10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 8 : PIQUE

197K 3.7K 647
By Khira1112

 

RHEA POV

For the first time sa buhay ko bilang isang estudayante, maaga akong nag-ayos at gumising para pumasok. Achievement 'to!

Paano ba naman kasi. Hindi ako nakatulog ng maayos. Paputol-putol ang tulog ko at kung susumahin ang oras na naidlip ako, wala pa sigurong tatlong oras 'yon. Epic tuloy ang eyebags ko. Agaw pansin.

"Ang aga mo naman atang gumising,hija." salubong sa akin ni yaya nang makita niya ako sa kusina.

"For a change." patamad kong sagot. "Gising na ba si Papa,ya?"

"Tulog pa rin siguro ang papa mo. Aba'y gabing-gabi na kayo umuwi." sagot ni yaya. Sinalin niya ng baso ang juice at inabot sa akin. Ipinaghanda niya na rin ako ng almusal. "Nakakapanibago. May nangyari ba at kay aga mong nagising?"

Umasim ang mukha ko. "Nanaginip po ata ako tungkol sa unggoy."

Napakunot ang noo ni yaya. "Unggoy?"

"Oho. Unggoy po na katawang tao. Pero mukha talaga siyang unggoy dahil ang pangit niya." kumagat ako ng malaki sa hotdog bago nagsalitang muli. "Yung unggoy daw po na 'yon ay mortal enemy ko at walang ginawa kundi bwisitin ako."

Huminto sa pagpupunas ng platito si yaya. Nakikinig naman siya sa kwento ko kaya ipinagpatuloy ko.

"Pero do'n sa panaginip ko, may kakaibang nangyari,yaya. Yung tipong mapapasabi ka ng 'what the hell' at mapapamura ka sa gulat."

"Ano naman 'yon? Nag-transform ba sa tao ang unggoy sa panaginip mo?" natatawang wika ni yaya. Hindi ko mapigilang matawa rin sa sinabi niya. The best talaga 'tong yaya ko,eh. Sinasakyan ang mga kwentong barbero ko.

"Hindi gano'n,yaya. Saka malabong mangyari yung sinabi mo,eh. Sa tingin ko kasi, forever siyang unggoy in my dreams. Pero yung nangyari sa panaginip ko kagabi, mas epic pa do'n!"

"Hmm? Anong nangyari?" na-a-amuse sa kwento ko si yaya. Akalain ko bang may interes pala siya sa mga unggoy.

"Nag-sorry siya sa akin." ngiting-wagas kong sabi. "Akalain niyong magsosorry sa akin ang mortal enemy ko? Haha!"

Nakitawa rin sa akin si yaya. Ginulo-gulo pa niya ang buhok ko na tila ako bata. "Ikaw talaga! Hindi naman malayong magkatotoo ang panaginip mo,ah?"

"P-po?"

"Sa tingin ko kasi, magkakabati rin kayo ng mortal enemy mo sa totoong buhay."

Nawala ang ngisi sa aking mukha. Parang na-drain ang dugo ko. Namutla ako ng todo.

"A-anong ibig niyong sabihin,yaya?" patay malisya akong kumagat muli sa hotdog. Sunud-sunod. Muntik pa nga akong mabilaukan kaya agad kong inabot ang juice.

"O baka naman may koneksyon ang panaginip mo sa realidad?"

"A-anong pinagsasabi mo, yaya? Hindi kita ma-gets,eh." umiwas ako ng tingin. Tinusok-tusok ko ang bacon na nasa plato. I bit my lower lip.

"Baka si Ren ang unggoy sa panaginip mo?"

Napanga-nga ako. What the heck?! Gano'n ba kagaling sa connect-the-dots si yaya at mukhang napag-connect niya ang kwentong barbero ko sa reality?!

Tumawa na lamang ako ng malakas kahit halatang pilit 'yon.

"Joker ka talaga,yaya! Huwag niyo ngang i-compare sa unggoy kay Ren. K-kawawa naman yung unggoy,ano! Lugi. Halimaw kaya si Delgado."

Napailing na lamang si yaya sa isinagot ko sa kanya.

"Kung ba't naman kasi hindi kayo magkasundo ng batang 'yon. Gwapo, mabait at palabiro naman si Lawrence,ah?"

