang sabi.

Sumeryoso ito. "Sa palagay mo ba ay nilalandi kita, Melie?"

Hindi sana siya sasagot dahil ayaw niyang magtunog-assuming pero iba talaga ang dating sa kanya ni Duncan. He seemed to bring out her quiescent mean self. Her inner b!tch has coming out to life!

"I think so, yes."

"You are just so amazing, 'you know that?" iiling-iling na sabi nito sa kanya. Hindi ito nag-deny sa alegasyon niya. Totoo ngang nilalandi siya ng lokong ito gaya ng iniisip niya!

"You better stop your BS right now, Duncan," mataray pang sabi niya. "Isa pa, nagdi-date na kami ng kapatid mo, kaunting respeto naman sana doon."

"Hindi pa matatawag na seryoso at pormal ang relasyon ninyo ni Dixon," pang-aasar nito.

"You know what? It's like this, please read my lips." Binigalan niya at pinalutong ang pagsasalita. "I. Don't. Like. You. Kailangan pa bang paulit-ulit kong sabihin iyon sa iyo, Duncan? O isulat sa pagmumukha ko para lagi mong mababasa sa tuwing makikita mo ako? And, oh, please, enough of the flirting already. Dahil sinasabi ko na sa iyo mismo, I won't fall for your charm. Like ever. Ever! Please, pakitatak iyan sa kukote mo, thank you," walang hinga-hingang litanya niya.

Tila napikon naman yata si Duncan. "So, you think you're better off with my boring brother?"

"Of course!" bulalas ni Melina. Kulang na lang ay tumawa siya nang malakas sa tanong na narinig. "Tinatanong pa ba 'yun?! Gusto mong isa-isahin ko pa ang dahilan kung bakit mas nakakahigit sa iyo si Dixon? Baka abutin tayo ng Pasko." Andami na niyang nasabi! She was being a b!tch and was unapologetic about it. Oh, she was loving this sooo much!

Hindi na ito nagsalita pa at nagpasalamat naman siya sa loob-loob. Tinapos na niya ang pagkain at tumayo na.

"Salamat sa lunch," sincere niyang sabi kay Duncan. "And by the way, your twin brother is not boring at all. He's just a very nice and wonderful man... unlike you, of course," hindi niya natiis na hindi sabihin bago siya umalis ng restaurant.

Pagbalik ni Melina sa Stardust ay inintriga siya nina Lacey at Henri.

"Alam mo, ngayong nakita ko na in person ang kakambal ni Dixon ay napapaisip lang ako... Hindi kaya si Duncan ang napanaginipan mo at hindi si Dixon?" sabi ni Lacey.

Nanlaki ang mga mata niya. "Of course not!" protesta niya. "Ayoko sa lalaking iyon, ano? Paano namang ibibigay sa akin ng tadhana ang isang lalaking hindi ko gusto ang ugali? Si Dixon ang ideal man ko. Siya ang gusto kong pakasalan. Period."

But, what if...? 𝐺𝑜𝑑, 𝑛𝑜! 𝑃𝑙𝑒𝑎𝑠𝑒! 𝐼𝑡 𝑐𝑎𝑛'𝑡 𝑏𝑒! Parang gusto niya yatang maglulupasay sa sahig sa isiping nagkamali siya ng akala sa kanyang panaginip.

"Pero iba kasi kung makatingin sa iyo si Kuya Dunn, Ate," sabi naman ni Henri. "Hindi kasi ganoon kapag tinitingnan ka ni Kuya Dix."

"Anong klaseng tingin ba?" pagmamaang-maangan niya sa kapatid.

"Tinging kakaiba, 'yung tingin na masasabi mong giliw na giliw siya sa iyo, na parang namamalikta siya sa kagandahan mo," sagot ni Henri.

"Tinging may malisya, may pagnanasa," humahagikgik na sabi naman ni Lacey.

"Puwede ba?! Malandi lang iyon kaya ganoon kung makatingin sa mga babae," kontra niya sa dalawa.

