INCUBUS

Door Thyriza

666K 22.4K 3.4K

"He saw the darkness in her beauty. She saw the beauty in his darkness." Si Araceli Felices ay lumaki sa re... Meer

Foreword
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
CHAPTER V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
CHAPTER IX
Chapter X
Chapter XI
CHAPTER XII
CHAPTER XIII
CHAPTER XV
CHAPTER XVI
CHAPTER XVII
CHAPTER XVIII
CHAPTER XIX
CHAPTER XX
CHAPTER XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
CHAPTER XXIV
CHAPTER XXV
CHAPTER XXVI
CHAPTER XXVII
CHAPTER XXVIII
CHAPTER XXIX
CHAPTER XXX
CHAPTER XXXI
CHAPTER XXXII
CHAPTER XXXIII
CHAPTER XXXIV
CHAPTER XXXV
CHAPTER XXXVI
CHAPTER XXXVII
CHAPTER XXXVIII

CHAPTER XIV

16.4K 563 91
Door Thyriza

CHAPTER XIV

ILANG linggo ang lumipas at hindi na muling nakita ni Ara ang binata. Araw-araw ay sabik na sabik siyang pumasok sa trabaho at gano'n din kapag uwian na sa pag-asang makikita niya si Thorn.

Dahil dito kaya madalas niyang kasama pag-uwi si Jecca. And this time, kasama nila si Clay. Manli-libre raw ito dahil na-promote ito sa trabaho.

Dahil dala niya ang kaniyang kotse kaya nag-convoy sila papunta sa isang coffee shop. Nang makasok sila sa loob ng shop ay pumwesto sila sa malapit sa bay window na may mga iba't-ibang chiclit books. They both ordered frappe and sliced cakes.

"Mabuti ka na-promote agad kahit ilang buwan ka lang sa trabaho," naiingit na sabi ni Jecca kay Clay.

"Eh, kasi po, mag-take na kayo ng bar exam. Isa rin 'yon sa advantage. Kung baga, may eligibility na kayo." Sabi nito at tumingin kay Ara.

"Nag-inquire na ako para sa review. Baka next year maka-exam na ako," Ara said as she sips her frappe.

"Ako siguro self-review na lang. Ang hirap kayang isabay ng work at review," Jecca said.

Ara is glad that they're talking about self-advancement and career. Minsan kasi, nagsasawa na siya kapag laging nakikita na nagbabangayan ang dalawa.

Jecca excused herself para pumuntang comfort room when Ara felt Clay's hands on hers. She immediately flinched at binawi ang kamay niya. She stared at him and she could see how disappointed his face is.

"Ara, wala ba talaga? Kahit kaunti lang?" malungkot nitong sabi.

Napayuko naman siya at umiling.

"Sorry, Clay. Pero hindi ko talaga mapilit ang sarili ko na gustuhin ka, eh," she said feeling sorry for him.

"May iba ba? Kaya ba hindi mo ako magustuhan kasi may iba kang gusto?" tanong nito at hindi niya alam kung paano ito sasagutin.

She wish she could tell him the truth. Pero ayaw niyang bigyan ito ng maraming dahilan para malungkot at masaktan.

"Jecca told me na wala akong pag-asa sa'yo kasi may iba kang nagugustuhan. Is that true?" sabi nito at natameme naman siya.

Minsan talaga ang pagkadaldal ng kaibigan niya ay hindi kayang ma-kontrol.

"Clay, hindi 'yon sa gano'n—"

"Then what?!" nagtaas itong boses dahilan para mapamaang siya. "Mas guwapo ba siya? Mas mayaman? Does your parents likes him for you?"

Naging malakas ang boses nito kaya napatingin sa kanila ang ilang customer na kumakain din sa coffee shop. Nakaramdaman ng inis ang dalaga dahilan para hindi niya ma-kontrol ang sariling emosyon.

"I'll appreciate it if you tone down your voice, Clay! You have no right to interrogate me about the person I like. It's either you accept the fact that you don't have chance to me and be my friend or you stay away from me!"

Kahit kailan ay hindi pa nagalit ang dalaga. She is always in control. Madalas ay iniisip muna niya ang consequences bago siya magbitaw ng salita. Kilala siya ng mga malapit sa kaniya na tahimik at compassionate. Kaya maging siya ay nagulat din sa naging reaksyon niya kay Clay. At idagdag pa nito ang nararamdaman niya inis sa kaibigan dahil sa pagiging madaldal nito.

"Ara—" he tried to held her hand again pero marahas niyang tinampal ang kamay nito.