Nanlaki ang mga mata ko. "My gulay,yaya! Kinulam ka ba ni Delgado at puring-puri mo ang halimaw na 'yon? Gwapo? Yuck! Kung papapiliin ako between him at sa unggoy, do'n na ako sa unggoy. Mabait? You don't know him,yaya. Kapag ako ang pinipeste niya, ang mga biro niya ay insulto. Paano kami magkakasundo ng halimaw na 'yon kung lagi siyang gano'n sa akin?" napalakas ang pagtusok ko sa bacon at tumalsik 'yon sa lamesa.Inis!

"Nag-away na naman ba kayo kagabi kaya naiinis ka naman sa kanya"

Napamulagat ako. "A-alam niyo?"

Napabuntong hininga si yaya. Nilinis niya ang pagkaing tumalsik sa lamesa.

"Galing siya dito kagabi at may dalang sapatos. Naiwan mo daw. Pero dahil wala ka pa,inakyat niya na lamang sa kwarto mo."

Hindi ako nakapagsalita. So, totoo pala na siya ang naghatid dito ng high heels ko? Pero yung note. . .sincere nga ba siya do'n?

"Mukha namang may concern pa rin siya sayo. Pwede naman niyang ibigay sayo sa ibang araw ang sapatos na 'yon pero nag-abala pa siyang pumunta rito kahit gabi na. O pwede ring pabayaan na lamang niya. Mortal naman kayong magkaaway,hindi ba? Pwede rin 'yon. Pero hindi niya ginawa. Sa tingin mo, ano dapat ang maramdaman mo sa ginawa niya?"

Kung ibang tao siguro, agad akong magpapasalamat. Pero dahil si Ren Delgado ang gumawa, hindi ko ata mapipilit ang sarili ko na mag-thank you sa kanya. Not after what he said to me. At parang ang hirap ding paniwalaan na concern siya sa akin. Mas okay pang isipin na concern lang siya sa sapatos ko.

Tumabi sa akin si yaya. Nilingon ko siya. "Nag-away kami bago pa 'yon. Guilty siguro siya sa mga sinabi niya."

"Ano na naman ba ang pinag-awayan niyo?"

Ngumiti ako ng mapakla. "Hindi niyo na po kailangang malaman. Baka atakihin kayo sa puso."

Kahit pa malaki ang galit ko kay Delgado at kating-kati akong siraan siya kay yaya, hindi ko gagawin 'yon. Pintasera ako pero hindi ako naghahanap ng kakampi. I know for a fact that my yaya adores that monster. Ewan ko kung paano nagagawa ni Ren na magustuhan siya ng lahat. Sa akin lang talaga sablay ang mga hirit niya. Malamang, ako lang naman ang pinepeste ng hayop na 'yon. Kasing taas ata ng Mount Everest ang galit niya sa akin. Hindi ko naman alam kung saan nagmumula yung galit na 'yon.

Alangan namang hayaan ko lamang siya na insultuhin ako? Hindi ako nagpapatalo pero inaamin kong lagi ako yung talo. Atleast, hindi ako nag-give up sa mga kabwisitang ginagawa niya. In my own ways, binibwisit ko rin siya. Pero sa huli, ako pa rin ang unang napipikon. Sa galing ba naman mang-insulto ng taong 'yon, sinong hindi mapipikon?

Napaiyak pa nga niya ako sa inis kagabi.

Okay. Naiintindihan kong naman ang point niya. Aminado akong hindi talaga ako confident sa ayos ko kagabi. Kahit pa nga ba maganda ang tingin sa akin ng iba, para namang akong nilipad ng hangin nang punahin ni Ren ang mga mali sa akin.

Parang sinabi niya na rin na kahit anong pagpapaganda pa ang gawin ko, hindi ako magiging babae sa paningin niya.

Anong feeling?

Syempre masakit! Tanga lang ang hindi masasaktan. At hindi ako tanga para hindi masaktan.

Nag-effort ako pero walang napuntahan.

Parang gusto ko na lang mag-quit. Kung hindi lang talaga ako natatakot sa maaari niyang ilabas laban sa akin.

Kung bakit naman kasi hindi ko siya matalo-talo! May agimat ba ang halimaw na 'yon?

"Gusto mo bang magkaayos kayo?" tanong sa akin ni yaya. Natigilan ako.