"Ows? E, bakit kami ni Henri, hindi niya nilandi?" tumatawang sabi ni Lacey. "Maganda naman kami, ah. Pero all eyes pa rin siya sa iyo kahit kausap niya kami."

"Guys, just leave me alone, okay? I don't need your f*cking opinions!" pagtataray niya sa mga ito sa mataas na boses with matching kumpas pa ng mga kamay sa ere na ikinagulat naman ng dalawa. Hindi pa siya nakikita ng mga itong genuine na nagtataray. Naipapakita niya ang pagkainis niya, oo. But she never vent like that. She never even cuss like that!

"Ano ba'ng pinakain sa iyo ni Duncan at natuto ka yatang magsungit diyan?" tanong ni Henri.

"Nawawala pala ang poise mo pag galit na galit ka," kantiyaw naman ni Lacey na sinundan ng hagikgik. "Hindi mo bagay. Pumapangit ka, gurl!"

Hindi na siya sumagot sa mga ito. Nag-walkout na lamang siya.




NAKAALIS na para sa trabaho si Dixon at naiwan si Duncan sa tirahan nito kasama si Alexa, ang babaeng nakilala niya sa club at nagpumilit sumama sa kanya pag-uwi niya kaninang madaling araw. Isang linggo na rin itong lapit nang lapit sa kanya. Wala namang problema kung papayag siyang makipag-date kay Alexa; maganda ito at s3xy. Galing ito ng London at kasalukuyang nagbabakasyon sa mga kamag-anak sa Rosario. Kagaya niya ay single at worldly din si Alexa. Ngunit lahat ng sexual advances nito sa kanya ay nakakaya niyang tanggihan. Hanggang halikan lamang ang nagagawa nilang dalawa. Dahil habang kahalikan niya ito at pumipikit siya ay ibang babae ang nasa isip niya. Si Melina.

F*ck you, Duncan! mura niya sa sarili. Kahit anong gawin niya ay hindi matanggal si Melina sa kanyang sistema. Lalo pa't nasa kabilang pintuan lang ito. It was as if he could almost taste her...

God, she felt so close yet so far. Wala pa siyang ibang babaeng hinangad nang ganito katindi. Unang kita pa lamang niya dito ay tinamaan na agad siya ng pagnanasa. He was drawn to her beauty and sensuality. He desired her more than anything else. There were times that he couldn't stop himself from imagining with her in bed. Hindi lang sa kama, kundi pati sa sofa, sa damuhan, sa ilalim ng punong-kahoy, sa buhanginan... Yes, he fantasized about having a wild sex with Melina Vargas and he wasn't even feeling guilty about it. He liked it so much that it hurts. He was wishing for it to happen in reality.

Gusto niyang kamuhian ang sarili dahil nagnanasa siya sa girlfriend ng kanyang kakambal. He must be some kind of a special asshole, huh?! Shame on him. Shame on him!

But, hell, no! Hindi pa girlfriend ni Dixon si Melina. Nagdi-date lang ang mga ito, gaya nga ng sabi niya'y wala pang pormal at seryosong relasyon. At kilala niya si Dixon. Pagkatapos ng hiwalayan nito mula sa first love nitong si Haley Dane Vergara may pitong taon na ang nakakaraan ay hindi na ito muling na-involve pa romantically sa ibang babae. Dixon's steady dates were all failures. Sira na ang koneksiyon nito sa mga babae at hindi niya alam kung maibabalik pa iyon. Si Dixon ang tipo ng lalaking minsan lang kung magmahal. Ibinigay na nito ang lahat kay Haley at wala na itong maibibigay pa sa ibang babae. Baka tumandang binata na nga ito sa palagay niya.