"Mas mabuti siguro kung hindi muna tayo magkikita, Clay." Mabilis siyang tumayo at isinaklay ang sling bag sa braso niya. Bigla namang bumalik si Jecca na nakangiti.

"Uuwi ka na, girl?" her friend asked beaming.

"Jecca, sometimes, I wish that you could just shut up and stop talking!" matalas niyang sabi rito dahilan para mapasinghap ito at gulat na gulat na nakatingin sa kaniya.

"Ara—"

Araceli walked out with panting chest. Sumakay siya sa kaniyang kotse at mabilis na nag-drive palayo.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit mabilis siyang nagalit. It was as if she's a bomb that was triggered to explode. At habang lumalayo siya ay unti-unti siyang nakakaramdam ng guilt.

Inihinto niya ang kotse sa gilid ng daan at agad na kinuha ang kaniyang cellphone.

She has to text Jecca and apologize. Same as with Clay. Naging irrational siya at hindi niya inisip ang mararamdaman ng dalawa.

Do you really have to apologize, Ara? Kasalanan ni Clay kasi alam niyang wala kang gusto sa kaniya pero naging mapilit siya. At si Jecca naman, matagal ka lang na nagtitimpi sa kaniya dahil sa ugali nito. She deserves it!

Napatigil siya sa pagte-text at nag-isip-isip.

Oo, parehong may mali ang dalawa. Pero hindi puwedeng hindi siya mag-apologize dahil kapag pinatagal ang isang tampuhan, mas lalo itong lalaki.

She continued texting pero muling tumugil.

This can be a lesson to them! Para hindi nila abusuhin ang kabaitan mo. Make them realize na hindi ka basta-basta. Tiisin mo ang kaibigan mo. You'll see, siya lang naman ang magso-sorry sa'yo!

She deleted her text at ibinalik sa bag ang phone. She's made her decision. She will not apologize and will just wait kung sino ang unang hihingi ng paumanhin but it'sdefinitely not her.

***

It was Saturday at tinutulungan niya ang kaniyang Lola Soledad na magluto. Hinihiwa niya ang kangkong na pansahog sa sinigang habang ang kaniyang Lola ay tinitimpla ang sabaw ng sinigang habang pinapalambot ang karne.

"Apo, umuulan ba?" tanong ng lola niya at umiling naman siya kahit hindi tinitingnan sa labas. "'Yong sinampay ko sa labas!" natatarantang sabi nito at mabilis na lumabas sa likod.

Hindi naman ito pinansin ng dalaga at ipinagpatuloy ang paghiwa ng ilang gulay. Narinig naman niya ang pagsapaw ng tubig sa pinapalambot na karne kaya tinanggal niya ang takip nito at tinantiya kung malambot na ito. Nilasahan niya ang sinigang ngunit matabang pa ito kaya pumunta siya sa may cupboard para kunin ang asin.

"Sis, puwede tingnan mo muna si Euki sa salas. Kakausapin ko lang ang mga trabahador natin sa labas." Wika ni Mason sa kapatid niya.

"Sige," sagot niya saka dumeretso sa niluluto at naglagay ng kaunting asin para panimpla. Muli niyang nilagay ang pantakip at pinahina ang apoy.

Pumunta siya sa salas at naabutan niya si Euki sa kuna nito at pilit na umaakyat para makalabas. Agad siyang tumakbo para saklolohan ito at kinarga.

"Euki, behave lang. May ginagawa si Tita," sabi niya rito at muling inihiga ito sa kuna.

Nang akma siyang aalis ay bigla itong ngumiwi na animo'y ano mang oras ay iiyak.

"Baby, mamaya na tayo mag-play, opo? Busy ang tita, eh," sabi niya at mabilis na tumalikod.

Bumalik siya sa kusina at tiningnan ang niluluto. Dahil malambot na ang karne ay nilagay niya na ang sangkap na gulay.

Narinig niya ang malakas na pag-iyak ni Euki kaya mabilis siyang tumakbo papuntang salas. Agad niya itong kinarga at nakitang namumula ang daliri nito. Marahil ay naipit sa kuna dahil yari ito sa kahoy.

"Hala, baby, masakit ba? Sshh, tama na. Tama na," pagtatahan niya sa bata na panay pa rin ang iyak.

Isinayaw-sayaw niya ito habang papunta sila sa kusina.

Halos mapasigaw ang dalaga na makitang umaapaw ang sabaw ng sinigang. Mabilis niyang pinatay ang kalan pero tumalsik ang sabaw sa kamay niya maging sa paa ng bata dahilan para muli itong maiyak ng malakas.