Gusto ko nga ba?

Umiling na lamang ako. "Mukhang malabo 'yan,yaya. Mukha kasing pinanganak kaming dalawa para magbangayan."

Ngumiti si yaya. Parang may gustong iparating. "The more you hate, the more you love nga, di ba?"

Nangasim muli ang mukha ko at tinignan ko si yaya. "Ya, naman! Ang old school mo talaga. The more you hate, forever you hate na ang usong quote ngayon. Wala ng love love love. Kay Kris Aquino na lang ang line na 'yan."

Natawa na lamang si yaya. "Malay mo. Effective pa. Akala ko nga kagabi, ikaw si Cinderella at hinanap ka ng prinsipe mo. Ang pinagkaiba lang, dalawang sapatos ang naiwan mo."

Iniligpit na ni yaya ang pagkain ko. Naiwan akong tulala. Cinderella? Ako raw si. . .Cinderella?

Imposible. Hindi naman fairytale ang istorya ko. At ibang-iba ako sa mga prinsesa ng Disney. Perfect sila at may mga prinsipe.

Ako. . .

Tawa na lang kayo.

"Hindi ako prinsesa. Hindi naman boyish si Cinderella. . ." bulong ko sa sarili ko.

Wala na ata talaga akong pag-asa.

-

Hinihintay ko si Kuya Greg. Siya ang driver namin. Magpapahatid na ako sa school.

"Miss Rhea?"

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Kuya Greg. Medyo lutang pa kasi ang utak ko.

Lakas ng tama sa akin ng mga sinabi ni yaya.

"Kuya,alis na tayo."

"Ah. . .eh, Miss Rhea. Hinihintay po kayo ni Sir Ren sa labas. Siya raw po ang kasabay niyo papasok sa academy."

"W-what?!" nanlaki ang mata ko. Halos sumayad na ang panga ko sa lupa.

Si Lawrence Delgado ay nasa labas para sunduin ako? Imposible.

Bago pa ako makapagtanong muli kay Kuya Greg ay tumunog ang doorbell. Agad na binuksan ni Kuya Greg ang gate habang ako naman ay tila na-estatwa sa kinatatayuan ko.

And there is the monster I hate the most.

Pagbukas pa lamang ng gate, nagtama na ang paningin namin.

What the heck is this?!

Parang sa mga telenovela na magpipink ang paligid? Yung tipong mawawala ang mga tao sa paligid namin?

No.

Nagkaroon na naman kami ng imaginary battle. Mas magandang i-compare ang eksena namin sa mga anime characters na may ka one-on-one sa laban. Parang may kuryenteng na lumalabas sa aming mga mata at aatakihin namin ang isa't-isa.

"Kuya Greg, tara na!"

Tumakbo ako para buksan ang kotse. Papasok na sana ako pero may biglang humatak sa braso ko.

"No. Sa akin ka sasabay." matigas na sabi ni Ren. Matalim pa rin ang mga titigan namin.

"At sino ka naman para sundin ka? Bitaw!" ipiniksi ko ang braso ko para bumitaw siya pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya. Hudas talaga! "Ano ba?!"

Walang sali-salitang kinaladkad niya ako palabas ng gate. "H-hey!!! Delgado,ano ba?! Nasasaktan ako!"

"Sakay." kalmado pero buo ang boses niya. Parang galit. Pakialam ko naman? Kailan pa ako nagpasindak sa galit niya? Duh. Sasabayan ko pa siya.

"Hindi ako sasakay!" sigaw ko sa mukha niya. Wala akong pakialam kung mabingi siya o kung matalsikan ko siya ng laway.

Binuksan niya ang pintuan sa passenger seat at sapilitan akong sinakay. Halos buhatin pa nga niya ako. "Ano ba?! Kidnapping na 'to,ah!"

"Huwag kang lalabas dyan! Mag-uusap tayo!" sigaw rin niya pabalik.

"Wala tayong pag-uusapan!"

"Marami tayong pag-uusan!"

"Wala!"

"Meron!"

"Wala nga sabi,eh-"

"Pwede ba? Kahit ngayon lang kumalma ka muna? Gusto ko lang na makausap ka ng matino,okay? Matino." isinara niya ang pinto sa passenger seat. Hindi ako naka-react. Natulala na naman ako. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Mag-uusap daw kami ng matino.