Siya kaya, kailan naman magmamahal nang wagas? Gusto niya yatang matawa sa sarili. Magmamahal? Wala sa hinagap niyang mai-in love din siya balang araw. He was too worldly, carefree and disorganized. Ang tanging commitment lang yata na hindi niya napapalampas gawin ay ang mag-toothbrush bago matulog. Hindi niya kayang bumuo ng isang relasyon. Hindi niya kailanman nakita o inisip ang sarili na nasa isang relasyon. Nakita niya kung gaano kakumplikado ang pag-ibig sa dinanas na pagdadalamhati ni Dixon noon at ayaw niyang maranasan iyon. The world was too beautiful to experience heartache. Heartache was pure bullsh!t. Kaya kuntento na siyang papalit-palit ng dates, buhay na buhay ang sex life at walang nobyang nagpapasakit ng kanyang ulo.

Kaya sige, dahil wala pa siyang sexual encounter mula nang dumating siya sa Rosario ay pagbibigyan niya ngayong araw si Alexa. Ngayon lang...

Magaling sa kama ang babae, eksperto na sa pakikipagtalik. Ngunit nakakapagtakang nahihirapan si Duncan na mag-concentrate sa mga ginagawa nito sa kanya. He was just laying in bed, useless as a log while the woman on top of him was about to do some crazy acrobatics.

Iba ang babaeng gusto niyang humahalik sa kanya ngayon, ang humahaplos at humahawak sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Nababaliw na siya sa pagnanasa kay Melina at hindi niya kayang tumigil.

She must be still next door, he thought. Pasado alas-nueve, minsan ay alas-diez ng umaga kung umalis si Melina patungo'ng Stardust at pasado alas-siete pa lamang ngayon.

Nag-angat ng ulo si Alexa mula sa ginagawa sa ibaba ng kanyang puson. "Are you okay, Dunn?" dismayado nitong tanong.

"Pagod lang ako sa trabaho, sorry," dahilan niya naman.

Nakasimangot itong tumayo. Nakonsensiya naman siya kahit paano. Pumayag siyang sumama si Alexa sa kanya at ginawa nito lahat upang bigyan siya ng kasiyahan ngunit heto siya't parang imbalido lang. Oo nga't palikero siya, ngunit hindi mga gamit ang tingin niya sa mga babae. Ayaw niyang maging parausan lamang ang mga ito. He always made it sure that he pleasured women as well. And he was d@mn good with it!

Hinila niya si Alexa at pinahiga sa kanyang kama. At gamit ang ekspertong bibig at mga kamay ay binigyan niya ng mainit na kasiyahan ang babae na halos magpabaliw dito. Umuuga ang kanyang kama sa mga mararahas na paggiling nito.

"Yes, r-right there! Ooh, God, Duncan! You're so bloody great, baby!" nagdidiliryong sigaw ni Alexa sa British accent habang abala siya sa pagitan ng mga hita nito. "Oh, yes!"

He gave her one huge org@sm that sent her screaming like a mad hyena. Mabuti na lamang na lamang at umalis na si Dixon kundi ay nabulabog siguro ito.

Kuntentong-kuntento ang babae sa ginawa niya dito. "Oh, that was stupendous. Ang galing mo," ika nito habang ibinabalik ang mga damit sa katawan. "If only you'd let me pleasure you as well, Dunn."

"I'm good, Alex, thank you," nakangiting tanggi niya dito.

Malambing itong umupo sa kanyang kandungan at nilaro-laro ng mga daliri ang kanyang tenga at leeg. "'You sure?"

Tumango siya't pumeke ng hikab. "Inaantok na ako."

Masayang umalis si Alexa at iniwanan pa siya ng mainit na halik sa bibig nang ihatid niya ito sa labas ng bahay. At nahuli naman sila sa aktong iyon ni Melina na nagkakape sa porch.

"Magandang umaga," nakangiting bati niya dito nang nakaalis na ang bisita niya.

Saglit na naglakbay ang mga magagandang mata ni Melina sa kanyang katawan na natatabingan lamang ng itim na boxer shorts. Gustong-gusto niya talaga'ng tumitingin sa kanyang katawan ang mga inosenteng mga mata nito. Her gaze was like breathing life to his senses. Baka kung nagtagal ang mga mata nito sa kanyang katawan ay magkakalat sila ng kanyang pagkakalalaki ora mismo.