Saktong pumasok ang kaniyang lola na may dalang mga sinampay at nakakunot-noong tiningnan ang dalaga.

"Ano'ng nangyari kay Euki?" nag-aalalang tanong nito saka napatingin sa nilulutong sinigang. Binuksan nito ang takip at mas lalong nangunot ang noo ng matanda. "Nasaan na ang sabaw, Ara?"

"Lola, kasi—"

"Ara? Bakit ko narinig na umiiyak si Euki?" sabay pasok ng kaniyang kapatid na lalaki at mariing napapikit ang dalaga.

Humarap siya kay Mason at ibinigay si Euki.

"Lola, sorry kung naubos ang sabaw ng sinigang. Umiiyak kanina si Euki kasi naipit siya sa kuna kaya kinarga ko siya at dinala ko sa kusina tapos nakita kong umaapaw na ang sabaw kaya pinatay ko 'yong kalan dahilan para mapaso ang paa ng bata. Kung magagalit kayo sa akin, sorry na! Hindi ko sinasadya!"

Mabilis na umalis ang dalaga palabas ng kusina at pumuntang second floor, sa kuwarto niya. She locked the door at nahiga sa kama.

Mabilis siyang mainis ngayon dahilan para hindi niya maintindihan ang sarili. Maybe she's PMS-ing again.

***

1:13 A.M

Ara almost groaned when she checked the digital clock on her bedside table. Halos ala-una pa lang ng madaling araw. Pero ramdam na ramdam niya ang pagka-uhaw kaya napilitan siyang bumangon.

She's only wearing her black nighties at hindi na nag-abalang suotin ang roba. Papikit-pikit siyang lumabas ng silid at bumaba sa hagdan.

Kinukusot niya pa ang kaniyang mata habang humihikab nang biglang may nakita siyang babae na nakatayo sa hangganan ng hagdan.

"M-Miss Ara?" gulat na gulat nitong sabi. "Ano'ng ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ng babae.

Pakiramdam ni Ara ay nawala ang antok niya. Pamilyar sa kaniya ang babae pero hindi niya mawari kung saan niya ito nakita.

"Huh? Ikaw ang dapat tanungin ko niyan. Bakit nandito ka sa pamamahay namin? Bisita ka ba ni Kuya?" she asked. Pinagmasdan niya ang babae.

She's wearing an all black suit. Maitim ang buhok nito na nakatali sa likod ng leeg. Matalim ito kung tumingin.

"Pamamahay niyo?" sabi pa nito at biglang nagseryoso ang mukha. "You must be mistaken, Miss."

Iginala ni Ara ang kaniyang paningin at halos mamilog ang kaniyang mga mata nang makita kung saan siya.

"What on earth am I doing here?" she asked herself.

Walang pasabi na tumakbo siya paakyat at halos manghina siya nang makita ang mahabang pasilyo. Pamilyar na pamilyar sa kaniya ang lugar. Para bang minsan na niya itong napuntahan, hindi niya lang maalala kung kailan.

Nakarinig siya ng yapak ng sapatos kaya bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam ang gagawin. And seeing what she's wearing, parang gusto na lang niyang magtago sa sulok hanggang sa magising siya.

Naramdaman niyang may humawak sa braso niya kaya napalingon siya sa likod niya.

"Hindi ka dapat makita ng iba na...ganiyan ang suot," sabi nito sa kaniya. "Halika,"

Hawak ng babae ang braso niya habang nakasunod siya. Dumaan sila sa mahabang pasilyo at muling lumiko sa isa pang pasilyo. May hagdan doon at umakyat sila. Tumambad sa kaniya ang isang malaking painting at namangha siya kasi isa pala itong secret door.

Binuksan ng babae ang secret door at pumasok sila sa isang maliit na silid. Madilim sa loob. Muli ay may binuksan itong pinto at nakarating sila sa isang silid.

Madilim ngunit may kandilang nakasindi sa loob. Nakikita niya ang malaking kama na may canopy. Sa pinakadulo ng silid ay isang bay window at may mga lumang libro na nakalapag. The room looks old and ancient.

"I'll leave you here. Dito ka lang. And do something about...your clothes."

Napatakip ang dalaga sa kaniyang dibdib nang umalis ang babae. She roams around the room para maghanap ng roba. May closet sa gilid ng pinto at binuksan niya ito.

Maraming damit ngunit nanlumo siya na makitang panglalaki ito. Sa pinakadulo ng closet ay may naka-salinsin na bathtowel kaya kinuha niya ito at ibinalabal sa sarili.