Wow.

For the first time!

Sumakay siya sa driver's seat. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan. Nakatitig lamang ako sa kanya. Iniisip ko kung may sumapi bang espirito sa kanya kaya gano'n na lamang siya kung magsalita. Or baka kinain na ng mga zombie ang walang laman niyang utak?

Dalawang minuto na ang lumipas pero hindi pa siya ulit umiimik. Akala ko ba mag-uusap kami ng matino? Damn. Ang laki naman ng sayad ni Delgado! Hindi ko siya maintindihan.

"Alam kong gusto mo akong mawala sa paningin mo pero sorry ka na lang. Hindi ako ice cream na matutunaw kapag tinitigan." nakangising sabi niya. Napanga-nga na naman ako ng bongga. Ilang beses na ba akong napa-nga-ngang wagas ngayong araw?

Inihinto niya ang kotse sa tabi at lumingon sa akin. Kumindat pa ang walang hiya!

Namula ako sa kahihiyan. Para iligtas ang sarili ko sa pagkapahiya, hinampas ko siya ng makapal na physics book namin. Sapul siya sa mukha kaya napadaing siya at napamura.

"Talagang hindi ka ice cream na madaling matunaw! Dahil para kang pader. Ang tigas ng mukha mong bwisit ka!" sigaw ko pa sa kanya.

Hinihimas-himas niya ang nasaktan niyang ilong. "Sadista ka talaga. Kailangan mo ba talagang hampasin ako ng libro sa mukha?"

"Wow ,ha? Ako pa ngayon ang sadista?!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ang hilig mo kasing manakit! Hindi ka talaga babae." naiiling na sabi niya.

Natahimik ako.

Ngumiti ako ng mapakla at umiwas ng tingin. Alam ko na kung saan mauuwi ang usapang 'to. Iinsultuhin niya na naman ako. Sasabihan na naman niya ako na hindi ako babae sa paningin niya. Pakshet siya.

"Matinong usapan pala,ha. Saan banda?" bulong ko sa sarili ko. Pero mukhang narinig niya dahil ramdam ko ang mga titig niya sa akin.

Takte naman kasi,eh. Dapat nasasanay na ako sa mga pang-iinsulto niya sa akin.

Hindi dapat ako nagpapadala sa mga sinasabi niya. Wala dapat akong nararamdamang kahit ano kapag may mga pasaring siya sa akin. Matagal na kaming ganito. Dapat sanay na sanay na ako sa ugali niya.

Tama si Coby.

Hindi ko dapat iniiyakan ang mga insulto niya.

Ilang minuto na ang lumipas ng magsalita siya.

"Did you see the note?"

Napigil ko ang aking paghinga. Sasabihin ko bang 'oo'? Pag sinabi ko 'yon, anong idadahilan ko? Pag naman 'hindi', ano na namang ipapalusot ko. Bwisit na note 'yan!

I cleared my throat. Napagpasyahan kong sabihin ang totoo. "Oo. Ano naman ngayon?" sinabi ko 'yon sa malamig na tono para isipin niyang wala akong pakialam.

Wala naman talaga akong pakialam,di ba? Oh,come on!

"Okay. I must admit na naiilang ako sayo ngayon. We're not like this. We argue a lot of times but not like this-"

Liningon ko siya at binigyan siya ng nag-aakusang tingin. "Because you're nothing but an ass."

"Rhea, I didn't mean to-"

"You didn't mean what? To insult me? Pakshit ka,Delgado! Kulang na lang ipagsigawan mo ang kapangitan ko! Tangina mo!" hindi ko napigilan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Naluluha ako at todo ang pagpipigil ko para hindi 'yon bumagsak.

Hindi siya nakapagsalita. Mukhang na-guilty.

Guilty? Si Lawrence Delgado? Magi-guilty? Tawa na lang. Imposible 'yon. Walang puso,atay at balun-balunan ang hinayupak na 'to. Isa siyang alien na nagpapanggap na tao.

"Tingin mo ba, para saan ang kontrata?" mahinang tanong niya. Hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatunghay siya sa manibela.