"'Know what, sa pagkakaalam ko ay wala sa kontrata namin ni Dixon na gagawin mong motel ang duplex ko," mataray na sabi nito sa kanya.

Nagkamot si Duncan ng batok. So, narinig pala nito ang mga malalakas na daing at sigaw ni Alexa kanina.

"Kung magsalita ka naman ay parang ilang babae na ang dinala ko dito," sabi niya naman.

"Well, maybe next time ay sabihan mo ang girlfriend mong huwag masyadong maingay kapag nagsi-sex kayo dahil may kadikit lang kayong bahay na puwedeng maeskandalo ang nakatira. Paano na lang kung may mga bata dito?"

He chuckled. "I can't blame her, magaling kasi ako," pagmamayabang niya. "Mahirap talagang magpigil ang mga babae kapag—"

"Oh, please!" pigil ni Melina sa gusto niyang sabihin.

"Alam mo, walang sinabi sa akin si Dixon na mataray ka at bulgar magsalita. He said you're gentle... like a rainshower or a morning breeze."

"Well, then, he's wrong!" angil nito.

"I thought so, too. Rainshower, morning breeze?" Tumawa siya. "Bunch of bullsh!t, right? Because, baby, you're burning like the midday sun in a dry desert!"

"Sa iyo lang ako ganito, for your information."

"Mas ipinapakita mo sa akin ang tunay mong ugali?" nakangising tanong niya at naglakad malapit sa kinaroroonan ni Melina.

She wrinkled her cute nose. "Sumasama lang ang ugali ko sa iyo."

"Wala akong sinabing masama ang ugali mo. I actually like feisty women. I think they're really hot. At lalo kang gumaganda kapag naiinis ka, Melina."

Bahagyang namula ang mga pisngi nito at nagpaling ng tingin palayo. She looked stunning.

"And, for the record, hindi ko girlfriend ang babaeng iyon at wala na ring next time," parang pangako pa niya kay Melina.

"Wala nang next time sa babaeng iyon, you mean," diin nito. "I'm sure marami ka pang ibang f*ck buddies."

"F*ck buddies," ngingiti-ngiti niyang usal at nagulat pa siya dahil unti-unti siyang ginapangan ng init sa katawan. He must be crazy to be turned on just hearing this woman speak vulgar words to him! "I didn't f*ck that girl, well, not exactly, if you want to know the truth."

"Kung ganoon ay ano ang ginawa ninyo?"

"Gusto mong malaman?"

Napaawang ang bibig ni Melina, parang ngayon lang nito na natanto na napakarami na itong nasabi na hindi na puwedeng bawiin.

"I gave her immense pleasure," ani Duncan. "It's called cunnil!ngus, baby."

Ang kanina'y naniningkit na mga mata nito sa inis ay nanlalaki na ngayon. He gave her a very sultry smile.

"Google it up," sabi pa niya dito.

"I know what it means!" pagmamalaki naman nito saka tumayo na.

"Naranasan mo na?" pilyong tanong niya.

Ngayon ay parang mansanas na sa pagkapula ang buong mukha ni Melina. "H-how dare you to ask me that!" she shrieked.

Tumawa si Duncan. "Kung kailangan mo ng first-hand experience, nasa kabilang pinto lang ako. I'm good at it, I can guarantee—"

Isang lumilipad na tasa ang sagot ni Melina. Kung hindi lang mabilis ang reflexes niya't hindi nasalo agad iyon ay tumama sana iyon sa mukha niya. Sira ang kaguwapuhan niya kung nagkataon!

"Pervert!" bulyaw pa sa kanya ng dalaga saka ito pumasok na sa tirahan. Nayanig ang buong duplex nang ibalibag nito pasara ang pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 115K 30
Bago namatay ang kapatid ni Miguel ay ibinilin nito sa kanya ang babaeng nakatakda nitong pakasalan. It took him two years before he finally found th...
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
6.8K 172 5
"The CEO made his FAKE wife feel unwanted. But when she finally agreed to annul their marriage, he felt as though he couldn't breathe." Viz Hezron, C...