Lumapit siya sa kama at naupo sa gilid. Paano siya makakabalik sa reyalidad? Napabuntong-hininga siya at nahiga sa gilid ng kama. She closed her eyes with the idea that she'll wake up from her dream.

***

"How many souls?"

"One thousand three hundred souls on western, Chief."

"How about in Eastern?"

"Two hundred souls, Chief,"

"Increase your soul collection on Eastern."

He was reading the scrolls while his loyal subjects are reporting about the collected souls.

"Chief..."

Nag-angat ng tingin si Raguel at tumambad sa kaniya si Zanilla.

"Not now, Zanilla. I'm busy here," he said as he continued reading the scroll.

"But...it's about Miss Ara, Chief."

Mabilis na nag-angat ng tingin ang pinuno at nangunot ang noo. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng pagkasabik nang marinig ang pangalan nito.

"What about her?" he asked trying to sound casual.

"She's here, Chief. I don't know how...but I brought her to your bedroom."

Mabilis na tumayo ang lalaki sa kaniyang trono at sinenyasan si Zanilla na ito muna ang tumanggap ng mga reports.

He blinked away from hall to his bedroom.

Agad niyang nasamyo ang natural na bango ng dalaga. Nakita niya itong nakahiga sa kama niya. Ginawa nitong kumot ang tuwalya niya habang natutulog.

"How did you get here, Araceli?" he asked almost whispering.

Hinawi niya ang buhok nito at hinaplos ang pisngi. Gusto niyang matawa sa kaniyang sarili. Ilang linggo niya itong hindi binisita dahil sa maraming dahilan ngunit heto ang dalaga, kusang pumunta sa kaniya. He don't know how she finds him. But he's glad she's here.

Tinanggal niya ang tuwalya nito para sana palitan ng totoong kumot nang lumihis ang dulo ng suot nitong pantulog at lumitaw ang kaniyang mapuputing hita.

Maraming beses siyang lumunok. Binuhat niya ito at ipinuwesto sa gitna ng kama. She could hear her moans as she stretch her head that shows her slender neck. Mabilis niyang tinakpan ang katawan nito ng kumot to his agony. The more she is exposed, the more he will be tempted.

Tumabi siya sa dalaga at sumandal sa headboard ng kama. She looks so innocent, fragile, and lovely. He caress her full lips that made her twitch. Gumalaw ito ng kaunti kaya bigla siyang nataranta. She's not suppose to see his face. So before she woke up, he used his power to light off the candle and made the room more darkly.

"Is that you?" bungad ng dalaga nang magmulat ito ng mga mata.

Bumangon ito at hinarap siya. Alam niyang hindi nito maaninag ang mukha niya pero iniwas niya pa rin ang mukha niya. Mahirap na.

"Why are you here, Araceli?" he asked.

"Huh? Hindi ko alam. I thought...you brought me here?" she asks innocently.

"I did not," he answered.

Tinitigan siya ng dalaga na para bang hindi ito naniniwala sa sagot niya. He can't blame her. Dahil sa ilang linggo niya itong binalewala, even he doubts himself if he has unconciously summoned her to him.

"Puwede ba ibalik mo na ako? Panaginip man o hindi, hindi ko gustong lagi mo akong dinadalaw. M-magagalit ang boyfriend ko!"

"Boyfriend?!" nakakunot-noong tanong niya.

"Boyfriend. Kasintahan. I already have a boyfriend kaya kung puwede, tigilan mo na ito."

He felt a flaring aura surrounds him with the news she told him. How come he doesn't know she already a love interest? Ilang linggo niya lamang itong iniwasan at may kasintahan agad ang dalaga?

"Who is your boyfriend, Araceli?!" he asked sternly but she didn't even budge nor intimidated.

"Bakit ko sasabihin? Para bisitahin mo rin siya sa panaginip at sabihin ang ginagawa mo sa akin? No way!"

He's angry...no he's furious. Furiously envy. Maging siya ay hindi na rin maintindihan ang nararamdaman. Gusto niyang magalit sa dalaga ngunit tingin pa lamang nito ay napapabago ang isip niya. And he hates it. He hates how he wants to control her but she controls him instead.


____

Blink or Blink away -  teleport-like skill that works on a long cooldown. 

Same process ang teleportation and blinking. Ang pagkakaiba lang kasi ang teleportation, may naiiwan na aura or residue na puwedeng masundan ng kung sino man na may same ability. Blinking on the other hand is as swift as air. It cannot be tracked.


Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

27.5M 699K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
Adrasteia Door CG

Paranormaal

192K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
4.2M 91.3K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
231K 8.8K 33
#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living in a world where he's completely invisibl...