"Para saan pa? Eh di para mapahiya ako. Hindi ba 'yun naman ang gusto mo? Mapahiya ako sa harap maraming tao? Gusto mo ring isupalpal ako. Pinapamukh mo sa akin na hindi ko kaya ang mga nilagay mo sa lintek na kontratang 'yon! Ang saya mo nga kagabi,di ba? Ininsulto mo na naman ako. Tangina mo ,sagad! Siguro inisip mong nagpauto ako sayo,ano? Makapanlait ka parang napakaperpekto mong gago ka!"

Lahat na ata ng mura nasabi ko na. Pero kahit pa ata magmura ako maghapon, hindi mawawala yung pagkabwisit ko sa kanya.

Naiiyak na ako.

Kailangan ko si Coby. Kailangan ko. . .kailangan ko si Coby. . .

Pero wala akong magawa. I'w with him. Yung taong dahilan kung bakit naiiyak ako sa inis. Kahit pa isigaw ko ng malakas ang pangalan ni Coby, si Ren lang ang makakarinig sa akin.

"Pakshet ka,Delgado! Pakshet ka!" naitakip ko na lamang ang kamay ko sa aking mukha. Hindi ko na napagilan. Naiyak na talaga ako.

Ngayon lang ako na-disappoint sa sarili ko. Ba't ba kasi napakahina ko pagdating sa kanya? Ba't lagi akong taluñ pag kalaban ko siya? Ba't gano'n?

At frustrated rin ako. Yung frustration ko, mas mataas na sa pride ko. Naiisip ko na ngang mag-back out. Gusto ko na mag-quit.

Ang hirap naman kasi ng ganito. Nagtry naman ako pero yung kalaban ko ang mag-ja-judge sa akin kung nakapasa ba ako o hindi.

At dahil siya ang huhusga, malamang na insulto lang talaga ang marinig ko sa kanya.

Hinding-hindi siya papayag na manalo ako. Asa pa ako.

"Coby. . .Coby. . ." usal ko habang humihikbi. Para akong batang naghahanap ng magulang at gustong magsumbong.

Ilang segundo ang lumipas , may huma-hagod sa likod ko.

"Sorry,Rhea. . ." mahina niyang sabi.

Natigilan ako sa pag-iyak at napatingin sa kanya.

"Sorry. . ." usal niyang muli. Tinignan ko siya sa mata. Sising-sisi. Nanlulumo at malungkot.

Ba't naman siya malulungkot? Dapat nga magpaparty pa siya,di ba? Napabagsak na naman niya ako. Ako na naman ang talunan. Ako na naman ang nagmukhang kawawa. Dapat masaya siya.

"Hindi ko ginusto 'to. Hindi ito ang plano ko." umungol siya na tila nasasaktan at malakas na pinukpok ang manibela. Nagulat ako sa inasal niya.

"I'm sorry,Rhea. Pero sana, maniwala ka na ginawa ko ang kontrata para tulungan ka. Gusto kong maging babae ka, hindi para ipahiya ka. Gusto kong maging babae ka para. . ." hindi niya itinuloy. Napapikit na lamang siya.

Ilang sandali siyang nanatili sa gano'ng ayos.

"Pag naging babae ka, tatantanan na kita. Iyon ang gusto mo,di ba? Once you become a lady, I promise you. . .ako na mismo ang lalayo. Tapusin lang natin yung contract. Please." he's begging.

Hindi ako makapaniwala na siya pa ang nagmamakaawang gawin ko 'to. Bakit ba? Ano bang motibo niya? Ano bang mapapala niya kapag naging totoong babae ako? Nagmumukha siyang desperado para lang gawin ko ang nasa kontrata niya.

"Last na 'to,Rhea. Last na deal na 'to. Kaya please, gawin natin ng tama. . ."

Nalilito man, wala akong nagawa kung hindi tumango. Sumasakit na rin ang ulo ko sa mga katanungang sumusulpot sa utak ko.

Desperado siya. Desperado na rin ako.

Para saan?

Sabi niya,last na 'to.

Pagtapos nito, wala na siya.

Magiging masaya na ako.

Yun lang ang hinihintay ko.

Ang mawala siya sa buhay ko.

>>next update . . .

Continue Reading

You'll Also Like

16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.3M 18.9K 56
High school friendship.
6.9M 27.7K 16
She was a princess turned nobody. They were the men that every girl wanted to be their prince. They did not plan it but their paths crossed, and so a...